Makalipas ang dalawang buwan...
Halos dalawang buwan na pala ang lumipas nang umuwi si Raquel sa pagmamay-aring lupa ng kaniyang lolo. Tandang-tanda pa niya ang unang mga araw niya rito. Halos durog ang kaniyang puso subalit unti-unti na siyang nakakabangon mula sa masakit niyang nakaraan.
Nawalan na rin ng balita si Raquel sa dating asawa dahil pinagbawalan siya ng kaniyang lolo na gumamit ng telepono. Dalawang buwan na rin ang tiyan niya pero hindi pa rin ito halata. Sa loob ng dalawang buwan ay sinubukan ni Raquel na kalimutan lahat ng mga nakaraan subalit hindi iyon naging madali para sa kaniya. Hindi ganoon kadali lalo na at sobrang nawasak ang kaniyang puso.
Mabuti na lang at may mga nakilala siyang mga tao na naging dahilan para bumuti ang kaniyang pakiramdam na lubusan niyang ipinagpasalamat.
Kaarawan ng kaniyang lolo kaya abala ang lahat sa hacienda. Maraming bisita ang darating mamayang gabi at si Raquel ang naatasang mag-asikaso ng lahat.
“Senyorita Raquel, kami na po ang bahala rito. Magpahinga na muna kayo.” Napalingon si Raquel sa gawi ng babae na nagsalita. Isa ito sa mga kaibigan ni Raquel na tagapangalaga ng hacienda.
Napailing si Raquel at tumitig rito. “Hindi ba sinabi ko sa inyo na Raquel na lang ang itawag niyo sa akin?”
Napatungo ng ulo si Althea.
“Hanggang ngayon ay hindi pa rin po kami sanay pero hayaan mo masasanay rin kami, Raquel.”
Napangiti naman siya sa wakas dahil tinawag na siya sa pangalan niya ng kaniyang bagong kaibigan. Laking pasalamat niya dahil nakilala niya ang mga ito. Isa sila sa mga nakatulong sa kaniya upang paunti-unting makalimutan ang kaniyang nakaraan.
“Ano pa ba ang kulang rito?” tanong niya kaya naman natawa si Althea.
“Lahat ay nakahanda na kaya dapat ay magpahinga ka na. Dadalo ka pa sa party mamaya at kailangan mo mag-ipon ng lakas.” Napatango naman si Raquel dahil sa sinabi ni Althea.
Ayaw niya man iwanan ang mga ito pero kailangan niya munang magpahinga dahil sigurado siyang mapapagod siya mamayang gabi.
Pumasok siya sa bahay nila at nadatnan ang lolo niya na nakaupo sa sofa. Nilapitan niya ito at tinabihan. Lumingon naman ang lolo niya sa direksyon niya.
“Patawarin mo ako, apo,” sambit ng lolo niya kaya naman napakunot ang kaniyang noo.
“Para saan po?” takang tanong niya rito. Pinisil ng lolo niya ang kaniyang mga kamay kaya ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niya. Napatitig naman siya sa mga mata nito at napansing malungkot ito.
“Kasalanan ko kung bakit ka nagtiis sa mga Hidalgo. Hindi ko na sana pinilit ang ama mo na ipakasal ka sa lalaking iyon at hindi mangyayari ang lahat nang ito.”
Hindi na napigilan ni Raquel ang maluha dahil sa mga sinabi ng kaniyang lolo. Walang kasalanan ang kaniyang pamilya sa nangyari dahil ginusto niya rin ang kasal.
“Hindi niyo kasalanan, Lolo, kaya tama na. Huwag niyo na isipin pa ang nakaraan. Minahal ko lang talaga si Nicholas kaya nangyari ang lahat nang ito. Pinapangako ko hindi na mauulit pa ito.” Napatango na lang ng ulo ang kaniyang lolo.
Pumasok na kaagad si Raquel pagkatapos niyang makipag-usap sa lolo niya upang magpahinga. Kailangan niya nang sapat na pahinga para mamayang gabi.
Pagkatapos ng ilang oras ay ginising na siya ni Althea dahil dumating na ang mag-aayos sa kanila. Kailangan niyang mag-ayos dahil haharap siya sa mga bisita ng lolo niya at hindi na siya makapaghintay pa.
