“Maligayang kaarawan, Raquel.”Ilan lamang ito sa mga narinig ni Raquel mula sa mga importanteng bisita ngayong gabi na dumalo para sa kanyang kaarawan.Hindi niya aakalain na kaarawan niya na pala at sa nakalipas na isang taon, ngayon niya lang ulit naidaos ang kanyang kaarawan. Simula no'ng makasal siya kay Nicholas ay hindi siya nagdiwang ng kaarawan. Para sa kanya ay wala na 'yong silbi dahil nakatuon ang atensyon niya kay Nicholas. Napailing na lang siya nang maalala niya bigla si Nicholas. Isang buwan na rin simula no'ng umalis ito ng mansyon at hindi na niya dapat pa itong isipin.“Happy birthday,” nakangiting bati sa kanya ni Amelia. Imbitado din ang mga ito. Maayos ang naging relasyon nila ni Amelia at natutuwa siya dahil tuluyan na ngang nagbago si Amelia. Sunod naman na dumating ay si Althea na ngayon ay nakayuko. “Happy birthday, Raquel. Pagpasensyahan mo na itong regalo ko. Gawa pa ito ni nanay para sa anak mo. Ipasuot mo raw ito sa kanya dahil ito ang magbibigay sa ka
“Anong ginagawa mo dito?”Ito agad ang bungad ni Raquel sa kararating lang na si Nicholas. Ngumiti ang lalaki at napataas naman ang isang kilay niya.“Is that how you greet your husband?” nakakalokong tanong naman ni Nicholas.“Correction,” ani Raquel. “Ex-husband. Don't forget the difference between husband and ex-husband.” Napabuntong hininga na lamang si Nicholas at tinitigan si Don Ramon saka ito ngumiti. “It's nice to be back again, Don Ramon.”Nagkamayan ang dalawa at walang nagawa si Raquel kung hindi ang panoorin ang mga ito habang ang kanyang dibdib ay patuloy sa pagkabog nang malakas.Hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman sa mga oras na ito nang makita ulit si Nicholas. Gusto niyang ipagtabuyan ito paalis dahil sa kakapalan ng mukha pero hindi siya pwedeng magalit. Pinigilan niya na lang ang sarili dahil sa isip niya ay may oras din ito sa kanya pagkatapos ng pagsasalo.“I'm glad that you come, Nicholas. I thought you're not gonna make it,” sabi ni Don Ramon.Napa
Kinaumagahan ay maagang nagising si Raquel at Althea upang maghanda para pumunta sa bahay nila Amelia. Hindi na siya makapaghintay pa na makaalis para na rin takasan si Nicholas dahil nalaman niyang bumalik na ito ulit sa bahay niya katabi ng bahay ng lolo Ramon ni Raquel.Ngayon ay nakababa na si Raquel sa hagdan at nakita niya si Althea na naghihintay. Nagtaka pa siya nang mapansin na may dala itong backpack.“Where are you going?” tanong ni Raquel. Napakunot naman ang noo nito na nakatitig sa kanya.“Pupunta tayo sa rest house nila Amelia at nalaman kong may pool pala doon kaya gusto kong maligo,” sagot ni Althea sa kanya. Natawa na lamang si Raquel at hinayaan ang kaibigan. Hindi na rin siya maliligo sa pool kasi nga iniingatan niya ang kanyang sarili. Buntis siya at kailangan niyang mag-ingat sa kanyang mga galaw.“Tara na dahil baka naghihintay na doon sila Amelia,” sabi ni Raquel. Tumango si Althea at naglakad na sila papunta sa sasakyan. Mabuti na lang ay wala si Nicholas ka
Natahimik ang lahat dahil sa nangyari kay Raquel. Mabuti na lang at mabilis si Nicholas. Agad niya itong nailigtas sa pool. Dinala nila si Raquel sa loob ng kwarto dito sa rest house nila Amelia. Agad binigyan ng damit si Raquel upang makabihis. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Raquel sa nangyari sa kanya. Hindi niya lubos maisip na maaari siyang mamatay dahil sa kanyang katangahan at hindi lang 'yon, maaaring mawala rin ang kanyang anak. Nang isipin niya 'yon, bigla siyang nanginig. Sabay na tumulo ang mga luha sa kanyang mata at hindi niya na napigilang umiyak. Agad naman siyang niyakap ni Nicholas at inilabas ni Raquel ang takot na bigla niyang naramdaman kanina.“H-Hindi ko alam anong gagawin kapag nawala ang anak ko, Nicholas. Hindi...” Dahil sa kanyang takot ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Agad siyang binuhat ni Nicholas upang iuwi sa mansyon. Mabilis naman silang umalis agad habang si Raquel ay mahimbing na nakatulog.Takot ang na sa puso ni Nicho
