Nang araw din na iyon ay masayang umuwi si Raquel kasama ng katulong at personal driver niya. Nagtataka ang mga kasama niya sa ikinikilos ni Raquel subalit hindi sila nagtanong at wala pang nakakaalam sa pagdadalang tao ni Raquel maliban sa doctor.
Hindi na makapaghintay si Raquel na sabihin iyon kay Nicholas dahil alam niyang magbabago lahat kapag nalaman ng asawa na buntis siya sa kanilang anak.
Pagkarating sa bahay ay kaagad siyang nagpahanda ng hapunan ni Nicholas. Alam niyang uuwi pa rin ang asawa kahit galit ito sa kaniya. Sa gabi din na iyon ay sasabihin niya ang tungkol sa kaniyang tiyan.
“Senyorita, ano pa po kaya ang kulang rito?” napalingon siya sa gawi ni Bea nang marinig niya ito. Tinitigan niya muna ang mga nakahandang pagkain sa hapag at napansin niya kung ano ang kulang.
“'Yong wine na paborito niya. Pakilagay na rin.” Nakangiting sabi ni Raquel kaya dali-daling kumuha si Bea at inilagay roon. Naghanda na rin si Raquel sa pagdating ng asawa at ilang oras pa ang kaniyang hinintay bago pa tuluyang nakarating ito.
Sinalubong niya ito sa pinto suot ang matatamis niyang ngiti subalit saglit lang iyon dahil pagbukas ng pinto ay bumungad sa kaniya ang kaibigan na si Isabella habang na sa tabi naman niya si Nicholas. Sa kanilang likuran ay nakabuntot ang mga tauhan ni Nicholas. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin ni Raquel kay Isabella at Nicholas.
“Anong ginagawa ng babaeng ito rito, Nicholas?” takang tanong niya sa asawa subalit tinitigan lang siya nito.
“Hindi na lang ako basta-bastang babae lang, Raquel. Simula sa araw na ito ay dito na rin ako titira at wala ka ng magagawa pa.” Nakataas pa ang noo ni Isabella habang sinasabi iyon sa kaniya. Napailing naman si Raquel na tila ba hindi makapaniwala sa sinasabi ng taksil niyang kaibigan.
“Hindi mangyayari 'yan, Isabella. Huwag mo na isiksik pa ang sarili mo at—”
“She's staying here. This is my house and this is my decision. You can't do anything about it.”
Pakiramdam ni Raquel ay binuhusan siya ng isang baldeng malamig na tubig dahil sa sinabi ng asawa. Hindi siya makapaniwala na ibabahay ni Nicholas ang kabit niya.
“Hindi mo pwedeng gawin ito, Nicholas. Kasal tayo at hindi ka pwedeng mag-uwi ng kabit mo. Respetuhin mo naman ang kasal natin.”
Maiiyak na si Raquel pero pinigilan niya lang ang sarili dahil makakasama iyon sa pagdadalang tao niya. Ipinaghanda ni Raquel ang asawa para na rin sorpresahin ito sa kaniyang pagbubuntis pero tila siya pa ang nasorpresa sa pag-uwi niya ng kabit.
“Well, nakakalimutan mo na yata na nakatira ka sa bahay ni Nicholas. Asawa ka lang niya at wala kang magagawa sa naging desisyon niya. Wala kang magagawa kung hindi tiisin ang pagmumukha ko.” Nakangising tugon ni Isabella.
Gusto na ni Raquel manugod pero pinipigilan niya ang sarili. Sa huling pagkakataon ay tinitigan niya ang asawa pero wala itong pakialam. Kaagad siyang humarap sa ibang direksyon upang itago ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Naramdaman naman ni Raquel ang pag-alis ng mga ito kaya napaiyak na lamang siya.
Hindi niya lubos maisip na magagawa ni Nicholas ito sa kaniya. Handa na sana siyang sabihin sa asawa ang pagbubuntis niya pero nagbago na ang kaniyang isipan. Para sa kaniya ay wala nang dahilan pa para nalaman ni Nicholas ang tungkol dito.
“Senyorita, paano na po itong mga pagkaing inihanda natin?” tanong ni Bea sa kaniya at huminga siya nang malalim bago ito sagutin.