Hindi naman maipaliwanag ni Raquel kung bakit sabik na sabik na siyang pumunta sa venue ng party. Tapos na rin siyang maayusan kaya hindi na nagsayang pa ng oras si Raquel at kaagad na sumunod sa lolo niya.
Kasama niya si Althea na naglalakad papuntang venue. Pagkarating doon ay hindi naman inaasahan ni Raquel na makita ang dami ng mga dumalo at halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Hindi siya sanay sa ganitong atensyon pero pinilit niya ang sarili na maging kalmado hanggang marating niya ang kinaroroonan ng kaniyang lolo.
“Happy birthday, Lo.” Pagbati niya sa matanda. Ngumiti ang lolo niya at dinala siya nito sa mga kaibigang negosyante.
“Mga kaibigan, ito pala ang apo ko,” pagpapakilala ng lolo niya sa mga kaibigan nito. “Siya ang tagapagmana ko.”
Napaawang ang bibig ni Raquel dahil sa kaniyang narinig. Hindi niya inaasahan na gano'n ang pagpapakilala niya sa kaniya. Hindi na lamang siya kumibo dahil ayaw niyang mapahiya ito sa mga kaibigan.
Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Raquel na makawala sa lolo niya kaya nilapitan niya si Althea. Nag-usap ang dalawa habang kumakain hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang nakakakilala sa kaniya.
“Hindi ba siya 'yong asawa ni Nicholas Hidalgo?”
Parang piniga ang puso ni Raquel nang marinig ang pangalan ng dating asawa.
“Oo, at bakit siya nandito? Hindi ba kasal na sila?”
“Baka naman naghiwalay na sila kaya siya umuwi dito sa lolo niya?”
Hindi maiwasang mapailing sa ulo si Raquel nang marinig ang pinag-uusapan ng mga babaeng bisita ng lolo niya. Hindi siya makapaniwala na hindi alam ng mga ito ang salitang bulong. Rinig na rinig niya ang kanilang pinag-uusapan at akmang lalapitan na sana niya mga iyon nang matigilan siya.
“OMG! Magugulat kayo sa dumating!” sambit ng isang babae sa kaniyang mga kaibigan nang bigla itong dumaan sa gawi nila Raquel.
Napatingin naman si Raquel kay Althea at nagbabakasakali na may alam ang kaibigan sa narinig pero umiling lang ito.
“Huwag mo na lang pansinin ang mga 'yon. Panigurado guni-guni lang nila 'yon.”
Napatango si Raquel sa sinabi ng kaibigan at nagpatuloy lamang sila sa pag-uusap hanggang sa mag-aya si Raquel na bumalik na sa mansyon. Nagsasaya pa ang mga bisita at gustuhin niya man manatili ay hindi pwede. Kailangan niyang pangalagaan ang kalusugan sapagkat may laman na ang kaniyang tiyan.
Hindi naman maipaliwanag ni Raquel ang kaniyang sarili dahil bigla na lang kumabog ang kaniyang dibdib habang papalapit siya sa labasan. Napapansin niya rin ang kumpol ng mga tao pero hindi niya na lang ito pinansin at nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad palabas.
Subalit bago pa man siya tuluyang makalayo sa lugar na iyon ay may biglang tumawag sa pangalan niya.
“Raquel,” sambit ng isang pamilyar na boses kaya naman ay natigilan siya.
Bigla na lang lumakas ang pagkabog ng dibdib niya habang ang kaniyang buong katawan ay nagsisimula na manginig. Natitiyak ni Raquel na kilala niya ang may-ari ng boses na iyon at hindi siya pwedeng magkamali.
Dahan-dahan ay nilingon niya ito. Napuno naman ng galit ang puso niya nang malamang totoo pala ang kaniyang hinala.
“Nicholas...”
