“DON'T MIND WHAT you saw, okay? It's… it's nothing. Let's go, Quentin needs us…”
“Daddy, are you kissing mommy? Does that mean you're back together?” inosenteng turan ni Leander. Mabilis na umiling si Rogue samantalang si Vivienne ay nakatayo habang nakatanaw sa kaniyang anak na takang-taka pa rin hanggang ngayon. “No, baby, we're not back together. Come on, let's go,” aya ni Rogue sa anak. Tumango si Leander kaya tumayo na si Rogue sa pagkakaupo mula sa harap ng anak at binuhat ito. Sandali niyang sinulyapan si Vivienne bago naglakad patungo sa silid kung nasaan si Quentin. “Good night, mommy,” pahabol pa ni Leander. Nakangiting kinawayan ni Vivienne ang anak bago sapo ang dibdib na pumasok sa silid nilang mag-asawa. Ngayon lang niya naproseso ang ginawa ni Rogue sa kaniya. He kissed her without her permission, and Vivienne felt as if Rogue's lips were glued on hers. Anong sa tingin nito ang ginagawa nito? Divorce na silang dalawa, at may asawa na rin siya. Anong pumasok sa utak ni Rogue para halikan siya? Tapos nasaksihan pa ng anak nila ang ginawa nito. Sunod-sunod na nagpakawala ng hangin sa bibig si Vivienne bago ibinagsak ang sarili sa kama. Mukhang hindi na talaga dadating si Kairos kaya magpapahinga na lang siya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinayaang lamunin siya ng kadiliman. At nang sumapit ang kinabukasan, napabalikwas na lang si Vivienne nang maramdaman niyang bahagyang tumatalbog ang katawan niya. At napailing na lang siya nang makita sina Leander at Thalia na tumatalon sa kama. “Good morning, mommy,” masiglang bati sa kaniya ni Leander bago ito lumapit sa kaniya at siniil siya ng halik sa kaniyang pisngi. “Morning, mommy,” bati naman ni Thalia at ginawa rin nito ang ginawa ni Leander—lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. “Good morning din sa inyong dalawa,” pabalik na bati ni Vivienne sa mga anak bago sumulyap sa bintana at bumakas ang pagkadismaya sa mukha niya nang makitang patuloy pa rin ang pag-ulan. “Mommy, ready na po ang breakfast. Manang Nora made us sopas for the cold weather,” sambit ni Leander. Nakangiting tumango si Vivienne. “Maghihilamos lang ako tapos susunod na rin ako, okay?” “Okay, mommy!” sabay na sambit ng dalawa at muli siyang siniil ng halik bago tumalon sa kama at tumakbo palabas. “Careful, baka madapa kayo,” paalala niya sa mga anak bago umupo sa kama. Bumuntong-hininga muna si Vivienne bago nagtungo sa banyo at naghilamos. Nang matapos, tiningnan niya kung may signal na ba pero napailing na lang siya nang makitang wala pa rin. Bumaba na lang siya at nagtungo sa dining room at mula roon ay nakita niyang kumakain na sila. Nandoon sina Benjamin, Rogue, at Quentin na sinusubuan pa ng daddy nito. “How's Quentin?” tanong niya kay Rogue nang makaupo sa tabi ni Thalia. Si Rogue ang tinanong niya dahil alam niyang hindi siya sasagutin ng anak niya. “Medyo bumaba na ang lagnat niya. Thanks to you, Vivienne.” Tumango si Vivienne. “After niyang kumain, kailangan niya ulit uminom ng gamot.” “I'll take care of that,” usal ni Rogue. Muling tumango si Vivienne at hindi na sinagot si Rogue. Nang hahinan siya ni Manang Nora ng sopas, nagsimula na rin siyang kumain. “Sinilip ko iyong baha, hindi pa rin humuhupa. Baka magtagal pa tayo rito, Sir. Rogue,” mayamaya pa'y anas ni Benjamin. “We can't stay here for long, Benjamin. Have you contacted Augustus? Can he fly the helicopter here?” Umiling si Benjamin. “Kagabi pang walang signal, Sir. Rogue, kaya hindi ko makontak si Sir. Augustus. At isa pa, imposible rin na mapalipad niya ang helicopter sa ere. Malakas