HATING-GABI NA SUBALIT hindi pa rin makatulog si Vivienne. Patuloy pa rin ang ulan sa pagragasa mula sa kalangitan at sinasabayan iyon nang walang humpay na pagkulog at pagkidlat. Malakas din ang ihip ng hangin at nagsasayawan ang mga puno at halaman sa labas. Nawalan na rin ng kuryente at mabuti na lang ay may backup silang supply ng kuryente mula sa generator.
Nakatayo si Vivienne sa harap ng bintana habang sinusubukang sumagap ng signal. Ilang oras na rin simula nang mawala ang signal at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin iyon bumabalik. Hindi na niya tuloy alam kung ano na ba ang lagay ni Kairos ng mga oras na ito. Lubusan na siyang nag-aalala sa asawa niya. At sa gitna nang pag-aalala, bigla niyang narinig ang pag-awang ng pinto. Dali-dali niya iyong hinarap at umaasa siyang si Kairos ang makikita subalit nadismaya si Vivienne nang makita si Rogue. “What are you doing here?” tanong niya sa lalaki. Nakapamulsang pumasok si Rogue sa labas. “Hindi mo pa rin ba makontak ang asawa mo?” “Wala pa ring signal, hinihintay ko ngang bumalik. But I think matutulog na lang ako kaysa hintayin pa. For sure nasa maayos namang kalagayan si Kairos. Ayoko sanang i-gaslight ang sarili ko, but I think I need to.” “He's fine, for sure.” “And how can you say that?” Diretsong tumingin si Rogue sa kaniya. “Nasa duty siya, sigurado naman na nasa station siya. Besides, kung uuwi siya, hindi rin siya makakauwi. The flood is too high to pass through. If I were him, I’d back off.” Tumango si Vivienne bago lumapit sa kama. “Matutulog na ako, Ros—” “I'm sorry, Vivi.” “I said stop calling me Vivi. That was my nickname when we were together, but now that we’re not, you have no right to call me that,” walang emosyong turan ni Vivienne. “I'm sorry, Vivienne. I'm sorry kung kailangan umabot sa ganito. We were happy naman before, ‘di ba? Just because of a dámn video, you believe that I cheated on you when, in fact, I did not.” Lumunok si Vivienne. “Ito na naman ba tayo, Ross? Ganito na naman ba tayo? My God, it's been three years, hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Red flag iyong ipinakita mo sa video. That's also micro-cheating. The way Celeste touched you, how she rested her head on your shoulder, and your careless attitude towards her actions—these are all signs of cheating behavior. Hindi mo man lang ba inisip ng mga panahong iyon na kasal ka? Na may uuwian ka pang asawa?” Hindi na napigilan ni Vivienne ang emosyon niya. Tumulo na ang ilang butil ng luha sa mga mata niya habang matamang nakatingin sa direksyon ni Rogue. “Vivi—” “Stop, huwag kang lalapit sa akin,” pigil niya kay Rogue nang akmang maglalakad na ito palapit sa kaniya. “Vivienne, kailan ka ba makikinig sa akin? I wasn't cheating on you at that time. It's just that Celeste and I are very close. Besides, it's my mom's birthda—” “Birthday ng mommy mo pero hindi ka man lang nag-atubiling imbitahan ako? Yes, Ross, alam ko ang sitwasyon. Ayaw sa akin ng mommy mo, pero hindi ibig-sabihin noon ay kailangan mo na akong baliwalain. Ni hindi mo ako sinabihan na aalis kayo ng mga bata, so anong in-e-expect mong magiging reaksyon ko? Matuwa? I am your wife, Ross. Pero… pero pakiramdam ko noon, hindi mo man lang ipinaramdam sa akin ang pagiging asawa mo. Mas ipinaramdam mo sa akin na