HALOS DALAWANG ORAS PA ang lumipas ay nanatili pa ring walang malay si Olivia. Tulog na tulog pa rin ito habang nakahiga at mahigpit na nakapikit ang mahahaba nitong pilikmata. Ang mukha nito ay napakaputla. Sa mga oras na iyon ay nanatili si Tristan sa tabi nito at hindi umalis.Tumunog muli ang cellphone ni Tristan ng mga oras na iyon. Sa katunayan ay ilang beses na iyong tumunog at ngayon niya lang iyon sinagot. Si Kent ang tumatawag sa kaniya, ang kanyang assistant upang magtanong patungkol sa kanyang mga schedule sa hapon na iyon. “Gusto kong ipagpaliban mo ang lahat ng mga meetings ko ngayong hapon hanggang bukas. Ang mga naiwan kong trabaho sa opisina ay ipadala mo na lang sa aking email at dito ko na lang gagawin. Ipinadala ko rito ang laptop ko.” simpleng sagot niya sa tanong nito.“Sige po sir.” magalang na sagot naman nito sa kaniya.NANATILING tulog si Olivia at halos padilim na nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Kulay puting kisame ang sumalubong sa kanyang mga mata
PINAUPO SIYA NI TRISTAN sa kama at pagkatapos ay kumuha ito ng malamig na tubig at isang tuwalya pagkatapos ay ipinunas nito sa kamay niya na napaso. Halos kalahating oras nitong pinunasan ang kamay niya at nang makita nitong medyo nawawala na ang pamumula ng kamay niya at binuksan nito ang ointment na ipinakuha nito sa tauhan nito at pagkatapos ay ipinahid ito sa kamay nya.“Mas maganda na ba ang pakiramdam mo ngayon?” tanong nito sa kaniya sa masuyong paraan. Dahil naman sa pagkakatanong nito sa kaniya ay mabilis niyang binawi ang kanyang kamay mula rito. Hindi siya sumagot. Sa sumunod na sandali ay napabuntung-hininga ito at tumalikod sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumalik ito na may hawak na isang baso at inilapag sa mesa. “Maligamgam na lang yan ngayon, saktong-sakto kapag ininom mo.” sabi nito sa kaniya.Sa oras naman na iyon ay biglang may kumatok. Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang assistant ni Tristan na si Kent. “sir…” tawag nito kay Tristan.“Ano?” malamig naman na tanon
Sa labas naman ng pinto ay matiyagang naghihintay si Kent. ilang sandali pa nga ay lumabas na rin sa wakas mula sa loob si Tristan kaya dali-dali niya itong nilapitan. “Sir…” sabi niya kaagad rito.Hindi siya nito nilingon ngunit mabilis itong nagsalita. “Dalhin mo ang kontrata kay Mr. Hidalgo at sabihin mo na pumapayag na ako.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya ito ay sandali siyang natigilan at hindi makapaniwalang tumingin rito. “Sir, pumapayag ka ba talaga?” gulat pa ring tanong niya rito. Kung hindi nga mismo sa bibig nito galing iyon ay baka hindi siya maniniwala.“Oo.” mabilis na tumango ito sa kaniya. Idagdag pa na labis niyang ikana-sorpresa ang pagiging kalmado nito.“Pero sir, hindi ba kapag nangyari iyon ay halos sampung milyon din ang mawawala sayo at sa kumpanya?” sabi niya dahil sinusubukan niya itong hikayatin. Baka kasi sakaling magbago ang isip nito.Ngunit wala man lang itong isinagot sa kaniya. Alam niyang narinig naman nito ang sinabi niya ngunit parang wala
DAHIL NAMAN SA KANIYANG pananahimik ay bigla na lamang siyang tiningnan ni Tristan at para bang nabasa nito ang iniisip niya. Tumigil ito sa pagsubo at nagsalita. “Alam mo, kumain ka muna para magkalakas ka na makipag-away sa akin dahil kung gutom ka ay tiyak na manghihina ka at mas malaki ang posibilidad na magawa ko sayo ang mga gusto kong gawin dahil wala kang lakas manlaban.” sabi nito sa kaniya.Biglang nagtagis ang mga ngipin niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Tristan, may puso ka pa ba? Hindi mo ba nakikita na may sakit ako?” galit na tanong niya rito.“Alam mo naman palang may sakit ka pero nagmamatigas ka pa. E manong kumain ka na lang para may lakas ka.” tumigil ito at napabuntung-hininga. “Isipin mo, wala kang ibang maaasahan ngayon kundi ako lang.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya. Hindi pa rin siya umimik at muli na naman itong nagsalita. “Tyaka, kung iniisip mo na napaka-walang puso ko dapat malaman mo na wala akong pakialam sa ibang tao, pero ikaw may pakialam ako
ILANG SANDALI PA AY LUMABAS NA nga sa kumot si Olivia. Dahil nga sa ilang minutong pagtalukbong, nang tamaan ito ng ilaw ay mas lalo pang naging maputi ang mukha nito na may pawis pa sa noo nito na mas lalo pang nagpatingkad ng kagandahan nito. Lumanghap ito ng sariwang hangin at napapikit kung saan ay nagtaas baba pa ang dibdib nito. Napalunok naman si Tristan habang nakatitig rito at ang kanyang adam’s apple ay gumulong. Nitong mga nakalipas na taon na wala ito sa tabi niya ay hindi man lang siya nagkaroon ng kaunting gusto sa ibang babae. Hindi niya nga tuloy maiwasang isipin na baka may mali sa kanyang katawan dahil doon. Pero habang pinagmamasdan niya ang bawat galaw nito ay nalaman niya na hindi niya kayang pigilan ang kanyang sarili.Bigla siyang nagkaroon ng isang ideya sa kanyang isip at biglang naglakad pasulong, palapit rito. Pagkatapos lang ng ilang segundo, ang katawan ni Olivia ay natabunan ng anino. Yumuko siya at sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang hinalikan an
