Share

Chapter 4: The Former In-Laws

WALANG HUMPAY PA rin ang ulan sa pagragasa mula sa kalangitan. Sinabayan pa iyon ng sunod-sunod at nakakakilabot na kulog at kidlat. Ngunit bilang nurse, walang aatrasan si Vivienne. Pumasok siya kahit nakakaranas ng unos.

“Take care, hun.” Isang halik sa kaniyang mga labi ang iginawad ni Kairos nang ihinto nito ang kotse sa harap ng ospital.

“Ikaw rin, hun.” At niyakap ni Vivienne ang asawa bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan.

Kinawayan niya pa ito at nang makalayo na ito, pumasok na siya sa ospital at nagtungo sa kaniyang locker at doon itinabi ang mga gamit niya. Sandaling nag-ayos si Vivienne bago pumunta sa nurse station.

“Nurse Vivienne, can you monitor the patient in Room 204? This is her chart. I want you to check her vital signs, heart rate, and oxygen levels,” utos sa kaniya ni Dr. Thompson nang makita siya nito.

Nakangiting tumango si Vivienne at kinuha ang chart ng pasyente. Tiningnan niya iyon at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang pamilyar na pangalan. Magsasalita pa sana siya nang biglang umalis si Dr. Thompson.

Hindi niya alam kung kakayanin niya bang gawin ang inuutos nito dahil kilala niya ang pasyenteng imo-monitor niya. Pero bilang nurse, walang nagawa si Vivienne kundi ang pumunta sa Room 204. Nakasuot siya ng scrub at nakalagay sa leeg niya ang stethoscope. Parang siya yata ang aatakihin ngayon pa lang.

Nang makarating si Vivienne sa harap ng pinto, sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago kumatok sa pinto. Dahan-dahan niyang binuksan iyon at mula sa loob, nakita niya ang dalawang pamilyar na mukha. Nang makita siya ng mga ito, bumakas ang gulat sa kanilang mukha. Pinalakas ni Vivienne ang kaniyang sarili at pumasok sa loob na may ngiti sa mga labi.

“Darling, puwede bang tumawag ka na lang ng ibang nurse?” sambit matandang babae sa asawa nito habang nakahiga sa hospital bed.

“Darling, nandito na naman siya, bakit magtatawag pa ako ng ib—”

“Dahil ayokong makita siya!” madiing saad ng babae.

Lumunok si Vivienne bago bumaling sa monitor. “How are you, Mrs. Montague?” nakangiting tanong ni Vivienne sa pasyente.

Oo, Mrs. Montague. Mag-asawa ang dalawa. Mga magulang ito ng ex-husband niya. At mga former in-laws niya.

Kaya pala nandito si Rogue kagabi dahil nandito rin pala ang ina nito. Marahil ay inatake na naman ito sa puso. Sakit na nito iyon.

“I'm not oka—”

“Darling, puwede bang kumalma ka? Vivienne is here because she's a nurse. She's just here to check on you. Hindi ka na bata para maging matigas pa iyang ulo mo,” saad ni Mr. Montague sa asawa bago ito bumaling kay Vivienne. “Gawin mo na ang gagawin mo, Vivienne,” anito pa.

Tumango si Vivienne. In-adjust niya ang higaan ni Mrs. Montague at inilagay ang cuff sa braso nito upang tingnan ang blood pressure nito. Makalipas ang ilang segundo, nagsulat siya sa chart niya.

“Your blood pressure looks good, Mrs. Montague,” naiilang na wika ni Vivienne bago nagpatuloy sa pagsuri rito—heart rate at oxygen levels naman nito.

Marahan niyang ipinatong sa dibdib ni Mrs. Montague ang stethoscope at pinakinggang maigi ang pagtibok ng puso nito kapagkuwan ay inilagay niya ang isang small clip sa daliri nito upang i-monitor ang oxygen saturation nito. Nang matapos, sinulat ni Vivienne ang mga reading sa hawak niyang chart.