wala akong kuwenta. Alam mo, nagsisisi ako na nagpakasal ako sa isang katulad mo!” Tumango si Rogue. “Vivienne, hindi ako magsasawang sabihin sa iyo na hindi kita niloko. Mahal kita, mahal na mahal kita bilang asawa ko. I even married you because I love you. But I understand how you feel, and… I'm sorry for being an unfaithful husba—” Hindi pa man natatapos si Rogue sa pagsasalita nang biglang umiyak si Thalia mula sa kabilang silid. Bumaba si Vivienne sa kama at dali-daling nagtungo sa silid ng kaniyang anak. At napa-awang na lang siya nang makitang nasa lapag na ito habang yakap-yakap ang sariling mga tuhod at patuloy pa rin sa pag-iyak. “I'm here, baby. I'm here.” Niyakap niya si Thalia. “What happened, baby? Don't worry, mommy's here. Hindi kita iiwan.” “Mommy, I have a nightmare,” umiiyak na sambit ni Thalia habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya. “What is that, baby?” “Mommy, I saw a man… he… he told me he's my father, but… but there's also another man, holding a gún—just like daddy's. Then… then he shot the man who told me he's my father.” “Shhh, it's just a nightmare, okay? Huwag mo nang isipin iyan. Walang katotohanan iyan.” “I'm scared, mommy.” “I know, baby. That's why mommy's here. Hindi kita iiwan, okay?” Tumango si Thalia. Inalo ni Vivienne ang anak at nang bumalik na ito sa pagkakatulog, marahan niya itong inilapag sa kama nito. Inayos niya ang magulo nitong buhok at siniil ng halik ang noo nito. “How old is she?” mayamaya pa'y tanong ng isang tinig mula sa hindi kalayuan. Mula sa pinto, nakita niya si Rogue. Nakatayo ito roon habang nakasandal sa hamba. “Three…” “Nabuntis ka agad nang mag-divorce tayo?” seryoso ngunit kalmadong tanong ni Rogue. “Kairos came into my life a month after we divorced,” tugon ni Vivienne bago tumayo. “He came into my life and helped me move on,” dagdag niya pa bago lumabas ng silid. “Ganoon ba ako kadaling palitan, Vivienne? You made Kairos your rebound.” Humarap si Vivienne kay Rogue, seryoso ang mukha niya. “You’re right. I made him my rebound. He helped me cope with the pain I was dealing with. He supported me, and made me realize that you’re nothing. Dahil doon, minahal ko siya.” Inangat ni Vivienne ang kamay niya kung saan nakalagay ang wedding ring niya. “And I even married him,” aniya pa bago tuluyang bumalik sa silid nilang mag-asawa. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob nang itulak siya ni Rogue sa pader at ikinulong siya nito gamit ang mga braso nito. Tinitigan siya nito sa kaniyang mga mata bago walang pagdadalawang-isip na sinunggaban ang mga labi niya. “Mommy? Daddy? What are you doing?” Mabilis na itinulak ni Vivienne si Rogue at binalingan ang nagsalita. At napa-awang siya nang makita si Leander, takang-taka habang nakasulyap sa kanilang dalawa ni Rogue.“DON'T MIND WHAT you saw, okay? It's… it's nothing. Let's go, Quentin needs us…”“Daddy, are you kissing mommy? Does that mean you're back together?” inosenteng turan ni Leander.Mabilis na umiling si Rogue samantalang si Vivienne ay nakatayo habang nakatanaw sa kaniyang anak na takang-taka pa rin hanggang ngayon.“No, baby, we're not back together. Come on, let's go,” aya ni Rogue sa anak.Tumango si Leander kaya tumayo na si Rogue sa pagkakaupo mula sa harap ng anak at binuhat ito. Sandali niyang sinulyapan si Vivienne bago naglakad patungo sa silid kung nasaan si Quentin.“Good night, mommy,” pahabol pa ni Leander.Nakangiting kinawayan ni Vivienne ang anak bago sapo ang dibdib na pumasok sa silid nilang mag-asawa. Ngayon lang niya naproseso ang ginawa ni Rogue sa kaniya. He kissed her without her permission, and Vivienne felt as if Rogue's lips were glued on hers.Anong sa tingin nito ang ginagawa nito? Divorce na silang dalawa, at may asawa na rin siya. Anong pumasok sa utak ni R
