Lahat ng Kabanata ng MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK: Kabanata 1 - Kabanata 10

15 Kabanata

Chapter 0001

“Via, I’m sorry pero… kinancel na ang lahat ng endorsement at kontrata mo. Pinagbabayad ka rin ng danyos dahil sa kumalat na malaswang picture mo.” sabi ni Ate Mia kay Olivia. Iyon ang itinawag nito sa kaniya sa kalagitnaan ng gabi.Napangiti siya ng mapait. “Walang problema ate, babayaran ko ang mga iyon at…” tumigil siya, humugot ng malalim na hininga. “Aalis na ako sa industriya.” sabi niya bago tuluyang patayin ang cellphone.Sa araw na iyon ay nawala sa kaniya ang lahat, ang kasikatan niya, mga project at maging ang lalaking mahal niya. Unti-unting nag-init ang mga sulok ng kanyang mga mata, hindi niya akalain na sa daming gagawa ng bagay na iyon sa kaniya ay mismong pang si Tristan pa. Sobrang sakit para sa kaniya na tanggapin iyon dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan lamang siya nito ng matagal. Kung kailan niya ito minahal ay tyaka naman nito iyon ginawa sa kaniya. Sinira siya nito sa lahat at maging ang kanyang karera.Napapikit si Olivia nang maalala niya ang sandaling iyon
Magbasa pa

Chapter 0002

“Ma’am may naghahanap po sa inyo.” sabi ng kasambahay nila Annie. Kakaupo niya lang sa sofa ng mga oras na iyon at kagigising niya lang din. Hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa napakaraming iniisip niya.“Sino daw?” nakapikit pa ang mga mata niyang tanong rito. Tanghali na ng mga oras na iyon at wala na si Lucas. Ang mga anak niya naman ay pumasok na rin sa school dahil limang taon na ang mga ito.“Via daw po ang pangalan at kaibigan ninyo.” sagot nito na ikinamulat niya ng kanyang mga mata at dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupunan at lumabas para tingnan kung si Via nga talaga iyon.~~~~“Ang tagal mong nawala…” sabi ni Annie kay Via nang nasa sala na sila. Si Via nga talaga ang nasa harap niya. Halos ilang taon niya rin itong hindi nakita.Nang mga oras na iyon ay tinitingnan nito ang photo album kung saan nakalagay ang mga larawan nila ni Lucas nang ikasal sila. “Napaka-engrande ng kasal mo Annie at masaya ako na ikinasal ka na sa wakas sa taong mahal mo. ang pinak
Magbasa pa

Chapter 0003

Nang buksan ni Kendra ang pinto at nakita niya ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan ay labis siyang nagulat. Dali-dali niya itong pinapasok sa loob ng kanyang bahay. Kinagabihan ay nagluto si Kendra ng hapunan at sabay silang kumain ni Olivia. Pagkatapos nilang kumain ay nanuod silang dalawa ng Tv sa sala. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Kendra at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Greg pala kaya agad niyang sinagot ito. “Nasa bahay ka ba?” tanong nito sa kaniya. “Oo nandito ako.” mabilis naman na sagot niya rito. “Sige pupunta ako diyan.” sabi nito at agad na nitong pinatay ang tawag kahit na gusto pa sana niyang magsalita. Napabuntung-hininga na lamang siya. Pagkalipas nga lang ng sampung minuto ay may narinig siyang katok mula sa pinto. Agad siyang tumayo at nagtungo sa pinto upang buksan ito. Pagbukas niya ng pinto ay may inabot ito sa kaniya. “Ipahid mo yan sa noo mo dahil baka magkaroon ng peklat.” sabi nito, pumunta pala i
Magbasa pa

Chapter 0004

Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay binuksan niya ang pinto. Nakatayo siya doon ngunit parang wala siyang pakialam at parang sobrang namamanhid ang buong katawan. Napatitig naman si Tristan kay Olivia nang buksan nito ang pinto. Nakasuot ito ng pantulog na napakanipis at halos makita na ang katawan nito sa likod ng manipis na damit. Nilingon niya ang kanyang mga tauhan sa kanyang likuran. “Anong tinitingin-tingin niyo? Lumabas na kayo!” sigaw niya sa mga ito. Samantala, si Olivia ay nakatitig kay Tristan ng malamig, ang kanyang mga mata ay napakalamig na para bang nakatingin siya sa isang estranghero. Sa sumunod na sandali ay nag-iwas siya ng kanyang mga mata dahil halos ayaw niya itong makita. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang pagbalot ng amerikana nito sa kaniya. Biglang nagtagis ang mga bagang ni TRistan. “Sino ang nagpahintulot sayo na magsuot ka ng ganyang klaseng damit?” galit na galit na tanong niya rito. Nagtaas naman ng ulo si Olivia at malamig na tiningnan siya
Magbasa pa

Chapter 0005

Naramdaman niya na inabot nito ang kanyang paa. Nagmulat siya ng kanyang mga mata. “Tristan, huwag mo akong hawakan ano ba!” angil niya rito. “Huwag kang mag-alala Olivia. Hindi kita kakainin.” sagot nito sa kaniya at sa sumunod na sandali ay itinaas nito ang kanyang paa ay pagkatapos ay ibinalot nito ang mga kamay nito rito. Dahil doon ay nakaramdam siya ng init mula doon. Dahil sa ginawa nito ay hindi niya maipagkakaila na medyo gumaan nga ang pakiramdam niya at hindi na rin siya gaanong nilamig at muling pumikit kaya lang ay bigla siyang muling napamulat nang maalala niya na kamay nga pala ni Tristan iyon. Natigilan siya, nagugustuhan niya ba ang mga kamay nito sa paa niya? Halos hindi siya makapaniwala sa kanyang sarili dahil rito. Hindi nagtagal ay nakabawi din naman siya. Malinaw sa kanyang isip na na dapat ay hindi na siya naaapektuhan pa sa ginagawa ng lalaking ito. “Bitawan mo ako!” sigaw niya rito. Samantala, sa halip naman na bitawan siya nito ay mas lalo lang nitong hin
Magbasa pa

Chapter 0006.1

Ilang sandali pa nga ay binitawan siya ni Tristan at napabuntung-hininga. “Kung ganun, bakit hindi ka lumaban?” tanong nito sa kaniya.Nang marinig naman niya ang tanong nito ay dahan-dahan niya itong binalingan. Halos tumaas ang sulok ng kanyang labi ng mga oras na iyon. “Sa tingin mo ba ay may silbi pa kapag nanlaban ako?” balik niyang tanong rito. “Hindi ba at iyon naman ang gusto mo? Ang maging masunurin ako sa lahat ng gusto mo.” dagdag pa niyang sabi rito.“Olivia…” tawag nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang baba at bahagyang pinisil. Ang hininga nito ay tumatama na sa kanyang mukha ng mga oras na iyon. “Oo nga, gusto ko ngang maging masunurin ka pero hindi sa punto na para ka na lang isang estatwa na hindi man lang gumagalaw. Sa tingin mo ba ay magiging masaya ako sa ganun?” tanong nito sa kaniya.Tumaas ang sulok ng kanyang labi ng tuluyan at sinalubong ang mga mata nito na. “Huwag kang umasa na, dahil kahit na anong gawin mo hinding-hindi mo ako mapapasu
Magbasa pa

Chapter 0006.2

BIGLANG NAMULA ANG mga mata ni Missy dahil sa sinabi nito. Napuno ng sama ng loob ang kanyang dibdib. “Tristan nakalimutan mo na ba kung sino ako? Hindi ako ibang babae lang dahil asawa mo ako!” puno ng hinanakit na sambit niya rito.“Sa papel lang naman tayo kasal hindi ba?” malamig na tanong ni Tristan sa kaniya. Napakagat sa kanyang labi si Missy nang marinig niya ang sinabi nito ngunit sa kabila nun ay tiniis niya ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib at hindi niya hinayaang malaglag ang luha sa kanyang mga mata.Malamig ang mga matang ni Tristan na nakatingin sa kaniya ng mga oras na iyon katulad ng dati. “Huwag mo akong susundan. Kung gusto mong kumain sa restaurant na iyon ay kumain ka pero pumunta ka mag-isa mo at kung ayaw mo naman ay mas mabuting i-cancel mo na lang iyon.” sabi nito. Sa kabila ng pagpipigil niya sa kanyang emosyon ay nahulog pa rin ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata sa isang iglap at nasundan pa.“Tristan…” sabi niya at inabot ang kamay nito.
Magbasa pa

