Share

Chapter 15: Devil Husband

ALAS-DIYES NA NG gabi subalit gising pa rin si Vivienne habang walang kapagurang hinihintay ang asawa niya sa living room.

Simula nang sundan nito si Celeste kanina, hindi pa rin ito bumabalik kaya lubusan nang nag-aalala si Vivienne para rito. Sinubukan din niyang tawagan ang numero ni Kairos pero unattended ito. Nakatulog na’t lahat-lahat si Thalia, hindi pa rin dumadating ang asawa niya.

Ano na kaya ang nangyari kay Kairos? Naging matagumpay kaya ang pagpigil nito kay Celeste? May parte sa puso ni Vivienne na magaan dahil kung nagtagumpay si Celeste sa plano nitong isuplong kay Rogue ang totoo—na anak nito si Thalia, dapat ay kanina pang nandito ang ex-husband niya para komprontahin siya. Pero wala—walang Rogue ang dumadating kaya malakas ang kutob ni Vivienne na nakagawa si Kairos ng paraan upang mapigilan si Celeste.

Mayamaya pa, agarang napatayo si Vivienne sa kinauupuan nang bumukas ang pinto. Nang silipin niya iyon, nanlaki agad ang mga mata niya nang makitang si Kairos. Pero
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status