“This is what we need to do to stop the bleeding,” sabi ng lalaking humablot sa kamay niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Raquel na sinundan siya ni Nicholas dito. Siya ang humablot sa kamay niya ng akmang papahiran niya sana ang dugo.Bigla namang nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo nang s******n ni Nicholas ang daliri niya kung saan natusok. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sinasabi ng kaniyang isipan na dapat niyang itulak ang lalaki subalit sinasabi naman ng kaniyang utak na hayaan na lamang ito sa ginagawa.Walang nagawa si Raquel hanggang sa matapos si Nicholas na s******n ang kaniyang daliri. Saka lamang niya napagtanto nang hilahin siya nito sa labas. Kaagad niyang tinulak si Nicholas at dinuro ito.“Hindi ko kailangan ang tulong mo!” hiyaw niya at kaagad na lumabas. Uuwi na sana si Raquel sa mansyon subalit hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang kalamansi juice. Natakam siya bigla kaya naman ay kumuha siya para ito ay inumin.“Ayos ka lang ba?” ta
“Huwag kang gagalaw!”Nanigas sa kinatatayuan si Raquel habang ang kaniyang mga paa ay nagsisimula nang manginig sa takot. Nakatutok ang mga baril ng kalaban sa kaniya at maling galaw niya lang ay maaari siyang matamaan.“A-Ano ang kailangan ninyo? P-Paano kayo nakapasok?” nauutal niyang tanong sa mga lalaki. Sa kabila pa man ng takot na nararamdaman niya ay nagawa pa niyang makapagsalita. Nilapitan naman siya ng isa sa mga lalaking hindi niya kilala at itinutok ang baril sa kaniyang ulo.“Saan nakatago ang mga pera niyo!?” tanong ng lalaki.Ngayon alam niya na kung ano ang pakay ng mga lalaki rito. Gusto nilang magnakaw kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Isa lang ang tiyak niya sa mga oras na ito. Na sa peligro ang buhay niya at mag-isa lang siya.“Hindi ko alam kung nasaan ang pera. Wala kayong makukuha sa akin.”Hinablot ng lalaki ang kanang braso ni Raquel dahil sa naging tugon niya. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan at ano mang oras ay matutumba na siya sa k
Isang hagalpak na tawa ang pinakawalan ni Raquel upang alisin ang kabang nadarama niya kanina lang. Tinitigan lang siya ni Nicholas at maging ng iba pang kasama niya ngayon sa sala ng mansyon.“Ikaw na talaga, Nicholas,” aniya habang nakangisi pa rin. “Pinabilib mo talaga ako sa kakapalan ng mukha mo.”Napapailing siya nang sabihin iyon. Seryoso lang si Nicholas habang nakatitig kay Raquel na animo'y gusto niyang ipaalam sa asawa na alam niya kung ano ang kaniyang sinabi.“I'm serious. Isang yakap mo lang ako'y aalis na. Kahit umalis ako dito ay ayos lang dahil nayakap naman kita.”Napakunot naman ang noo ni Raquel dahil sa sinabi niya. Iniisip niya pa lang na magdikit ang kanilang mga katawan ay kinakabahan na siya. Kailanman ay hindi niya naranasang mayakap ni Nicholas noong sila pa.Hindi siya makapaniwala na ang lalaki na ang hihingi ng yakap niya ngayon.“Parang kailan lang ay halos pandirian mo ako. Ano ba talaga ang nakain mo at hinahabol-habol mo na ako ngayon? 'Di ba wala nam
“We can help.” Napalingon si Raquel sa likuran at doon nakita si Nicholas. Pansamantala siyang natigilan. Mabilis naman siyang nakaisip ng sagot.“Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Mataray na usal ni Raquel kaya't nagbuntong hininga na lang si Nicholas.“This is not the perfect time for our personal conflict, Raquel. It's your grandfather's business.”Napakagat si Raquel sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya gusto ang ideyang tutulong si Nicholas pero kailangan nila ng tauhan. Labag man sa loob niya ay kailangan niyang ipalipas muna ang galit niya kay Nicholas dahil may mas mahalagang bagay na kailangang unahin.“Tama po si sir Nicholas, Senyorita. Kailangan po natin ng tulong sa rantso.” Napatango na lang sa kaniyang ulo si Raquel sa sinabi ni Mang Delfin. Pagkatapos ng pag-uusap ay agad namang umalis sina Nicholas at Levi kasama ni Mang Delfin upang mahanap ang mga kabayo habang naiwan naman si Raquel sa mansyon. Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit nakawala ng sabay ang mga kab
