Masakit ang ulo ni Raquel nang magising siya kinaumagahan. Nahirapan siyang makatulog kagabi dahil kay Nicholas at mas lalong lumaki ang galit niya para rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagpunta ito sa kaarawan ng kaniyang lolo at manggulo.Pagkababa niya pa lang ng hagdan ay binati na siya kaagad ni Althea. May dala itong pagkain na paborito niya at hindi niya ito kaagad pinalampas.“Tapos na mailigpit ng mga katulong ang pinagdausan ng selebrasyon kagabi, Raquel.” Napalingon siya sa gawi ni Althea habang kumakain pa rin. Puno ang kaniyang bibig kaya naman ay tango lang ang naging tugon niya rito.Natawa naman ang kaibigan at hindi na nagsalita pa. Tinapos niya na ang pagkain saka nagsalita.“What about Nicholas? Hindi na ba siya bumalik?” tanong niya at kaagad tumango si Althea.“Mukhang natakot sa ginawa ng lolo mo.”Natawa na lang si Raquel sa sinabi ng kaibigan pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mag-isip kay Nicholas. Akala niya ay kaya niya
“He allowed me to win you back.”Nanlaki ang mga mata ni Raquel dahil sa sinabi ni Nicholas. Ang lakas pa rin nang kabog ng dibdib niya dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na sasabihin 'yon ng kaniyang lolo kay Nicholas.“Kaya pala ang lakas din ng loob mong magpakita sa akin pero wala akong pakialam kung pinayagan ka ng lolo ko. Hindi mababago ang katotohanan na galit ako sa 'yo at habang buhay ko 'yong mararamdaman sa 'yo!” galit niyang sabi at tuluyan na itong iniwanan.Mabilis namang sumunod si Althea sa kaniya na pilit sinasabayan siyang maglakad. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay nadatnan niyang nakaupo sa sofa ang kaniyang lolo. Agad niya itong nilapitan para kausapin tungkol kay Nicholas.“Gising ka na pala, Raquel,” sabi ng lolo niya. Ibinaba niya ang hawak na diyaryo para harapin siya.Huminga muna nang malakas si Raquel bago magsalita. Pinipilit niyang pinapakalma ang sarili kahit ang totoo ay gusto na niyang sumabog sa inis dahil kay Nicholas.“Why did you let that man
“This is what we need to do to stop the bleeding,” sabi ng lalaking humablot sa kamay niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Raquel na sinundan siya ni Nicholas dito. Siya ang humablot sa kamay niya ng akmang papahiran niya sana ang dugo.Bigla namang nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo nang s******n ni Nicholas ang daliri niya kung saan natusok. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sinasabi ng kaniyang isipan na dapat niyang itulak ang lalaki subalit sinasabi naman ng kaniyang utak na hayaan na lamang ito sa ginagawa.Walang nagawa si Raquel hanggang sa matapos si Nicholas na s******n ang kaniyang daliri. Saka lamang niya napagtanto nang hilahin siya nito sa labas. Kaagad niyang tinulak si Nicholas at dinuro ito.“Hindi ko kailangan ang tulong mo!” hiyaw niya at kaagad na lumabas. Uuwi na sana si Raquel sa mansyon subalit hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang kalamansi juice. Natakam siya bigla kaya naman ay kumuha siya para ito ay inumin.“Ayos ka lang ba?” ta
“Huwag kang gagalaw!”Nanigas sa kinatatayuan si Raquel habang ang kaniyang mga paa ay nagsisimula nang manginig sa takot. Nakatutok ang mga baril ng kalaban sa kaniya at maling galaw niya lang ay maaari siyang matamaan.“A-Ano ang kailangan ninyo? P-Paano kayo nakapasok?” nauutal niyang tanong sa mga lalaki. Sa kabila pa man ng takot na nararamdaman niya ay nagawa pa niyang makapagsalita. Nilapitan naman siya ng isa sa mga lalaking hindi niya kilala at itinutok ang baril sa kaniyang ulo.“Saan nakatago ang mga pera niyo!?” tanong ng lalaki.Ngayon alam niya na kung ano ang pakay ng mga lalaki rito. Gusto nilang magnakaw kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Isa lang ang tiyak niya sa mga oras na ito. Na sa peligro ang buhay niya at mag-isa lang siya.“Hindi ko alam kung nasaan ang pera. Wala kayong makukuha sa akin.”Hinablot ng lalaki ang kanang braso ni Raquel dahil sa naging tugon niya. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan at ano mang oras ay matutumba na siya sa k
