“Nakauwi na ba ang sir mo, Bea?” tanong ni Raquel sa katulong nang makasalubong niya ito. Kakauwi niya lang galing check-up dahil ilang araw ng masama ang kaniyang nararamdaman.Napayuko ang katulong na tila ba ay iniiwasan niyang magtagpo ang kanilang mga tingin. “N-Nakauwi na po si sir N-Nicholas, Senyorita.”Nag-abot ang mga kilay ni Raquel dahil sa ikinikilos ng katulong kaya napatayo siya nang tuwid. Alam niyang may nangyayari na naman at hindi na siya magugulat pa. Ilang taon na rin na ganito ang kaniyang nadadatnan sa pag-uwi. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng katulong ay alam niyang may inuwi na namang babae ang kaniyang asawa. Iniisip pa lamang niya iyon ay parang tinutusok ang kaniyang puso.“Sige na ako na ang bahala. Bumalik ka na sa trabaho mo, Bea.” Napatango na lang ang katulong kay Raquel at dali-dali itong umalis sa harapan niya. Nag-angat ng ulo si Raquel para tignan ang ikalawang palapag ng bahay. Simula nang ikasal siya kay Nicholas ay walang ginawa ang asawa niya
Nagtaas lamang ng ulo si Raquel nang marinig ang tawa ng kaniyang taksil na kaibigan.“Nakakaawa ka pala talaga, Raquel. Pero hayaan mo aalagaan ko naman ang asawa mo. Sobrang nag-enjoy siya sa ginawa namin kanina.”Huminga nang malalim si Raquel bago sinagot ang kaibigan. “Sige, tumawa ka lang pero ito ang tandaan mo. Ako pa rin ang asawa ni Nicholas at sa akin pa rin siya uuwi. Kabit ka lang at hindi magtatagal ay magiging katulad ka rin sa mga babaeng ikinama niya.”Masamang tingin ang itinapon ni Isabella sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Umalis na ito at akmang lalabas nang mag-iwan ito ng mga salita. “Sisiguraduhin ko na maghihiwalay kayo. Hindi ikaw ang nararapat na maging asawa ni Nicholas kaya mag-impake ka na habang maaga pa. Tuluyan ka na mabubura sa buhay ni Nicholas. I will make sure of that.”Hindi na lamang kumibo si Raquel at hinayaang makalayo si Isabella. Naiwan naman siyang mag-isa kaya napaiyak na lamang siyang muli dahil sa lahat ng mga nangyari kanina lang. Hi
Nang araw din na iyon ay masayang umuwi si Raquel kasama ng katulong at personal driver niya. Nagtataka ang mga kasama niya sa ikinikilos ni Raquel subalit hindi sila nagtanong at wala pang nakakaalam sa pagdadalang tao ni Raquel maliban sa doctor. Hindi na makapaghintay si Raquel na sabihin iyon kay Nicholas dahil alam niyang magbabago lahat kapag nalaman ng asawa na buntis siya sa kanilang anak.Pagkarating sa bahay ay kaagad siyang nagpahanda ng hapunan ni Nicholas. Alam niyang uuwi pa rin ang asawa kahit galit ito sa kaniya. Sa gabi din na iyon ay sasabihin niya ang tungkol sa kaniyang tiyan.“Senyorita, ano pa po kaya ang kulang rito?” napalingon siya sa gawi ni Bea nang marinig niya ito. Tinitigan niya muna ang mga nakahandang pagkain sa hapag at napansin niya kung ano ang kulang.“'Yong wine na paborito niya. Pakilagay na rin.” Nakangiting sabi ni Raquel kaya dali-daling kumuha si Bea at inilagay roon. Naghanda na rin si Raquel sa pagdating ng asawa at ilang oras pa ang kaniya
Kalalabas lang ni Raquel mula sa kwarto niya nang lapitan siya kaagad ni Edward, ang kanang kamay ni Nicholas. Kinakabahan man ay hinarap niya ito.“Pinapatawag kayo ni Sir Nicholas sa kaniyang opisina, Miss Raquel," sambit ni Edward at tumango si Raquel bilang tugon. Kinakabahan na si Raquel dahil sa biglaang pagtawag sa kaniya ng asawa. Hindi siya hahanapin ni Nicholas kung hindi importante ang pakay niya kaya naman hindi maiwasang magtaka siya kung ano ang kailangan niya sa kaniya.Subalit alam niyang pagagalitan lang siya ng asawa kaya hindi na siya magtataka pa.Naglakad na si Raquel patungo sa opisina ng asawa habang si Edward naman ay nasa likuran niya. Malapit na silang makarating doon nang biglang sumulpot si Isabella kaya huminga siya nang malalim.“Bakit ka hinahanap ni Nicholas?” takang tanong niya kay Raquel. Hindi naman napigilan ni Raquel na tumawa dahil sa kaniya.“Ano ba ang pakialam mo? Asawa ako at malamang hahanapin niya ako.” Umiiling na sagot niya kaya tinitigan