“WHAT… WHAT… WHAT d-did y-y-you s-say?” nauutal na tanong ni Vivienne sa anak—tila hindi maproseso ng utak niya ang tanong nito.“Do you still love daddy?” ulit na tanong ni Quentin sa kaniya.Napalumod ng laway si Vivienne ng sandaling iyon habang nakatitig sa mga mata mg anak. Hindi niya alam ang sasabihin niya kaya wala siyang maisagot sa anak. Animo'y naputulan siya ng dila upang mahirapang sumagot kahit ang totoo ay simpleng oo at hindi lang ang isasagot niya. Bakit tila nahihirapan siya?“Quentin, ayokong pag-usapan ang tungkol di—”“Mahirap po bang sumagot ng simpleng oo o hindi ang tanong ko?” seryosong tanong ni Quentin.Nawindang si Vivienne. She didn't expect him to grow like that—to have such a level of maturity. Everyone could comprehend his simple question, yet for Vivienne, it was really hard to give an answer. The way he questioned her made it seem like he wasn't a seven-year-old child, which was totally shocking for Vivienne.“Hindi! Hindi ko na siya mahal!” madiing s
MALALIM NA ANG gabi at sa wakas ay humupa na rin ang ulan. Nakatayo muli si Vivienne sa harap ng bintana habang titig na titig sa screen ng kaniyang cellphone. At mayamaya pa ay sumilay agad ang ngiti sa mga labi niya nang makitang nagkaroon na ng signal. Dali-dali niyang tinawagan ang numero nito. Ilang segundo iyong nag-ring bago ito sumagot.“Kairos, where are you no—”Biglang namatay ang tawag. Pero hindi sumuko si Vivienne, muli niya itong tinawagan pero sa pagkakataong iyon ay unattended na ito. Bumakas ang gulat sa mukha niya at nanghihinang umupo sa kama.Nagbaba siya ng tingin sa palad niya kung saan nakapatong doon ang singsing ni Kairos. Ayaw niyang isipin ang gustong ipahiwatig ni Rogue kanina subalit hindi niya mapigilan. Paano kung… paano kung niloloko nga siya nito? Kung hindi pa pumunta si Rogue sa basement, hindi pa nito makikita ang wedding ring ni Kairos.Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ni Vivienne sa kaniyang lalamunan bago ibinagsak ang sarili sa kama. P
SIMPLENG PAG-UUSAP LANG sana iyon subalit bigla iyong nauwi sa away mag-asawa. Nagkasagutan sina Vivienne at Kairos at walang ibang maririnig sa silid nila kundi ang malalakas nilang pagtatalo.“Ang punto ko lang ay bakit hindi mo masagot ang simpleng tanong ko? You lost the ring? Kung nawala mo pala iyan, bakit… bakit hindi mo sinabi sa akin? Kung hindi pa pumunta si Ross sa basement para ayusin ang tubo ng lababo natin, hindi pa iyan makikita. What's wrong with you, Kairos? Ililihim mo sa akin habang-buhay na nawala mo ang singsing? You could have informed me, but you chose not t—”“Enough, Vivienne! Ayoko nang pag-usapan ito. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na nawala ko ito? Muwang ko bang nandoon pala iyon. I'm clueless, hun. Hindi ako nagsasabi sa iyo dahil… dahil ayokong mag-alala ka. I'd rather buy a new one than search for it endlessly. But thanks to your ex-husband, he found it!”Kinuha ni Kairos ang susi ng kotse nito at nang akmang lalabas na ito ng silid nila nang mab
