Nakakuyom ang kaniyang mga kamay ng harapin niya ang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandirito ang lalaki.
“Anong ginagawa mo rito?” galit niyang tanong Kay Nicholas na ngayon ay nakatingin sa kaniya.
Akmang lalapitan siya ni Nicholas pero lumayo siya. Hindi na nagpumilit pa ang lalaki na makalapit sa kaniya.
“I'm here because I want to apologize...” aniya na nagpagulat kay Raquel. “I want to apologize for everything I did to you.”
Napatitig si Raquel sa mga mata ni Nicholas at isa lang ang kaniyang nakikita na hindi niya nakita simula nang ikasal sila.
“Am I dreaming?”
Iyon na lamang ang kaniyang nasabi dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig mula kay Nicholas. Ibang-iba ang dating ng kaniyang dating asawa ngayon kaysa noong huling nakita niya ito.
“Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa 'yo, Raquel. Alam kong labis kitang nasaktan at gusto ko lang malaman mo na labis akong nagsisisi. Mali pala talaga ang ginawa ko sa 'yo.”
Dahil sa mga sumusunod na sinabi ni Nicholas ay malinaw na kay Raquel ang lahat. Nagsabayan sa pagtulo ang kaniyang mga luha habang ang kaniyang mga palad ay nakakuyom pa rin.
Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nagwasak sa kaniyang puso ay na sa harapan niya ngayon at humihingi ng tawad sa mga ginawa niya. Kung siya pa ang dating Raquel ay lalambot na kaagad ang puso niya pero masyado siyang nasaktan dahil sa ginawa ni Nicholas.
Nilapitan niya ang lalaki at pinaghahampas ng dala niyang bag. Pinigilan naman siya ni Althea hanggang sa hindi na siya makalapit kay Nicholas.
Masama ang kaniyang loob. Galit ang kaniyang puso dahil sa mga ginawa ni Nicholas sa kaniya. Hinding-hindi niya ito mapapatawad.
“Hindi ka dapat nagpunta rito. Hindi ko kailangan ng sorry mo dahil matagal na kitang binaon sa lupa!” sigaw niya habang umiiyak.
Hindi siya maniniwala sa mga sinasabi ng lalaki sa kaniya ngayon.
“Kung sa tingin mo ay ganoon kadali ang lahat ay nagkakamali ka. Winasak mo ang puso ko, Nicholas. Hinding-hinding ko makakalimutan lahat ng mga sakit na naranasan ko sa piling mo kaya kung nandito ka para saktan ako p'wes nagkakamali ka. Umalis ka na dito bago pa magdilim ang paningin ko!” sigaw niya at dinuro pa si Nicholas.
Wala na siyang ibang nararamdaman sa lalaki kung hindi galit. Galit siya dahil sa kakapalan ng mukha nitong magpakita sa kabila ng mga ginawa niya noon.
Nagulat naman ni si Raquel ng biglang lumuhod ang kaniyang dating asawa sa harapan niya habang ang kaniyang mga mata ay nagsusumamo. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nakikita at pakiramdam niya ay isa lamang itong panaginip.
“I'm sorry, Raquel. Patawarin mo ako kung huli na ng mapagtanto ko na mahalaga ka pala talaga sa buhay ko at hindi ko kayang mawala ka. Maniwala ka sa akin, sobrang dilim ng buhay ko sa mga buwang wala ka na.”
Natawa bigla si Raquel dahil sa sinabi ni Nicholas. Hindi siya makapaniwala sa galing ng asawa sa pag-arte.
“Alam mo bilib na talaga ako sa 'yo. Ang galing mong umarte. Alam ko naman na ginagawa mo ito dahil sa kompanya pero ito ang tandaan mo. Hindi na ako madadala diyan sa ginagawa mo kaya pwede ba. Hindi ikaw to. Huwag ka na magpanggap. Ipakita mo sa lahat kung ano ka bilang asawa ko!”
Hindi na mapigilan ni Raquel na magtaas ng boses at maraming bisita ang nakapansin no'n. Napansin rin iyon ng kaniyang lolo kaya nilapitan siya nito.
“What's happening here?” takang tanong ng lolo niya pero na kay Nicholas pa rin nakatingin si Raquel na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin sa harapan niya.
Nagtaas siya ng noo at galit pa ring tinitigan si Nicholas.