“Ikaw na ang bahala. Pakainin mo lahat ng mga kasambahay. Wala ng kakain diyan.”
Tumango na lang si Bea habang siya ay naglakad na paalis papunta sa kwarto nila ni Nicholas. Halos lumuwa ang kaniyang mata nang makita ang mga gamit niya sa labas ng kwarto nila ni Nicholas pagkarating niya roon. Dali-dali siyang pumasok sa loob at nakita ang mga ginawa ni Isabella.
“What are you doing?” tanong niya kaya nag-angat ng ulo ang babae.
“Nililigpit ko lang ang mga kalat mo. Ang sabi sa akin ni Nicholas ay hindi na siya tatabi sa 'yo. Ako na ang tatabi sa kaniya kaya pakikuha lahat ng mga basura mo.”
Napakuyom ang mga kamao ni Raquel dahil sa sinabi ni Isabella kaya hindi na siya nakapagtimpi pa at sinampal niya ang dating kaibigan.
“Nagsisisi akong naging kaibigan pa kita. Isa kang ahas at ngayon ang kapal na ng mukha mo? Ako pa rin ang asawa niya kaya wala kang karapatang paalisin ako rito!” sigaw niya pero ngumisi lang si Isabella na tila ba hindi natatakot sa ginawa niya.
“Kasalanan mo iyon dahil tatanga-tanga ka. Pero hindi naman ako magtataka dahil tanga ka talaga. Ayaw nga ni Nicholas sa 'yo pero pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo. Kung ako sa 'yo ay sumuko ka na. Hindi ka mamahalin ni Nicholas at malabong mangyari iyon.”
“Wala akong pakialam dahil darating ang araw matutunan niya rin akong mahalin at kung sa tingin mo ay kaya mo akong palitan bilang asawa niya hindi mangyayari iyon. Kasal kami at sa mata ng batas ako ang asawa niya.”
Pagkatapos sabihin iyon ni Raquel ay lumabas na siya ng kwarto at hindi na hinintay pang makapagsalita si Isabella. Masama ang loob niya dahil hinayaan lang ni Nicholas ang babaeng iyon na pakialaman ang mga gamit niya pero dahil ayaw niya ng gulo ay siya na lang ang lalayo.
Inilipat ni Raquel ang mga gamit niya sa kabilang kwarto at kaagad na nagpahinga.
Humiga siya sa kama at hindi namalayang tumulo na naman ang mga luha sa kaniyang mata. Maraming nangyari sa araw na ito kaya kailangan niya ng mahabang pahinga dahil bukas alam niya na marami na naman ang mangyayari lalo na at na sa puder na nila si Isabella,.ang kabit ng asawa niya.
Hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Raquel kung saan siya nagkulang para tratuhin siya ni Nicholas nang ganito. Minahal niya naman ito, inalagaan, at pinagsilbihan pero bakit kailangan pang umabot sa ganito.
Napahimas siya sa kaniyang tiyan at kasabay no'n ang muling paglandas ng mga luha sa kaniyang mata.
“Pinapangako ko sa 'yo, anak, na hangga't kaya ko ay hindi ko susukuan ang ama mo. Tulungan mo akong palambutin ang puso niya para matanggap niya tayong dalawa. Mahal na mahal ko ang ama mo sa kabila ng lahat na ginawa niya sa akin. Hindi magbabago iyon.” Umiiyak na sabi ni Raquel habang dahan-dahang nawawalan na ng pag-asa.
