Share

Chapter 19: Grief and Accusations

“HINDI ITO TOTOO! Hindi ito totoo! Hindi pa patay si Vivienne! Hindi si Vivienne iyan. Buhay ang anak ko! Buhay pa siya!” pagdadalamhati ng mama ni Vivienne habang yakap-yakap ito ni Kairos.

Nasa labas sila ng morgue—sa local morgue kung saan dinala ang di umano’y katawan ni Vivienne at doon ito inotopsiya. Sabi ni Dr. Gilbert Santos, isang forensic pathologist, at siyang nag-perform ng autopsy sa katawan ni Vivienne—kumpirmadong si Vivienne talaga ang bangkay na iyon.

Natagpuan ito sa isang beach sa Batangas, palutang-lutang ang unti-unti na nitong naaagnas na katawan habang balot pa ito ng mga damong-dagat. Dahil na rin sa ilang araw itong nasa tubig, naging bloated na ang katawan nito at mahirap na ring makilala ang mukha nito. Pero agad ding nakumpirma ni Dr. Gilbert Santos na si Vivienne nga iyon dahil sa suot at sa DNA nito.

“Kairos, ano bang nangyari? Bakit humantong sa ganito? Diyos ko, ang anak ko! Hindi siya si Vivienne, ‘di ba? Sabihin mo sa akin! Sabihin mo sa akin, Kair
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status