Pakiramdam ni Raquel ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan nang makita si Nicholas na may kayakap na isang babae. Parang biglang bumalik ang sakit na naramdaman niya noong nahuli niyang may kasama itong babae at ang masaklap ay kaibigan pa niya. Handa na sana siya. Handa na sana siyang bigyan ito ng pagkakataon. Handa na sana siyang hayaan ito sa gustong gawin upang muling tumibok ang puso niya pero nang makita niya na may kayakap na naman ito ay nagising na siya sa katotohanan. Nagising siya na dapat ay hindi siya nagtitiwala kay Nicholas dahil kahit anong gawin nito mananatili pa rin itong manloloko. Andon na sana siya pero sinayang ulit ni Nicholas ang pagkakataon. Nakakuyom ang mga kamao ni Raquel nang titigan niya si Nicholas. Hindi nito alam na nakatingin siya sa kanila at bago pa tuluyang mandilim ang kanyang paningin ay umalis na siya.Nagkamali siya sa kanyang dapat sanang gawin. Isang pagkakamali na patawarin niya ito kaya bumalik siya sa loob ng bahay nila at doon inila
Pakiramdam ni Raquel ay biglang tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo nang banggitin ng katulong ang pangalan ng kanyang lolo. Nanginginig ang kamay niya nang harapin niya ito.“A-Anong meron sa lolo ko?” tanong ni Raquel habang ang kanyang dibdib ay malakas na kumakabog. Napayuko ang katulong at biglang umiyak. Napaatras si Raquel habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nanginig ang kanyang buong katawan dahil sa naging reaksyon ng katulong. Agad lumapit si Nicholas sa kanya saka siya inalalayan.“What happened to Don Ramon?” si Levi na nagtanong dahil natulala na si Raquel. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Malakas ang kanyang pakiramdam na may nangyaring masama sa lolo niya.“N-Nakita ko po sa loob ng kwarto si Don Ramon...” napahinto ang katulong dahil kinakapos pa rin ito sa pagsasalita. “W-Wala na po siya.”Pakiramdam ni Raquel ay biglang gumuho ang kanyang mundo. Sabay na tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakatakip ang kanyang bibig ga
“Anak...”Tumayo si Raquel sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa direksyon ng ama. Agad namang sumunod si Nicholas nang mapansin niyang may nilapitan si Raquel upang bantayan ito.Nakatitig lang si Raquel sa ama niya habang naglalakad na ito patungo sa kanya.“Mabuti naman at nagpakita ka na,” aniya sa ama. Ayaw niya sanang maging ganito ang tono niya pero masama ang kanyang loob.Masama ang loob niya sa ama dahil walang ibang mas mahalaga para dito kung hindi ang pera at negosyo niya. Simula nang makauwi siya dito sa probinsya ay hindi niya man lang nakasama ang ama. Nagkita nga sila pero dito naman sa burol ng lolo niya.“You already know how important my businesses are, Raquel. I can't leave it because no one will manage it,” sagot ng ama niya. Napailing si Raquel dahil sa sagot ng ama nito. “Wala naman pala maiiwanan sa kumpanya mo, anong ginagawa mo dito?” Hinawakan ni Nicholas ang kamay niya kaya napatingin siya dito. Napakuyom ang mga kamao ni Raquel nang makita ang
Biglang natuod si Raquel sa kanyang posisyon nang makita niyang napaiyak ang ama. Napakuyom ang kanyang palad habang nakatitig dito.“Raquel, I'm so sorry...” umiiyak na sabi ng kanyang ama kaya naman biglang bumuhos ang luha sa mga mata ni Raquel.Aminado siyang hindi naging maganda ang relasyon nilang mag-ama. Ito ang nagkasundo sa kanya at kay Nicholas noon pero simula no'n ay pinabayaan na siya nito. Naglaho na ang kanyang ama at hindi na nagparamdam sa kanya. Bata pa ay malayo na talaga ang loob ni Raquel sa kanyang ama dahil sa mga nangyari noon sa buhay nila. Ang kanyang lolo na lamang ang naging sandigan niya at tumayong ama sa kanya dahil galit ang ama niya. Galit ang ama niya dahil siya ang dahilan kung bakit nawala ang asawa niya na ina naman ni Raquel.“You don't have to do this, Dad,” ani Raquel at pinilit na ibaling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.“I just want to apologize if you feel that I didn't become a father to you. It's just that—”“It's just that you c