“Kailangan ba dapat nakasunod siya lagi sa 'kin?”Ito na lamang ang nasabi ni Raquel kay Amelia. Nakataas pa rin ang isang kilay ni Amelia sa kanya.“Well, hindi na rin ako magtataka. Malakas ang kutob ko na hindi naman talaga totoo ang sinabi ni Nicholas kanina. Isang bilyonaryo ang taong 'yon at bakit naman siya papatol sa 'yo?” tinitigan pa ni Amelia mula ulo hanggang paa si Raquel. “Alam kong rason niya lang 'yon para hindi siya dumugin ng mga babae.”Napailing si Raquel dahil sa mga pinagsasabi ni Amelia. Gusto niyang sabihin dito kung ano siya sa buhay ni Nicholas pero sa isip niya ay para ano pa?“Na sa teritoryo ka namin, Amelia. Huwag kang umasta na parang amo. Magiging mabait lang ako sa 'yo kapag inayos mo 'yang ugali mo. Hindi na ako tulad ng dati.” Napanganga naman si Amelia sa sinabi ni Raquel. Para itong natauhan pero dahil maldita ito ay umalis na lamang siya na hindi man lang humingi ng pasensya.Umiling na lamang si Raquel at binalik ang atensyon kay Althea na ngayo
Halos lumabas na ang puso ni Nicholas sa sobrang lakas ng pagkabog. Binitawan niya si Amelia upang saluhin ang nawawalang malay na si Raquel.Bigla namang pumasok sa loob si Levi kaya agad niya itong tinawag.“Levi!” sigaw niya sa kaibigan. “Call their family doctor now!” Mabilis namang kumuha ng cellphone si Levi at tinawagan ang doctor ng pamilya Montenegro. Agad namang inakyat ni Nicholas ang walang malay na si Raquel at dahan-dahang inilagay sa kama.Pilit niya itong ginigising pero hindi nagbukas ng mga mata si Raquel. Lumapit sa kanila si Althea at sa likuran niya ay ang nag-aalalang si Amelia.Galit na hinarap ito ni Nicholas at akmang tututukan ulit ng baril nang biglang lumuhod sa harapan niya ang babae.“P-Patawarin mo ako, Nicholas. Hindi ako masamang tao. Huwag ka sanang magalit. Wala akong intensyon na masama. Gusto ko lang sanang inisin si Raquel, ” nauutal-utal na paliwanag ng babae.Pinigilan ni Nicholas ang kanyang sarili na may gawing masama kay Amelia. Iniisip niya
Pagmulat ng mga mata ni Raquel ay nalaman niyang na sa loob na siya ng kanyang kwarto. Agad niyang hinawakan ang kanyang tiyan upang malaman kung nandiyan pa ang kanyang anak.Tumulo ang kanyang luha dahil akala niya ay mawawala ang kanyang dinadala. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyayaring masama sa anak niya.“Raquel?” Ang boses kaagad ni Althea ang bumungad sa kanya. Nakatingin na ito ngayon sa kanya at ngumiti na naluluha pa.“S-Sino ang nagdala sa 'kin?” tanong niya. Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Althea dahil sa kanyang naging tanong. Natahimik ito bigla at hindi na nakasagot si Althea dahil biglang pumasok ang kanyang lolo.“Iha,” tawag sa kanya ng lolo niya. Ngumiti ng pilit si Raquel at tumitig sa lolo niya na ngayon ay naglalakad na sa kanyang direksyon.Napakunot naman bigla ang kanyang noo nang makita ito. “Hindi ba na sa bakasyon kayo?”Ngumiti ang Lolo Ramon niya saka hinawakan ang kanyang kamay. Ramdam niya ang mainit na palad ng lolo niya.“Nagh
Napalingon si Raquel sa ibang direksyon, ang kanyang mga kamay ay nakapuyos sa sobrang inis niya kay Nicholas.Sa isip niya ay tama lang na hindi lumambot ang kanyang puso para rito. Kilala niya ang dating asawa. Alam niya ang takbo ng utak nito kay mas mabuti na lang ay hindi siya nagpadala sa mga sinabi ni Nicholas. Napatango siya bilang pagsang-ayon kay Althea. “It's good that they leave the mansion. I don't want to see them again.”Hinarap na ni Raquel si Althea ulit at nakita niyang nakatitig ang kaibigan sa kanya habang ang mga mata ay parang nababalot ng awa.“Anong gagawin natin, Raquel? Hindi mo ba siya tatawagan? Ama pa rin siya ng anak mo,” aniya kaya mabilis niyang iniling ang ulo.Itinaas ni Raquel ang kanyang noo bago magsalita at nang makakuha ng lakas ay saka siya nagsalita. “Wala na akong pakialam pa kung ama siya ng dinadala ko. Hindi naman siya naging mabuting asawa sa akin.”Walang nagawa si Althea kung hindi ang mapatango na lamang para sumang-ayon sa sinabi ni R
