May napansin siyang isang mamahaling sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay nila Althea. Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil may kutob siya kung sino ang nagmamay-ari no'n. “Sino kaya ang dumating?” takang tanong ni Althea. Tuluyan na silang pumasok sa loob. Nanigas sa kanyang kinatatayuan si Raquel nang makita niya si Nicholas na ngayon ay kinakausap ang mga magulang ni Althea. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya habang ang mga mata ay nakatutok lang kay Nicholas. Ngumiti ito at dahil na sa tabi niya ang mga magulang ni Althea, pinigilan niya ang sarili.“Senyorita, dumating po ang kaibigan niyo.”Napaawang ang bibig ni Raquel nang marinig niya ang ina ni Althea na si Aling Pasing. Hindi niya inaasahan na magpapakilala si Nicholas bilang kaibigan niya.“Ah, oo, 'nay. Kaibigan po 'yan ni Raquel,” sabat naman ni Althea at nilapitan ang mga magulang. Walang kaalam-alam ang mga magulang ni Althea kung sino si Nicholas sa buhay ni Raquel.Hindi nila alam na ito ang nagwasak
Bumaba ang tingin ni Raquel sa katawan ni Nicholas. Wala itong pag-ibabaw na damit at nababalutan ng pawis. May hawak itong palakol kaya alam ni Raquel na galing ito sa pagsibak ng kahoy.Hindi niya napigilan ang sariling titigan ang napakagandang katawan ni Nicholas. Ang kanyang six-pack abs ay tila ba kay sarap hawakan, sa isip ni Raquel.Bumalik naman ang paningin niya sa mukha ni Nicholas at napalingon siya agad sa ibang direksyon dahil napansin niyang nakangisi na ito na tila ba alam niya kung ano ang ginawa ni Raquel. Sa takot na baka anong isipin ni Nicholas, tinigasan na naman niya ang kanyang reaksyon.“Senyorita, ang galing pala talaga nitong kaibigan mo. Bilib na bilib ako sa kursiyudad niyang subukan ang trabaho namin dito,” ani ng ama ni Althea. Napalunok na lamang si Raquel upang alisin ang tensyon na nararamdaman niya sa kanyang katawan.Gusto niyang sabihin sa mga magulang ni Althea na hindi dapat sila nagpapauto sa kanya. Nagpapanggap lang si Nicholas at hindi nila da
“Bakit namumula 'yang katawan mo!?” kinakabahang tanong ni Raquel kay Nicholas.Napatingin naman ito sa katawan niya at pinagpagan lang ito na parang wala. Bigla niyang nginisihan si Raquel kaya agad na tumingin sa ibang direksyon si Raquel.“It's nothing, and you should drink the coconut now. I will open it for you.”Muli na namang natigilan si Raquel. Nang lumingon siya kay Althea, napansin niyang ngumingiti ito. Napailing na lamang si Raquel na pilit inaalis sa kanyang isip ang mga ginawa ni Nicholas. Hindi siya dapat magpadala dito dahil alam niyang lahat ng ito ay plano lang ni Nicholas. Lahat ng mga ginawa niya sa kanya hindi niya 'yon makakalimutan kahit kailan. Mananatiling duguan ang kanyang puso kahit pa man anong gawin ni Nicholas. Hinding-hindi siya lalambot para dito. Agad namang binigay ni Nicholas ang nabuksan niyang buko para kay Raquel at hindi na ito pinalampas ng babae. Agad niya itong ininom habang si Nicholas ay pansamantalang iniwan sila Raquel para puntahan an
