“Nakauwi na ba ang sir mo, Bea?” tanong ni Raquel sa katulong nang makasalubong niya ito. Kakauwi niya lang galing check-up dahil ilang araw ng masama ang kaniyang nararamdaman.
Napayuko ang katulong na tila ba ay iniiwasan niyang magtagpo ang kanilang mga tingin. “N-Nakauwi na po si sir N-Nicholas, Senyorita.”
Nag-abot ang mga kilay ni Raquel dahil sa ikinikilos ng katulong kaya napatayo siya nang tuwid. Alam niyang may nangyayari na naman at hindi na siya magugulat pa.
Ilang taon na rin na ganito ang kaniyang nadadatnan sa pag-uwi. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng katulong ay alam niyang may inuwi na namang babae ang kaniyang asawa. Iniisip pa lamang niya iyon ay parang tinutusok ang kaniyang puso.
“Sige na ako na ang bahala. Bumalik ka na sa trabaho mo, Bea.” Napatango na lang ang katulong kay Raquel at dali-dali itong umalis sa harapan niya.
Nag-angat ng ulo si Raquel para tignan ang ikalawang palapag ng bahay. Simula nang ikasal siya kay Nicholas ay walang ginawa ang asawa niya kung hindi saktan ang damdamin niya. Sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin si Raquel dahil mahal niya ang asawa at handa siyang maghintay hanggang sa matutunan siyang mahalin nito.
Mabigat ang mga hakbang na ginawa ni Raquel paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Alam niya kung nasaan ang asawa sa mga oras na ito. Hindi niya akalain na uuwi ito nang maaga. Sa loob ng kanilang pagsasama ay walang araw na hindi sila mag-away.
Palaging pinamumukha ni Nicholas sa kaniya na kailanman ay hindi siya magugustuhan ng asawa. Halos araw-araw ring nalalaman ni Raquel na may kasama itong babae at hindi niya na mabilang ang ilang pagkakataon na nahuli niya ito pero binalewala niya ang lahat. Nagpaka-alipin siya kay Nicholas dahil mahal niya ito. Mahal na mahal niya ang asawa matagal na.
Paiyak na siya sa mga oras na ito habang naglalakad nang maalala niya ang kaniyang sinapit sa kamay ng asawa. Hindi niya na mabilang ang ilang ulit na pagdurog ni Nicholas sa kaniyang puso pero ito siya, nagpapa-alipin dahil lang sa pag-ibig at hindi niya alam kung hanggang kailan siya magiging ganito.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na rin siya sa wakas. Dumiretso na si Raquel sa opisina ng asawa dahil alam niyang dito ito tutungo. Nakakunot ang kaniyang mga noo nang mapansin na bukas ang pintuan. Hindi na siya kumatok pa at kaagad na binuksan ang pinto.
“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong niya sa dalawang taong mahalaga sa buhay niya. Sabay-sabay namang tumulo ang mga luha sa mata ni Raquel dahil sa kaniyang nadatnan.
Nahuli niya ang kaniyang asawa na si Nicholas at ang kaniyang malapit na kaibigan na si Isabella na ngayon ay magkatapong at walang mga saplot. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod at tila ba anong oras ay mahihimatay na siya sa kaniyang nakita.
Kaagad namang bumangon si Isabella at isinuot ang kaniyang damit habang si Nicholas naman ay nagsuot lamang ng kaniyang pang-ilalim na damit.
“Raquel...” sambit ni Isabella na tila hindi alam ang gagawin.
“Bakit, Isabella? Bakit mo nagawa sa akin ito?” naluluhang tanong niya. “Kaibigan kita pero bakit mo inahas ang asawa ko?”
Inaasahan ni Raquel na luluhod ang kaibigan at hihingi ng kapatawaran dahil sa ginawa niyang pagtataksil subalit ngumisi ito na tila ba masaya pa ito sa mga nangyari.
“Stop it, Raquel. Hindi ako ang may kagustuhan nito kung hindi ang asawa mo. Kasalanan ko ba na nagsawa siya sa 'yo at sa akin niya hinahanap ang hindi niya makita mula sa 'yo?"
Naikuyom ni Raquel ang kaniyang mga kamao sa narinig. Hindi niya napigilan ang sarili at sinugod si Isabella. Walang habas niya itong pinagsasampal at kung hindi siya pinigilan ni Nicholas ay malapit niya na makalbo ang kaibigan.
“Napaka-walang hiya mo! Kaibigan kita pero hindi ko inaasahan na gagawin mo sa akin ito. Tinuring kitang kapatid ko pero pinagtaksilan mo ako!?” sabi niya at akmang susugod na naman nang pumagita si Nicholas.
Napaiyak pa lalo si Raquel dahil hindi niya inaasahang ipagtatanggol ni Nicholas si Isabella na hindi niya naman karaniwang ginagawa sa lahat ng mga kalaguyo niya.
“That's enough, Raquel. Wala kang karapatan na saktan si Isabella nang ganito. Hindi kita kailangan sa buhay ko at sa tingin mo ba ay mahal kita?”
Pakiramdam ni Raquel ay wala nang mas sasakit pa sa mga binitawang salita ni Nicholas. Palaban siyang tao pero pagdating sa asawa niya ay parang nanghihina siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito. Sobra siyang nasaktan sa ginawa nilang pagtataksil sa kaniya.
“Kahit na anong mangyari ay asawa mo pa rin ako. Kaibigan ko ang ikinama mo, Nicholas. Matalik kong kaibigan. Hindi pa ba ako sapat? Binigay ko naman lahat sa 'yo para lang mahalin mo ako pero bakit? Bakit mo kailangan gawin ito?” naiiyak na tanong niya sa asawa.
Durog na durog na si Raquel sa mga oras na ito pero ang dalawang taong nagwasak sa puso niya ay walang mga pakialam.
Napailing si Nicholas. “You will never be enough. I don't love you and you're aware of that. If there's one thing I keep you in my life, it's because of your family's business. Stop fantasizing me, Raquel. I will never love you, not even a little.”
Hindi na napigilan ni Raquel ang paghagulgol. Lahat ng mga binitawang salita ni Nicholas ay parang karayom at paulit-ulit na tumusok sa puso niya. Gusto niyang magwala at pilitin itong sabihin na kahit papaano ay may nararamdaman ito sa kaniya. Nais niyang sabihin sa asawa na hindi siya naniniwala na wala itong pag-ibig sa kaniya kahit kaonti pero nanaig ang takot sa kaniyang puso.
Ayaw niyang mas lalong magalit ito sa kaniya kaya kahit na masakit ay kailangan niyang lunukin ang lahat. Takot siya kay Nicholas. Takot siyang mawala sa buhay nito kaya nakahanda siyang kalimutan ang araw na ito at isiping walang nangyari.
Gamit ang kaniyang mga daliri ay pinunasan ni Raquel ang kaniyang mukha saka pinilit ngumiti sa asawa niya.
“Hindi mo na kailangan pa ipamukha sa akin na hindi mo ako mahal pero sana kahit sa isang pagkakataon ay bigyan mo naman ako ng pagkakataon. Buksan mo ang puso mo para sa akin, Nicholas.”
Wala na siyang pakialam pa kung magmukha siyang tanga dahil ang alam niya ay mahal niya ito.
“I can't believe how desperate you are, Raquel.” Napapailing naman sa kabilang banda si Isabella nang sabihin niya iyon pero hindi siya pinansin ni Raquel dahil nakatuon ang kaniyang buong atensyon sa asawa. Tinitigan siya nang masama ni Nicholas at alam niyang galit na galit na ito sa kaniya.
Kahit pa saktan siya ni Nicholas ngayon ay mananatili siya hanggang sa kaniyang huling hininga dahil asawa siya nito at kahit magdala pa siya ng ilang babae ay hindi siya aalis.
“Hindi mo kayang turuan ang puso ko na mahalin ka. Hindi ang desperadang katulad mo ang mamahalin ko. Alam mo kung sino ang na sa puso ko at hindi mo iyon mapapalitan kahit kailan, kahit pa sa huli mong hininga, Raquel Montenegro.”
Napailing pa si Nicholas nang sabihin iyon at tuluyang iniwan si Raquel na ngayon ay humahagulgol nang iyak sa sama ng loob.