“Ang magaling kong asawa ay pinagloloko pa rin ako, lolo. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin sa kabila ng lahat!” sambit niya sa galit na tono.
Lumapit naman ang lolo niya kay Nicholas at hindi na nagulat si Raquel nang suntukin niya iyon. Hindi nakapalag si Nicholas sa ginawa ng kaniyang lolo na ngayon ay nakasalampak na sa sahig. Patuloy pa rin sa pagsuntok ang lolo ni Raquel habang siya ay umiiyak lang at walang ginawa para pigilan ito.
Galit na galit siya kay Nicholas at gusto niya itong sugurin. Gusto niyang pagbayarin ang dating asawa dahil sa mga ginawa nito sa kaniya na nagpababa sa kaniyang pagkababae subalit iniisip niya ang kalagayan ng kaniyang anak. Hindi pwedeng magpadala siya sa bugso ng damdamin dahil malalagay sa peligro ang bata.
“Sabihin mo sa aking kung papatayin ko ba ito, Raquel. Hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa niya sa 'yo!” sigaw ng lolo niya kaya naman ay natauhan si Raquel.
Kaagad siyang lumapit sa lolo niya at inawat ito. Nakaramdam naman siya ng awa nang makita ang mukha ni Nicholas na ngayon ay duguan. Dumating ang kaniyang mga tauhan at tinulungan siyang makatayo.
“Umalis ka na dito bago pa may mangyari sa 'yo. Huwag mo na subukan pang bumalik dahil hindi kita mapapatawad kung totoo man ang hinihiling mo. Masyado mo akong sinaktan, Nicholas.” Napapailing na sabi ni Raquel sa kaniya.
Nagtangka itong lumapit pero hinarangan siya ng kaniyang lolo.
“Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakakausap nang mabuti, Raquel.”
Nang dahil sa galit niya kay Nicholas ay hindi niya na napigilan ang sariling sakmalin ito.
“Tama na! Ayoko na! Pagod na pagod na ako sa 'yo, Nicholas. Simula noon ay wala ka ng ginawa kung hindi ang saktan ako!” umiiyak niyang sigaw sa asawa.
“Alam ko kaya sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang napagtanto na mahal pala kita. Sana mapatawad mo pa ako. Sana mabigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita sa 'yo kung gaano ako nagsisisi sa mga kasalanan ko.”
Nagulat si Raquel nang bigla itong maiyak sa harapan niya. Lumuhod na naman ito ulit pero hindi na nagpadala si Raquel. Alam niyang lahat ng ginagawa ni Nicholas ngayon ay pagpapanggap lang.
“Look at yourself, Nicholas. Binababa mo ang sarili mo dahil lang diyan sa pagpapanggap mo. Pwede ba huwag na tayong maglokohan dahil hindi mo na ako maloloko pa.”
Masakit pa rin ang puso ni Raquel hanggang ngayon dahil kay Nicholas. Hindi ganoon kadaling makalimot at higit sa lahat ay hindi ganoon kadaling magpatawad.
“I don't care about who I am. All I wanted now is to have you back. I want you back in my life to correct everything I did. I will not stop, Raquel.”
Napailing si Raquel habang nakikinig kay Nicholas.
Inilapit niya ang mukha kay Nicholas at nagsalita. “Hindi lahat ng bagay ay kaya mong makuha, Nicholas. Tandaan mo, tapos na tayo at salamat sa ginawa mo dahil nagising na ako. Napagod na ang puso ko kaya magdusa ka.”
Hindi makapaniwala si Raquel sa kaniyang sarili dahil nagagawa na 'yon kay Nicholas at alam niya sa sarili na nagbago na siya. Hindi na siya ang Raquel na ginawang alipin ni Nicholas at hindi na siya babalik pa roon kahit kailan.
“I swear I will not stop winning you back.”
Tumalikod na siya at hindi pinansin ang huling sinabi ni Nicholas dahil alam niyang kasinungalingan lahat nang 'yon.
