Walang nagawa si Raquel kung hindi ang magtimpi na lang dahil hindi niya makausap nang matino si Nicholas. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng lahat kahit pa halos matumba na siya dahil sa kaba. Hindi siya sanay sa mga ganito pero dahil hindi lang ito ang unang beses na makakadalo siya sa mga ganitong selebrasyon ay kailangan niyang masanay.Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa gitna. Maraming lumapit sa kanila at gusto silang kausapin pero agad na humarang ang mga tauhan ni Nicholas. Naghanap sila ng kanilang mauupuan hanggang sa nilapitan sila ng taong nag-imbita sa kanila dito.“I'm glad that all of you came, Miss Montenegro and Mr. Hidalgo,” ani ni Alvarez na kasosyo ni Raquel at Nicholas sa negosyo. “It's my pleasure to be here as well, Mr. Alvarez,” sagot ni Raquel. “Tell your daughter a happy birthday for me.”Iniabot ni Raquel ang regalo niya sa anak nito at ngumiti si Mr. Alvarez habang si Nicholas naman ay tango lang ang naging sagot. “Wel
“Nagulat ka ba na nandito ako, Raquel?” Napangiti si Raquel dahil sa tanong sa kanya ni Isabella. Alam niya sa sarili niya na hindi na siya maaapektuhan na makita ito dahil alam niyang hindi na siya tulad ng dati, noong panahon na nahuli niya ito at si Nicholas. “I'm not surprised, Isabella. I know you will come here and who doesn't?” sagot naman ni Raquel sa kanya. Ngumisi lang ito na parang walang bahid nang kung anong pagsisisi sa ginawa niya noon. “O, bakit ka mag-isa?” tanong nito kay Raquel. “Ay, magkasama pala kayo pero sa 'kin lumapit kanina.”Nagtiim ang bagang ni Raquel dahil sa sinabi nito. Alam ni Raquel kung sino ang tinutukoy ni Isabella pero pinilit niyang hindi maging apektado. Wala siyang pakialam sa kung ano man ang sinasabi nito sa kanya.“Wala akong pakialam kung nilapitan ka niya. Pinagtulakan ko nga siya pero hindi ko alam kung bakit balik pa rin nang balik sa 'kin. Ako na nga itong nakipaghiwalay.”Hindi aatrasan ni Raquel si Isabella at sasabayan niya ito s
“We have to leave now, Raquel.”Napapikit si Raquel nang marinig niya ang boses ni Nicholas. Bigla na lamang itong sumulpot sa gitna nang pag-uusap nila ni James.Nagtaka naman si James nang makita si Nicholas at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.“Mr. Hidalgo,” ani James kay Nicholas. “I didn't expect to find out that you also know my childhood friend.”Napakagat si Raquel sa kanyang ibabang labi. Hindi niya alam kung paano sabihin kay James ang tungkol sa nakaraan nila ni Nicholas.“I simply didn't know her. She was once my wife and she's also carrying my child.”Narinig ni Raquel ang malakas na paghinga ni James dahil sa gulat. Alam ni Raquel na walang ideya si James tungkol sa buhay ni Raquel at hindi niya hahayaang si Nicholas ang magkwento tungkol dito.“Yes, I was carrying his child, but we already separated. He cheated on me, and that's not hidden to everyone,” ani Raquel kaya napatitig sa kanya si Nicholas. Bakas sa mukha ang pagkadismaya dahil ito ang sinabi niy
“Yes I'm jealous, Raquel!”Hindi makapaniwala si Raquel sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay parang huminto ng ilang segundo ang pagtibok ng kanyang dibdib pero kaagad din naman siyang nakabawi. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at bigla na lamang siyang tumawa ng malakas. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Nicholas sa kanyang ginawa.“Talaga bang nagseselos ka, Nicholas? Bakit naman?” natatawa pa rin si Raquel nang itanong niya 'yon kay Nicholas. Nahampas ni Nicholas ang manibela saka ginulo nito ang buhok. Bakas sa mukha nito ang pagod habang nakatitig sa kanya.“Mahal kita,” ani Nicholas na siyang nagpahinto kay Raquel sa pagtawa. “Mahal kita kaya ako nagkakaganito. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa 'kin ang pakikipag-usap mo sa ibang lalaki. Gago na ako, sige na. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin sa 'kin pero mahal kita at hindi magbabago 'yon. Hindi kita pipilitin na ibigin ako ulit pero gagawin ko ang lahat hanggang mapaamo kita.” Natuod si Raquel sa kanyan