Kalalabas lang ni Raquel mula sa kwarto niya nang lapitan siya kaagad ni Edward, ang kanang kamay ni Nicholas. Kinakabahan man ay hinarap niya ito.“Pinapatawag kayo ni Sir Nicholas sa kaniyang opisina, Miss Raquel," sambit ni Edward at tumango si Raquel bilang tugon. Kinakabahan na si Raquel dahil sa biglaang pagtawag sa kaniya ng asawa. Hindi siya hahanapin ni Nicholas kung hindi importante ang pakay niya kaya naman hindi maiwasang magtaka siya kung ano ang kailangan niya sa kaniya.Subalit alam niyang pagagalitan lang siya ng asawa kaya hindi na siya magtataka pa.Naglakad na si Raquel patungo sa opisina ng asawa habang si Edward naman ay nasa likuran niya. Malapit na silang makarating doon nang biglang sumulpot si Isabella kaya huminga siya nang malalim.“Bakit ka hinahanap ni Nicholas?” takang tanong niya kay Raquel. Hindi naman napigilan ni Raquel na tumawa dahil sa kaniya.“Ano ba ang pakialam mo? Asawa ako at malamang hahanapin niya ako.” Umiiling na sagot niya kaya tinitigan
Makalipas ang dalawang buwan...Halos dalawang buwan na pala ang lumipas nang umuwi si Raquel sa pagmamay-aring lupa ng kaniyang lolo. Tandang-tanda pa niya ang unang mga araw niya rito. Halos durog ang kaniyang puso subalit unti-unti na siyang nakakabangon mula sa masakit niyang nakaraan.Nawalan na rin ng balita si Raquel sa dating asawa dahil pinagbawalan siya ng kaniyang lolo na gumamit ng telepono. Dalawang buwan na rin ang tiyan niya pero hindi pa rin ito halata. Sa loob ng dalawang buwan ay sinubukan ni Raquel na kalimutan lahat ng mga nakaraan subalit hindi iyon naging madali para sa kaniya. Hindi ganoon kadali lalo na at sobrang nawasak ang kaniyang puso.Mabuti na lang at may mga nakilala siyang mga tao na naging dahilan para bumuti ang kaniyang pakiramdam na lubusan niyang ipinagpasalamat.Kaarawan ng kaniyang lolo kaya abala ang lahat sa hacienda. Maraming bisita ang darating mamayang gabi at si Raquel ang naatasang mag-asikaso ng lahat.“Senyorita Raquel, kami na po ang b
Nakakuyom ang kaniyang mga kamay ng harapin niya ang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandirito ang lalaki.“Anong ginagawa mo rito?” galit niyang tanong Kay Nicholas na ngayon ay nakatingin sa kaniya.Akmang lalapitan siya ni Nicholas pero lumayo siya. Hindi na nagpumilit pa ang lalaki na makalapit sa kaniya.“I'm here because I want to apologize...” aniya na nagpagulat kay Raquel. “I want to apologize for everything I did to you.”Napatitig si Raquel sa mga mata ni Nicholas at isa lang ang kaniyang nakikita na hindi niya nakita simula nang ikasal sila.“Am I dreaming?”Iyon na lamang ang kaniyang nasabi dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig mula kay Nicholas. Ibang-iba ang dating ng kaniyang dating asawa ngayon kaysa noong huling nakita niya ito.“Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa 'yo, Raquel. Alam kong labis kitang nasaktan at gusto ko lang malaman mo na labis akong nagsisisi. Mali pala talaga ang ginawa ko sa 'yo.” Dahil sa mga sumusuno
Tuluyan na ngang nakapasok sa mansyon si Raquel. Binigyan siya kaagad ni Althea ng maiinom at habang hinihintay ang kaibigan ay naupo siya sa sofa. Naiwan naman ang kaniyang lolo dahil kailangan niyang asikasuhin ang mga bisita.Nag-aalab pa rin sa galit ang puso niya nang makita ang pagmumukha ng kaniyang dating asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa ng lalaki ang bagay na malabong gawin nito. Ibang-iba si Nicholas kung ikukumpara noon kaya't litong-lito siya.“Uminom ka muna, Raquel.”Napalingon siya sa gawi ni Althea at nagbuntong hininga. Tinanggap niya ang tubig saka ito ininom.“Grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng asawa mo, Raquel. Bakit ibang-iba siya sa sinabi mo noong nakaraan?” takang tanong ni Althea.Tumayo sa kinuupuan si Raquel saka ito sinagot.“Hindi ko rin alam, Althea. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at sinundan ako dito. Ang kapal pa rin talaga ng pagmumukha niyang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa niya.”Ramdam niya ang panginginig
