Natahimik ang lahat dahil sa nangyari kay Raquel. Mabuti na lang at mabilis si Nicholas. Agad niya itong nailigtas sa pool. Dinala nila si Raquel sa loob ng kwarto dito sa rest house nila Amelia. Agad binigyan ng damit si Raquel upang makabihis. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Raquel sa nangyari sa kanya. Hindi niya lubos maisip na maaari siyang mamatay dahil sa kanyang katangahan at hindi lang 'yon, maaaring mawala rin ang kanyang anak. Nang isipin niya 'yon, bigla siyang nanginig. Sabay na tumulo ang mga luha sa kanyang mata at hindi niya na napigilang umiyak. Agad naman siyang niyakap ni Nicholas at inilabas ni Raquel ang takot na bigla niyang naramdaman kanina.“H-Hindi ko alam anong gagawin kapag nawala ang anak ko, Nicholas. Hindi...” Dahil sa kanyang takot ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Agad siyang binuhat ni Nicholas upang iuwi sa mansyon. Mabilis naman silang umalis agad habang si Raquel ay mahimbing na nakatulog.Takot ang na sa puso ni Nicho
Pakiramdam ni Raquel ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan nang makita si Nicholas na may kayakap na isang babae. Parang biglang bumalik ang sakit na naramdaman niya noong nahuli niyang may kasama itong babae at ang masaklap ay kaibigan pa niya. Handa na sana siya. Handa na sana siyang bigyan ito ng pagkakataon. Handa na sana siyang hayaan ito sa gustong gawin upang muling tumibok ang puso niya pero nang makita niya na may kayakap na naman ito ay nagising na siya sa katotohanan. Nagising siya na dapat ay hindi siya nagtitiwala kay Nicholas dahil kahit anong gawin nito mananatili pa rin itong manloloko. Andon na sana siya pero sinayang ulit ni Nicholas ang pagkakataon. Nakakuyom ang mga kamao ni Raquel nang titigan niya si Nicholas. Hindi nito alam na nakatingin siya sa kanila at bago pa tuluyang mandilim ang kanyang paningin ay umalis na siya.Nagkamali siya sa kanyang dapat sanang gawin. Isang pagkakamali na patawarin niya ito kaya bumalik siya sa loob ng bahay nila at doon inila
Pakiramdam ni Raquel ay biglang tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo nang banggitin ng katulong ang pangalan ng kanyang lolo. Nanginginig ang kamay niya nang harapin niya ito.“A-Anong meron sa lolo ko?” tanong ni Raquel habang ang kanyang dibdib ay malakas na kumakabog. Napayuko ang katulong at biglang umiyak. Napaatras si Raquel habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nanginig ang kanyang buong katawan dahil sa naging reaksyon ng katulong. Agad lumapit si Nicholas sa kanya saka siya inalalayan.“What happened to Don Ramon?” si Levi na nagtanong dahil natulala na si Raquel. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Malakas ang kanyang pakiramdam na may nangyaring masama sa lolo niya.“N-Nakita ko po sa loob ng kwarto si Don Ramon...” napahinto ang katulong dahil kinakapos pa rin ito sa pagsasalita. “W-Wala na po siya.”Pakiramdam ni Raquel ay biglang gumuho ang kanyang mundo. Sabay na tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakatakip ang kanyang bibig ga
“Anak...”Tumayo si Raquel sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa direksyon ng ama. Agad namang sumunod si Nicholas nang mapansin niyang may nilapitan si Raquel upang bantayan ito.Nakatitig lang si Raquel sa ama niya habang naglalakad na ito patungo sa kanya.“Mabuti naman at nagpakita ka na,” aniya sa ama. Ayaw niya sanang maging ganito ang tono niya pero masama ang kanyang loob.Masama ang loob niya sa ama dahil walang ibang mas mahalaga para dito kung hindi ang pera at negosyo niya. Simula nang makauwi siya dito sa probinsya ay hindi niya man lang nakasama ang ama. Nagkita nga sila pero dito naman sa burol ng lolo niya.“You already know how important my businesses are, Raquel. I can't leave it because no one will manage it,” sagot ng ama niya. Napailing si Raquel dahil sa sagot ng ama nito. “Wala naman pala maiiwanan sa kumpanya mo, anong ginagawa mo dito?” Hinawakan ni Nicholas ang kamay niya kaya napatingin siya dito. Napakuyom ang mga kamao ni Raquel nang makita ang