“Maligayang kaarawan, Raquel.”Ilan lamang ito sa mga narinig ni Raquel mula sa mga importanteng bisita ngayong gabi na dumalo para sa kanyang kaarawan.Hindi niya aakalain na kaarawan niya na pala at sa nakalipas na isang taon, ngayon niya lang ulit naidaos ang kanyang kaarawan. Simula no'ng makasal siya kay Nicholas ay hindi siya nagdiwang ng kaarawan. Para sa kanya ay wala na 'yong silbi dahil nakatuon ang atensyon niya kay Nicholas. Napailing na lang siya nang maalala niya bigla si Nicholas. Isang buwan na rin simula no'ng umalis ito ng mansyon at hindi na niya dapat pa itong isipin.“Happy birthday,” nakangiting bati sa kanya ni Amelia. Imbitado din ang mga ito. Maayos ang naging relasyon nila ni Amelia at natutuwa siya dahil tuluyan na ngang nagbago si Amelia. Sunod naman na dumating ay si Althea na ngayon ay nakayuko. “Happy birthday, Raquel. Pagpasensyahan mo na itong regalo ko. Gawa pa ito ni nanay para sa anak mo. Ipasuot mo raw ito sa kanya dahil ito ang magbibigay sa ka
“Anong ginagawa mo dito?”Ito agad ang bungad ni Raquel sa kararating lang na si Nicholas. Ngumiti ang lalaki at napataas naman ang isang kilay niya.“Is that how you greet your husband?” nakakalokong tanong naman ni Nicholas.“Correction,” ani Raquel. “Ex-husband. Don't forget the difference between husband and ex-husband.” Napabuntong hininga na lamang si Nicholas at tinitigan si Don Ramon saka ito ngumiti. “It's nice to be back again, Don Ramon.”Nagkamayan ang dalawa at walang nagawa si Raquel kung hindi ang panoorin ang mga ito habang ang kanyang dibdib ay patuloy sa pagkabog nang malakas.Hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman sa mga oras na ito nang makita ulit si Nicholas. Gusto niyang ipagtabuyan ito paalis dahil sa kakapalan ng mukha pero hindi siya pwedeng magalit. Pinigilan niya na lang ang sarili dahil sa isip niya ay may oras din ito sa kanya pagkatapos ng pagsasalo.“I'm glad that you come, Nicholas. I thought you're not gonna make it,” sabi ni Don Ramon.Napa
Kinaumagahan ay maagang nagising si Raquel at Althea upang maghanda para pumunta sa bahay nila Amelia. Hindi na siya makapaghintay pa na makaalis para na rin takasan si Nicholas dahil nalaman niyang bumalik na ito ulit sa bahay niya katabi ng bahay ng lolo Ramon ni Raquel.Ngayon ay nakababa na si Raquel sa hagdan at nakita niya si Althea na naghihintay. Nagtaka pa siya nang mapansin na may dala itong backpack.“Where are you going?” tanong ni Raquel. Napakunot naman ang noo nito na nakatitig sa kanya.“Pupunta tayo sa rest house nila Amelia at nalaman kong may pool pala doon kaya gusto kong maligo,” sagot ni Althea sa kanya. Natawa na lamang si Raquel at hinayaan ang kaibigan. Hindi na rin siya maliligo sa pool kasi nga iniingatan niya ang kanyang sarili. Buntis siya at kailangan niyang mag-ingat sa kanyang mga galaw.“Tara na dahil baka naghihintay na doon sila Amelia,” sabi ni Raquel. Tumango si Althea at naglakad na sila papunta sa sasakyan. Mabuti na lang ay wala si Nicholas ka
Natahimik ang lahat dahil sa nangyari kay Raquel. Mabuti na lang at mabilis si Nicholas. Agad niya itong nailigtas sa pool. Dinala nila si Raquel sa loob ng kwarto dito sa rest house nila Amelia. Agad binigyan ng damit si Raquel upang makabihis. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Raquel sa nangyari sa kanya. Hindi niya lubos maisip na maaari siyang mamatay dahil sa kanyang katangahan at hindi lang 'yon, maaaring mawala rin ang kanyang anak. Nang isipin niya 'yon, bigla siyang nanginig. Sabay na tumulo ang mga luha sa kanyang mata at hindi niya na napigilang umiyak. Agad naman siyang niyakap ni Nicholas at inilabas ni Raquel ang takot na bigla niyang naramdaman kanina.“H-Hindi ko alam anong gagawin kapag nawala ang anak ko, Nicholas. Hindi...” Dahil sa kanyang takot ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Agad siyang binuhat ni Nicholas upang iuwi sa mansyon. Mabilis naman silang umalis agad habang si Raquel ay mahimbing na nakatulog.Takot ang na sa puso ni Nicho