Share

Kabanata 0040

Pakiramdam ni Raquel ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan nang makita si Nicholas na may kayakap na isang babae. Parang biglang bumalik ang sakit na naramdaman niya noong nahuli niyang may kasama itong babae at ang masaklap ay kaibigan pa niya.

Handa na sana siya. Handa na sana siyang bigyan ito ng pagkakataon. Handa na sana siyang hayaan ito sa gustong gawin upang muling tumibok ang puso niya pero nang makita niya na may kayakap na naman ito ay nagising na siya sa katotohanan.

Nagising siya na dapat ay hindi siya nagtitiwala kay Nicholas dahil kahit anong gawin nito mananatili pa rin itong manloloko. Andon na sana siya pero sinayang ulit ni Nicholas ang pagkakataon.

Nakakuyom ang mga kamao ni Raquel nang titigan niya si Nicholas. Hindi nito alam na nakatingin siya sa kanila at bago pa tuluyang mandilim ang kanyang paningin ay umalis na siya.

Nagkamali siya sa kanyang dapat sanang gawin. Isang pagkakamali na patawarin niya ito kaya bumalik siya sa loob ng bahay nila at doon inila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status