Masakit ang ulo ni Raquel nang magising siya kinaumagahan. Nahirapan siyang makatulog kagabi dahil kay Nicholas at mas lalong lumaki ang galit niya para rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagpunta ito sa kaarawan ng kaniyang lolo at manggulo.Pagkababa niya pa lang ng hagdan ay binati na siya kaagad ni Althea. May dala itong pagkain na paborito niya at hindi niya ito kaagad pinalampas.“Tapos na mailigpit ng mga katulong ang pinagdausan ng selebrasyon kagabi, Raquel.” Napalingon siya sa gawi ni Althea habang kumakain pa rin. Puno ang kaniyang bibig kaya naman ay tango lang ang naging tugon niya rito.Natawa naman ang kaibigan at hindi na nagsalita pa. Tinapos niya na ang pagkain saka nagsalita.“What about Nicholas? Hindi na ba siya bumalik?” tanong niya at kaagad tumango si Althea.“Mukhang natakot sa ginawa ng lolo mo.”Natawa na lang si Raquel sa sinabi ng kaibigan pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mag-isip kay Nicholas. Akala niya ay kaya niya
“He allowed me to win you back.”Nanlaki ang mga mata ni Raquel dahil sa sinabi ni Nicholas. Ang lakas pa rin nang kabog ng dibdib niya dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na sasabihin 'yon ng kaniyang lolo kay Nicholas.“Kaya pala ang lakas din ng loob mong magpakita sa akin pero wala akong pakialam kung pinayagan ka ng lolo ko. Hindi mababago ang katotohanan na galit ako sa 'yo at habang buhay ko 'yong mararamdaman sa 'yo!” galit niyang sabi at tuluyan na itong iniwanan.Mabilis namang sumunod si Althea sa kaniya na pilit sinasabayan siyang maglakad. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay nadatnan niyang nakaupo sa sofa ang kaniyang lolo. Agad niya itong nilapitan para kausapin tungkol kay Nicholas.“Gising ka na pala, Raquel,” sabi ng lolo niya. Ibinaba niya ang hawak na diyaryo para harapin siya.Huminga muna nang malakas si Raquel bago magsalita. Pinipilit niyang pinapakalma ang sarili kahit ang totoo ay gusto na niyang sumabog sa inis dahil kay Nicholas.“Why did you let that man
“This is what we need to do to stop the bleeding,” sabi ng lalaking humablot sa kamay niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Raquel na sinundan siya ni Nicholas dito. Siya ang humablot sa kamay niya ng akmang papahiran niya sana ang dugo.Bigla namang nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo nang s******n ni Nicholas ang daliri niya kung saan natusok. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sinasabi ng kaniyang isipan na dapat niyang itulak ang lalaki subalit sinasabi naman ng kaniyang utak na hayaan na lamang ito sa ginagawa.Walang nagawa si Raquel hanggang sa matapos si Nicholas na s******n ang kaniyang daliri. Saka lamang niya napagtanto nang hilahin siya nito sa labas. Kaagad niyang tinulak si Nicholas at dinuro ito.“Hindi ko kailangan ang tulong mo!” hiyaw niya at kaagad na lumabas. Uuwi na sana si Raquel sa mansyon subalit hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang kalamansi juice. Natakam siya bigla kaya naman ay kumuha siya para ito ay inumin.“Ayos ka lang ba?” ta
“Huwag kang gagalaw!”Nanigas sa kinatatayuan si Raquel habang ang kaniyang mga paa ay nagsisimula nang manginig sa takot. Nakatutok ang mga baril ng kalaban sa kaniya at maling galaw niya lang ay maaari siyang matamaan.“A-Ano ang kailangan ninyo? P-Paano kayo nakapasok?” nauutal niyang tanong sa mga lalaki. Sa kabila pa man ng takot na nararamdaman niya ay nagawa pa niyang makapagsalita. Nilapitan naman siya ng isa sa mga lalaking hindi niya kilala at itinutok ang baril sa kaniyang ulo.“Saan nakatago ang mga pera niyo!?” tanong ng lalaki.Ngayon alam niya na kung ano ang pakay ng mga lalaki rito. Gusto nilang magnakaw kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin. Isa lang ang tiyak niya sa mga oras na ito. Na sa peligro ang buhay niya at mag-isa lang siya.“Hindi ko alam kung nasaan ang pera. Wala kayong makukuha sa akin.”Hinablot ng lalaki ang kanang braso ni Raquel dahil sa naging tugon niya. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan at ano mang oras ay matutumba na siya sa k