Share

MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK
MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK
Author: MikasaAckerman

Chapter 0001

“Via, I’m sorry pero… kinancel na ang lahat ng endorsement at kontrata mo. Pinagbabayad ka rin ng danyos dahil sa kumalat na malaswang picture mo.” sabi ni Ate Mia kay Olivia. Iyon ang itinawag nito sa kaniya sa kalagitnaan ng gabi.

Napangiti siya ng mapait. “Walang problema ate, babayaran ko ang mga iyon at…” tumigil siya, humugot ng malalim na hininga. “Aalis na ako sa industriya.” sabi niya bago tuluyang patayin ang cellphone.

Sa araw na iyon ay nawala sa kaniya ang lahat, ang kasikatan niya, mga project at maging ang lalaking mahal niya. Unti-unting nag-init ang mga sulok ng kanyang mga mata, hindi niya akalain na sa daming gagawa ng bagay na iyon sa kaniya ay mismong pang si Tristan pa. Sobrang sakit para sa kaniya na tanggapin iyon dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan lamang siya nito ng matagal. Kung kailan niya ito minahal ay tyaka naman nito iyon ginawa sa kaniya. Sinira siya nito sa lahat at maging ang kanyang karera.

Napapikit si Olivia nang maalala niya ang sandaling iyon ilang taon na rin ang nakakaraan.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay si Annie iyon. “Via, okay ka lang ba? Kamusta ka?” iyon agad ang bungad nito sa kaniya.

Sa totoo lang ay kaninang umaga pa siya nito tinatawagan ngunit hindi niya ito sinagot. Gusto niya kasing mapag-isa at mag-isip isip.

Walang narinig si Annie mula sa kabilang linya ngunit nagpapasalamat pa rin siya dahil sinagot ni Via kahit papano ang tawag niya. Kanina pa siya alalang-alala rito. Medyo nag-aalangan siyang magsalita.

“Ayos lang ako Annie.” sagot nito sa kaniya at pilit na pinapasigla ang boses, ngunit sa kabila nun alam niya na sobrang stress ito.

“Via, may balita ako tungkol kay Tristan. Gusto mo bang marinig ang tungkol rito?” tanong ni Annie sa kaniya. Sa totoo lang ay halos isang buwan na silang hindi nag-uusap ni Tristan at nagulat na lamang siya kaninang umaga nang kumalat iyon. Kaya pala ito hindi nagpaparamdam sa kaniya ay dahil may binabalak na pala ito.

Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Via. “Wala na siyang kinalaman pa sa akin kaya ayoko nang makibalita pa sa kaniya.” malamig na tugon niya rito at ang kanyang mukha ay punong-puno ng pagkadisgusto dahil sa ginawa nito.

Samantala, dahil nga halos buong buhay na ni Annie ang pagkakaibigan nila ni Olivia ay alam niya na kahit na papano ay gusto pa rin nitong makibalita ng tungkol kay Tristan kaya hindi na siya nag-atubili pa at ibinuka niya ang kanyang bibig upang sabihin rito ang nalalaman niya. “Sinabi sa kain ni Lucas na ang kanilang pamilya ay may ipinakilalang babae sa kaniya isang buwan na ang nakakaraan at mukhang nagkakaayos na ang dalawang pamilya.” sabi ni Annie rito ngunit hindi niya sinabi o ni binanggit ang salitang kasal dahil alam niya na kapag narinig nito iyon ay sobra itong masasaktan.

Patuloy na ngumiti si Olivia ngunit ang ngiti niya ay hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. “Mabuti iyon para sa kanilang pamilya. Mukha namang iyon ang gusto ng Mommy niya.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagpatuloy. “Annie dahil sa sinabi mo ay pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang biglang magpakasal at maghanap na rin ng mapapangasawa.” dagdag niya.

Bigla namang natakot si Annie nang marinig niya ang sinabi nito dahil pakiramdam niya ay kasalanan siya dahil sa sinabi niya kung bakit nito nasabi iyon. Dali-dali siyang nagsalita upang hikayatin ito. “Via, ano ka ba huwag kang maging padalos-dalos. I mean hindi mo dapat sayangin ang buhay mo dahil lang sa kaniya at sa ginawa niya dahil alam mo sa sarili mo na hindi mo iyon deserve. Tinututulan kita sa sinabi mong iyan pero kapag dumating yung araw ba tuluyan mo nang makilala ang lalaking mamahalin mo sa hinaharap ay dalawang kamay ko pa ang itataas ko sa pagsang-ayon.” sabi niya rito.

Napabuntung-hininga si Olivia. “Huwag kang mag-alala, kapag nakilala ko si Mr. Right ko ay una ko siyang ipakikilala sayo.” sagot niya rito at pilit na pinasigla ang kanyang tinig. Pilit siyang ngumiti kahit na nang mga oras na iyon ay halos tumulo na ang kanyang luha. “Joke lang yung sinabi ko no. hindi ako gagawa ng kalokohan, isa pa ay ang pag-aasawa ay isang bagay na hindi mo na pwedeng bawiin kapag ayaw mo na kaya pag-iisipan ko iyong mabuti.” dagdag pa niyang sabi rito.

“Via, balita ko nga ay hinahanap ka niya.” sabi ni Annie rito dahil narinig niya kay Lucas na hinahanap daw siya nito.

“Bakit pa niya ako hahanapin? Isa pa kung magkukrus man muli ang landas namin sa hinaharap ay magpapasalamat ako sa kaniya dahil sa ginawa niya ay namulat ako sa katotohan na nag-aabang sa akin.” sagot niya rito.

Samantala, kalaunan ay hindi na halos kaya pa ni Annie na makipagkwentuhan kay Olivia dahil alam niya na nasasaktan pa rin ito. Mabilis siyang nagpaalam na rito at ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga hanggang sa kumalma ang nararamdaman niya. Alam niya na sobrang hirap ng pinagdaanan ni Via. agad niyang kinuha kay Lucas ang number ni Tristan at hindi na siya nakapaghintay pa ng umaga para tawagan ito. Agad niya itong tinawagan.

“Ako ito, Tristan.” sabi niya kaagad nang sagutin nito ang tawag niya.

“Annie?” tanong nito mula sa kabilang linya. “May problema ba?”

“May gusto lang sana akong itanong sayo, talaga bang pakakasalan mo ang babaeng iyon?” tanong kaagad ni Annie rito.

“Oo.” mabilis na sagot nito sa kaniya at nang marinig ito ni Annie ay halos manginig siya sa labis na galit. Bago niya ito tawagan ay mayroon pa siyang kaunting pag-asa sa puso niya na mali lang ang nabalitaan niya kasi halos nasaksihan niya naman kung gaano ka-sweet ang mga ito kapag magkasama sila, idagdag pa na kitang-kita niya naman sa mga kilos ni Tristan na mahal nga talaga niya si Via. gayunpaman, ang sagot nito sa kaniya ang nagpabagsak ng tuluyan sa pag-asa niya. Napaka-walang hiya talaga nito. “Salamat sa pagpapalaya kay Via dahil alam ko na hinding-hindi ka talaga niya deserve.” sabi niya at pagkatapos niya lang sabihin iyon ay tuluyan na niyang pinatay ang tawag.

Samantala sa kabilang banda, napakuyom naman ang kamay ni Tristan at napasuntok sa mesa. Alam niya na sobrang mali ang ginawa niya ngunit wala siyang magawa. Wala. ilang taon na rin ang lumipas at pilit niya itong hinahanap ngunit parang naglaho ito na parang isang bula.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status