PAGBALIK NAMAN NI TRISTAN mula sa banyo ay nakita niyang tulog na si Olivia. Napatitig siya sa mukha nito na napakaganda bagamat may kapayatan na ito. “Fool…” bulong niya at pagkatapos ay hinawi ang mga buhok nito na nahulog sa noo nito. “Ang galing mong magdahilan…” mahinang bulong niya rito. Kahit na dahilan lang ang sinabi nito sa kaniya kanina ay naniwala pa rin siya rito at sumunod sa sinabi nito.“Gusto lang naman kitang makatulog ng maayos.” mahinang sabi niya rito.Samantala, sa panaginip naman ni Olivia ay parang may matigas na pader sa kanyang harapan. Ngunit ang pader na iyon ay mainit at hindi malamig. Pinanatili pa nga niya ang kanyang kamay sa pader na iyon dahil ang sarap nito sa kanyang pakiramdam.Kinabukasan, nag-ikot na nag doktor. Sinuri nito ang kanyang kalagayan at humupa na nang tuluyan ang kanyang lagnat ngunut nanatiling mahina pa rin ang kanyang katawan. Nang marinig naman ni Tristan na okay na ang sitwasyon ni Olivia ay tuluyan na ngang gumaan ang pakiramda
PAGKATAPOS NG ILANG ARAW na pagpapahinga ay nakatanggap ng isang tawag si Olivia mula sa direktor at sinabi nito na kailangan niyang mag-audition. Bagamat inimbitahan na siya nito ay kailangan pa rin niyang sumailalim sa proseso kaya kailangan niyang mag-audition. Kapag pinalampas pa niya ang oportunidad na iyon ay baka pagsisihan niya kaya kailangan niyang maghanap ng paraan para makalabas siya sa bahay ni TRistan lalo pa at napakahirap na gawin iyon dahil sa napakadami ng nagbabantay sa kaniya na tauhan nito.Bumagsak man siya ay babangon siya kaya kailangan niyang makaisip ng paraan. Nang gabing iyon ay iyon ay kaagad siyang lumapit kay Tristan upang magpaalam dahil alam niya na hindi siya makakalabas doon kapag walang pahintulot nito. “Gusto kong puntahan si Annie at ang mga bata bukas.” sabi niya rito.Bahagya naman itong natigilan at pagkatapos ay nilingon siya. “Magaling ka na ba?” tanong nito.Mabilis na tumango si Olivia rito. “Oo. magaling na ako.” sagot niya rito.Ilang sand
LUMAPIT SI ANNIE SA KANIYA AT NAUPO sa tabi niya. Puno rin ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Pasensya ka na Via, huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Iris. bata pa siya at wala pa siyang masyadong alam.” sabi nito sa kaniya.Agad naman niya itong nginitian. “Annie ano ka ba, okay lang. Isa pa ay ilang taon na rin naman ang lumipas at hindi na ako kasing hina noon. Nagbago na ako at isa pa, mas matatag at mas malakas na ako ngayon.” sabi niya rito at ipinakita rito na seryoso siya sa sinabi niya. “Bukod pa doon, tiyak na sa muli kong pagbalik sa industriya ay mas matindi pa ang haharapin kong tsismis ulit.” dagdag pa niyang sabi rito. Inihanda na niya ang sarili niya sa kritisismo.Samantala, sa kabila ng mga sinabi ni Olivia ay hindi pa rin naman maiwasan na hindi mabagabag ni Annie. Alam niya na may talento ito at kaya nitong maging isang superstar kaya lang ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala. Tiyak na katakot-takot na tsismis na naman ang ibabato rit
TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi
KAHAHATID LAMANG NI KENT si Missy ngunit pagbalik niya sa loob ng bahay ay bigla siyang nagulat nang makita niya ang isang babaeng naghihintay sa may sala. “Miss Olivia?” hindi makapaniwalang tanong niya at pagkatapos ay lumapit dito. “Paano kayo nakauwi?” gulat na gulat pa rin na tanong niya rito.“Nasaan na siya? Hindi pa rin ba siya lumalabas ng silid niya?” tanong naman kaagad ni Olivia kay Kent. marahan naman itong tumango kaya napabuntung-hininga na lang siya.“Nasa silid niya po siya Miss Olivia. Ihahatid ko po kayo hanggang sa pinto.” sabi nito at nauna nang naglakad patungo sa hagdan. Agad naman siyang sumunod dito at pagtapat nila sa pinto ay humarap ito sa kaniya. “Katulad nga po ng sabi ko sa inyo ay halos buong araw na siyang nakakulong diyan sa loob.” mahinang sabi nito sa kaniya.Hindi naman na binanggit pa ni Kent ang tungkol sa pagdating doon ni Missy at ang pagpupumilit nito na pumasok. “Sige, ako ng bahala sa kaniya pero gusto ko na maghanda ka ng pagkain.” sabi nit
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka
BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di
SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni
NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto
ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila