Share

Chapter 0007.3

Sa labas naman ng pinto ay matiyagang naghihintay si Kent. ilang sandali pa nga ay lumabas na rin sa wakas mula sa loob si Tristan kaya dali-dali niya itong nilapitan. “Sir…” sabi niya kaagad rito.

Hindi siya nito nilingon ngunit mabilis itong nagsalita. “Dalhin mo ang kontrata kay Mr. Hidalgo at sabihin mo na pumapayag na ako.” sabi nito sa kaniya.

Nang marinig niya ito ay sandali siyang natigilan at hindi makapaniwalang tumingin rito. “Sir, pumapayag ka ba talaga?” gulat pa ring tanong niya rito. Kung hindi nga mismo sa bibig nito galing iyon ay baka hindi siya maniniwala.

“Oo.” mabilis na tumango ito sa kaniya. Idagdag pa na labis niyang ikana-sorpresa ang pagiging kalmado nito.

“Pero sir, hindi ba kapag nangyari iyon ay halos sampung milyon din ang mawawala sayo at sa kumpanya?” sabi niya dahil sinusubukan niya itong hikayatin. Baka kasi sakaling magbago ang isip nito.

Ngunit wala man lang itong isinagot sa kaniya. Alam niyang narinig naman nito ang sinabi niya ngunit parang wala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status