Share

Kabanata 0048

Parang natuod si Raquel sa kanyang direksyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin matapos marinig ang mga salitang binitawan ni Nicholas kay Isabella.

Ang buong akala niya ay hihingi si Nicholas ng tawad kay Isabella at saka sisiraan siya nito pero nagkamali siya sa kanyang akala.

“Hindi kita maintindihan, Nicholas. Bakit mo hinahayaang malason 'yang utak mo ni Raquel. Bakit mo pa kailangan siyang balikan pagkatapos mo siyang iwanan? Bakit?” tanong ni Isabella na umiiyak pa rin.

Nagbuntong hininga si Raquel at hinarap ito na nakataas ang noo. Ayaw niyang makipag-away pero kailangan niyang gawin. Kailangan niyang makabawi sa ginawa ni Isabella sa kanya dati.

“I didn't poison his mind. You are just being so delusional and obviously, you are still so obsessed with him.” Napailing pa si Raquel nang sabihin niya iyon kay Isabella.

Nagalit ang babae sa ginawa niya at akmang sisugurin siya nito pero hinarangan siya ni Nicholas. Pinrotektahan siya nito mula kay Isabella.

“Enough, Isabella
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status