Share

Chapter 0007.4

DAHIL NAMAN SA KANIYANG pananahimik ay bigla na lamang siyang tiningnan ni Tristan at para bang nabasa nito ang iniisip niya. Tumigil ito sa pagsubo at nagsalita. “Alam mo, kumain ka muna para magkalakas ka na makipag-away sa akin dahil kung gutom ka ay tiyak na manghihina ka at mas malaki ang posibilidad na magawa ko sayo ang mga gusto kong gawin dahil wala kang lakas manlaban.” sabi nito sa kaniya.

Biglang nagtagis ang mga ngipin niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Tristan, may puso ka pa ba? Hindi mo ba nakikita na may sakit ako?” galit na tanong niya rito.

“Alam mo naman palang may sakit ka pero nagmamatigas ka pa. E manong kumain ka na lang para may lakas ka.” tumigil ito at napabuntung-hininga. “Isipin mo, wala kang ibang maaasahan ngayon kundi ako lang.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya. Hindi pa rin siya umimik at muli na naman itong nagsalita. “Tyaka, kung iniisip mo na napaka-walang puso ko dapat malaman mo na wala akong pakialam sa ibang tao, pero ikaw may pakialam ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status