PINAUPO SIYA NI TRISTAN sa kama at pagkatapos ay kumuha ito ng malamig na tubig at isang tuwalya pagkatapos ay ipinunas nito sa kamay niya na napaso. Halos kalahating oras nitong pinunasan ang kamay niya at nang makita nitong medyo nawawala na ang pamumula ng kamay niya at binuksan nito ang ointment na ipinakuha nito sa tauhan nito at pagkatapos ay ipinahid ito sa kamay nya.“Mas maganda na ba ang pakiramdam mo ngayon?” tanong nito sa kaniya sa masuyong paraan. Dahil naman sa pagkakatanong nito sa kaniya ay mabilis niyang binawi ang kanyang kamay mula rito. Hindi siya sumagot. Sa sumunod na sandali ay napabuntung-hininga ito at tumalikod sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumalik ito na may hawak na isang baso at inilapag sa mesa. “Maligamgam na lang yan ngayon, saktong-sakto kapag ininom mo.” sabi nito sa kaniya.Sa oras naman na iyon ay biglang may kumatok. Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang assistant ni Tristan na si Kent. “sir…” tawag nito kay Tristan.“Ano?” malamig naman na tanon
Sa labas naman ng pinto ay matiyagang naghihintay si Kent. ilang sandali pa nga ay lumabas na rin sa wakas mula sa loob si Tristan kaya dali-dali niya itong nilapitan. “Sir…” sabi niya kaagad rito.Hindi siya nito nilingon ngunit mabilis itong nagsalita. “Dalhin mo ang kontrata kay Mr. Hidalgo at sabihin mo na pumapayag na ako.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya ito ay sandali siyang natigilan at hindi makapaniwalang tumingin rito. “Sir, pumapayag ka ba talaga?” gulat pa ring tanong niya rito. Kung hindi nga mismo sa bibig nito galing iyon ay baka hindi siya maniniwala.“Oo.” mabilis na tumango ito sa kaniya. Idagdag pa na labis niyang ikana-sorpresa ang pagiging kalmado nito.“Pero sir, hindi ba kapag nangyari iyon ay halos sampung milyon din ang mawawala sayo at sa kumpanya?” sabi niya dahil sinusubukan niya itong hikayatin. Baka kasi sakaling magbago ang isip nito.Ngunit wala man lang itong isinagot sa kaniya. Alam niyang narinig naman nito ang sinabi niya ngunit parang wala
DAHIL NAMAN SA KANIYANG pananahimik ay bigla na lamang siyang tiningnan ni Tristan at para bang nabasa nito ang iniisip niya. Tumigil ito sa pagsubo at nagsalita. “Alam mo, kumain ka muna para magkalakas ka na makipag-away sa akin dahil kung gutom ka ay tiyak na manghihina ka at mas malaki ang posibilidad na magawa ko sayo ang mga gusto kong gawin dahil wala kang lakas manlaban.” sabi nito sa kaniya.Biglang nagtagis ang mga ngipin niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Tristan, may puso ka pa ba? Hindi mo ba nakikita na may sakit ako?” galit na tanong niya rito.“Alam mo naman palang may sakit ka pero nagmamatigas ka pa. E manong kumain ka na lang para may lakas ka.” tumigil ito at napabuntung-hininga. “Isipin mo, wala kang ibang maaasahan ngayon kundi ako lang.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya. Hindi pa rin siya umimik at muli na naman itong nagsalita. “Tyaka, kung iniisip mo na napaka-walang puso ko dapat malaman mo na wala akong pakialam sa ibang tao, pero ikaw may pakialam ako
ILANG SANDALI PA AY LUMABAS NA nga sa kumot si Olivia. Dahil nga sa ilang minutong pagtalukbong, nang tamaan ito ng ilaw ay mas lalo pang naging maputi ang mukha nito na may pawis pa sa noo nito na mas lalo pang nagpatingkad ng kagandahan nito. Lumanghap ito ng sariwang hangin at napapikit kung saan ay nagtaas baba pa ang dibdib nito. Napalunok naman si Tristan habang nakatitig rito at ang kanyang adam’s apple ay gumulong. Nitong mga nakalipas na taon na wala ito sa tabi niya ay hindi man lang siya nagkaroon ng kaunting gusto sa ibang babae. Hindi niya nga tuloy maiwasang isipin na baka may mali sa kanyang katawan dahil doon. Pero habang pinagmamasdan niya ang bawat galaw nito ay nalaman niya na hindi niya kayang pigilan ang kanyang sarili.Bigla siyang nagkaroon ng isang ideya sa kanyang isip at biglang naglakad pasulong, palapit rito. Pagkatapos lang ng ilang segundo, ang katawan ni Olivia ay natabunan ng anino. Yumuko siya at sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang hinalikan an