Tuluyan na ngang nakapasok sa mansyon si Raquel. Binigyan siya kaagad ni Althea ng maiinom at habang hinihintay ang kaibigan ay naupo siya sa sofa. Naiwan naman ang kaniyang lolo dahil kailangan niyang asikasuhin ang mga bisita.Nag-aalab pa rin sa galit ang puso niya nang makita ang pagmumukha ng kaniyang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa ng lalaki ang bagay na malabong gawin nito. Ibang-iba si Nicholas kung ikukumpara noon kaya't litong-lito siya.“Uminom ka muna, Raquel.”Napalingon siya sa gawi ni Althea at nagbuntong hininga. Tinanggap niya ang tubig saka ito ininom.“Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng asawa mo, Raquel. Bakit ibang-iba siya sa sinabi mo noong nakaraan?” takang tanong ni Althea.Tumayo sa kinuupuan si Raquel saka ito sinagot.“Hindi ko rin alam, Althea. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at sinundan ako dito. Ang kapal pa rin talaga ng pagmumukha niyang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa niya.”Ramdam niya ang panginginig
Masakit ang ulo ni Raquel nang magising siya kinaumagahan. Nahirapan siyang makatulog kagabi dahil kay Nicholas at mas lalong lumaki ang galit niya para rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagpunta ito sa kaarawan ng kaniyang lolo at manggulo.Pagkababa niya pa lang ng hagdan ay binati na siya kaagad ni Althea. May dala itong pagkain na paborito niya at hindi niya ito kaagad pinalampas.“Tapos na mailigpit ng mga katulong ang pinagdausan ng selebrasyon kagabi, Raquel.” Napalingon siya sa gawi ni Althea habang kumakain pa rin. Puno ang kaniyang bibig kaya naman ay tango lang ang naging tugon niya rito.Natawa naman ang kaibigan at hindi na nagsalita pa. Tinapos niya na ang pagkain saka nagsalita.“What about Nicholas? Hindi na ba siya bumalik?” tanong niya at kaagad tumango si Althea.“Mukhang natakot sa ginawa ng lolo mo.”Natawa na lang si Raquel sa sinabi ng kaibigan pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mag-isip kay Nicholas. Akala niya ay kaya niya
“He allowed me to win you back.”Nanlaki ang mga mata ni Raquel dahil sa sinabi ni Nicholas. Ang lakas pa rin nang kabog ng dibdib niya dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na sasabihin 'yon ng kaniyang lolo kay Nicholas.“Kaya pala ang lakas din ng loob mong magpakita sa akin pero wala akong pakialam kung pinayagan ka ng lolo ko. Hindi mababago ang katotohanan na galit ako sa 'yo at habang buhay ko 'yong mararamdaman sa 'yo!” galit niyang sabi at tuluyan na itong iniwanan.Mabilis namang sumunod si Althea sa kaniya na pilit sinasabayan siyang maglakad. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay nadatnan niyang nakaupo sa sofa ang kaniyang lolo. Agad niya itong nilapitan para kausapin tungkol kay Nicholas.“Gising ka na pala, Raquel,” sabi ng lolo niya. Ibinaba niya ang hawak na diyaryo para harapin siya.Huminga muna nang malakas si Raquel bago magsalita. Pinipilit niyang pinapakalma ang sarili kahit ang totoo ay gusto na niyang sumabog sa inis dahil kay Nicholas.“Why did you let that man
“This is what we need to do to stop the bleeding,” sabi ng lalaking humablot sa kamay niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Raquel na sinundan siya ni Nicholas dito. Siya ang humablot sa kamay niya ng akmang papahiran niya sana ang dugo.Bigla namang nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo nang s******n ni Nicholas ang daliri niya kung saan natusok. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sinasabi ng kaniyang isipan na dapat niyang itulak ang lalaki subalit sinasabi naman ng kaniyang utak na hayaan na lamang ito sa ginagawa.Walang nagawa si Raquel hanggang sa matapos si Nicholas na s******n ang kaniyang daliri. Saka lamang niya napagtanto nang hilahin siya nito sa labas. Kaagad niyang tinulak si Nicholas at dinuro ito.“Hindi ko kailangan ang tulong mo!” hiyaw niya at kaagad na lumabas. Uuwi na sana si Raquel sa mansyon subalit hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang kalamansi juice. Natakam siya bigla kaya naman ay kumuha siya para ito ay inumin.“Ayos ka lang ba?” ta