Chapter 0006.3

PAGDATING NI TRISTAN sa bahay ay sarado pa rin ang pinto ng silid ni Olivia. Mabilis siyang lumapit rito. “Olivia…” tawag niya at kumatok sa pinto. Napakalambot ng tawag niya rito ng mga oras na iyon. At kung ikukumpara sa pakikitungo niya kay Missy ay napakalayo ng pakikitungo niya kay Olivia. “Tanghali na, bumangon ka na.” muli niyang sabi ngunit tahimik pa rin sa loob ng silid at nananatiling walang sagot.Ilang beses pa siyang kumatok at tinawag ito ngunit tuluyan na nga siyang naubusan ng pasensya. Sa pag-aakala niyang ginagawa nito iyon dahil nagrerebelde ito sa kaniya ay bigla siyang nagalit. “Olivia…” muli siyang kumatok ngunit ang kanyang tinig ng mga oras na iyon ay puno na ng inis at medyo pasigaw na rin ang kanyang pagsasalita. “Lumabas ka na diyan ngayon din, huwag mo akong hamunin dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo.” puno ng banta na sabi niya ngunit walang sumagot.“Lumabas ka na. Hindi uubra sa akin ang pagtitiis mo sa gutom mo!” sigaw niya ulit ngunit
Magbasa pa

Chapter 0007.1

HALOS DALAWANG ORAS PA ang lumipas ay nanatili pa ring walang malay si Olivia. Tulog na tulog pa rin ito habang nakahiga at mahigpit na nakapikit ang mahahaba nitong pilikmata. Ang mukha nito ay napakaputla. Sa mga oras na iyon ay nanatili si Tristan sa tabi nito at hindi umalis.Tumunog muli ang cellphone ni Tristan ng mga oras na iyon. Sa katunayan ay ilang beses na iyong tumunog at ngayon niya lang iyon sinagot. Si Kent ang tumatawag sa kaniya, ang kanyang assistant upang magtanong patungkol sa kanyang mga schedule sa hapon na iyon. “Gusto kong ipagpaliban mo ang lahat ng mga meetings ko ngayong hapon hanggang bukas. Ang mga naiwan kong trabaho sa opisina ay ipadala mo na lang sa aking email at dito ko na lang gagawin. Ipinadala ko rito ang laptop ko.” simpleng sagot niya sa tanong nito.“Sige po sir.” magalang na sagot naman nito sa kaniya.NANATILING tulog si Olivia at halos padilim na nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Kulay puting kisame ang sumalubong sa kanyang mga mata
Magbasa pa

Chapter 0007.2

PINAUPO SIYA NI TRISTAN sa kama at pagkatapos ay kumuha ito ng malamig na tubig at isang tuwalya pagkatapos ay ipinunas nito sa kamay niya na napaso. Halos kalahating oras nitong pinunasan ang kamay niya at nang makita nitong medyo nawawala na ang pamumula ng kamay niya at binuksan nito ang ointment na ipinakuha nito sa tauhan nito at pagkatapos ay ipinahid ito sa kamay nya.“Mas maganda na ba ang pakiramdam mo ngayon?” tanong nito sa kaniya sa masuyong paraan. Dahil naman sa pagkakatanong nito sa kaniya ay mabilis niyang binawi ang kanyang kamay mula rito. Hindi siya sumagot. Sa sumunod na sandali ay napabuntung-hininga ito at tumalikod sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumalik ito na may hawak na isang baso at inilapag sa mesa. “Maligamgam na lang yan ngayon, saktong-sakto kapag ininom mo.” sabi nito sa kaniya.Sa oras naman na iyon ay biglang may kumatok. Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang assistant ni Tristan na si Kent. “sir…” tawag nito kay Tristan.“Ano?” malamig naman na tanon
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status