Share

Kabanata 0033

Halos lumabas na ang puso ni Nicholas sa sobrang lakas ng pagkabog. Binitawan niya si Amelia upang saluhin ang nawawalang malay na si Raquel.

Bigla namang pumasok sa loob si Levi kaya agad niya itong tinawag.

“Levi!” sigaw niya sa kaibigan. “Call their family doctor now!”

Mabilis namang kumuha ng cellphone si Levi at tinawagan ang doctor ng pamilya Montenegro. Agad namang inakyat ni Nicholas ang walang malay na si Raquel at dahan-dahang inilagay sa kama.

Pilit niya itong ginigising pero hindi nagbukas ng mga mata si Raquel. Lumapit sa kanila si Althea at sa likuran niya ay ang nag-aalalang si Amelia.

Galit na hinarap ito ni Nicholas at akmang tututukan ulit ng baril nang biglang lumuhod sa harapan niya ang babae.

“P-Patawarin mo ako, Nicholas. Hindi ako masamang tao. Huwag ka sanang magalit. Wala akong intensyon na masama. Gusto ko lang sanang inisin si Raquel, ” nauutal-utal na paliwanag ng babae.

Pinigilan ni Nicholas ang kanyang sarili na may gawing masama kay Amelia. Iniisip niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status