“Everything is good, Mrs. Montague. You're stable now…”

Nakangiti pa rin si Vivienne ng sandaling iyon upang ipakita ang pagiging professional niya. Hindi niya inalala ang mga nangyari noong nakaraan. Iwinaksi na niya iyon sa kaniyang utak nang pumasok siya sa silid na ito.

Handa na sanang lumabas si Vivienne nang bigla siyang tawagin ni Mr. Montague.

“Thank you, Vivienne,” anito.

Ever since, mabait na ito sa kaniya, at tanggap siya nito bilang asawa ni Rogue noon. Pero ang asawa nito, hindi siya tanggap at kahit divorced na sila ng anak nito, galit pa rin ito sa kaniya.

“You're welcome, Mr. Montague.” Nakangiting tumango si Vivienne bago tuluyang nagpaalam dito.

Pabalik na sana si Vivienne sa nurse station nang bigla niyang makasalubong si Rogue habang nakalingkis sa braso nito ang braso ng isang babae. Mabilis na nakaramdam ng galit si Vivienne nang makita ang pagmumukha ng babae. Ito ang dahilan kaya nasira ang pamilya niya. Ito ang dahilan kaya ura-urada siyang nakilag-divorce kay Rogue.

“Homewrecker,” bulong niya.

“What?!” usal ni Rogue. “Did you check on my mom?” tanong pa nito.

Bumalik si Vivienne sa reyalidad. “Your mother is stable now. She just needs to rest.”

Tumango si Rogue at nagpatiuna na patungo sa silid samantalang si Vivienne ay napailing at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang tawagin siya ni Rogue.

“Vivi!”

Hinarap niya ito. Sa pagkakataong iyon ay mag-isa na lamang ito.

“I said stop calling me Vivi!” madiing asik ni Vivienne.

“Galit ka pa rin ba sa ak—”

“Habang-buhay na akong galit sa iyo, Ross. Ikaw ang dahilan kaya nasira ang pamilya natin, tapos in-e-expect mong hindi ako magagalit sa iyo? Are you nuts, huh?” natatawang sambit ni Vivienne.

“God, Vivi! How many times do I have to tell you that Celeste is just a friend?”

Nagpanggap si Vivienne na nagulat sa sinabi ni Rogue. “A friend? Grabe naman iyang friend mo, Ross. Kung makasandal sa iyo, wagas. Tapos ngayon, kung makalingkis sa iyo, akala mo naman aagawin ka sa kaniya. Sa tingin mo ba ganoon ang kaibigan? Ross, don't make me stupid. Stop depending yourself for cheating on me. Huwag mong igiit sa akin na kaibigan mo lang siya dahil kahit anong gawin mo, panloloko ang ginawa mo. At huwag mong sasabihin sa akin na nagkamali ka dahil sa ginawa mo. Cheating is a choice, not a mistake! You chose to cheat on me and to destroy our family. Imagine, Ross, if you hadn’t cheated, our family could have been happy. At walang Quentin ang magtatampo sa ak—”

“It wouldn't have happened if you hadn't divorce me. Alam mo, dahil diyan sa pagiging judgemental mo kaya nasira ang pamilyang ito. And now you’re pointing at me, claiming it’s all my fault? Why are you blaming me when, in fact, may kasalanan ka rin? Kung nakinig ka lang sa akin noon, hindi tayo hahantong sa ganito. You wanted to end our marriage, fine. You wanted it, so I signed the fúcking divorce agreement. Don’t just point fingers at me for what happened in the past—kasalan mo rin kaya nasira ang pamilya natin!”

Hindi na kontrol ni Vivienne ang kaniyang sarili. Umangat ang palad niya at mabilis iyong tumama sa pisngi ni Rogue.

“Shame on you, Ross!” matigas niyang asik bago tumakbo palayo rito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status