Napaatras si Raquel nang makita ang dami ng mga lalaking papunta sa kanilang direksyon at may mga dalang armas. Hindi niya kilala ang mga ito pero isa lang ang tiyak niya. Ang mga lalaking ito ay hindi tauhan ng kaniyang lolo kaya naman ay kinakabahan na siya lalo na't papalapit ang mga ito sa direksyon niya.“S-Sino kayo?” tuluyan na ngang nakalapit ang mga ito sa kanila. May biglang humawak sa magkabilang kamay ni Raquel at maging kay Althea rin.Sinubukan niyang magpumiglas subalit kaagad nagbanta ang mga ito.“'Wag niyo subukang gumalaw o baka papasabugin namin 'yang mga bungo niyo!” sigaw ng isa sq kanila kaya tila nanigas ang katawan ni Raquel sa sobrang kaba.Hindi niya alam kung paano nakapasok ang mga ito. Pribadong lugar itong hasyenda ng lolo niya.“Ano ba ang kailangan niyo sa amin?” Kahit kinakabahan ay kailangan niyang itanong ang mga 'yon para malaman kung ano ang pakay ng mga ito sa kanila.“Saan nagpunta ang lolo mo?” May isang lumapit kay Raquel at hinawakan ang b
Makalipas ang ilang araw ay hindi na nagpakita si Nicholas kay Raquel. Nakauwi na rin sa probinsya ang lolo niya kaya hindi na siya nag-iisa sa mansyon. Hindi na rin niya inalam kung nasaan si Nicholas dahil para sa kaniya ay mas mabuting wala ito sa bahay nila.Buong akala naman ni Raquel ay hindi na muling magpapakita pa si Nicholas sa kaniya subalit nagkakamali siya. Bigla na lamang itong sumulpot at napanganga na lang siya sa gulat. May dala pa itong mga prutas.“Bakit ka pa bumalik?”Ito kaagad ang bungad ni Raquel sa bagong dating na si Nicholas. Sa likuran naman nito ay nakasunod si Levi at ang dalawa pang lalaki na hindi niya kilala. Ngumiti naman si Nicholas at tila ba ay walang nangyari noong nakaraan. “May inayos lang ako sa maynila pero huwag kang mag-alala dahil matagal-tagal pa akong babalik doon.”Pakiramdam ni Raquel ay umuusok na ang kaniyang ilong habang nakatitig kay Nicholas. Hindi niya matanggap na bumalik na naman ito at sisirain ang araw niya.“Pinagdasal ko ta
“Who's that man, Raquel?”Napatayo si Raquel sa kanyang pagkakaupo nang marinig niya ang boses ni Nicholas. Bigla itong dumating sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ni Andrie.Paglingon niya kay Andrei, nagtataka itong nakatingin kay Nicholas at tila ba binabasa niya ang dating asawa ni Raquel.“Ano naman ang pakialam mo?”Imbes na sagutin niya si Nicholas ay nagtanong din siya. Nagsalubong ang dalawa nitong kilay at masamang nakatitig kay Andrei.Isang malakas na paghinga ang pinakawalan ni Nicholas. “Gusto ko lang naman malaman kung sino siya at kung paano siya nakapasok dito.”Isang iling ang pinakawalan ni Raquel dahil sa rason ni Nicholas. Wala siyang pakialam kung ano ang dahilan niya. Isa lang ang na sa isip niya ngayon kung hindi ang katotohanang wala na itong pakialam pa sa buhay niya.“Sino siya, Raquel?” takang tanong ni Andrei.Napangisi naman si Nicholas habang napapailing dahil sa kanyang narinig. Hindi ito makapaniwala na hindi siya kilala ng lalaki. Kinakabahan naman si R
Pakiramdam ni Raquel ay nanlumo siya nang madatnan si Andrei na ngayon ay kausap si Nicholas kasama ng mga kaibigan. Napalunok si Raquel sa kanyang nadatnan kaya agad niya itong nilapitan.“What's going on here?”Napatingin silang lahat nang magsalita si Raquel. Napatayo pa ang mga ito at napatitig sa kaniya.“Raquel...” sambit ni Andrei sa pangalan niya.Nagsalubong naman ang kilay ni Raquel nang titigan niya si Nicholas. Kilala niya ang lalaki at ramdam niya na may sinabi ito kay Andrei.“Anong sinabi ni Nicholas sa 'yo, Andrei?” Napalunok si Andrei nang tanungin niya iyon. Lumingon si Andrei sa gawi ni Nicholas at tila ba ay kinakabahan ito na magsabi.“I just told him the truth,” ani Nicholas. Napakuyom ang mga kamao ni Raquel at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa oras na ito. Gusto niyang sugurin si Nicholas at sapakin ito pero pinigilan niya ang sarili.“What truth?” tanong ni Raquel. Kalmado pa siya sa mga oras na iyan pero gusto niya ng sumabog sa sobrang inis niya