Share

Kabanata 0002

Nagtaas lamang ng ulo si Raquel nang marinig ang tawa ng kaniyang taksil na kaibigan.

“Nakakaawa ka pala talaga, Raquel. Pero hayaan mo aalagaan ko naman ang asawa mo. Sobrang nag-enjoy siya sa ginawa namin kanina.”

Huminga nang malalim si Raquel bago sinagot ang kaibigan. “Sige, tumawa ka lang pero ito ang tandaan mo. Ako pa rin ang asawa ni Nicholas at sa akin pa rin siya uuwi. Kabit ka lang at hindi magtatagal ay magiging katulad ka rin sa mga babaeng ikinama niya.”

Masamang tingin ang itinapon ni Isabella sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Umalis na ito at akmang lalabas nang mag-iwan ito ng mga salita. 

“Sisiguraduhin ko na maghihiwalay kayo. Hindi ikaw ang nararapat na maging asawa ni Nicholas kaya mag-impake ka na habang maaga pa. Tuluyan ka na mabubura sa buhay ni Nicholas. I will make sure of that.”

Hindi na lamang kumibo si Raquel at hinayaang makalayo si Isabella. Naiwan naman siyang mag-isa kaya napaiyak na lamang siyang muli dahil sa lahat ng mga nangyari kanina lang. Hindi niya alam kung saan siya magsimulang suyuin si Nicholas. Alam niyang galit ang kaniyang asawa kaya kailangang may gawin siya para rito.

Kaagad naman bumaba si Raquel mula sa opisina ni Nicholas upang hanapin ito pero hindi niya mahagilap kahit saan hanggang sa maalala niya ang isang lugar na palagi rin nitong pinupuntahan. Nagtungo siya roon at nadatnan ang asawa na may kausap sa telepono.

Nag-angat lang ito ng tingin at hindi na siya muli pang tinignan. Naghintay si Raquel hanggang sa matapos na ang asawa sa kaniyang ginagawa.

“What are you doing here?” malamig ang boses ng kaniyang asawa kaya napalunok siya. Kinakabahan man ay nagpatuloy siya sa kaniyang balak paglapit rito.

“T-Tungkol kanina, Nich—” 

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang pigilan na siya nito agad-agad. 

“Hindi ka talaga titigil sa pagsunod sa 'kin, Raquel? Paulit-ulit na lang ba tayo? Hanggang kailan mo ba maiintindihan na hindi kita kailangan sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng pagmamahal at pag-aalaga mo. Pareho lang naman tayong napilitan magpakasal. Iniwan ko ang girlfriend ko dahil sa 'yo, hindi ka pa ba masaya?”

Napanganga si Raquel dahil hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Nicholas sa kaniya. Oo alam niyang may girlfriend na si Nicholas bago pa man sila ikasal pero iniwan niya ito dahil sa kaniya. Alam ni Raquel na naging selfish siya dati pero dahil iyon sa pagmamahal niya. Akala niya ay mapapa-ibig niya ito pero nagkamali siya.

“Kahit ba na kaonti ay hindi mo ako kayang mahalin? Ginawa ko naman lahat para pagsilbihan ka. Binigay ko lahat para mapasaya ka. Kulang pa ba iyon? Hindi pa ba iyon sapat, Nicholas?”

Hindi na naman mapigilan ni Raquel na maiyak dahil sa malamig na pakikitungo sa kaniya ng asawa. Ang gusto lang naman niya ay magkaayos sila dahil alam niyang hindi siya makakatulog kapag galit si Nicholas sa kaniya pero lalo lamang itong nagalit sa ginawa niya.

Tumayo si Nicholas mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa direksyon niya.

“Huwag kang magtanong ng isang bagay na alam mo kung ano ang sagot,” aniya kaya natigilan si Raquel. “Sinasaktan mo lang ang sarili mo.”

At tuluyan na nga siyang iniwanan ng asawa. Nanlambot ang mga tuhod ni Raquel at nagsisimula nang umikot ang kaniyang paningin. Malapit na siya mawalan nang malay pero bago pa man mangyari iyon ay may sumalo na sa kaniya.

****

Pagmulat ng kaniyang mga mata ay nalaman niyang wala na siya sa mansyon. Inilibot ni Raquel ang kaniyang paningin at nalaman niyang na sa ospital na pala siya. Napabalikwas siya nang bangon at akmang tatayo ng may pumigil sa kaniya.

“Sabi ng doctor ay hindi ka pwedeng tumayo muna, Senyorita.” Napatitig si Raquel sa nagsalita at nalaman niyang si Bea ito, ang kanilang katulong.

Masakit pa ang ulo ni Raquel pero kaya na niya ang sarili kaya naupo siya nang maayos. 

“A-Ano ang nangyari, Bea?” takang tanong niya. Huminga muna nang malalim ang katulong bago siya sinagot.

“Nahimatay po kayo kanina. Mabuti na lang at nasalo ko po kayo kaagad bago pa kayo tuluyang mahulog. Ano po ba ang nararamdaman ninyo, Senyorita?” 

Tumulo na naman ang luha sa kaniyang mga mata pero kaagad niya itong pinunasan.

“Hindi ko rin alam, Bea. Hintayin na lang natin ang sasabihin ng doctor.” Tumango si Bea dahil sa sinabi ni Raquel. Akala niya ay tatahimik na ito subalit nagsalita na naman si Bea na ikinagulat ni Raquel.

“Huwag niyo po sanang mamasamain, Senyorita, pero hindi ba kayo napapagod? Halos araw-araw na lang po nagdadala si sir ng mga babae sa bahay at wala na po siyang pakialam sa inyo. Naaawa na po ako sa inyo.”

Napapikit si Raquel dahil sa mga sinabi ni Bea. May punto naman si Bea at nagpapasalamat siya dahil dinala siya nito sa ospital pero ang pakialaman ang buhay nila mag-asawa ay hindi tama.

“Nagpapasalamat ako dahil dinala mo ako rito pero sana maintindihan mo na ang problema namin mag-asawa ay sa amin na lang. Huwag mo na sana pakialaman, Bea.”

Kaagad naman tumango ang katulong at tila ba napahiya sa kaniyang sinabi. 

“Pasensya na po. Hindi na po mauulit.” Tanging tango na lang ang tugon ni Raquel kay Bea. Lumabas na ito nang dumating ang doctor kaya naman ay hindi na maipaliwanag ni Raquel ang kaniyang nararamdaman kung ano man ang sasabihin nito.

“A-Ano po ito?” takang tanong niya sa doctor nang iabot sa kaniya ang isang pregnancy test. 

Ngumiti ang doctor na mas lalong nagpakaba sa kaniya. Parang ayaw pa mag-sink in sa utak niya ang kaniyang nakita.

“Magkakaugnay lang lahat ng mga nararamdaman mo doon sa mga sinabi mo sa akin kaninang umaga, Mrs. Hidalgo. Buntis ka sa tingin ko kaya sa pamamagitan ng pregnancy test ay malalaman natin kung totoo ba.”

Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Raquel nang marinig niya ang mga iyon mula sa doctor. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Hindi niya matiyak kong matutuwa ba siya o manlulumo dahil sa katotohanang kapag nabuntis siya magiging kawawa ang anak niya. Subalit kailangan niya malaman ang totoo. 

Kailangan niyang mapatunayan kung buntis ba siya at lahat ng mga nararamdaman niya noong mga nakaraang araw ay sintomas ng pagdadalang tao. Kinakabahan man ay tinanggap niya ang pregnancy test at sinubukan ito. 

Nanginginig ang kamay niya habang tinititigan ang resulta at halos lumundag siya sa tuwa nang malaman niyang buntis nga siya. Kaagad niyang binigay ito sa doctor at ito na mismo ang nagsabi na totoo ngang buntis siya at isang buwan na. 

“Congratulations, Mrs. Hidalgo. Buntis nga kayo,” sambit ng doctor. “Mr. Hidalgo will be happy about this news.”

Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng lungkot at pag-aalala. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Nicholas kapag nalaman niyang buntis siya pero sa kabilang banda ay hindi na makapaghintay si Raquel na ipalam dito at nagbabakasakali na baka ito ang paraan para mabago ang tingin ng asawa sa kaniya. 

Baka sa pagdadalang tao niya sa kanilang anak ay matutunan siya nitong mahalin kagaya ng pagmamahal niya. Wala mang kasiguraduhan ay umaasa si Raquel na sana mabago niya ito sa pamamagitan ng kanilang anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status