Share

Kabanata 0036

“Maligayang kaarawan, Raquel.”

Ilan lamang ito sa mga narinig ni Raquel mula sa mga importanteng bisita ngayong gabi na dumalo para sa kanyang kaarawan.

Hindi niya aakalain na kaarawan niya na pala at sa nakalipas na isang taon, ngayon niya lang ulit naidaos ang kanyang kaarawan. Simula no'ng makasal siya kay Nicholas ay hindi siya nagdiwang ng kaarawan.

Para sa kanya ay wala na 'yong silbi dahil nakatuon ang atensyon niya kay Nicholas.

Napailing na lang siya nang maalala niya bigla si Nicholas. Isang buwan na rin simula no'ng umalis ito ng mansyon at hindi na niya dapat pa itong isipin.

“Happy birthday,” nakangiting bati sa kanya ni Amelia. Imbitado din ang mga ito. Maayos ang naging relasyon nila ni Amelia at natutuwa siya dahil tuluyan na ngang nagbago si Amelia.

Sunod naman na dumating ay si Althea na ngayon ay nakayuko. “Happy birthday, Raquel. Pagpasensyahan mo na itong regalo ko. Gawa pa ito ni nanay para sa anak mo. Ipasuot mo raw ito sa kanya dahil ito ang magbibigay sa ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status