ang ihip ng hangin, baka magkaroon lang ng malfunction.” “Daddy, can't we stay here for long? Gusto ko pa pong makasama si mommy. Hindi ka po ba masaya na nandito po tayo? I thought you're happy because you kissed mommy last night.” Lahat sila ay napamulagat dahil sa sinabi ni Leander. Bumakas ang gulat sa mga mukha nila ng sandaling iyon lalo na si Quentin. Wala ito sa mood dahil patuloy pa rin nitong dinadamdam ang sakit nito pero dahil sa sinabi ng kambal nito, animo'y bumalik ang sigla niya. “Daddy kissed her?” gulat na tanong ni Quentin. Nakangiting tumango si Leander. “Oo, Quentin. I saw them last nig—” “What did I tell you, Leander? I told you to not mind what you saw. Wala lang iyon!” bulalas ni Rogue habang nakatingin kay Leander. “You kissed my mommy?” inosenteng tanong ni Thalia bago bumaling sa kaniya. “Mommy, why did you let him kiss you? What if daddy finds out?” anito pa. “Baby, we did not kiss. Namamalikmata lang siguro si Leander dahil kakagising lang niya. His eyes weren't clear last night. Hindi pa nag-a-adjust iyon kaya kung ano-ano na lang ang nakita niya…” salaysay ni Vivienne kay Thalia. “She's right,” sang-ayon ni Rogue. “Kung ano man ang sinabi ni Leander, wala iyon. Nag-uusap lang kami, that's it.” “But I saw y—fine, I was wrong. I'm sorry.” At yumuko si Leander. “Baby, I'm not mad at you, okay? But next time, don't tell such things in front of people.” Hinagod ni Rogue ang likod ni Leander bago ito hinalikan sa tuktok ng ulo nito. “Let's continue eating. Baka lumamig pa itong sabaw,” dagdag niya pa. Tumango na sila habang si Vivienne naman ay nakamasid lang sa mga mata ni Rogue. At nang tumingin ito sa kaniya, mabilis pa sa alas-kuwatro na naglayo ng tingin si Vivienne rito. Matapos mag-umagahan, nagkaniya-kaniya na sila. Sina Leander at Thalia ay nasa living room at naglalaro habang kasama si Benjamin. Sina Rogue at Quentin naman ay bumalik sa ikalawang palapag samantalang si Vivienne ay nasa kuwarto nila ni Kairos—nasa harap na naman siya ng bintana habang sinusubukan pa ring makasagap ng signal upang matawagan ang asawa niya. At habang abala si Vivienne sa ginagawa, bigla niyang narinig na bumukas ang pinto. Hinarap iyon ni Vivienne at napakunot-noo siya nang makita si Quentin. “You're supposed to stay in the room and rest, Quentin. What are you doing here? Why did your father let you leav—” “He's in the bathroom,” kalmadong sambit ni Quentin bago ito naglakad palapit sa kaniya. “Then why are you here? Kailangan mong magpahinga, Quentin. Hindi pa maganda ang kalagayan mo ngayon. May lagnat ka pa, at baka lumala iyan kung galaw ka nang gala—” “Do you still love daddy?” tanong ni Quentin na nagpatutop sa mga labi niya.“WHAT… WHAT… WHAT d-did y-y-you s-say?” nauutal na tanong ni Vivienne sa anak—tila hindi maproseso ng utak niya ang tanong nito.“Do you still love daddy?” ulit na tanong ni Quentin sa kaniya.Napalumod ng laway si Vivienne ng sandaling iyon habang nakatitig sa mga mata mg anak. Hindi niya alam ang sasabihin niya kaya wala siyang maisagot sa anak. Animo'y naputulan siya ng dila upang mahirapang sumagot kahit ang totoo ay simpleng oo at hindi lang ang isasagot niya. Bakit tila nahihirapan siya?“Quentin, ayokong pag-usapan ang tungkol di—”“Mahirap po bang sumagot ng simpleng oo o hindi ang tanong ko?” seryosong tanong ni Quentin.Nawindang si Vivienne. She didn't expect him to grow like that—to have such a level of maturity. Everyone could comprehend his simple question, yet for Vivienne, it was really hard to give an answer. The way he questioned her made it seem like he wasn't a seven-year-old child, which was totally shocking for Vivienne.“Hindi! Hindi ko na siya mahal!” madiing s
MALALIM NA ANG gabi at sa wakas ay humupa na rin ang ulan. Nakatayo muli si Vivienne sa harap ng bintana habang titig na titig sa screen ng kaniyang cellphone. At mayamaya pa ay sumilay agad ang ngiti sa mga labi niya nang makitang nagkaroon na ng signal. Dali-dali niyang tinawagan ang numero nito. Ilang segundo iyong nag-ring bago ito sumagot.“Kairos, where are you no—”Biglang namatay ang tawag. Pero hindi sumuko si Vivienne, muli niya itong tinawagan pero sa pagkakataong iyon ay unattended na ito. Bumakas ang gulat sa mukha niya at nanghihinang umupo sa kama.Nagbaba siya ng tingin sa palad niya kung saan nakapatong doon ang singsing ni Kairos. Ayaw niyang isipin ang gustong ipahiwatig ni Rogue kanina subalit hindi niya mapigilan. Paano kung… paano kung niloloko nga siya nito? Kung hindi pa pumunta si Rogue sa basement, hindi pa nito makikita ang wedding ring ni Kairos.Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ni Vivienne sa kaniyang lalamunan bago ibinagsak ang sarili sa kama. P
SIMPLENG PAG-UUSAP LANG sana iyon subalit bigla iyong nauwi sa away mag-asawa. Nagkasagutan sina Vivienne at Kairos at walang ibang maririnig sa silid nila kundi ang malalakas nilang pagtatalo.“Ang punto ko lang ay bakit hindi mo masagot ang simpleng tanong ko? You lost the ring? Kung nawala mo pala iyan, bakit… bakit hindi mo sinabi sa akin? Kung hindi pa pumunta si Ross sa basement para ayusin ang tubo ng lababo natin, hindi pa iyan makikita. What's wrong with you, Kairos? Ililihim mo sa akin habang-buhay na nawala mo ang singsing? You could have informed me, but you chose not t—”“Enough, Vivienne! Ayoko nang pag-usapan ito. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na nawala ko ito? Muwang ko bang nandoon pala iyon. I'm clueless, hun. Hindi ako nagsasabi sa iyo dahil… dahil ayokong mag-alala ka. I'd rather buy a new one than search for it endlessly. But thanks to your ex-husband, he found it!”Kinuha ni Kairos ang susi ng kotse nito at nang akmang lalabas na ito ng silid nila nang mab
KAKATAPOS LANG MAG-ROUND ni Vivienne sa Pediatric Ward at handa na siyang bumalik sa nurse's station nang biglang tumunog ang pager niya. Nangungunot ang noo niyang tiningnan iyon at binasa ang mensaheng ipinadala sa kaniya mula sa reception desk.“Nurse Vivienne, please come to the healing garden. May gustong kumausap sa iyo.”Nagtataka man, sinunod niya pa rin ang nasa mensahe. Sumakay siya ng elevator patungo sa rooftop kung saan matatagpuan ang healing garden ng ospital. Iyon ang pinakapaboritong lugar ni Vivienne sa ospital sapagkat nakaka-relax doon dahil sa napakapayapang kapaligiran.Nang bumukas ang elevator, lumabas na rin siya at naglakad sa hallway patungo sa pinto kung saan iyon ang nagsisilbing daanan at labasan palabas at papunta sa healing garden.Nang makalabas si Vivienne, nagmasid-masid siya sa buong kapaligiran. May mangilan-ngilan lang tao ng oras na iyon. Sino naman kaya ang gustong kumausap sa kaniya? Eh, ni isa’y wala siyang kilala.Kokontakin na sana ni Vivien