“Huwag kang gagalaw!”Nanigas sa kinatatayuan si Raquel habang ang kaniyang mga paa ay nagsisimula nang manginig sa takot. Nakatutok ang mga baril ng kalaban sa kaniya at maling galaw niya lang ay maaari siyang matamaan.“A-Ano ang kailangan ninyo? P-Paano kayo nakapasok?” nauutal niyang tanong sa mga lalaki. Sa kabila pa man ng takot na nararamdaman niya ay nagawa pa niyang makapagsalita. Nilapitan naman siya ng isa sa mga lalaking hindi niya kilala at itinutok ang baril sa kaniyang ulo.“Saan nakatago ang mga pera niyo!?” tanong ng lalaki.Ngayon alam niya na kung ano ang pakay ng mga lalaki rito. Gusto nilang magnakaw kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Isa lang ang tiyak niya sa mga oras na ito. Na sa peligro ang buhay niya at mag-isa lang siya.“Hindi ko alam kung nasaan ang pera. Wala kayong makukuha sa akin.”Hinablot ng lalaki ang kanang braso ni Raquel dahil sa naging tugon niya. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan at ano mang oras ay matutumba na siya sa k
Isang hagalpak na tawa ang pinakawalan ni Raquel upang alisin ang kabang nadarama niya kanina lang. Tinitigan lang siya ni Nicholas at maging ng iba pang kasama niya ngayon sa sala ng mansyon.“Ikaw na talaga, Nicholas,” aniya habang nakangisi pa rin. “Pinabilib mo talaga ako sa kakapalan ng mukha mo.”Napapailing siya nang sabihin iyon. Seryoso lang si Nicholas habang nakatitig kay Raquel na animo'y gusto niyang ipaalam sa asawa na alam niya kung ano ang kaniyang sinabi.“I'm serious. Isang yakap mo lang ako'y aalis na. Kahit umalis ako dito ay ayos lang dahil nayakap naman kita.”Napakunot naman ang noo ni Raquel dahil sa sinabi niya. Iniisip niya pa lang na magdikit ang kanilang mga katawan ay kinakabahan na siya. Kailanman ay hindi niya naranasang mayakap ni Nicholas noong sila pa.Hindi siya makapaniwala na ang lalaki na ang hihingi ng yakap niya ngayon.“Parang kailan lang ay halos pandirian mo ako. Ano ba talaga ang nakain mo at hinahabol-habol mo na ako ngayon? 'Di ba wala nam
“We can help.” Napalingon si Raquel sa likuran at doon nakita si Nicholas. Pansamantala siyang natigilan. Mabilis naman siyang nakaisip ng sagot.“Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Mataray na usal ni Raquel kaya't nagbuntong hininga na lang si Nicholas.“This is not the perfect time for our personal conflict, Raquel. It's your grandfather's business.”Napakagat si Raquel sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya gusto ang ideyang tutulong si Nicholas pero kailangan nila ng tauhan. Labag man sa loob niya ay kailangan niyang ipalipas muna ang galit niya kay Nicholas dahil may mas mahalagang bagay na kailangang unahin.“Tama po si sir Nicholas, Senyorita. Kailangan po natin ng tulong sa rantso.” Napatango na lang sa kaniyang ulo si Raquel sa sinabi ni Mang Delfin. Pagkatapos ng pag-uusap ay agad namang umalis sina Nicholas at Levi kasama ni Mang Delfin upang mahanap ang mga kabayo habang naiwan naman si Raquel sa mansyon. Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit nakawala ng sabay ang mga kab
Napaatras si Raquel nang makita ang dami ng mga lalaking papunta sa kanilang direksyon at may mga dalang armas. Hindi niya kilala ang mga ito pero isa lang ang tiyak niya. Ang mga lalaking ito ay hindi tauhan ng kaniyang lolo kaya naman ay kinakabahan na siya lalo na't papalapit ang mga ito sa direksyon niya.“S-Sino kayo?” tuluyan na ngang nakalapit ang mga ito sa kanila. May biglang humawak sa magkabilang kamay ni Raquel at maging kay Althea rin.Sinubukan niyang magpumiglas subalit kaagad nagbanta ang mga ito.“'Wag niyo subukang gumalaw o baka papasabugin namin 'yang mga bungo niyo!” sigaw ng isa sq kanila kaya tila nanigas ang katawan ni Raquel sa sobrang kaba.Hindi niya alam kung paano nakapasok ang mga ito. Pribadong lugar itong hasyenda ng lolo niya.“Ano ba ang kailangan niyo sa amin?” Kahit kinakabahan ay kailangan niyang itanong ang mga 'yon para malaman kung ano ang pakay ng mga ito sa kanila.“Saan nagpunta ang lolo mo?” May isang lumapit kay Raquel at hinawakan ang b