PAGBALIK NAMAN NI TRISTAN mula sa banyo ay nakita niyang tulog na si Olivia. Napatitig siya sa mukha nito na napakaganda bagamat may kapayatan na ito. “Fool…” bulong niya at pagkatapos ay hinawi ang mga buhok nito na nahulog sa noo nito. “Ang galing mong magdahilan…” mahinang bulong niya rito. Kahit na dahilan lang ang sinabi nito sa kaniya kanina ay naniwala pa rin siya rito at sumunod sa sinabi nito.“Gusto lang naman kitang makatulog ng maayos.” mahinang sabi niya rito.Samantala, sa panaginip naman ni Olivia ay parang may matigas na pader sa kanyang harapan. Ngunit ang pader na iyon ay mainit at hindi malamig. Pinanatili pa nga niya ang kanyang kamay sa pader na iyon dahil ang sarap nito sa kanyang pakiramdam.Kinabukasan, nag-ikot na nag doktor. Sinuri nito ang kanyang kalagayan at humupa na nang tuluyan ang kanyang lagnat ngunut nanatiling mahina pa rin ang kanyang katawan. Nang marinig naman ni Tristan na okay na ang sitwasyon ni Olivia ay tuluyan na ngang gumaan ang pakiramda
PAGKATAPOS NG ILANG ARAW na pagpapahinga ay nakatanggap ng isang tawag si Olivia mula sa direktor at sinabi nito na kailangan niyang mag-audition. Bagamat inimbitahan na siya nito ay kailangan pa rin niyang sumailalim sa proseso kaya kailangan niyang mag-audition. Kapag pinalampas pa niya ang oportunidad na iyon ay baka pagsisihan niya kaya kailangan niyang maghanap ng paraan para makalabas siya sa bahay ni TRistan lalo pa at napakahirap na gawin iyon dahil sa napakadami ng nagbabantay sa kaniya na tauhan nito.Bumagsak man siya ay babangon siya kaya kailangan niyang makaisip ng paraan. Nang gabing iyon ay iyon ay kaagad siyang lumapit kay Tristan upang magpaalam dahil alam niya na hindi siya makakalabas doon kapag walang pahintulot nito. “Gusto kong puntahan si Annie at ang mga bata bukas.” sabi niya rito.Bahagya naman itong natigilan at pagkatapos ay nilingon siya. “Magaling ka na ba?” tanong nito.Mabilis na tumango si Olivia rito. “Oo. magaling na ako.” sagot niya rito.Ilang san
“Via, I’m sorry pero… kinancel na ang lahat ng endorsement at kontrata mo. Pinagbabayad ka rin ng danyos dahil sa kumalat na malaswang picture mo.” sabi ni Ate Mia kay Olivia. Iyon ang itinawag nito sa kaniya sa kalagitnaan ng gabi.Napangiti siya ng mapait. “Walang problema ate, babayaran ko ang mga iyon at…” tumigil siya, humugot ng malalim na hininga. “Aalis na ako sa industriya.” sabi niya bago tuluyang patayin ang cellphone.Sa araw na iyon ay nawala sa kaniya ang lahat, ang kasikatan niya, mga project at maging ang lalaking mahal niya. Unti-unting nag-init ang mga sulok ng kanyang mga mata, hindi niya akalain na sa daming gagawa ng bagay na iyon sa kaniya ay mismong pang si Tristan pa. Sobrang sakit para sa kaniya na tanggapin iyon dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan lamang siya nito ng matagal. Kung kailan niya ito minahal ay tyaka naman nito iyon ginawa sa kaniya. Sinira siya nito sa lahat at maging ang kanyang karera.Napapikit si Olivia nang maalala niya ang sandaling iyon
“Ma’am may naghahanap po sa inyo.” sabi ng kasambahay nila Annie. Kakaupo niya lang sa sofa ng mga oras na iyon at kagigising niya lang din. Hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa napakaraming iniisip niya.“Sino daw?” nakapikit pa ang mga mata niyang tanong rito. Tanghali na ng mga oras na iyon at wala na si Lucas. Ang mga anak niya naman ay pumasok na rin sa school dahil limang taon na ang mga ito.“Via daw po ang pangalan at kaibigan ninyo.” sagot nito na ikinamulat niya ng kanyang mga mata at dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupunan at lumabas para tingnan kung si Via nga talaga iyon.~~~~“Ang tagal mong nawala…” sabi ni Annie kay Via nang nasa sala na sila. Si Via nga talaga ang nasa harap niya. Halos ilang taon niya rin itong hindi nakita.Nang mga oras na iyon ay tinitingnan nito ang photo album kung saan nakalagay ang mga larawan nila ni Lucas nang ikasal sila. “Napaka-engrande ng kasal mo Annie at masaya ako na ikinasal ka na sa wakas sa taong mahal mo. ang pinak