KAKATAPOS LANG MAG-ROUND ni Vivienne sa Pediatric Ward at handa na siyang bumalik sa nurse's station nang biglang tumunog ang pager niya. Nangungunot ang noo niyang tiningnan iyon at binasa ang mensaheng ipinadala sa kaniya mula sa reception desk.“Nurse Vivienne, please come to the healing garden. May gustong kumausap sa iyo.”Nagtataka man, sinunod niya pa rin ang nasa mensahe. Sumakay siya ng elevator patungo sa rooftop kung saan matatagpuan ang healing garden ng ospital. Iyon ang pinakapaboritong lugar ni Vivienne sa ospital sapagkat nakaka-relax doon dahil sa napakapayapang kapaligiran.Nang bumukas ang elevator, lumabas na rin siya at naglakad sa hallway patungo sa pinto kung saan iyon ang nagsisilbing daanan at labasan palabas at papunta sa healing garden.Nang makalabas si Vivienne, nagmasid-masid siya sa buong kapaligiran. May mangilan-ngilan lang tao ng oras na iyon. Sino naman kaya ang gustong kumausap sa kaniya? Eh, ni isa’y wala siyang kilala.Kokontakin na sana ni Vivien
“I HATE TO say this, apo, pero ayoko nang nakikipagkita ka sa babaeng iyon. Masama siyang tao, Leander. She's the worst person on the whole universe. Huwag ka nang lalapit sa kaniya or else, I’ll punish you.”Kakapasok pa lang ni Rogue sa bahay ng mga magulang niya nang bumungad agad sa kaniya ang ina niya habang pinapagalitan nito si Leander. Lumuluhang nakaupo si Leander sa sofa habang nakatayo naman sa harap nito ang nana niya habang nakapameywang.Kumunot ang noo ni Rogue kapagkuwan ay naglakad siya patungo sa mga ito. “What is this, mom?” naguguluhang tanong ni Rogue sa ina. “Bakit mo pinapagalitan si Leander?” aniya pa.Tumayo ang anak niya at yumakap sa baywang niya—takot na takot ito—halatang kanina pa itong pinapagalitan ng ina niya.“Nabalitaan ko na pinuntahan niya si Vivienne sa pinagtatrabahuhan niya. Did you give him permission to visit that bítch?”“Mom, your mouth!” suway ni Rogue sa ina niya. “Yes, I gave him permission to visit his mother. Stop manipulating my son, m
HINDI NA ALAM ni Rogue kung ilang kilometro na ang itinatakbo niya. Magkakalahating oras na rin simula nang mag-jogging siya kaya napagpasyahan na rin niyang bumalik sa kaniyang bahay para mag-light exercise sa gym niya.Topless si Rogue ng sandaling iyon at tagaktak na siya ng pawis kaya nagniningning na ang maskulado niyang katawan. At sa tuwing may mga nakakasalubong siyang mga tao lalo na ang mga babae ay hindi nila mapigilang mapatingin sa kaniya.For some reason, Rogue still remains séxually attractive. Alagang-alaga nito ang katawan nito sa gym. Malalaki ang mga muscle nito. Isama pa ang mga abs nitong nag-uumbukan sa tiyan nito. Isa iyan sa mga ipinagmamalaki ni Rogue. Dahil kahit 30 na siya, attractive pa rin siya—at marami pa ring mga babae ang handang magkandarapa para sa kaniya.Habang tumatakbo si Rogue ay may suot siyang earbuds sa kaniyang mga tainga at may tumutugtog doong musika. Nakakonekta iyon sa cellphone niyang nasa armband na suot niya. Seryoso lang siyang tumat
