Share

Kabanata 0026

Bigla na lamang siyang pigilan ng dating asawa. Isinandal siya nito sa pader at walang pagdadalawang isip na halikan siya sa kanyang labi. Napadilat sa kanyang mga mata si Raquel.

Higit sa lahat ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung anong gagawin. Sinasabi ng kanyang isip ay dapat niyang itulak ang lalaki pero sinasabi naman ng kanyang puso ay hayaan na lamang ito at sagutin ang mapupusok na halik nito.

Pakiramdam ni Raquel ay nag-iinit na ang kanyang katawan. Hindi siya sanay sa ganito dahil kahit noon hindi naman siya hinahalikan ni Nicholas. Isang beses lang din na may nangyari sa kanila kaya nabuntis siya agad.

Hindi niya akalain na magagawa ito ni Nicholas sa kanya pero sinaktan nito ang puso niya. Kahit anong gawin ni Nicholas hindi niya kayang takpan ang pagwasak nito sa puso niya kaya naman habang hindi pa siya masyadong nadadala sa halik ay itinulak niya si Nicholas nang malakas. Isang malutong na sampal ang kanyang pinakawalan at tumama ito sa mukha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status