Nagtaas lamang ng ulo si Raquel nang marinig ang tawa ng kaniyang taksil na kaibigan.“Nakakaawa ka pala talaga, Raquel. Pero hayaan mo aalagaan ko naman ang asawa mo. Sobrang nag-enjoy siya sa ginawa namin kanina.”Huminga nang malalim si Raquel bago sinagot ang kaibigan. “Sige, tumawa ka lang pero ito ang tandaan mo. Ako pa rin ang asawa ni Nicholas at sa akin pa rin siya uuwi. Kabit ka lang at hindi magtatagal ay magiging katulad ka rin sa mga babaeng ikinama niya.”Masamang tingin ang itinapon ni Isabella sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Umalis na ito at akmang lalabas nang mag-iwan ito ng mga salita. “Sisiguraduhin ko na maghihiwalay kayo. Hindi ikaw ang nararapat na maging asawa ni Nicholas kaya mag-impake ka na habang maaga pa. Tuluyan ka na mabubura sa buhay ni Nicholas. I will make sure of that.”Hindi na lamang kumibo si Raquel at hinayaang makalayo si Isabella. Naiwan naman siyang mag-isa kaya napaiyak na lamang siyang muli dahil sa lahat ng mga nangyari kanina lang. Hi
Nang araw din na iyon ay masayang umuwi si Raquel kasama ng katulong at personal driver niya. Nagtataka ang mga kasama niya sa ikinikilos ni Raquel subalit hindi sila nagtanong at wala pang nakakaalam sa pagdadalang tao ni Raquel maliban sa doctor. Hindi na makapaghintay si Raquel na sabihin iyon kay Nicholas dahil alam niyang magbabago lahat kapag nalaman ng asawa na buntis siya sa kanilang anak.Pagkarating sa bahay ay kaagad siyang nagpahanda ng hapunan ni Nicholas. Alam niyang uuwi pa rin ang asawa kahit galit ito sa kaniya. Sa gabi din na iyon ay sasabihin niya ang tungkol sa kaniyang tiyan.“Senyorita, ano pa po kaya ang kulang rito?” napalingon siya sa gawi ni Bea nang marinig niya ito. Tinitigan niya muna ang mga nakahandang pagkain sa hapag at napansin niya kung ano ang kulang.“'Yong wine na paborito niya. Pakilagay na rin.” Nakangiting sabi ni Raquel kaya dali-daling kumuha si Bea at inilagay roon. Naghanda na rin si Raquel sa pagdating ng asawa at ilang oras pa ang kaniya
Kalalabas lang ni Raquel mula sa kwarto niya nang lapitan siya kaagad ni Edward, ang kanang kamay ni Nicholas. Kinakabahan man ay hinarap niya ito.“Pinapatawag kayo ni Sir Nicholas sa kaniyang opisina, Miss Raquel," sambit ni Edward at tumango si Raquel bilang tugon. Kinakabahan na si Raquel dahil sa biglaang pagtawag sa kaniya ng asawa. Hindi siya hahanapin ni Nicholas kung hindi importante ang pakay niya kaya naman hindi maiwasang magtaka siya kung ano ang kailangan niya sa kaniya.Subalit alam niyang pagagalitan lang siya ng asawa kaya hindi na siya magtataka pa.Naglakad na si Raquel patungo sa opisina ng asawa habang si Edward naman ay nasa likuran niya. Malapit na silang makarating doon nang biglang sumulpot si Isabella kaya huminga siya nang malalim.“Bakit ka hinahanap ni Nicholas?” takang tanong niya kay Raquel. Hindi naman napigilan ni Raquel na tumawa dahil sa kaniya.“Ano ba ang pakialam mo? Asawa ako at malamang hahanapin niya ako.” Umiiling na sagot niya kaya tinitigan
Makalipas ang dalawang buwan...Halos dalawang buwan na pala ang lumipas nang umuwi si Raquel sa pagmamay-aring lupa ng kaniyang lolo. Tandang-tanda pa niya ang unang mga araw niya rito. Halos durog ang kaniyang puso subalit unti-unti na siyang nakakabangon mula sa masakit niyang nakaraan.Nawalan na rin ng balita si Raquel sa dating asawa dahil pinagbawalan siya ng kaniyang lolo na gumamit ng telepono. Dalawang buwan na rin ang tiyan niya pero hindi pa rin ito halata. Sa loob ng dalawang buwan ay sinubukan ni Raquel na kalimutan lahat ng mga nakaraan subalit hindi iyon naging madali para sa kaniya. Hindi ganoon kadali lalo na at sobrang nawasak ang kaniyang puso.Mabuti na lang at may mga nakilala siyang mga tao na naging dahilan para bumuti ang kaniyang pakiramdam na lubusan niyang ipinagpasalamat.Kaarawan ng kaniyang lolo kaya abala ang lahat sa hacienda. Maraming bisita ang darating mamayang gabi at si Raquel ang naatasang mag-asikaso ng lahat.“Senyorita Raquel, kami na po ang b