Nakakuyom ang kaniyang mga kamay ng harapin niya ang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandirito ang lalaki.“Anong ginagawa mo rito?” galit niyang tanong Kay Nicholas na ngayon ay nakatingin sa kaniya.Akmang lalapitan siya ni Nicholas pero lumayo siya. Hindi na nagpumilit pa ang lalaki na makalapit sa kaniya.“I'm here because I want to apologize...” aniya na nagpagulat kay Raquel. “I want to apologize for everything I did to you.”Napatitig si Raquel sa mga mata ni Nicholas at isa lang ang kaniyang nakikita na hindi niya nakita simula nang ikasal sila.“Am I dreaming?”Iyon na lamang ang kaniyang nasabi dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig mula kay Nicholas. Ibang-iba ang dating ng kaniyang dating asawa ngayon kaysa noong huling nakita niya ito.“Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa 'yo, Raquel. Alam kong labis kitang nasaktan at gusto ko lang malaman mo na labis akong nagsisisi. Mali pala talaga ang ginawa ko sa 'yo.” Dahil sa mga sumusuno
Tuluyan na ngang nakapasok sa mansyon si Raquel. Binigyan siya kaagad ni Althea ng maiinom at habang hinihintay ang kaibigan ay naupo siya sa sofa. Naiwan naman ang kaniyang lolo dahil kailangan niyang asikasuhin ang mga bisita.Nag-aalab pa rin sa galit ang puso niya nang makita ang pagmumukha ng kaniyang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa ng lalaki ang bagay na malabong gawin nito. Ibang-iba si Nicholas kung ikukumpara noon kaya't litong-lito siya.“Uminom ka muna, Raquel.”Napalingon siya sa gawi ni Althea at nagbuntong hininga. Tinanggap niya ang tubig saka ito ininom.“Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng asawa mo, Raquel. Bakit ibang-iba siya sa sinabi mo noong nakaraan?” takang tanong ni Althea.Tumayo sa kinuupuan si Raquel saka ito sinagot.“Hindi ko rin alam, Althea. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at sinundan ako dito. Ang kapal pa rin talaga ng pagmumukha niyang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa niya.”Ramdam niya ang panginginig
Masakit ang ulo ni Raquel nang magising siya kinaumagahan. Nahirapan siyang makatulog kagabi dahil kay Nicholas at mas lalong lumaki ang galit niya para rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagpunta ito sa kaarawan ng kaniyang lolo at manggulo.Pagkababa niya pa lang ng hagdan ay binati na siya kaagad ni Althea. May dala itong pagkain na paborito niya at hindi niya ito kaagad pinalampas.“Tapos na mailigpit ng mga katulong ang pinagdausan ng selebrasyon kagabi, Raquel.” Napalingon siya sa gawi ni Althea habang kumakain pa rin. Puno ang kaniyang bibig kaya naman ay tango lang ang naging tugon niya rito.Natawa naman ang kaibigan at hindi na nagsalita pa. Tinapos niya na ang pagkain saka nagsalita.“What about Nicholas? Hindi na ba siya bumalik?” tanong niya at kaagad tumango si Althea.“Mukhang natakot sa ginawa ng lolo mo.”Natawa na lang si Raquel sa sinabi ng kaibigan pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mag-isip kay Nicholas. Akala niya ay kaya niya
“He allowed me to win you back.”Nanlaki ang mga mata ni Raquel dahil sa sinabi ni Nicholas. Ang lakas pa rin nang kabog ng dibdib niya dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na sasabihin 'yon ng kaniyang lolo kay Nicholas.“Kaya pala ang lakas din ng loob mong magpakita sa akin pero wala akong pakialam kung pinayagan ka ng lolo ko. Hindi mababago ang katotohanan na galit ako sa 'yo at habang buhay ko 'yong mararamdaman sa 'yo!” galit niyang sabi at tuluyan na itong iniwanan.Mabilis namang sumunod si Althea sa kaniya na pilit sinasabayan siyang maglakad. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay nadatnan niyang nakaupo sa sofa ang kaniyang lolo. Agad niya itong nilapitan para kausapin tungkol kay Nicholas.“Gising ka na pala, Raquel,” sabi ng lolo niya. Ibinaba niya ang hawak na diyaryo para harapin siya.Huminga muna nang malakas si Raquel bago magsalita. Pinipilit niyang pinapakalma ang sarili kahit ang totoo ay gusto na niyang sumabog sa inis dahil kay Nicholas.“Why did you let that man