Kinaumagahan ay bumalik na sina Raquel sa probinsya dahil may nangyari doon. Namatay ang ilan sa alaga nilang hayop na kambing. Kailangan sila makauwi kaagad upang makita ang sitwasyon doon. Hindi maiwasang mag-alala ni Raquel habang iniisip niya ang mga alagang hayop doon na pinangangalagaan ng mga tauhan ng kanyang namayapang lolo. Si Nicholas pa rin ang nagmamaneho sa sasakyan at silang dalawa lang ng lalaki sa iisang sasakyan. Gusto yata ni Nicholas na ma solo siya at hinayaan na lamang 'yon ni Raquel. “Do you want to sleep?” tanong ng lalaki kaya nilingon niya ito. Tahimik lamang sila sa biyahe dahil mas gusto ni Raquel na huwag magsalita pero si Nicholas naman ang bumasag sa katahimikan. “Ayoko nga!” sagot niya. “Baka kung anong gawin mo sa 'kin habang tulog ako.”Natawa naman si Nicholas na nagpailing kay Raquel.“Don't worry, I will not do anything with you. Why would I do that?” sagot naman ni Nicholas na ngayon ay magkasalubong na ang dalawang kilay. “You are my child's
Ramdam pa rin ni Raquel ang galit sa kanyang dibdib nang makita niya kanina si Nicholas na sobrang lapit sa kanya. Hindi niya na napigilan ang sarili kung hindi ang masuntok ito at hindi siya nagsisisi. Pagkapasok pa lang sa loob ay agad na sinalubong si Raquel ng mga tauhan. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala na baka pagalitan niya ang mga ito.“Senyorita, Raquel,” sambit nila ng sabay at mahinang napayuko sa kanilang ulo. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Raquel bago magsalita. “Ano po ang nangyari, Mang Jose?” tanong niya. Hindi pa man nakakasagot ang matanda ay may biglang sumabat sa likuran niya.“What happened to the goats?” tanong ni Nicholas. Napakuyom ang kamao ni Raquel at para bang gusto niyang sapakin ito dahil sa pangingialam sa kanya pero nagpigil lamang siya. Mas may importanteng bagay na kailangan niyang ayusin kaysa atupagin si Nicholas.“Bigla na lamang po namatay ang ilan sa mga kambing. Sinubukan namin alamin kung ano ang nangyari subalit
Pagkatapos ng tagpong 'yon, agad naman silang nagsimula sa kanilang pakay. Tinignan na ng veterinarian ang dahilan kung bakit nagkagano'n ang mga kambing at nalamang dinapuan pala ang mga ito ng sakit. Nang araw din na 'yon, agad na pinaasikaso ni Raquel ang paglinis sa paligid ayon sa utos ng veterinarian upang maalis ang mga mikrobyo. Mabuti na lang ay mabilis lang nila natapos. Nagpabili si Raquel ng bagong mga alagang kambing at sinigurado na hindi na mauulit pa ang nangyari. Hapon na ng makabalik sila sa mansyon at ramdam ni Raquel ang pagod.“May gusto ka bang kainin ngayong gabi, Raquel?” tanong ni Nicholas nang makarating sila sa mansyon. Napatigil naman siya sa akmang pagpasok sa loob upang harapin ito. Nakataas ang dalawang kilay ni Raquel nang magsalita siya. “I don't need anything from you. I have my cooker here, and I would rather eat their food instead of yours.”Napabuntong hininga na lamang si Nicholas at hindi na nagsalita pa. Hindi na muna niya kukulitin si Raquel
“Nakauwi na ba ang sir mo, Bea?” tanong ni Raquel sa katulong nang makasalubong niya ito. Kakauwi niya lang galing check-up dahil ilang araw ng masama ang kaniyang nararamdaman.Napayuko ang katulong na tila ba ay iniiwasan niyang magtagpo ang kanilang mga tingin. “N-Nakauwi na po si sir N-Nicholas, Senyorita.”Nag-abot ang mga kilay ni Raquel dahil sa ikinikilos ng katulong kaya napatayo siya nang tuwid. Alam niyang may nangyayari na naman at hindi na siya magugulat pa. Ilang taon na rin na ganito ang kaniyang nadadatnan sa pag-uwi. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng katulong ay alam niyang may inuwi na namang babae ang kaniyang asawa. Iniisip pa lamang niya iyon ay parang tinutusok ang kaniyang puso.“Sige na ako na ang bahala. Bumalik ka na sa trabaho mo, Bea.” Napatango na lang ang katulong kay Raquel at dali-dali itong umalis sa harapan niya. Nag-angat ng ulo si Raquel para tignan ang ikalawang palapag ng bahay. Simula nang ikasal siya kay Nicholas ay walang ginawa ang asawa niya