“HINDI KO NA po alam ang gagawin ko, mama,” walang emosyong tugon ni Vivienne sa kaniyang mama nang banggitin nito ang tungkol sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Kairos.Until now, hindi pa rin sila maayos. At magpahanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang asawa niya kaya alalang-alala na siya rito lalo pa't hindi man lang nito nagawang sagutin ang maya’t-mayang pagtawag niya rito. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang mag-away sila, at isang linggo na ring hindi mapalagay si Vivienne.“Ipinagtanong mo na ba sa mga kaibigan niya? O kaya naman sa pamilya niya? Anak, hindi kayo puwedeng ganiyan, na magkaaway. May anak kayo, kailangan kayo ni Thalia.”Bumuntong-hininga si Vivienne. “Wala pong alam ang mga kaibigan niya kung nasaan si Kairos. At sabi po ng ina ni Kairos sa akin, never daw umuwi roon ang anak nila simula nang araw na nag-away kami. Pumunta na rin po ako sa station na pinagtatrabahuhan niya, pero bigo rin po akong makita siya roon. Ma, ayoko sanang sabihin ito pe
“ARE YOU OKAY, Vivienne?” nag-aalalang tanong ni Rogue sa kaniya.Mabilis na tumango si Vivienne. “Yes, kahit hindi.”“Is there any problem, Vivienne? Tell me.”Bumuntong-hininga si Vivienne. “Kung may problema man ako, I think labas ka na roon.”Maglalakad na sana palayo si Vivienne nang mabilis siyang pigilan ni Rogue sa pamamagitan nang paghawak nito ng braso niya. Pagalit iyong binawi ni Vivienne bago masamang tingin ang ipinukol sa lalaki.“Ano bang kailangan mo, Rogue? Puwede bang lumayo ka na sa akin? Puwede bang kahit ngayon lang ay bigyan mo ako nang kapayapaan? Ang dami-dami ng nangyayari sa buhay ko, Rogue. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Nawala na sa akin ang lahat. As in lahat. Tapos ngayon, may sakit pa si Thalia. She was diagnosed with leukemia, Rogue. Kaya nakikiusap ako sa iyo, layuan mo na ak—”“Tutulungan kita, Vivienne. How much do you need? I can give it to you. Just tell me.”Pinakatitigan ni Vivienne ang mga mata ni Rogue. Inisip niya ang sinabi nito.
PAKIRAMDAM NI VIVIENNE ay pinagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman niyang mayroong leukemia si Thalia. Nang marinig iyon mula sa mama niya, halos ilang oras siyang tulala bago siya tuluyang bumalik sa sarili niya.Ngunit akala ni Vivienne ay iyon lamang ang magiging dagok sa buhay niya subalit nagkamali siya nang malaman niya na kinuha ni Kairos ang lahat ng pera niya. Ni piso ay wala itong itinira sa bangko niya. At ang mas masakit, kinuha nito ang insurance niya na sana'y para sa pamilya niya. Milyong-milyon ang nawala kay Vivienne—at gusto na lang niyang mawala sa tuwing iniisip niya iyon. Ang bahay naman niya, dahil bigo siyang mabayaran ang mortgage niya, na-foreclose na iyon—ibig-sabihin, kinuha na ng bangko ang karapatan sa bahay niya at ibebenta iyon upang maibalik sa kanila ang natitirang balanse ng mortgage.Masakit kay Vivienne ang mga nangyari. Nawala na lang bigla ang lahat-lahat sa kaniya dahil lang sa isang taong pinagkatiwalaan niya. Hindi niya inaasahan na it
