Share

Kabanata 0012

Isang hagalpak na tawa ang pinakawalan ni Raquel upang alisin ang kabang nadarama niya kanina lang. Tinitigan lang siya ni Nicholas at maging ng iba pang kasama niya ngayon sa sala ng mansyon.

“Ikaw na talaga, Nicholas,” aniya habang nakangisi pa rin. “Pinabilib mo talaga ako sa kakapalan ng mukha mo.”

Napapailing siya nang sabihin iyon. Seryoso lang si Nicholas habang nakatitig kay Raquel na animo'y gusto niyang ipaalam sa asawa na alam niya kung ano ang kaniyang sinabi.

“I'm serious. Isang yakap mo lang ako'y aalis na. Kahit umalis ako dito ay ayos lang dahil nayakap naman kita.”

Napakunot naman ang noo ni Raquel dahil sa sinabi niya. Iniisip niya pa lang na magdikit ang kanilang mga katawan ay kinakabahan na siya. Kailanman ay hindi niya naranasang mayakap ni Nicholas noong sila pa.

Hindi siya makapaniwala na ang lalaki na ang hihingi ng yakap niya ngayon.

“Parang kailan lang ay halos pandirian mo ako. Ano ba talaga ang nakain mo at hinahabol-habol mo na ako ngayon? 'Di ba wala nam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status