Makalipas ang dalawang buwan...Halos dalawang buwan na pala ang lumipas nang umuwi si Raquel sa pagmamay-aring lupa ng kaniyang lolo. Tandang-tanda pa niya ang unang mga araw niya rito. Halos durog ang kaniyang puso subalit unti-unti na siyang nakakabangon mula sa masakit niyang nakaraan.Nawalan na rin ng balita si Raquel sa dating asawa dahil pinagbawalan siya ng kaniyang lolo na gumamit ng telepono. Dalawang buwan na rin ang tiyan niya pero hindi pa rin ito halata. Sa loob ng dalawang buwan ay sinubukan ni Raquel na kalimutan lahat ng mga nakaraan subalit hindi iyon naging madali para sa kaniya. Hindi ganoon kadali lalo na at sobrang nawasak ang kaniyang puso.Mabuti na lang at may mga nakilala siyang mga tao na naging dahilan para bumuti ang kaniyang pakiramdam na lubusan niyang ipinagpasalamat.Kaarawan ng kaniyang lolo kaya abala ang lahat sa hacienda. Maraming bisita ang darating mamayang gabi at si Raquel ang naatasang mag-asikaso ng lahat.“Senyorita Raquel, kami na po ang b
Nakakuyom ang kaniyang mga kamay ng harapin niya ang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandirito ang lalaki.“Anong ginagawa mo rito?” galit niyang tanong Kay Nicholas na ngayon ay nakatingin sa kaniya.Akmang lalapitan siya ni Nicholas pero lumayo siya. Hindi na nagpumilit pa ang lalaki na makalapit sa kaniya.“I'm here because I want to apologize...” aniya na nagpagulat kay Raquel. “I want to apologize for everything I did to you.”Napatitig si Raquel sa mga mata ni Nicholas at isa lang ang kaniyang nakikita na hindi niya nakita simula nang ikasal sila.“Am I dreaming?”Iyon na lamang ang kaniyang nasabi dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig mula kay Nicholas. Ibang-iba ang dating ng kaniyang dating asawa ngayon kaysa noong huling nakita niya ito.“Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa 'yo, Raquel. Alam kong labis kitang nasaktan at gusto ko lang malaman mo na labis akong nagsisisi. Mali pala talaga ang ginawa ko sa 'yo.” Dahil sa mga sumusuno
Tuluyan na ngang nakapasok sa mansyon si Raquel. Binigyan siya kaagad ni Althea ng maiinom at habang hinihintay ang kaibigan ay naupo siya sa sofa. Naiwan naman ang kaniyang lolo dahil kailangan niyang asikasuhin ang mga bisita.Nag-aalab pa rin sa galit ang puso niya nang makita ang pagmumukha ng kaniyang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa ng lalaki ang bagay na malabong gawin nito. Ibang-iba si Nicholas kung ikukumpara noon kaya't litong-lito siya.“Uminom ka muna, Raquel.”Napalingon siya sa gawi ni Althea at nagbuntong hininga. Tinanggap niya ang tubig saka ito ininom.“Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng asawa mo, Raquel. Bakit ibang-iba siya sa sinabi mo noong nakaraan?” takang tanong ni Althea.Tumayo sa kinuupuan si Raquel saka ito sinagot.“Hindi ko rin alam, Althea. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at sinundan ako dito. Ang kapal pa rin talaga ng pagmumukha niyang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa niya.”Ramdam niya ang panginginig
Masakit ang ulo ni Raquel nang magising siya kinaumagahan. Nahirapan siyang makatulog kagabi dahil kay Nicholas at mas lalong lumaki ang galit niya para rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagpunta ito sa kaarawan ng kaniyang lolo at manggulo.Pagkababa niya pa lang ng hagdan ay binati na siya kaagad ni Althea. May dala itong pagkain na paborito niya at hindi niya ito kaagad pinalampas.“Tapos na mailigpit ng mga katulong ang pinagdausan ng selebrasyon kagabi, Raquel.” Napalingon siya sa gawi ni Althea habang kumakain pa rin. Puno ang kaniyang bibig kaya naman ay tango lang ang naging tugon niya rito.Natawa naman ang kaibigan at hindi na nagsalita pa. Tinapos niya na ang pagkain saka nagsalita.“What about Nicholas? Hindi na ba siya bumalik?” tanong niya at kaagad tumango si Althea.“Mukhang natakot sa ginawa ng lolo mo.”Natawa na lang si Raquel sa sinabi ng kaibigan pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mag-isip kay Nicholas. Akala niya ay kaya niya