PALIBAN NA SANA si Vivienne sa kabilang kalsada nang biglang dumating ang humahangos na sasakyan. Muntikan na siya nitong mahagip at mabuti na lang ay nakaiwas siya agad. Pero ang sasakyan, dire-diretso hanggang sa sumadsad iyon sa poste kaya naman nagasgas iyon.Pagkahinto ng kotse, lumabas doon ang isang babae at tiningnan ang estado ng kaniyang sasakyan. At doon ay bumakas agad ang galit nito nang makitang napinsala ang sasakyan niya. Humarap ito kay Vivienne, at matalim na tingin ang ipinukol nito bago ito naglakad palapit.“You scratched my car!” hiyaw ng babae kay Vivienne at walang pagdadalawang-isip na sinampal siya.Sa gulat ni Vivienne, napaatras siya bago sinapo ang pisnging sinampal ng antipatikang babae.“Alam mo ba kung gaano kamahal ang kotseng iyon tapos magagasgas lang nang dahil sa iyo?! Baka kahit ipagbili mo iyang katawan mo, hindi mo kayang bayaran ang kotse ko! Tanga ka!” bulyaw ng babae sa kaniya.“Bakit mo sinisisi sa akin ang hindi mo pagiging maingat? Liliban
THREE MONTHS AGO, Dr. Gilbert Santos informed Rogue that the corpse wasn't actually Vivienne—it was another woman. Upon learning this, Rogue began searching for his ex-wife. He even hired numerous men to help find Vivienne, but months later, they still failed to locate her. Napag-alaman din ni Rogue kay Dr. Gilbert na plano ni Kairos ang lahat. Kairos threatened him kaya napilitan itong gawin ang kagustuhan nito—na sabihin sa kanila na ang bangkay ay si Vivienne, pero ang totoo ay hindi. At ilang buwan na rin ang nakakalipas nang biglang maglaho na parang bula si Kairos. Umalis ito, at hindi na nagpakita pa. Hindi nagkamali si Rogue sa pagdududa niya kay Kairos. Una pa lang, there’s something really off about that man kaya hindi siya naniwala sa mga sinasabi nito—na wala itong alam sa nangyari kay Vivienne. That man is a criminal, and he needs to be imprisoned for harming Vivienne. But the big question is… where is Vivienne now? “Bro, malalim na naman ang iniisip mo,” mayamaya pa'y
HABANG MASAYA ANG mga kaibigan ni Rogue sa loob ng villa, nasa labas siya—nakaupo sa duyan habang hawak ang isang bote ng beer. Nakatingala siya sa kalangitang punong-puno ng mga bituin habang malalim ang iniisip.Hating-gabi na pero maririnig pa rin ang mga malalakas na boses ng mga kaibigan niya sa loob. Naghahalakhakan sila habang si Rogue ay may sariling mundo. Bachelor party pala ng isa sa mga kaibigan ni Rogue, si Ashton na ikakasal na sa isang linggo. Nandito silang magkakaibigan ngayon sa private villa ni Ashton upang ipagdiwang ang huling gabi ni Ashton na kasama sila bago ito pumasok sa buhay may asawa lalo pa't buntis na rin ang fiancee nito.Nagpakawala ng hangin sa bibig si Rogue bago sumimsim sa kaniyang beer at ibinalik ang atensyon sa kalangitan.“Why are you here alone, Rogue?” mayamaya pa'y tanong ng isang tinig.Tiningnan ni Rogue kung sino iyon at umayos siya nang pagkakaupo sa duyan nang makita si Carter. May hawak din itong beer. Naglakad si Carter palapit sa kan
“NERISSA!” ISANG MALAKAS na sigaw ang awtomatikong nagpatayo sa kinahihigaang papag ni Nerissa.Dali-dali siyang lumabas ng kubo at napamulagat siya nang bumungad si Alfonso sa kaniya—ang kaniyang nobyo—na duguan ang braso at basang-basang pa ang buong katawan nito.“Diyos ko! Anong nangyari sa iyo, Alfonso?” nag-aalalang tanong ni Nerissa sa nobyo bago ito inakay papasok sa kanilang munting kubo.Marahang inupo ni Nerissa si Alfonso sa papag at kumuha ng malinis na tela bago iyon inilapat sa sugat nito. Patuloy pa rin ang pagtagas ng dugo sa sugat nito kaya nilapatan na niya iyon ng presyon ng sa gayon ay bahagyang tumigil ang paglabas ng dugo kapagkuwan ay kumuha siya ng tuwalya at ipinatong iyon sa balikat nito.“Nahulog ako sa bangka habang nangingisda tapos tumama itong braso ko sa matulis na bato,” paliwanag ni Alfonso.“Eh, bakit ka naman kasi nahulog? Iyan ka na naman, hindi ka na naman nag-iingat. Noong nakaraang buwan, nakipagbasagan ka ng mukha, tapos ngayon, iyang braso mo
