Share

Chapter 0007.5

ILANG SANDALI PA AY LUMABAS NA nga sa kumot si Olivia. Dahil nga sa ilang minutong pagtalukbong, nang tamaan ito ng ilaw ay mas lalo pang naging maputi ang mukha nito na may pawis pa sa noo nito na mas lalo pang nagpatingkad ng kagandahan nito. Lumanghap ito ng sariwang hangin at napapikit kung saan ay nagtaas baba pa ang dibdib nito. Napalunok naman si Tristan habang nakatitig rito at ang kanyang adam’s apple ay gumulong. Nitong mga nakalipas na taon na wala ito sa tabi niya ay hindi man lang siya nagkaroon ng kaunting gusto sa ibang babae. Hindi niya nga tuloy maiwasang isipin na baka may mali sa kanyang katawan dahil doon. Pero habang pinagmamasdan niya ang bawat galaw nito ay nalaman niya na hindi niya kayang pigilan ang kanyang sarili.

Bigla siyang nagkaroon ng isang ideya sa kanyang isip at biglang naglakad pasulong, palapit rito. Pagkatapos lang ng ilang segundo, ang katawan ni Olivia ay natabunan ng anino. Yumuko siya at sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang hinalikan an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status