Share

Chapter 0006.1

Ilang sandali pa nga ay binitawan siya ni Tristan at napabuntung-hininga. “Kung ganun, bakit hindi ka lumaban?” tanong nito sa kaniya.

Nang marinig naman niya ang tanong nito ay dahan-dahan niya itong binalingan. Halos tumaas ang sulok ng kanyang labi ng mga oras na iyon. “Sa tingin mo ba ay may silbi pa kapag nanlaban ako?” balik niyang tanong rito. “Hindi ba at iyon naman ang gusto mo? Ang maging masunurin ako sa lahat ng gusto mo.” dagdag pa niyang sabi rito.

“Olivia…” tawag nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang baba at bahagyang pinisil. Ang hininga nito ay tumatama na sa kanyang mukha ng mga oras na iyon. “Oo nga, gusto ko ngang maging masunurin ka pero hindi sa punto na para ka na lang isang estatwa na hindi man lang gumagalaw. Sa tingin mo ba ay magiging masaya ako sa ganun?” tanong nito sa kaniya.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi ng tuluyan at sinalubong ang mga mata nito na. “Huwag kang umasa na, dahil kahit na anong gawin mo hinding-hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo.” nanggagalaiti sa galit na sabi niya rito.

Napabuntung-hininga na lamang ito. Nang mga oras na iyon ay antok na antok na siya ngunit dahil sa ginawa nito ay hindi siya makatulog lalo na at nakapatong pa rin ito sa kaniya hanggang sa mga oras na iyon. Dahil rito ay napatitig na lamang siya sa kisame. “Hindi ka ba inaantok? Matulog ka na.” biglang sabi nito at umalis sa ibabaw niya ngunit nahiga naman sa tabi niya at niyakap ang kanyang beywang palapit rito.

Nilingon niya naman ito ng masama. “Sa tingin mo ba ay makakatulog ako sa ginagawa mo?” malamig na tanong niya rito.

Matapos namang marinig ni Tristan ang sinabi nito ay bigla na lamang niyang naramdaman ang malamig na katawan ni Olivia sa kaniya. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na marahan siya nitong itinutulak kaya wala na lamang siyang nagawa kundi ang bumangon at naupo sa sofa na nasa gilid ng kama. Tiningnan niya ito ng madilim ang mga mata. “Matulog ka na sabi.” sabi niya rito.

Umirap naman sa kaniya ito. “Kung aalis ka rito ay baka sakaling makatulog ako, pero kung nandito ka baka imposible kong magawa iyon.” sagot nito at dahil doon ay inis siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at dali-daling naglakad patungo sa pinto at marahas na isinara iyon dahil sa kanyang inis.

Samantala, nang sumara naman ang pinto ay nakahinga ng maluwag si Olivia. Agad niyang hinila ang kumot at tinakpan ang sarili niya at ibinalot. Hinayaan niya ang sarili niya na makulob sa loob ng katawan hanggang sa tumulo na ang pawis niya. Doon niya pa lamang iniangat ang kumot. Pagkatapos nito ay agad siyang tumayo upang maligo dahil napuno ng pawis ang buo niyang katawan.

Nang makaligo siya ay agad niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Dahil sa magkahalong antok at pagod ay agad siyang nakatulog.

KINAUMAGAHAN, ibinilin ni Tristan sa kanyang mga tauhan na huwag nilang gisingin si Olivia at hayaan lang itong matulog at gumising sa kung anong oras nito gusto. Ngunit alas dose na nang tanghali ay nananatili pa ring sarado ang pinto ng kwarto at nakaramdam na nang takot ang mga tauhan ni Tristan na nagbabantay kay Olivia kaya hindi na sila nagdalawang isip pa at akmang tatawagan na sana nila ito nang bigla na lamang itong tumawag. Pagkasagot ng tauhan ni Tristan ang telepono ay kaagad na niyang narinig ang tinig nito mula sa kabilang linya. “Kumain na ba siya?” kaagad na tanong nito.

Napalunok naman ang tauhan ni Tristan ng isang beses bago ito sumagot. “Hindi pa po sir.” maingat at magalang na sagot niya rito.

Samantala, nang marinig naman ni TRistan ang sagot ng kanyang tauhan ay agad siyang napasandal mula sa kanyang kinauupuan at nakaunot ang kanyang kilay. “Bakit hindi pa siya kumakain hanggang ngayon? Tanghali na. Hindi niya ba gusto ang ipinaluto ko?” sunod-sunod na tanong niya.

“Hindi po sa ganun sir, pero kasi, hanggang ngayon ay hindi pa bumabangon si Miss Olivia. Dahil na rin po sa bilin ninyo na huwag namin siyang guluhin o pabangunin ay hindi pa namin siya kinakatok sa silid niya.” sagot nito.

Napabuntung-hininga siya bigla. “Naiintindihan ko, sige. Ihanda niyo na ang pagkain.” sabi niya bago tuluyang ibinaba ang tawag pagkatapos ay tumayo at dinampot niya ang susi ng kanyang kotse na nasa mesa ng mga oras na iyon.

Agad siyang lumabas ng kanyang opisina ngunit paglabas na paglabas pa lamang niya ay may isang matangkad na babae ang lumapit sa kaniya na may ngiti sa mga labi at agad na ikinawit ang braso nito sa kanyang braso. “Saktong-sakto. Kumain tayo, nag-book ako sa restaurant na paborito mo.” malambing na sabi nito sa kaniya.

Tumigil siya sa kanyang paglalakad at pagkatapos ay mabilis na iniunat ang kanyang kamat at itinulak ito palayo sa kaniya. “May kailangan pa akong gawin, ikaw na lang ang kumain mag-isa mo.” walang-gana at malamig na sabi niya rito.

“Pero Tristan…” napakagat labi si Missy ng mga oras na iyon ay tumingin sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Mukhang hindi maganda ang mood nito. Ilang sandali pa ay hawak nito ang susi ng kotse nito at tinalikuran siya. Naglakad ito patungo sa elevator at pumasok. Hindi naman siya nag-aksaya ng kahit na isang segundo at mabilis na sumunod rito. Tiningnan niya ito na may nakakaawang mga mata. “Tristan, ano ba ang kailangan mong gawin na mas mahalaga pa kaysa sa pagkain? Hindi mo ba iyon pwedeng gawin pagkatapos kumain? Ibinook ko ang lunch na ito isang buwan bago ang araw na ito para sa ating dalawa.” sabi niya rito.

Nakatayo pa rin naman si Tristan sa loob ng elevator at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung narinig ba nito ang sinabi niya o hindi. Nang makita niya ang number ng floor na malapit nang dumating sa unang palapag ay napakagat-labi siya at muling inabot ang braso ni Tristan upang hawakan ito. “Tristan, kumain na muna tayo okay? Kahit magpaka-busy kana pagkatapos nating kumain.” masuyong sabi niya rito. Ngunit hindi man lang gumalaw si TRistan o ni nilingon siya.

Ilang sandali pa ay muli nitong tinanggal ang kamay niya sa braso nito at lumayo sa kaniya. “Ikaw na lang. Marami pang pagkakataon sa hinaharap.” malamig na sabi nito at mukhang walang pakialam sa kaniya. Nilingon siya nito. “Missy, dapat mong malaman na ang pinaka-ayoko sa babae ay yung masyadong clingy.” walang kagatol-gatol na sabi nito sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status