Share

Chapter 0006.2

BIGLANG NAMULA ANG mga mata ni Missy dahil sa sinabi nito. Napuno ng sama ng loob ang kanyang dibdib. “Tristan nakalimutan mo na ba kung sino ako? Hindi ako ibang babae lang dahil asawa mo ako!” puno ng hinanakit na sambit niya rito.

“Sa papel lang naman tayo kasal hindi ba?” malamig na tanong ni Tristan sa kaniya. Napakagat sa kanyang labi si Missy nang marinig niya ang sinabi nito ngunit sa kabila nun ay tiniis niya ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib at hindi niya hinayaang malaglag ang luha sa kanyang mga mata.

Malamig ang mga matang ni Tristan na nakatingin sa kaniya ng mga oras na iyon katulad ng dati. “Huwag mo akong susundan. Kung gusto mong kumain sa restaurant na iyon ay kumain ka pero pumunta ka mag-isa mo at kung ayaw mo naman ay mas mabuting i-cancel mo na lang iyon.” sabi nito. Sa kabila ng pagpipigil niya sa kanyang emosyon ay nahulog pa rin ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata sa isang iglap at nasundan pa.

“Tristan…” sabi niya at inabot ang kamay nito. Puno ng pagmamakaawa ang kanyang tinig. “Bakit napakalamig mo sa akin? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Wala naman akong gusto, ang gusto ko lang ay ang makasabay kang kumain.” kagat-labing sabi niya habang tumutulo ang luha.

Kahit na umiiyak na siya ng mga oras an iyon ay parang wala lang nakikita si Tristan at blangko pa ring nakatingin sa kaniya. “Noon pa man ay ganito na talaga ang ugali ko. Kung pakiramdam mo ay may mali sa ugali ko, pwes makipaghiwalay ka. Huwag mong pahirapan ang sarili mo na matali sa akin, marami pang ibang lalaki sa mundo hindi lang ako.” puno ng lamig na sabi nito sa kaniya.

Sa kanyang narinig ay mas lalo pang kumirot ang kanyang dibdib dahil  sa sakit. Puno ng lungkot ang kanyang mga mata na nakatingin rito. “Tristan, sinabi ko na sayo na ayaw ko sa iba, dahil ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang!” napahikbi siya.

Napatigil naman sandali si Tristan dahil sa sinabi niya at tumitig sa kanyang mga mata. “Missy, sinabi ko rin sayo na hindi kita gusto dahil ang may gusto sayo ay ang Mommy ko at hindi ako. Kahit na anong gawin mo ay hinding-hindi ko maibabaling sayo ang nararamdaman ko at kung hindi mo na makaya pa ang ganito ay pwede ka ng makipaghiwalay  sa akin kahit na anong oraw. Makikipagtulungan ako sayo kapag ginawa mo iyon.” sabi nito sa kaniya.

Pagkatapos magsalita ni TRistan ay napatitig siya sa number 2 dahil doon tumigil ang elevator. Ubos na ang kanyang pasensiya ng mga oras na iyon at naiinis na siya. “Lalabas ka ba o ako ang lalabas?” malamig na tanong niya rito.

Napakagat-labi naman si Missy sa narinig at mabilis na napailing. “Hindi ako lalabas. Sasama ako sayo.” matigas na sabi niya rito.

Hindi naman makapagsalita si Tristan dahil sa gulat. Dahil doon ay mabilis siyang humakbang palabas ng elevator upang muling sumakay sa iba pa. Dali-dali siyang pumasok at pinindot ang ground floor.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakabawi si Missy at dali-dali niyang hinabol si Tristan. “Hintayin mo ako Tristan, sasama ako!” sigaw niya at iniunat niya ang kanyang kamay patungo sa elevator ngunit kahit na ginawa niya iyon ay huli na. Pasara na ang elevator at ang tanging nakita na lamang niya ay ang malamig na mukha ni Tristan habang nakatingin sa kaniya. Walang pakialam itong nakatingin sa kaniya.

Hindi na siya nakapagpigil pa at dali-dali siyang napadausdos sa sahig at napaiyak na lamang. Ilang sandali pa ay doon na lumapit ang assistant ni Tristan na si Kent. “Miss Missy, malamig po ang sahig. Tumayo po kayo diyan at pumunta na lang po tayo sa opisina ni Sir.” sabi nito sa kaniya.

Samantala, nanatiling nakaupo pa rin si Missy sa sahig at umiiyak. Kahit na hindi niya sabihin kung gaano siya kalungkot ng mga oras na iyon ay tiyak na makikita at malalaman ng makakakita sa kaniya ang dala niya. “Wala naman siya doon, anong gagawin ko doon. Isa pa ay wala namang tao rito.” sagot niya.

“Pero Ma’am, napakaraming tao dito sa kumpanya. Paano na lang kapag may nakakita sa inyo na ganyan ang itsura ninyo, baka kung anong tsismis ang kumalat kaya mas mabuti pa na pumunta na lang tayo sa opisina ni sir.” puno ng panghihikayat na sabi nito sa kaniya.

“hindi ako pupunta.” malamig na sagot ni Missy rito at nanatiling nakatingin sa nakasarang elevator.

Napabuntung-hininga naman si Kent dahil sa isinagot nito sa kaniya at kaya niya ito pinapatayo doon ay dahil hindi lang para rito kundi para na rin sa kanyang amo. Pinilit niyang mag-isip ng paraan para mapatayo niya ito doon, hanggang sa tuluyan na nga siyang nakapag-isip. “Ma’am Missy, ito po ang utos ni sir TRistan sa akin kaya kailangan niyong sumunod sa akin. Ibinilin niya kayo sa akin.” sabi niya rito.

Samantala, nang marinig naman ni Missy ang sinabi nito ay agad siyang napataas ng ulo at agad na nagningning ang mga basa niyang mga mata. Puno ng tuwa na nagtanong siya rito. “Talaga? Inutusan ka niya?” nasisiyahang tanong niya rito.

Mabilis naman itong tumango sa kaniya. “Opo ma’am, isa pa ay alam niyo naman na ang ugali ni Sir. kung hindi niya sinabi ay bakit ko naman sana sasabihin hindi ba?” sabi nito sa kaniya. Dahil rito ay dali-dali siyang nagpunas ng kanyang pisngi at napangiti.

“Alam kong ganun lang talaga siya pero sa kabila nun ay alam kong nagmamalasakit rin naman talaga siya sa akin.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na mula doon.

“Syempre kayo po ang asawa ni Sir kaya syempre ay nagmamalasakit talaga siya sa inyo.” sabi ni Kent na labag na labag sa kalooban niya at halos mangiwi. Mabuti na lamang at hindi ito lumingon sa kaniya at nauna nang naglakad paalis doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status