THEY ONLY HAVE two options: i-cremate ang katawan ni Vivienne o ilibing ito. Nasa decomposition process na ang bangkay ni Vivienne kaya sinabihan sila ni Dr. Gilbert na dapat ay makapagdesisyon na sila. May health risk na raw ito kaya kailangan na agad nilang magdesisyon. At dahil ayaw nang masaktan ng mama ni Vivienne ang anak niya, ito ang nagdesisyon na ilibing ito. Dahil doon, kinabukasan ay inayos agad ang burol ni Vivienne. Ilang oras lang itong ibuburol at ililibing din agad para hindi kumalat ang bacteria at mga gases na nanggagaling sa bangkay ni Vivienne.“Condolences, ma'am,” malumanay na usal ni Rogue sa mama ni Vivienne nang makalapit siya rito habang kasama sina Leander at Quentin.“Salamat, Rogue,” malungkot na tugon ng ginang sa kaniya.“Lola!” sabay na sabi ng magkambal bago niyakap ang kanilang lola. “Salamat at pumunta kayo, mga apo!” emosyonal na turan ng ginang habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang mga apo kapagkuwan ay nag-angat ito ng mukha kay Rogue. “Salam
“HINDI ITO TOTOO! Hindi ito totoo! Hindi pa patay si Vivienne! Hindi si Vivienne iyan. Buhay ang anak ko! Buhay pa siya!” pagdadalamhati ng mama ni Vivienne habang yakap-yakap ito ni Kairos.Nasa labas sila ng morgue—sa local morgue kung saan dinala ang di umano’y katawan ni Vivienne at doon ito inotopsiya. Sabi ni Dr. Gilbert Santos, isang forensic pathologist, at siyang nag-perform ng autopsy sa katawan ni Vivienne—kumpirmadong si Vivienne talaga ang bangkay na iyon. Natagpuan ito sa isang beach sa Batangas, palutang-lutang ang unti-unti na nitong naaagnas na katawan habang balot pa ito ng mga damong-dagat. Dahil na rin sa ilang araw itong nasa tubig, naging bloated na ang katawan nito at mahirap na ring makilala ang mukha nito. Pero agad ding nakumpirma ni Dr. Gilbert Santos na si Vivienne nga iyon dahil sa suot at sa DNA nito. “Kairos, ano bang nangyari? Bakit humantong sa ganito? Diyos ko, ang anak ko! Hindi siya si Vivienne, ‘di ba? Sabihin mo sa akin! Sabihin mo sa akin, Kair
ONE WEEK LATER…“Hindi ka ba titigil kakahanap diyan sa ex-wife mo?” iritadong tanong ni Seraphina kay Rogue bago ito bumangon sa pagkaka-unan ng ulo nito sa matigas na dibdib ni Rogue.Sandaling tiningnan ni Rogue ang babae bago nagpatuloy sa pag-i-scroll sa kaniyang cellphone. “Why do you care, huh?” tanong niya kapagkuwan.“I care about it because you're not giving me any attention. We just had séx, tapos iyan agad ang gagawin mo, ang hanapin ang ex-wife mo? My God, Rogue.” Inis na bumaba si Seraphina sa kama bago nagsimulang magbihis. “Anong gusto mong gawin ko? Ehele ka hanggang sa makatulog ka?” Bakas ang iritasyon sa boses ni Rogue ng sandaling iyon habang hindi pa rin binibigyan ng atensyon ang babaeng kanina pang naghihimutok. “That's not what I meant, Rogue. Ayoko lang na mas binibigyan mo ng atensyon iyang ex-wife mo kumpara sa akin. Ni hindi mo man lang ako tinanong kung nagustuhan ko ba ang ginawa natin. Well, let me answer that. No, Rogue, no! I did not like what we d