Share

Kabanata 0004

Kalalabas lang ni Raquel mula sa kwarto niya nang lapitan siya kaagad ni Edward, ang kanang kamay ni Nicholas. Kinakabahan man ay hinarap niya ito.

“Pinapatawag kayo ni Sir Nicholas sa kaniyang opisina, Miss Raquel," sambit ni Edward at tumango si Raquel bilang tugon. 

Kinakabahan na si Raquel dahil sa biglaang pagtawag sa kaniya ng asawa. Hindi siya hahanapin ni Nicholas kung hindi importante ang pakay niya kaya naman hindi maiwasang magtaka siya kung ano ang kailangan niya sa kaniya.

Subalit alam niyang pagagalitan lang siya ng asawa kaya hindi na siya magtataka pa.

Naglakad na si Raquel patungo sa opisina ng asawa habang si Edward naman ay nasa likuran niya. Malapit na silang makarating doon nang biglang sumulpot si Isabella kaya huminga siya nang malalim.

“Bakit ka hinahanap ni Nicholas?” takang tanong niya kay Raquel. Hindi naman napigilan ni Raquel na tumawa dahil sa kaniya.

“Ano ba ang pakialam mo? Asawa ako at malamang hahanapin niya ako.” Umiiling na sagot niya kaya tinitigan siya ni Isabella na may kasamang pagbabanta. 

Nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating na siya sa pinto ng opisina nito. Binuksan ni Edward ang pinto at nagbigay daan upang makapasok siya. 

Pagpasok niya sa loob ay kaagad binagsak ni Nicholas ang isang dokumento sa ibabaw ng kaniyang mesa. Kumunot ang noo ni Raquel habang palipat-lipat ang tingin sa dokumento at kay Nicholas.

Hindi pa niya nababasa ang nakasulat pero malakas ang kutob niya kung ano ang nakapaloob doon. Umaasa pa rin si Raquel na maaayos nila ang kanilang relasyon subalit nahihirapan na siya. Nahihirapan na siyang ipadama sa lalaki kung gaano niya ito kamahal. 

Siya lang ang tanging nagmamahal sa kanilang dalawa at kagabi pa iniisip ni Raquel na darating ang araw ay aalisin na siya ng asawa sa buhay niya. Pakiramdam niya ay ito na ang araw na iyon.

“I made up my mind, Raquel. Nakuha na natin lahat ng mga gusto natin kaya panahon na para tapusin natin ito.”

Napakuyom ang kamao ni Raquel sa kaniyang mga narinig. Gusto na naman niyang umiyak pero walang luha na gustong tumulo sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay namanhid na siya dahil sa pagod. Pagod na siyang mahalin at intindihin ito. 

“Are you asking for a divorce?”

Napakunot naman ang noo ni Nicholas sa naging katanungan niya. Tumayo siya sa kinauupuan at itinapon sa gawi ni Raquel ang dokumento.

“Let's end this stupid marriage. I can't pretend to be fine. You are not the one I need. I can't live with you forever, Raquel.”

Akala niya ay manhid na siya pero hindi pa pala. Pinangako niya sa kaniyang anak na hindi siya susuko pero talagang napapagod na siya. Walang ibang ginawa si Nicholas buong relasyon nila kung hindi ang iparamdam kay Raquel na kailanman ay hindi siya nito mamahalin. 

Ginawa niya na lahat pero hindi pa rin talaga sapat. Inuwi pa niya ang kabit at paulit-ulit na pinapamukha sa kaniya na hindi siya mahal nito.

Ngayon siya na ang napagod. Napagod na siyang ipaglaban ang sarili. Kagabi pa ito iniisip ni Raquel na kapag nagpatuloy siya sa paghabol sa asawa ay malalagay sa peligro ang buhay ng anak niya kaya kailangan niya na bumitaw.

At ngayong si Nicholas na ang gumawa ng paraan, kailangan niyang tanggapin at panindigan ito dahil wala siyang mapapala kay Nicholas.

“Sana hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo, Nicholas. Alam mo sa sarili mo kung paano kita minahal. Binuhos ko lahat para sa 'yo kahit pa dignidad ko pero hindi sapat lahat nang iyon. Binalewala mo ako kaya sana huwag mong pagsisisihan ito.” Naluluha si Raquel nang banggitin niya ang mga salitang iyon.

Tumawa naman si Nicholas na tila ba sigurado siyang hindi magsisising pinakawalan niya si Raquel. 

“I will not regret my decision of taking you out of my life. This is what I wanted. Don't worry, I will not chase you. You're not even worth to be chase with.”

Napakagat na lang sa ibabang labi si Raquel dahil sa sinabi niya. Kinuha niya ang dokumento at isang black pen upang pirmahan iyon. Wala na siyang dahilan para mabago pa ang isipan. Pagod na si Raquel sa lahat ng mga ginawa sa kaniya ni Nicholas at kahit mahirap ay kailangan niyang mamili.

“Nangyari na ang matagal mong hinihintay. Malaya ka na at ang babae mo. Wala na ang makulit at mukhang tanga na si Raquel sa buhay mo, Nicholas. Huwag kang mag-alala hindi na kita hahabulin. Wala na akong babalikan pa dahil tapos na tayo.”

Inihagis naman ni Raquel ang divorce paper na kaniyang pinirmahan saka tumalikod. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan at buo na ang kaniyang loob na hindi ipaalam sa asawa ang tungkol sa kaniyang dinadala.

“Hindi kita kailangan, Raquel. Isang pagkakamali na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. Nagkamali ako nang pinakasalan. Kailanman ay hinding-hindi ako iibig sa isang desperadang tulad mo.”

Masakit ang mga binitawang salita ng asawa subalit tiniis na lang iyon ni Raquel. Nakatalikod na siya rito kaya hindi makikita ng asawa ang pag-iyak niya.

“Kung ikaw ay nagsisisi na pinakasalan mo ako, nagsisisi naman ako na minahal kita. Isa ka pa lang pagkakamali at pinapangako ko na kakalimutan kong naging parte ka ng buhay ko. Isang malaking pagkakamali na sa isang tulad mo pa ako umibig. Manhid ka, walang puso, at higit sa lahat wala kang kwentang asawa at tatay. Hindi ko hahayaang sirain mo ang kinabukasan namin.” 

Bigla namang tumahimik si Nicholas dahil sa sinabi ni Raquel. Hindi niya napigilan ang sarili at nadala siya sa bugso ng kaniyang damdamin. Bigla namang lumapit si Nicholas sa direksyon niya na ngayon ay nangungusap ang mga mata.

“What do you mean about your last two sentences, Raquel?”

Napahagulgol si Raquel at hindi na napigilang sampalin si Nicholas.

“Wala kang pakialam doon. Tapos na tayo at siguraduhin mo lang na hindi na tayo magkikitang muli. Nandiyan na ang pirma ko kaya wala ka ng kailangan sa akin.” 

Tinulak niya palayo si Nicholas at tumakbo palabas ng opisina nito habang umiiyak. Nakasalubong pa niya si Isabella subalit hindi niya na ito pinansin dahil ang na sa kaniyang isipan ay ang lumayo sa lugar na ito. 

Mabuti na lang at nakita niya kaagad ang personal driver kaya naman inaya niya itong umalis. Sakay ng sasakyan ay umalis na nang tuluyan si Raquel sa buhay ni Nicholas bitbit ang katotohanang dinadala niya ang anak ng bilyonaryong asawa.

“Saan tayo, ma'am?” tanong nito kaya ngumiti siya bago sumagot.

“Sa probinsya, sa bahay ng lolo ko. Malayo sa manhid kong asawa.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status