Isang hagalpak na tawa ang pinakawalan ni Raquel upang alisin ang kabang nadarama niya kanina lang. Tinitigan lang siya ni Nicholas at maging ng iba pang kasama niya ngayon sa sala ng mansyon.“Ikaw na talaga, Nicholas,” aniya habang nakangisi pa rin. “Pinabilib mo talaga ako sa kakapalan ng mukha mo.”Napapailing siya nang sabihin iyon. Seryoso lang si Nicholas habang nakatitig kay Raquel na animo'y gusto niyang ipaalam sa asawa na alam niya kung ano ang kaniyang sinabi.“I'm serious. Isang yakap mo lang ako'y aalis na. Kahit umalis ako dito ay ayos lang dahil nayakap naman kita.”Napakunot naman ang noo ni Raquel dahil sa sinabi niya. Iniisip niya pa lang na magdikit ang kanilang mga katawan ay kinakabahan na siya. Kailanman ay hindi niya naranasang mayakap ni Nicholas noong sila pa.Hindi siya makapaniwala na ang lalaki na ang hihingi ng yakap niya ngayon.“Parang kailan lang ay halos pandirian mo ako. Ano ba talaga ang nakain mo at hinahabol-habol mo na ako ngayon? 'Di ba wala nam
“We can help.” Napalingon si Raquel sa likuran at doon nakita si Nicholas. Pansamantala siyang natigilan. Mabilis naman siyang nakaisip ng sagot.“Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Mataray na usal ni Raquel kaya't nagbuntong hininga na lang si Nicholas.“This is not the perfect time for our personal conflict, Raquel. It's your grandfather's business.”Napakagat si Raquel sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya gusto ang ideyang tutulong si Nicholas pero kailangan nila ng tauhan. Labag man sa loob niya ay kailangan niyang ipalipas muna ang galit niya kay Nicholas dahil may mas mahalagang bagay na kailangang unahin.“Tama po si sir Nicholas, Senyorita. Kailangan po natin ng tulong sa rantso.” Napatango na lang sa kaniyang ulo si Raquel sa sinabi ni Mang Delfin. Pagkatapos ng pag-uusap ay agad namang umalis sina Nicholas at Levi kasama ni Mang Delfin upang mahanap ang mga kabayo habang naiwan naman si Raquel sa mansyon. Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit nakawala ng sabay ang mga kab
Napaatras si Raquel nang makita ang dami ng mga lalaking papunta sa kanilang direksyon at may mga dalang armas. Hindi niya kilala ang mga ito pero isa lang ang tiyak niya. Ang mga lalaking ito ay hindi tauhan ng kaniyang lolo kaya naman ay kinakabahan na siya lalo na't papalapit ang mga ito sa direksyon niya.“S-Sino kayo?” tuluyan na ngang nakalapit ang mga ito sa kanila. May biglang humawak sa magkabilang kamay ni Raquel at maging kay Althea rin.Sinubukan niyang magpumiglas subalit kaagad nagbanta ang mga ito.“'Wag niyo subukang gumalaw o baka papasabugin namin 'yang mga bungo niyo!” sigaw ng isa sq kanila kaya tila nanigas ang katawan ni Raquel sa sobrang kaba.Hindi niya alam kung paano nakapasok ang mga ito. Pribadong lugar itong hasyenda ng lolo niya.“Ano ba ang kailangan niyo sa amin?” Kahit kinakabahan ay kailangan niyang itanong ang mga 'yon para malaman kung ano ang pakay ng mga ito sa kanila.“Saan nagpunta ang lolo mo?” May isang lumapit kay Raquel at hinawakan ang b
Makalipas ang ilang araw ay hindi na nagpakita si Nicholas kay Raquel. Nakauwi na rin sa probinsya ang lolo niya kaya hindi na siya nag-iisa sa mansyon. Hindi na rin niya inalam kung nasaan si Nicholas dahil para sa kaniya ay mas mabuting wala ito sa bahay nila.Buong akala naman ni Raquel ay hindi na muling magpapakita pa si Nicholas sa kaniya subalit nagkakamali siya. Bigla na lamang itong sumulpot at napanganga na lang siya sa gulat. May dala pa itong mga prutas.“Bakit ka pa bumalik?”Ito kaagad ang bungad ni Raquel sa bagong dating na si Nicholas. Sa likuran naman nito ay nakasunod si Levi at ang dalawa pang lalaki na hindi niya kilala. Ngumiti naman si Nicholas at tila ba ay walang nangyari noong nakaraan. “May inayos lang ako sa maynila pero huwag kang mag-alala dahil matagal-tagal pa akong babalik doon.”Pakiramdam ni Raquel ay umuusok na ang kaniyang ilong habang nakatitig kay Nicholas. Hindi niya matanggap na bumalik na naman ito at sisirain ang araw niya.“Pinagdasal ko ta