Share

Kabanata 0011

“Huwag kang gagalaw!”

Nanigas sa kinatatayuan si Raquel habang ang kaniyang mga paa ay nagsisimula nang manginig sa takot. Nakatutok ang mga baril ng kalaban sa kaniya at maling galaw niya lang ay maaari siyang matamaan.

“A-Ano ang kailangan ninyo? P-Paano kayo nakapasok?” nauutal niyang tanong sa mga lalaki.

Sa kabila pa man ng takot na nararamdaman niya ay nagawa pa niyang makapagsalita. Nilapitan naman siya ng isa sa mga lalaking hindi niya kilala at itinutok ang baril sa kaniyang ulo.

“Saan nakatago ang mga pera niyo!?” tanong ng lalaki.

Ngayon alam niya na kung ano ang pakay ng mga lalaki rito. Gusto nilang magnakaw kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Isa lang ang tiyak niya sa mga oras na ito. Na sa peligro ang buhay niya at mag-isa lang siya.

“Hindi ko alam kung nasaan ang pera. Wala kayong makukuha sa akin.”

Hinablot ng lalaki ang kanang braso ni Raquel dahil sa naging tugon niya. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan at ano mang oras ay matutumba na siya sa k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status