“Bakit namumula 'yang katawan mo!?” kinakabahang tanong ni Raquel kay Nicholas.Napatingin naman ito sa katawan niya at pinagpagan lang ito na parang wala. Bigla niyang nginisihan si Raquel kaya agad na tumingin sa ibang direksyon si Raquel.“It's nothing, and you should drink the coconut now. I will open it for you.”Muli na namang natigilan si Raquel. Nang lumingon siya kay Althea, napansin niyang ngumingiti ito. Napailing na lamang si Raquel na pilit inaalis sa kanyang isip ang mga ginawa ni Nicholas. Hindi siya dapat magpadala dito dahil alam niyang lahat ng ito ay plano lang ni Nicholas. Lahat ng mga ginawa niya sa kanya hindi niya 'yon makakalimutan kahit kailan. Mananatiling duguan ang kanyang puso kahit pa man anong gawin ni Nicholas. Hinding-hindi siya lalambot para dito. Agad namang binigay ni Nicholas ang nabuksan niyang buko para kay Raquel at hindi na ito pinalampas ng babae. Agad niya itong ininom habang si Nicholas ay pansamantalang iniwan sila Raquel para puntahan an
Biglang lumuhod ang mga lalaking nakalaban ni Nicholas na umiiyak. Bakas sa kanilang mukha ang takot na baka tapusin ni Nicholas ang kanilang mga buhay.“P-Patawarin mo kami. N-nangangako kaming hindi na ito mauulit pa,” naiiyak na usal ng isa sa mga lalaki. Nakatutok pa rin sa gawi nila ang baril ni Nicholas at wala itong balak na ibaba.Samantala, hindi pa rin gumagalaw sa kanyang direksyon si Raquel dahil sa kanyang mga nakita kanina lang. Hindi niya lubos akalain na masaksihan niya ang mga bagay na ito.“You really think one of you can beat me down? I will never be Nicholas for nothing!” sambit ni Nicholas kaya napatitig sa kanya si Raquel. Maski siya ay hindi makapaniwala sa ginawa ng dating asawa. Alam naman niya na hindi basta-bastang tao si Nicholas. Marunong itong makipaglaban at makipagbarilan dahil bilang isang bilyonaryo kailangan niyang protektahan ang sarili. Hindi aakalain ni Raquel na magagamit niya ito ngayon.“P-Pinapangako namin hindi na ito mauulit pa. H-Hindi na
“Althea pumasok ka na sa sasakyan!”Ito ang sinabi ni Nicholas sa kaibigan ni Raquel habang siya naman ay bigla na lamang binuhat para piliting sumakay sa sasakyan. Hindi kaagad nakapag-react si Raquel dahil hindi niya inaasahang gagawin 'yon ni Nicholas. Na sa loob na siya ng sasakyan nito bago pa siya nakapalag.“Anong ginagawa mo!?” sigaw ni Raquel kay Nicholas habang ang mga mata ay nanlilisik na sa galit. Hindi niya maintindihan si Nicholas lalo na ang mga ginagawa nito ngayon.Nagsimula na paandarin ni Nicholas ang sasakyan at walang nagawa si Raquel kung hindi ang matuod sa kanyang direksyon. Gustuhin niya mang lumabas subalit hindi niya pwedeng gawin 'yon dahil ikakapahamak niya at ng anak.“I know you don't want my help even if I beg you, but this is not the right time for our personal problem. Your grandfather needed you and we are running out of time if you keep on avoiding me.”Natulala si Raquel sa dahilan ni Nicholas kung bakit kailangan pa siya nitong buhatin para mais
Ngayong araw ay nakatakdang pupunta ang mga kasosyo sa negosyo ng lolo ni Raquel at gusto makilala si Nicholas. Dahil nagpapahinga si Don Ramon, walang ibang haharap kung hindi si Raquel at si Nicholas. Alas siyete ng gabi ay darating na ang mga ito at nagpahanda si Raquel ng mga pagkain at venue kung saan doon silang lahat mag-usap-usap. May inaalok pala ang lolo ni Raquel sa mga kasosyo niyang darating ngayong gabi at kailangan niya itong makumbinse na makipagtulungan sa kanila. Kailangan niyang makubinse silang lahat na maglagay ng shares sa kumpanya para mas lalong lumago ang negosyo ng lolo niya.Kaya naman ay pinaghandaan ni Raquel ang araw na ito. Noong nakaraang araw ito sinabi ng lolo niya sa kanilang dalawa ni Nicholas. Hindi makakapayag si Raquel na maunahan siya ni Nicholas kaya naman ay pinaghandaan niya itong maigi.Nasa kwarto pa siya sa mga oras na ito, naghahanda sa kanyang sarili bago harapin ang mga bisita. Kasalukuyang tinutulungan siya ni Althea na makapili ng ma