“I HATE TO say this, apo, pero ayoko nang nakikipagkita ka sa babaeng iyon. Masama siyang tao, Leander. She's the worst person on the whole universe. Huwag ka nang lalapit sa kaniya or else, I’ll punish you.”Kakapasok pa lang ni Rogue sa bahay ng mga magulang niya nang bumungad agad sa kaniya ang ina niya habang pinapagalitan nito si Leander. Lumuluhang nakaupo si Leander sa sofa habang nakatayo naman sa harap nito ang nana niya habang nakapameywang.Kumunot ang noo ni Rogue kapagkuwan ay naglakad siya patungo sa mga ito. “What is this, mom?” naguguluhang tanong ni Rogue sa ina. “Bakit mo pinapagalitan si Leander?” aniya pa.Tumayo ang anak niya at yumakap sa baywang niya—takot na takot ito—halatang kanina pa itong pinapagalitan ng ina niya.“Nabalitaan ko na pinuntahan niya si Vivienne sa pinagtatrabahuhan niya. Did you give him permission to visit that bítch?”“Mom, your mouth!” suway ni Rogue sa ina niya. “Yes, I gave him permission to visit his mother. Stop manipulating my son, m
HINDI NA ALAM ni Rogue kung ilang kilometro na ang itinatakbo niya. Magkakalahating oras na rin simula nang mag-jogging siya kaya napagpasyahan na rin niyang bumalik sa kaniyang bahay para mag-light exercise sa gym niya.Topless si Rogue ng sandaling iyon at tagaktak na siya ng pawis kaya nagniningning na ang maskulado niyang katawan. At sa tuwing may mga nakakasalubong siyang mga tao lalo na ang mga babae ay hindi nila mapigilang mapatingin sa kaniya.For some reason, Rogue still remains séxually attractive. Alagang-alaga nito ang katawan nito sa gym. Malalaki ang mga muscle nito. Isama pa ang mga abs nitong nag-uumbukan sa tiyan nito. Isa iyan sa mga ipinagmamalaki ni Rogue. Dahil kahit 30 na siya, attractive pa rin siya—at marami pa ring mga babae ang handang magkandarapa para sa kaniya.Habang tumatakbo si Rogue ay may suot siyang earbuds sa kaniyang mga tainga at may tumutugtog doong musika. Nakakonekta iyon sa cellphone niyang nasa armband na suot niya. Seryoso lang siyang tumat
“HINDI KO NA po alam ang gagawin ko, mama,” walang emosyong tugon ni Vivienne sa kaniyang mama nang banggitin nito ang tungkol sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Kairos.Until now, hindi pa rin sila maayos. At magpahanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang asawa niya kaya alalang-alala na siya rito lalo pa't hindi man lang nito nagawang sagutin ang maya’t-mayang pagtawag niya rito. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang mag-away sila, at isang linggo na ring hindi mapalagay si Vivienne.“Ipinagtanong mo na ba sa mga kaibigan niya? O kaya naman sa pamilya niya? Anak, hindi kayo puwedeng ganiyan, na magkaaway. May anak kayo, kailangan kayo ni Thalia.”Bumuntong-hininga si Vivienne. “Wala pong alam ang mga kaibigan niya kung nasaan si Kairos. At sabi po ng ina ni Kairos sa akin, never daw umuwi roon ang anak nila simula nang araw na nag-away kami. Pumunta na rin po ako sa station na pinagtatrabahuhan niya, pero bigo rin po akong makita siya roon. Ma, ayoko sanang sabihin ito pe
ALAS-DIYES NA NG gabi subalit gising pa rin si Vivienne habang walang kapagurang hinihintay ang asawa niya sa living room.Simula nang sundan nito si Celeste kanina, hindi pa rin ito bumabalik kaya lubusan nang nag-aalala si Vivienne para rito. Sinubukan din niyang tawagan ang numero ni Kairos pero unattended ito. Nakatulog na’t lahat-lahat si Thalia, hindi pa rin dumadating ang asawa niya.Ano na kaya ang nangyari kay Kairos? Naging matagumpay kaya ang pagpigil nito kay Celeste? May parte sa puso ni Vivienne na magaan dahil kung nagtagumpay si Celeste sa plano nitong isuplong kay Rogue ang totoo—na anak nito si Thalia, dapat ay kanina pang nandito ang ex-husband niya para komprontahin siya. Pero wala—walang Rogue ang dumadating kaya malakas ang kutob ni Vivienne na nakagawa si Kairos ng paraan upang mapigilan si Celeste.Mayamaya pa, agarang napatayo si Vivienne sa kinauupuan nang bumukas ang pinto. Nang silipin niya iyon, nanlaki agad ang mga mata niya nang makitang si Kairos. Pero