Sa umagang 'yon ay nagising si Raquel na nakasimangot. Wala pang alam ang lolo niya tungkol sa ginawa ni Nicholas kagabi at ngayon niya ito ipapaalam sa kanya.Bago lumabas ng kwarto ay sinigurado niya muna na nagawa niya ang kailangan niyang gawin tuwing umaga. Dumiretso muna siya sa kwarto ng lolo niya upang tignan kung maayos lang ang lagay nito at naabutan niyang kumakain. Ngumiti si Raquel habang nagsisimula na kumabog ng malakas ang kanyang puso nang batiin niya ang lolo. “Good morning, Lolo.”Hinalikan niya ang pisngi ng lolo niya at ngumiti ito.“What happened? You look not fine?” tanong ng lolo ni Raquel. Huminga muna siya nang malalim bago niya ito sinagot.“Something happened last night. The investors pulled out their shares because of what Nicholas did. You see, we cannot trust him. We should send him off here, Grandpa!” maktol ni Raquel sa lolo niya. Ngunit bigla na lamang nagsalubong ang kanyang dalawang kilay nang natawa lang ang lolo niya. Para bang hindi niya inaasa
Bigla na lamang siyang pigilan ng dating asawa. Isinandal siya nito sa pader at walang pagdadalawang isip na halikan siya sa kanyang labi. Napadilat sa kanyang mga mata si Raquel. Higit sa lahat ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung anong gagawin. Sinasabi ng kanyang isip ay dapat niyang itulak ang lalaki pero sinasabi naman ng kanyang puso ay hayaan na lamang ito at sagutin ang mapupusok na halik nito. Pakiramdam ni Raquel ay nag-iinit na ang kanyang katawan. Hindi siya sanay sa ganito dahil kahit noon hindi naman siya hinahalikan ni Nicholas. Isang beses lang din na may nangyari sa kanila kaya nabuntis siya agad. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Nicholas sa kanya pero sinaktan nito ang puso niya. Kahit anong gawin ni Nicholas hindi niya kayang takpan ang pagwasak nito sa puso niya kaya naman habang hindi pa siya masyadong nadadala sa halik ay itinulak niya si Nicholas nang malakas. Isang malutong na sampal ang kanyang pinakawalan at tumama ito sa mukha
Nakita niyang parating na si Levi sa kanilang direksyon. May dala itong isang kumpol na kulay pulang bulaklak. Nangunot ang noo ni Raquel habang nakatitig kay Levi.“Raquel...” tawag sa kanya ni Levi. “Pinabibigay ni—”“Sabihin mo sa kanya na kainin niya ang bulaklak niya. Hindi ako tumatanggap ng basura.” Hindi pa man natatapos ni Levi ang kanyang sasabihin ay inunahan niya na ito. Alam niya kung saan galing ang mga bulaklak na 'yon.“Malalagot ako kay Nicholas kapag hindi mo ito tinanggap,” aniya kaya napaikot ang dalawang mata ni Raquel. “Pakilagay na lang diyan sa ibabaw ng lamesa. Sabihin mo tinanggap ko.”Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Levi dahil sa sinabi ni Raquel. Agad nitong inilagay sa ibabaw ng lamesa ang bulaklak at naghanda na para umalis. “Thank you, Raquel. Nicholas will be happy about this,” sambit ni Levi na ngayon ay nakangiti nang malapad.Ngumiti na lamang nang pilit si Raquel at tinitigan lang si Levi hanggang makaalis ito saka napalis ang ngiti niya s
“Magkano kayo?” Nanlaki naman ang mata ni Raquel dahil sa naging tanong ng driver. Paglingon niya dito ay nakangisi na itong nakatingin sa kanila. Namula naman ang kanyang pisngi dahil sa galit kaya nilapitan niya ito at pinaghahampas ng dala niyang bag.“What do you think of us? A prostitute!?” galit niyang tanong. Bumaba ang lalaki sa tricycle at hinawakan ang braso niya. Hinampas naman ni Althea ang lalaki subalit naglabas ito ng patalim kaya napahinto sila.Gusto na umiyak ni Raquel subalit pinigilan niya ang sarili dahil hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa lalaking na sa harap nila ngayon.“Nagpapakipot pa kayo ah. Alam ko naman na binebenta niyo ang sarili dahil ganito naman dito. Katunayan nga dito pa sila nag-aabang palagi. Pasalamat ka nga dahil ako na mismo ang lumapit sa 'yo,” sambit ng lalaki na mahigpit pa rin siyang hinahawakan.“Hindi nga kami bayaran. Bitawan mo kami bago pa man may masamang mangyari sa 'yo!” sigaw ni Althea kaya naman natawa lang ang tricycl
Tahimik nilang nilakbay ang daan patungo sa ospital. Sinabi ni Raquel kanina kay Nicholas kung saang ospital siya pupunta. Tahimik lang din si Althea sa likuran. Hindi alam ni Raquel kung ano ang kanyang sasabihin kay Nicholas. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang may masamang nangyari sa kanila.“Nicholas...” ani Raquel sa nagdadalawang isip. “Salamat sa pagligtas sa amin kanina.”Hindi makatingin nang diretso si Raquel kay Nicholas. Galit pa rin siya sa lalaki at hindi pa rin magbabago 'yon kahit pa anong gawin ni Nicholas para sa kanya.“Starting today, you are not allowed to go out without me. I will not allow the incident from earlier to happen again,” mahina ngunit may pagkadiin ang pagkakasabi ni Nicholas. Hindi makapaniwala si Raquel sa kanyang narinig at nilingon niya si Nicholas habang nakaawang ang mga labi. “Hindi kita asawa para sabihan mo ako nang ganiyan, Nicholas Hidalgo,” usal ni Raquel. “At isa pa hindi ko na hahayaang mangyari pa ang nangyari kanina. Hinding-hind
Pakiramdam niya ay pulang-pula ang kanyang mga pisngi. Hindi niya lubos akalain na manggagaling ang mga salitang 'yon kay Nicholas. Nilingon niya si Althea sa likod at ngayon ay tahimik lang na tumatawa. Hindi ito makatingin sa kanya dahil alam ni Althea kung ano ang kanyang gagawin. Naiinis namang ibinalik ni Raquel ang tingin kay Nicholas at pinatigas ang kanyang mukha. “Shut up!” “Alam kong kinilig ka do'n, Raquel. 'Wag mo na pigilan pa ang puso mo. Alam ko naman na mahal mo pa rin ako at gusto ko lang malaman mo na ganoon rin ang nararamdaman ko para sa 'yo.” Hindi makapaniwalang iniling ni Raquel ang kanyang ulo dahil sa sinabi ni Nicholas.“Talaga bang ibinaba mo na ang sarili para lang lokohin ako? Iyan lang ba ang kaya mong gawin, Nicholas?” Ang ngiting gumuhit sa labi ni Nicholas kanina ay biglang nawala dahil nagsisimula na naman si Raquel sa pagwasak sa kanyang puso sa pamamagitan ng mga masasakit na salita. “I will do everything just for you, Raquel. Hurt me anytime y
“This is your fiancè?”Itinuro pa ni Amelia si Raquel na hindi makapaniwala sa kanyang nalaman. Pinigilan naman ni Raquel ang sarili na sabihin ang totoo kay Amelia.“Do you have a problem with that?” tanong ni Nicholas at napasinghap si Raquel. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang magiging tono ng boses ni Nicholas. Hindi na magtataka si Raquel kung lapitin si Nicholas ng mga babae. Bukod sa mayaman ito ay hindi rin maikakaila ang taglay nitong kaguwapuhan. Dinaig pa ni Nicholas ang isang modelo. “I didn't expected that of all women, this woman...” ani Amelia na ngayon ay tinapunan pa talaga nang tingin si Raquel. “She was actually your lover,”Isang malakas na paghinga ang ginawa ni Raquel dahil sa sinabi ni Amelia. “Umalis na tayo.”Naglakad na palayo si Raquel at sumunod naman si Althea sa kanya habang si Nicholas ay mabilis rin silang sinundan.“Raquel...” tawag ni Nicholas sa pangalan niya at pinigilan pa siya sa pamamagitan nang paghawak sa kamay niya. Nilingon niya ito at b
“Kailangan ba dapat nakasunod siya lagi sa 'kin?”Ito na lamang ang nasabi ni Raquel kay Amelia. Nakataas pa rin ang isang kilay ni Amelia sa kanya.“Well, hindi na rin ako magtataka. Malakas ang kutob ko na hindi naman talaga totoo ang sinabi ni Nicholas kanina. Isang bilyonaryo ang taong 'yon at bakit naman siya papatol sa 'yo?” tinitigan pa ni Amelia mula ulo hanggang paa si Raquel. “Alam kong rason niya lang 'yon para hindi siya dumugin ng mga babae.”Napailing si Raquel dahil sa mga pinagsasabi ni Amelia. Gusto niyang sabihin dito kung ano siya sa buhay ni Nicholas pero sa isip niya ay para ano pa?“Na sa teritoryo ka namin, Amelia. Huwag kang umasta na parang amo. Magiging mabait lang ako sa 'yo kapag inayos mo 'yang ugali mo. Hindi na ako tulad ng dati.” Napanganga naman si Amelia sa sinabi ni Raquel. Para itong natauhan pero dahil maldita ito ay umalis na lamang siya na hindi man lang humingi ng pasensya.Umiling na lamang si Raquel at binalik ang atensyon kay Althea na ngayo