“Don't you dare slap her, or I will kill you!” Natuod sa direksyon si Raquel nang marinig ang galit at malamig na pananalita ni Nicholas mula sa likuran. Bigla itong dumating sa kanilang direksyon na agad napigilan ang lalaking bastos.“Nagkakamali kayo sa iniisip niyo, Mr. Hidalgo. Hindi niyo alam kung ano ang ginawa ng babaeng 'yan kaya gusto ko siyang sampalin.”Nanlaki ang mata ni Raquel sa kanyang narinig kaya sinapak niya ito sa mukha dahil sa inis. “Babaliktarin mo pa talaga ang kwento, ha!?”Marahas namang binitawan ni Nicholas ang kamay ng lalaki at tinitigan si Raquel. Bakas sa mukha niya ang galit at gusto ng pumatay. Bigla namang nahimasmasan si Raquel na ngayon ay inilibot ang paningin sa ibang mga bisita. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot lalo na nang maglabas si Nicholas ng baril. Nagsitakbuhan paalis ang mga bisita kaya naman ay kinabahan si Raquel. Hinawakan niya ang kamay ni Nicholas upang pahupain ito sa galit pero hindi ito natinag. Tinutukan niya ng baril
Sa umagang 'yon ay nagising si Raquel na nakasimangot. Wala pang alam ang lolo niya tungkol sa ginawa ni Nicholas kagabi at ngayon niya ito ipapaalam sa kanya.Bago lumabas ng kwarto ay sinigurado niya muna na nagawa niya ang kailangan niyang gawin tuwing umaga. Dumiretso muna siya sa kwarto ng lolo niya upang tignan kung maayos lang ang lagay nito at naabutan niyang kumakain. Ngumiti si Raquel habang nagsisimula na kumabog ng malakas ang kanyang puso nang batiin niya ang lolo. “Good morning, Lolo.”Hinalikan niya ang pisngi ng lolo niya at ngumiti ito.“What happened? You look not fine?” tanong ng lolo ni Raquel. Huminga muna siya nang malalim bago niya ito sinagot.“Something happened last night. The investors pulled out their shares because of what Nicholas did. You see, we cannot trust him. We should send him off here, Grandpa!” maktol ni Raquel sa lolo niya. Ngunit bigla na lamang nagsalubong ang kanyang dalawang kilay nang natawa lang ang lolo niya. Para bang hindi niya inaasa
Bigla na lamang siyang pigilan ng dating asawa. Isinandal siya nito sa pader at walang pagdadalawang isip na halikan siya sa kanyang labi. Napadilat sa kanyang mga mata si Raquel. Higit sa lahat ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung anong gagawin. Sinasabi ng kanyang isip ay dapat niyang itulak ang lalaki pero sinasabi naman ng kanyang puso ay hayaan na lamang ito at sagutin ang mapupusok na halik nito. Pakiramdam ni Raquel ay nag-iinit na ang kanyang katawan. Hindi siya sanay sa ganito dahil kahit noon hindi naman siya hinahalikan ni Nicholas. Isang beses lang din na may nangyari sa kanila kaya nabuntis siya agad. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Nicholas sa kanya pero sinaktan nito ang puso niya. Kahit anong gawin ni Nicholas hindi niya kayang takpan ang pagwasak nito sa puso niya kaya naman habang hindi pa siya masyadong nadadala sa halik ay itinulak niya si Nicholas nang malakas. Isang malutong na sampal ang kanyang pinakawalan at tumama ito sa mukha
Nakita niyang parating na si Levi sa kanilang direksyon. May dala itong isang kumpol na kulay pulang bulaklak. Nangunot ang noo ni Raquel habang nakatitig kay Levi.“Raquel...” tawag sa kanya ni Levi. “Pinabibigay ni—”“Sabihin mo sa kanya na kainin niya ang bulaklak niya. Hindi ako tumatanggap ng basura.” Hindi pa man natatapos ni Levi ang kanyang sasabihin ay inunahan niya na ito. Alam niya kung saan galing ang mga bulaklak na 'yon.“Malalagot ako kay Nicholas kapag hindi mo ito tinanggap,” aniya kaya napaikot ang dalawang mata ni Raquel. “Pakilagay na lang diyan sa ibabaw ng lamesa. Sabihin mo tinanggap ko.”Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Levi dahil sa sinabi ni Raquel. Agad nitong inilagay sa ibabaw ng lamesa ang bulaklak at naghanda na para umalis. “Thank you, Raquel. Nicholas will be happy about this,” sambit ni Levi na ngayon ay nakangiti nang malapad.Ngumiti na lamang nang pilit si Raquel at tinitigan lang si Levi hanggang makaalis ito saka napalis ang ngiti niya s