Biglang lumuhod ang mga lalaking nakalaban ni Nicholas na umiiyak. Bakas sa kanilang mukha ang takot na baka tapusin ni Nicholas ang kanilang mga buhay.“P-Patawarin mo kami. N-nangangako kaming hindi na ito mauulit pa,” naiiyak na usal ng isa sa mga lalaki. Nakatutok pa rin sa gawi nila ang baril ni Nicholas at wala itong balak na ibaba.Samantala, hindi pa rin gumagalaw sa kanyang direksyon si Raquel dahil sa kanyang mga nakita kanina lang. Hindi niya lubos akalain na masaksihan niya ang mga bagay na ito.“You really think one of you can beat me down? I will never be Nicholas for nothing!” sambit ni Nicholas kaya napatitig sa kanya si Raquel. Maski siya ay hindi makapaniwala sa ginawa ng dating asawa. Alam naman niya na hindi basta-bastang tao si Nicholas. Marunong itong makipaglaban at makipagbarilan dahil bilang isang bilyonaryo kailangan niyang protektahan ang sarili. Hindi aakalain ni Raquel na magagamit niya ito ngayon.“P-Pinapangako namin hindi na ito mauulit pa. H-Hindi na
“Althea pumasok ka na sa sasakyan!”Ito ang sinabi ni Nicholas sa kaibigan ni Raquel habang siya naman ay bigla na lamang binuhat para piliting sumakay sa sasakyan. Hindi kaagad nakapag-react si Raquel dahil hindi niya inaasahang gagawin 'yon ni Nicholas. Na sa loob na siya ng sasakyan nito bago pa siya nakapalag.“Anong ginagawa mo!?” sigaw ni Raquel kay Nicholas habang ang mga mata ay nanlilisik na sa galit. Hindi niya maintindihan si Nicholas lalo na ang mga ginagawa nito ngayon.Nagsimula na paandarin ni Nicholas ang sasakyan at walang nagawa si Raquel kung hindi ang matuod sa kanyang direksyon. Gustuhin niya mang lumabas subalit hindi niya pwedeng gawin 'yon dahil ikakapahamak niya at ng anak.“I know you don't want my help even if I beg you, but this is not the right time for our personal problem. Your grandfather needed you and we are running out of time if you keep on avoiding me.”Natulala si Raquel sa dahilan ni Nicholas kung bakit kailangan pa siya nitong buhatin para mais
Ngayong araw ay nakatakdang pupunta ang mga kasosyo sa negosyo ng lolo ni Raquel at gusto makilala si Nicholas. Dahil nagpapahinga si Don Ramon, walang ibang haharap kung hindi si Raquel at si Nicholas. Alas siyete ng gabi ay darating na ang mga ito at nagpahanda si Raquel ng mga pagkain at venue kung saan doon silang lahat mag-usap-usap. May inaalok pala ang lolo ni Raquel sa mga kasosyo niyang darating ngayong gabi at kailangan niya itong makumbinse na makipagtulungan sa kanila. Kailangan niyang makubinse silang lahat na maglagay ng shares sa kumpanya para mas lalong lumago ang negosyo ng lolo niya.Kaya naman ay pinaghandaan ni Raquel ang araw na ito. Noong nakaraang araw ito sinabi ng lolo niya sa kanilang dalawa ni Nicholas. Hindi makakapayag si Raquel na maunahan siya ni Nicholas kaya naman ay pinaghandaan niya itong maigi.Nasa kwarto pa siya sa mga oras na ito, naghahanda sa kanyang sarili bago harapin ang mga bisita. Kasalukuyang tinutulungan siya ni Althea na makapili ng ma
“Don't you dare slap her, or I will kill you!” Natuod sa direksyon si Raquel nang marinig ang galit at malamig na pananalita ni Nicholas mula sa likuran. Bigla itong dumating sa kanilang direksyon na agad napigilan ang lalaking bastos.“Nagkakamali kayo sa iniisip niyo, Mr. Hidalgo. Hindi niyo alam kung ano ang ginawa ng babaeng 'yan kaya gusto ko siyang sampalin.”Nanlaki ang mata ni Raquel sa kanyang narinig kaya sinapak niya ito sa mukha dahil sa inis. “Babaliktarin mo pa talaga ang kwento, ha!?”Marahas namang binitawan ni Nicholas ang kamay ng lalaki at tinitigan si Raquel. Bakas sa mukha niya ang galit at gusto ng pumatay. Bigla namang nahimasmasan si Raquel na ngayon ay inilibot ang paningin sa ibang mga bisita. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot lalo na nang maglabas si Nicholas ng baril. Nagsitakbuhan paalis ang mga bisita kaya naman ay kinabahan si Raquel. Hinawakan niya ang kamay ni Nicholas upang pahupain ito sa galit pero hindi ito natinag. Tinutukan niya ng baril