Nakakuyom ang kaniyang mga kamay ng harapin niya ang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandirito ang lalaki.“Anong ginagawa mo rito?” galit niyang tanong Kay Nicholas na ngayon ay nakatingin sa kaniya.Akmang lalapitan siya ni Nicholas pero lumayo siya. Hindi na nagpumilit pa ang lalaki na makalapit sa kaniya.“I'm here because I want to apologize...” aniya na nagpagulat kay Raquel. “I want to apologize for everything I did to you.”Napatitig si Raquel sa mga mata ni Nicholas at isa lang ang kaniyang nakikita na hindi niya nakita simula nang ikasal sila.“Am I dreaming?”Iyon na lamang ang kaniyang nasabi dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig mula kay Nicholas. Ibang-iba ang dating ng kaniyang dating asawa ngayon kaysa noong huling nakita niya ito.“Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa 'yo, Raquel. Alam kong labis kitang nasaktan at gusto ko lang malaman mo na labis akong nagsisisi. Mali pala talaga ang ginawa ko sa 'yo.” Dahil sa mga sumusuno
Tuluyan na ngang nakapasok sa mansyon si Raquel. Binigyan siya kaagad ni Althea ng maiinom at habang hinihintay ang kaibigan ay naupo siya sa sofa. Naiwan naman ang kaniyang lolo dahil kailangan niyang asikasuhin ang mga bisita.Nag-aalab pa rin sa galit ang puso niya nang makita ang pagmumukha ng kaniyang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa ng lalaki ang bagay na malabong gawin nito. Ibang-iba si Nicholas kung ikukumpara noon kaya't litong-lito siya.“Uminom ka muna, Raquel.”Napalingon siya sa gawi ni Althea at nagbuntong hininga. Tinanggap niya ang tubig saka ito ininom.“Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng asawa mo, Raquel. Bakit ibang-iba siya sa sinabi mo noong nakaraan?” takang tanong ni Althea.Tumayo sa kinuupuan si Raquel saka ito sinagot.“Hindi ko rin alam, Althea. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at sinundan ako dito. Ang kapal pa rin talaga ng pagmumukha niyang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa niya.”Ramdam niya ang panginginig
Masakit ang ulo ni Raquel nang magising siya kinaumagahan. Nahirapan siyang makatulog kagabi dahil kay Nicholas at mas lalong lumaki ang galit niya para rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagpunta ito sa kaarawan ng kaniyang lolo at manggulo.Pagkababa niya pa lang ng hagdan ay binati na siya kaagad ni Althea. May dala itong pagkain na paborito niya at hindi niya ito kaagad pinalampas.“Tapos na mailigpit ng mga katulong ang pinagdausan ng selebrasyon kagabi, Raquel.” Napalingon siya sa gawi ni Althea habang kumakain pa rin. Puno ang kaniyang bibig kaya naman ay tango lang ang naging tugon niya rito.Natawa naman ang kaibigan at hindi na nagsalita pa. Tinapos niya na ang pagkain saka nagsalita.“What about Nicholas? Hindi na ba siya bumalik?” tanong niya at kaagad tumango si Althea.“Mukhang natakot sa ginawa ng lolo mo.”Natawa na lang si Raquel sa sinabi ng kaibigan pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mag-isip kay Nicholas. Akala niya ay kaya niya
“He allowed me to win you back.”Nanlaki ang mga mata ni Raquel dahil sa sinabi ni Nicholas. Ang lakas pa rin nang kabog ng dibdib niya dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na sasabihin 'yon ng kaniyang lolo kay Nicholas.“Kaya pala ang lakas din ng loob mong magpakita sa akin pero wala akong pakialam kung pinayagan ka ng lolo ko. Hindi mababago ang katotohanan na galit ako sa 'yo at habang buhay ko 'yong mararamdaman sa 'yo!” galit niyang sabi at tuluyan na itong iniwanan.Mabilis namang sumunod si Althea sa kaniya na pilit sinasabayan siyang maglakad. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay nadatnan niyang nakaupo sa sofa ang kaniyang lolo. Agad niya itong nilapitan para kausapin tungkol kay Nicholas.“Gising ka na pala, Raquel,” sabi ng lolo niya. Ibinaba niya ang hawak na diyaryo para harapin siya.Huminga muna nang malakas si Raquel bago magsalita. Pinipilit niyang pinapakalma ang sarili kahit ang totoo ay gusto na niyang sumabog sa inis dahil kay Nicholas.“Why did you let that man