Biglang natuod si Raquel sa kanyang posisyon nang makita niyang napaiyak ang ama. Napakuyom ang kanyang palad habang nakatitig dito.“Raquel, I'm so sorry...” umiiyak na sabi ng kanyang ama kaya naman biglang bumuhos ang luha sa mga mata ni Raquel.Aminado siyang hindi naging maganda ang relasyon nilang mag-ama. Ito ang nagkasundo sa kanya at kay Nicholas noon pero simula no'n ay pinabayaan na siya nito. Naglaho na ang kanyang ama at hindi na nagparamdam sa kanya. Bata pa ay malayo na talaga ang loob ni Raquel sa kanyang ama dahil sa mga nangyari noon sa buhay nila. Ang kanyang lolo na lamang ang naging sandigan niya at tumayong ama sa kanya dahil galit ang ama niya. Galit ang ama niya dahil siya ang dahilan kung bakit nawala ang asawa niya na ina naman ni Raquel.“You don't have to do this, Dad,” ani Raquel at pinilit na ibaling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.“I just want to apologize if you feel that I didn't become a father to you. It's just that—”“It's just that you c
“Anong magagawa ko, Attorney?” Huminga nang malalim ang attorney sa tanong ni Raquel.“You need to show your face to them and tell them that you will be the new CEO of Montenegro Enterprise, Ms. Montenegro.” Nagsalubong naman ang kilay ni Raquel nang marinig niya ang sinabi sa kanya ng attorney. “Sinabi niyo sa akin kanina na ayaw nila akong tanggapin dahil gusto nila na ang ama ko ang mamuno, so ano pang silbi ng pagharap ko sa kanila?” takang tanong ni Raquel at napasandal si attorney sa couch. Nakatingin ito sa kanya na para bang inaasahan na nito na itatanong ni Raquel ang tungkol diyan.“Iyan din ang rason kung bakit kami pumunta dito, Ms. Montenegro. Nalaman ng mga investors ng lolo niyo na magkasama kayo ni Nicholas Hidalgo. Hindi sila aalis sa kumpanya pwera na lang kung haharap kayo sa kanila na...” huminto muna sa pagsasalita ang attorney upang huminga. “Kung kasama niyo po si Mr. Hidalgo.” Napahawak sa sapin ng sofa si Raquel nang marinig niya ang sinabi ng attorney. P
Maagang umalis ng mansyon si Raquel kasama ang kanyang personal driver at si Althea. Isinama niya si Althea dahil ayaw niyang mag-isang umalis. Kinakabahan na siya habang binabiyahe ang daan papuntang maynila. Dalawang oras din bago nila marating ang maynila. Mabuti na lang at wala si Nicholas nang umalis sila. Ayaw niyang malaman ng dating asawa ang biglang pag-alis niya. Hindi siya makakapayag na hihingi siya ng tulong dito. “I'm nervous,” ani Raquel nang mapansin niyang papalapit na sila sa kumpanya ng kanyang lolo.“Magiging maayos din ang lahat, Raquel. Alam kong nakabantay lang si Don Ramon sa 'yo kaya 'wag kang mag-alala.”Napangiti si Raquel dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Dahil doon ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Ilang minuto lang ay sa wakas nakarating na rin sila sa kumpanya ng kanyang lolo na ngayon ay pagmamay-ari niya na. Pagpasok sa loob ay agad siyang sinalubong ng secretary. Maraming empleyado ng kumpanya ang bumati sa kanya. Dinala sila ng secretary sa opi
Ilang segundo din natahimik ang lahat at akala ni Raquel ay hindi na sasabat ang lalaki ngunit nagulat siya sa naging sagot nito.“You can't do that, Mr. Hidalgo. My family is also wealthy in this country. You just have to accept the fact that you can't make things impossible in your hands.”Napalingon si Raquel sa gawi ni Nicholas at masama itong nakatitig sa lalaki. Parang gusto niya itong saktan subalit nagtitimpi lang ito. “Oh really, Mr. Garcia? Do you really want to challenge me?” tanong ni Nicholas at saka nagpatuloy, “Did you know that I have a big share in your family's company? You are still your father's future heir which means, your father was still the owner of the company, and because of what you did, I can pull out my share now.”Inilabas ni Nicholas ang kanyang cellphone saka tinawagan ang secretary niya. Napatingin naman si Raquel sa gawi ng lalaki na ngayon ay hindi pa rin naniniwala sa kakayanan ni Nicholas.Napatingin pa ito sa kanyang cellphone nang bigla itong t
“I need something elegant for tonight's birthday party.”Natigilan si Raquel sa kanyang ginagawang pagpili nang marinig niya ang pamilyar na boses ng isang babae. Napakunot pa ang kanyang noo dahil alam niyang kilala niya ang boses na 'yon.“Raquel, may problema ba?” tanong sa kanya ni Althea kaya nabaling ang atensyon niya doon. Napailing si Raquel dahil baka nagkakamali lang siya sa narinig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapili kung ano ba ang nababagay para sa kanya. Gusto niya kasing suotin ay ang hindi mahahalatang buntis siya.“Nothing. Let's continue picking our gown tonight.” Napatango na lamang sa ulo si Althea dahil sa kanyang sinabi. Nagpatuloy na sila sa pamimili hanggang sa may biglang dumating sa kanilang direksyon. Bigla na lang siyang binangga kaya naman ay kumulo bigla ang dugo niya sa katawan.“What the hell?” hindi makapaniwalang usal ni Raquel sa babaeng bumangga sa kanya. Mabuti na lang ay agad siyang nahawakan ni Althea kaya hindi siya tuluyang natumb
Parang natuod si Raquel sa kanyang direksyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin matapos marinig ang mga salitang binitawan ni Nicholas kay Isabella.Ang buong akala niya ay hihingi si Nicholas ng tawad kay Isabella at saka sisiraan siya nito pero nagkamali siya sa kanyang akala.“Hindi kita maintindihan, Nicholas. Bakit mo hinahayaang malason 'yang utak mo ni Raquel. Bakit mo pa kailangan siyang balikan pagkatapos mo siyang iwanan? Bakit?” tanong ni Isabella na umiiyak pa rin.Nagbuntong hininga si Raquel at hinarap ito na nakataas ang noo. Ayaw niyang makipag-away pero kailangan niyang gawin. Kailangan niyang makabawi sa ginawa ni Isabella sa kanya dati.“I didn't poison his mind. You are just being so delusional and obviously, you are still so obsessed with him.” Napailing pa si Raquel nang sabihin niya iyon kay Isabella. Nagalit ang babae sa ginawa niya at akmang sisugurin siya nito pero hinarangan siya ni Nicholas. Pinrotektahan siya nito mula kay Isabella.“Enough, Isabella
Pumasok sila sa loob ng mansyon ni Nicholas at nanumbalik ang mga alaala ni Raquel noong nakatira pa siya dito. Lahat ng saya, lungkot, at pag-iyak niya ay saksi ang bahay na ito. Hindi niya akalain na makakapasok pa siya ulit dito.“I'll bring the two of you to your room,” ani Nicholas at nagsimulang maglakad. Sumunod si Raquel habang si Althea naman sa tabi ay palinga-linga lang. Hindi ito makapaniwala sa kanyang mga nakikita.“Grabe, ang ganda ng bahay ni Nicholas, Raquel. Kung maganda ang mansyon niyo sa probinsya, mas triple naman ang ganda nito,” hangang sabi ni Althea. Napabuntong hininga na lamang si Raquel at hindi na kumibo. Umakyat sila sa ikalawang palapag at nagbukas ng isang kwarto si Nicholas. “This will be Althea's room, while you can stay at the master's bedroom, Raquel.”Napadilat ang mata ni Raquel nang marinig niya ang sinabi ni Nicholas. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at hindi siya makapaniwalang tinitigan ito.“What did you just say? I'm staying in the m
“Wow, you look so stunning, Raquel.”Namula ang mukha ni Raquel nang marinig niya ang sinabi ni Levi. Maski ito ay hindi maiwasang mapatulala sa gandang taglay ni Raquel. “Shut up, Levi!” saway ni Nicholas sa kaibigan na may himig na pagbabanta. Mabilis namang tumikom ang bibig ni Levi at saka nabaling naman ang atensyon nito kay Althea. Hindi na pinansin ni Raquel sina Levi dahil na kay Nicholas na ang kanyang atensyon at nakatitig pa rin sa kanya. Tumikhim naman si Nicholas na agad siyang nilapitan.“Umalis na tayo.” Agad tumalikod si Nicholas at naglakad na palabas. Hindi naman makapaniwala si Raquel dahil hindi siya pinuri nito pero agad napailing dahil kung ano na lang ang pumapasok sa kanyang isip.“Raquel!” tawag ni Lyka at napangiti si Raquel. “I'm glad that you're coming with us as well, Lyka,” ani Raquel at napangiti ito nang malapad.“Pwede ba mawala ang magandang kapatid ni Levi? At isa pa, ako ang magbabantay dito kay Kuya Nicholas dahil sigurado akong lalapitan ito n