Sa umagang 'yon ay nagising si Raquel na nakasimangot. Wala pang alam ang lolo niya tungkol sa ginawa ni Nicholas kagabi at ngayon niya ito ipapaalam sa kanya.Bago lumabas ng kwarto ay sinigurado niya muna na nagawa niya ang kailangan niyang gawin tuwing umaga. Dumiretso muna siya sa kwarto ng lolo niya upang tignan kung maayos lang ang lagay nito at naabutan niyang kumakain. Ngumiti si Raquel habang nagsisimula na kumabog ng malakas ang kanyang puso nang batiin niya ang lolo. “Good morning, Lolo.”Hinalikan niya ang pisngi ng lolo niya at ngumiti ito.“What happened? You look not fine?” tanong ng lolo ni Raquel. Huminga muna siya nang malalim bago niya ito sinagot.“Something happened last night. The investors pulled out their shares because of what Nicholas did. You see, we cannot trust him. We should send him off here, Grandpa!” maktol ni Raquel sa lolo niya. Ngunit bigla na lamang nagsalubong ang kanyang dalawang kilay nang natawa lang ang lolo niya. Para bang hindi niya inaasa
Pagkatapos ng tagpong 'yon, agad naman silang nagsimula sa kanilang pakay. Tinignan na ng veterinarian ang dahilan kung bakit nagkagano'n ang mga kambing at nalamang dinapuan pala ang mga ito ng sakit. Nang araw din na 'yon, agad na pinaasikaso ni Raquel ang paglinis sa paligid ayon sa utos ng veterinarian upang maalis ang mga mikrobyo. Mabuti na lang ay mabilis lang nila natapos. Nagpabili si Raquel ng bagong mga alagang kambing at sinigurado na hindi na mauulit pa ang nangyari. Hapon na ng makabalik sila sa mansyon at ramdam ni Raquel ang pagod.“May gusto ka bang kainin ngayong gabi, Raquel?” tanong ni Nicholas nang makarating sila sa mansyon. Napatigil naman siya sa akmang pagpasok sa loob upang harapin ito. Nakataas ang dalawang kilay ni Raquel nang magsalita siya. “I don't need anything from you. I have my cooker here, and I would rather eat their food instead of yours.”Napabuntong hininga na lamang si Nicholas at hindi na nagsalita pa. Hindi na muna niya kukulitin si Raquel
Ramdam pa rin ni Raquel ang galit sa kanyang dibdib nang makita niya kanina si Nicholas na sobrang lapit sa kanya. Hindi niya na napigilan ang sarili kung hindi ang masuntok ito at hindi siya nagsisisi. Pagkapasok pa lang sa loob ay agad na sinalubong si Raquel ng mga tauhan. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala na baka pagalitan niya ang mga ito.“Senyorita, Raquel,” sambit nila ng sabay at mahinang napayuko sa kanilang ulo. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Raquel bago magsalita. “Ano po ang nangyari, Mang Jose?” tanong niya. Hindi pa man nakakasagot ang matanda ay may biglang sumabat sa likuran niya.“What happened to the goats?” tanong ni Nicholas. Napakuyom ang kamao ni Raquel at para bang gusto niyang sapakin ito dahil sa pangingialam sa kanya pero nagpigil lamang siya. Mas may importanteng bagay na kailangan niyang ayusin kaysa atupagin si Nicholas.“Bigla na lamang po namatay ang ilan sa mga kambing. Sinubukan namin alamin kung ano ang nangyari subalit
Kinaumagahan ay bumalik na sina Raquel sa probinsya dahil may nangyari doon. Namatay ang ilan sa alaga nilang hayop na kambing. Kailangan sila makauwi kaagad upang makita ang sitwasyon doon. Hindi maiwasang mag-alala ni Raquel habang iniisip niya ang mga alagang hayop doon na pinangangalagaan ng mga tauhan ng kanyang namayapang lolo. Si Nicholas pa rin ang nagmamaneho sa sasakyan at silang dalawa lang ng lalaki sa iisang sasakyan. Gusto yata ni Nicholas na ma solo siya at hinayaan na lamang 'yon ni Raquel. “Do you want to sleep?” tanong ng lalaki kaya nilingon niya ito. Tahimik lamang sila sa biyahe dahil mas gusto ni Raquel na huwag magsalita pero si Nicholas naman ang bumasag sa katahimikan. “Ayoko nga!” sagot niya. “Baka kung anong gawin mo sa 'kin habang tulog ako.”Natawa naman si Nicholas na nagpailing kay Raquel.“Don't worry, I will not do anything with you. Why would I do that?” sagot naman ni Nicholas na ngayon ay magkasalubong na ang dalawang kilay. “You are my child's
“Yes I'm jealous, Raquel!”Hindi makapaniwala si Raquel sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay parang huminto ng ilang segundo ang pagtibok ng kanyang dibdib pero kaagad din naman siyang nakabawi. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at bigla na lamang siyang tumawa ng malakas. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Nicholas sa kanyang ginawa.“Talaga bang nagseselos ka, Nicholas? Bakit naman?” natatawa pa rin si Raquel nang itanong niya 'yon kay Nicholas. Nahampas ni Nicholas ang manibela saka ginulo nito ang buhok. Bakas sa mukha nito ang pagod habang nakatitig sa kanya.“Mahal kita,” ani Nicholas na siyang nagpahinto kay Raquel sa pagtawa. “Mahal kita kaya ako nagkakaganito. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa 'kin ang pakikipag-usap mo sa ibang lalaki. Gago na ako, sige na. Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin sa 'kin pero mahal kita at hindi magbabago 'yon. Hindi kita pipilitin na ibigin ako ulit pero gagawin ko ang lahat hanggang mapaamo kita.” Natuod si Raquel sa kanyan
“We have to leave now, Raquel.”Napapikit si Raquel nang marinig niya ang boses ni Nicholas. Bigla na lamang itong sumulpot sa gitna nang pag-uusap nila ni James.Nagtaka naman si James nang makita si Nicholas at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.“Mr. Hidalgo,” ani James kay Nicholas. “I didn't expect to find out that you also know my childhood friend.”Napakagat si Raquel sa kanyang ibabang labi. Hindi niya alam kung paano sabihin kay James ang tungkol sa nakaraan nila ni Nicholas.“I simply didn't know her. She was once my wife and she's also carrying my child.”Narinig ni Raquel ang malakas na paghinga ni James dahil sa gulat. Alam ni Raquel na walang ideya si James tungkol sa buhay ni Raquel at hindi niya hahayaang si Nicholas ang magkwento tungkol dito.“Yes, I was carrying his child, but we already separated. He cheated on me, and that's not hidden to everyone,” ani Raquel kaya napatitig sa kanya si Nicholas. Bakas sa mukha ang pagkadismaya dahil ito ang sinabi niy
“Nagulat ka ba na nandito ako, Raquel?” Napangiti si Raquel dahil sa tanong sa kanya ni Isabella. Alam niya sa sarili niya na hindi na siya maaapektuhan na makita ito dahil alam niyang hindi na siya tulad ng dati, noong panahon na nahuli niya ito at si Nicholas. “I'm not surprised, Isabella. I know you will come here and who doesn't?” sagot naman ni Raquel sa kanya. Ngumisi lang ito na parang walang bahid nang kung anong pagsisisi sa ginawa niya noon. “O, bakit ka mag-isa?” tanong nito kay Raquel. “Ay, magkasama pala kayo pero sa 'kin lumapit kanina.”Nagtiim ang bagang ni Raquel dahil sa sinabi nito. Alam ni Raquel kung sino ang tinutukoy ni Isabella pero pinilit niyang hindi maging apektado. Wala siyang pakialam sa kung ano man ang sinasabi nito sa kanya.“Wala akong pakialam kung nilapitan ka niya. Pinagtulakan ko nga siya pero hindi ko alam kung bakit balik pa rin nang balik sa 'kin. Ako na nga itong nakipaghiwalay.”Hindi aatrasan ni Raquel si Isabella at sasabayan niya ito s
Walang nagawa si Raquel kung hindi ang magtimpi na lang dahil hindi niya makausap nang matino si Nicholas. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng lahat kahit pa halos matumba na siya dahil sa kaba. Hindi siya sanay sa mga ganito pero dahil hindi lang ito ang unang beses na makakadalo siya sa mga ganitong selebrasyon ay kailangan niyang masanay.Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa gitna. Maraming lumapit sa kanila at gusto silang kausapin pero agad na humarang ang mga tauhan ni Nicholas. Naghanap sila ng kanilang mauupuan hanggang sa nilapitan sila ng taong nag-imbita sa kanila dito.“I'm glad that all of you came, Miss Montenegro and Mr. Hidalgo,” ani ni Alvarez na kasosyo ni Raquel at Nicholas sa negosyo. “It's my pleasure to be here as well, Mr. Alvarez,” sagot ni Raquel. “Tell your daughter a happy birthday for me.”Iniabot ni Raquel ang regalo niya sa anak nito at ngumiti si Mr. Alvarez habang si Nicholas naman ay tango lang ang naging sagot. “Wel
“Wow, you look so stunning, Raquel.”Namula ang mukha ni Raquel nang marinig niya ang sinabi ni Levi. Maski ito ay hindi maiwasang mapatulala sa gandang taglay ni Raquel. “Shut up, Levi!” saway ni Nicholas sa kaibigan na may himig na pagbabanta. Mabilis namang tumikom ang bibig ni Levi at saka nabaling naman ang atensyon nito kay Althea. Hindi na pinansin ni Raquel sina Levi dahil na kay Nicholas na ang kanyang atensyon at nakatitig pa rin sa kanya. Tumikhim naman si Nicholas na agad siyang nilapitan.“Umalis na tayo.” Agad tumalikod si Nicholas at naglakad na palabas. Hindi naman makapaniwala si Raquel dahil hindi siya pinuri nito pero agad napailing dahil kung ano na lang ang pumapasok sa kanyang isip.“Raquel!” tawag ni Lyka at napangiti si Raquel. “I'm glad that you're coming with us as well, Lyka,” ani Raquel at napangiti ito nang malapad.“Pwede ba mawala ang magandang kapatid ni Levi? At isa pa, ako ang magbabantay dito kay Kuya Nicholas dahil sigurado akong lalapitan ito n
Pumasok sila sa loob ng mansyon ni Nicholas at nanumbalik ang mga alaala ni Raquel noong nakatira pa siya dito. Lahat ng saya, lungkot, at pag-iyak niya ay saksi ang bahay na ito. Hindi niya akalain na makakapasok pa siya ulit dito.“I'll bring the two of you to your room,” ani Nicholas at nagsimulang maglakad. Sumunod si Raquel habang si Althea naman sa tabi ay palinga-linga lang. Hindi ito makapaniwala sa kanyang mga nakikita.“Grabe, ang ganda ng bahay ni Nicholas, Raquel. Kung maganda ang mansyon niyo sa probinsya, mas triple naman ang ganda nito,” hangang sabi ni Althea. Napabuntong hininga na lamang si Raquel at hindi na kumibo. Umakyat sila sa ikalawang palapag at nagbukas ng isang kwarto si Nicholas. “This will be Althea's room, while you can stay at the master's bedroom, Raquel.”Napadilat ang mata ni Raquel nang marinig niya ang sinabi ni Nicholas. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at hindi siya makapaniwalang tinitigan ito.“What did you just say? I'm staying in the m