“This is what we need to do to stop the bleeding,” sabi ng lalaking humablot sa kamay niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Raquel na sinundan siya ni Nicholas dito. Siya ang humablot sa kamay niya ng akmang papahiran niya sana ang dugo.Bigla namang nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo nang s******n ni Nicholas ang daliri niya kung saan natusok. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sinasabi ng kaniyang isipan na dapat niyang itulak ang lalaki subalit sinasabi naman ng kaniyang utak na hayaan na lamang ito sa ginagawa.Walang nagawa si Raquel hanggang sa matapos si Nicholas na s******n ang kaniyang daliri. Saka lamang niya napagtanto nang hilahin siya nito sa labas. Kaagad niyang tinulak si Nicholas at dinuro ito.“Hindi ko kailangan ang tulong mo!” hiyaw niya at kaagad na lumabas. Uuwi na sana si Raquel sa mansyon subalit hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang kalamansi juice. Natakam siya bigla kaya naman ay kumuha siya para ito ay inumin.“Ayos ka lang ba?” ta
“Huwag kang gagalaw!”Nanigas sa kinatatayuan si Raquel habang ang kaniyang mga paa ay nagsisimula nang manginig sa takot. Nakatutok ang mga baril ng kalaban sa kaniya at maling galaw niya lang ay maaari siyang matamaan.“A-Ano ang kailangan ninyo? P-Paano kayo nakapasok?” nauutal niyang tanong sa mga lalaki. Sa kabila pa man ng takot na nararamdaman niya ay nagawa pa niyang makapagsalita. Nilapitan naman siya ng isa sa mga lalaking hindi niya kilala at itinutok ang baril sa kaniyang ulo.“Saan nakatago ang mga pera niyo!?” tanong ng lalaki.Ngayon alam niya na kung ano ang pakay ng mga lalaki rito. Gusto nilang magnakaw kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Isa lang ang tiyak niya sa mga oras na ito. Na sa peligro ang buhay niya at mag-isa lang siya.“Hindi ko alam kung nasaan ang pera. Wala kayong makukuha sa akin.”Hinablot ng lalaki ang kanang braso ni Raquel dahil sa naging tugon niya. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan at ano mang oras ay matutumba na siya sa k
Isang hagalpak na tawa ang pinakawalan ni Raquel upang alisin ang kabang nadarama niya kanina lang. Tinitigan lang siya ni Nicholas at maging ng iba pang kasama niya ngayon sa sala ng mansyon.“Ikaw na talaga, Nicholas,” aniya habang nakangisi pa rin. “Pinabilib mo talaga ako sa kakapalan ng mukha mo.”Napapailing siya nang sabihin iyon. Seryoso lang si Nicholas habang nakatitig kay Raquel na animo'y gusto niyang ipaalam sa asawa na alam niya kung ano ang kaniyang sinabi.“I'm serious. Isang yakap mo lang ako'y aalis na. Kahit umalis ako dito ay ayos lang dahil nayakap naman kita.”Napakunot naman ang noo ni Raquel dahil sa sinabi niya. Iniisip niya pa lang na magdikit ang kanilang mga katawan ay kinakabahan na siya. Kailanman ay hindi niya naranasang mayakap ni Nicholas noong sila pa.Hindi siya makapaniwala na ang lalaki na ang hihingi ng yakap niya ngayon.“Parang kailan lang ay halos pandirian mo ako. Ano ba talaga ang nakain mo at hinahabol-habol mo na ako ngayon? 'Di ba wala nam
“We can help.” Napalingon si Raquel sa likuran at doon nakita si Nicholas. Pansamantala siyang natigilan. Mabilis naman siyang nakaisip ng sagot.“Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Mataray na usal ni Raquel kaya't nagbuntong hininga na lang si Nicholas.“This is not the perfect time for our personal conflict, Raquel. It's your grandfather's business.”Napakagat si Raquel sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya gusto ang ideyang tutulong si Nicholas pero kailangan nila ng tauhan. Labag man sa loob niya ay kailangan niyang ipalipas muna ang galit niya kay Nicholas dahil may mas mahalagang bagay na kailangang unahin.“Tama po si sir Nicholas, Senyorita. Kailangan po natin ng tulong sa rantso.” Napatango na lang sa kaniyang ulo si Raquel sa sinabi ni Mang Delfin. Pagkatapos ng pag-uusap ay agad namang umalis sina Nicholas at Levi kasama ni Mang Delfin upang mahanap ang mga kabayo habang naiwan naman si Raquel sa mansyon. Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit nakawala ng sabay ang mga kab