Share

Kabanata 0041

Pakiramdam ni Raquel ay biglang tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo nang banggitin ng katulong ang pangalan ng kanyang lolo.

Nanginginig ang kamay niya nang harapin niya ito.

“A-Anong meron sa lolo ko?” tanong ni Raquel habang ang kanyang dibdib ay malakas na kumakabog.

Napayuko ang katulong at biglang umiyak. Napaatras si Raquel habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nanginig ang kanyang buong katawan dahil sa naging reaksyon ng katulong.

Agad lumapit si Nicholas sa kanya saka siya inalalayan.

“What happened to Don Ramon?” si Levi na nagtanong dahil natulala na si Raquel.

Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Malakas ang kanyang pakiramdam na may nangyaring masama sa lolo niya.

“N-Nakita ko po sa loob ng kwarto si Don Ramon...” napahinto ang katulong dahil kinakapos pa rin ito sa pagsasalita. “W-Wala na po siya.”

Pakiramdam ni Raquel ay biglang gumuho ang kanyang mundo. Sabay na tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakatakip ang kanyang bibig ga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status