Biglang natuod si Raquel sa kanyang posisyon nang makita niyang napaiyak ang ama. Napakuyom ang kanyang palad habang nakatitig dito.“Raquel, I'm so sorry...” umiiyak na sabi ng kanyang ama kaya naman biglang bumuhos ang luha sa mga mata ni Raquel.Aminado siyang hindi naging maganda ang relasyon nilang mag-ama. Ito ang nagkasundo sa kanya at kay Nicholas noon pero simula no'n ay pinabayaan na siya nito. Naglaho na ang kanyang ama at hindi na nagparamdam sa kanya. Bata pa ay malayo na talaga ang loob ni Raquel sa kanyang ama dahil sa mga nangyari noon sa buhay nila. Ang kanyang lolo na lamang ang naging sandigan niya at tumayong ama sa kanya dahil galit ang ama niya. Galit ang ama niya dahil siya ang dahilan kung bakit nawala ang asawa niya na ina naman ni Raquel.“You don't have to do this, Dad,” ani Raquel at pinilit na ibaling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.“I just want to apologize if you feel that I didn't become a father to you. It's just that—”“It's just that you c
“Anong magagawa ko, Attorney?” Huminga nang malalim ang attorney sa tanong ni Raquel.“You need to show your face to them and tell them that you will be the new CEO of Montenegro Enterprise, Ms. Montenegro.” Nagsalubong naman ang kilay ni Raquel nang marinig niya ang sinabi sa kanya ng attorney. “Sinabi niyo sa akin kanina na ayaw nila akong tanggapin dahil gusto nila na ang ama ko ang mamuno, so ano pang silbi ng pagharap ko sa kanila?” takang tanong ni Raquel at napasandal si attorney sa couch. Nakatingin ito sa kanya na para bang inaasahan na nito na itatanong ni Raquel ang tungkol diyan.“Iyan din ang rason kung bakit kami pumunta dito, Ms. Montenegro. Nalaman ng mga investors ng lolo niyo na magkasama kayo ni Nicholas Hidalgo. Hindi sila aalis sa kumpanya pwera na lang kung haharap kayo sa kanila na...” huminto muna sa pagsasalita ang attorney upang huminga. “Kung kasama niyo po si Mr. Hidalgo.” Napahawak sa sapin ng sofa si Raquel nang marinig niya ang sinabi ng attorney. P
Maagang umalis ng mansyon si Raquel kasama ang kanyang personal driver at si Althea. Isinama niya si Althea dahil ayaw niyang mag-isang umalis. Kinakabahan na siya habang binabiyahe ang daan papuntang maynila. Dalawang oras din bago nila marating ang maynila. Mabuti na lang at wala si Nicholas nang umalis sila. Ayaw niyang malaman ng dating asawa ang biglang pag-alis niya. Hindi siya makakapayag na hihingi siya ng tulong dito. “I'm nervous,” ani Raquel nang mapansin niyang papalapit na sila sa kumpanya ng kanyang lolo.“Magiging maayos din ang lahat, Raquel. Alam kong nakabantay lang si Don Ramon sa 'yo kaya 'wag kang mag-alala.”Napangiti si Raquel dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Dahil doon ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Ilang minuto lang ay sa wakas nakarating na rin sila sa kumpanya ng kanyang lolo na ngayon ay pagmamay-ari niya na. Pagpasok sa loob ay agad siyang sinalubong ng secretary. Maraming empleyado ng kumpanya ang bumati sa kanya. Dinala sila ng secretary sa opi
Ilang segundo din natahimik ang lahat at akala ni Raquel ay hindi na sasabat ang lalaki ngunit nagulat siya sa naging sagot nito.“You can't do that, Mr. Hidalgo. My family is also wealthy in this country. You just have to accept the fact that you can't make things impossible in your hands.”Napalingon si Raquel sa gawi ni Nicholas at masama itong nakatitig sa lalaki. Parang gusto niya itong saktan subalit nagtitimpi lang ito. “Oh really, Mr. Garcia? Do you really want to challenge me?” tanong ni Nicholas at saka nagpatuloy, “Did you know that I have a big share in your family's company? You are still your father's future heir which means, your father was still the owner of the company, and because of what you did, I can pull out my share now.”Inilabas ni Nicholas ang kanyang cellphone saka tinawagan ang secretary niya. Napatingin naman si Raquel sa gawi ng lalaki na ngayon ay hindi pa rin naniniwala sa kakayanan ni Nicholas.Napatingin pa ito sa kanyang cellphone nang bigla itong t