Share

Chapter 0005

Naramdaman niya na inabot nito ang kanyang paa. Nagmulat siya ng kanyang mga mata. “Tristan, huwag mo akong hawakan ano ba!” angil niya rito.

“Huwag kang mag-alala Olivia. Hindi kita kakainin.” sagot nito sa kaniya at sa sumunod na sandali ay itinaas nito ang kanyang paa ay pagkatapos ay ibinalot nito ang mga kamay nito rito. Dahil doon ay nakaramdam siya ng init mula doon. Dahil sa ginawa nito ay hindi niya maipagkakaila na medyo gumaan nga ang pakiramdam niya at hindi na rin siya gaanong nilamig at muling pumikit kaya lang ay bigla siyang muling napamulat nang maalala niya na kamay nga pala ni Tristan iyon. Natigilan siya, nagugustuhan niya ba ang mga kamay nito sa paa niya? Halos hindi siya makapaniwala sa kanyang sarili dahil rito. Hindi nagtagal ay nakabawi din naman siya.

Malinaw sa kanyang isip na na dapat ay hindi na siya naaapektuhan pa sa ginagawa ng lalaking ito. “Bitawan mo ako!” sigaw niya rito.

Samantala, sa halip naman na bitawan siya nito ay mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang mga paa. “Matulog ka na muna kung inaantok ka. Pwede kang sumandal sa balikat ko kung gusto mo para kahit papano ay maging komportable ka.” sabi nito sa kaniya sa banayad na tinig.

Nagtagis ang mga bagang ni Olivia. Palagi na lang itong ganun. Kapag nagagalit siya ay bigla na lamang itong magiging malambing sa kaniya hanggang sa makalimutan niya ang mga bagay na ikinagalit niya. Ang nakakatawa lang ay ilang taon lang siya noon, bente-uno? Napakabata pa niya kaya madali lang siya nitong nalinlang. Binilog nito ang ulo niya hanggang sa mapaniwala siya nito na totoo ang pinaparamdam at sinasabi nito sa kaniya.

“Hindi ako inaantok.” sabi nita at umupo siya ng tuwid, ngunit namumula na ang kanyang mga mata dahil sa totoo lang ay inaantok talaga siya.

Napabuntung-hininga na lamang ito at pagkatapos ay hinaplos nito ang kanyang mahabang buhok. “Olivia, gusto kong malaman mo ngayon na hanggat hindi ako ang nagsasabi na lumayo ka ay hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko, dito ka lang.” sabi nito sa kaniya. “Kaya dapat kang maging masunurin sa lahat ng sasabihin ko para hindi tayo magkaproblema.” dagdag pa nitong sa kaniya.

Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito, ang ngiting iyon ay kasing lamig ng yelo. “Tristan, hindi mo ba alam? Nagbago na ako. Hindi na ako yung dati na palaging sumusunod sa kung anong sasabihin mo.” malamig na sabi niya rito. “Baka kapag pinutulan mo ako ng binti at mga kamay, o kaya mas mabuti kapag pinatay mo na lang ako ay baka sakaling mapasunod mo na ako sa gusto mo.” dagdag pa niyang sabi.

Patuloy nitong hinaplos ang kanyang buhok na tila walang narinig. “Olivia, ilang taon na rin naman ang nakalipas. Pwede bang kalimutan na lang natin ang tungkol sa bagay na iyon?” tanong nitong muli sa kaniya sa banayad na tinig.

Mas lalong lumapad pa ang ngiti sa labi ni Olivia dahil sa kanyang narinig. Ngiti na puno ng lungkot. “Pwede, pero hintayin mo munang mamatay ako.” sabi niya. Alam niya na kapag namatay na siya ay hindi na siya makakaramdam pa ng kahit na ano pang sakit. “Tandaan mo na kahit na anong gawin mo, kahit na mamatay pa ako ay hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo.” puno ng lamig at pait na sabi niya rito. Ang sakit na dinulot ng ginawa nito ay umukit sa kalaliman ng kanyang puso.

Ilang sandali pa ay niyakap siya nito ng mahigpit. “Olivia, tandaan mo rin na hindi ko na hinahangad pa ang kapatawaran mo pero handa akong gawin ang lahat basta manatili ka lang sa tabi ko. Sapat na iyon para sa akin.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay binatawan na siya nito. Naging tahimik silang dalawa pagkatapos nun.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ni Tristan. Hindi siya nakapanlaban pa nang pagbaba niya ng kotse ay bigla na lamang siya nitong binuhat paakyat sa pangalawang palapag. Dumiretso ito sa isang silid at pagkatapos ay bigla na lamang siya nitong ibinagsak sa may kama. Bagamat malambot iyon ay parang nasaktan pa rin siya dahil sa payat niyang katawan. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong pumatong sa kaniya kung saan ay agad na tumama ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha.

Hindi pa man niya ito naitutulak nang bigla na lamang nitong kagatin ang kanyang punong tenga. “Kung hindi ka inaantok ay pwede muna tayong gumawa ng isang masayang bagay. Panigurado kapag natapos tayo ay makakatulog ka na kaagad dahil sa pagod.” mahinang bulong nito sa kaniya.

“Ano ba ha?!” galit na sigaw ni Olivia rito at pagkatapos ay tinulak niya ito ngunit hindi niya ito maitulak. “Ito lang ba ha? Ito lang ba ang dahilan kaya mo ako hinanap?!” galit na galit na sigaw ni Olivia rito. “Ayoko sayo! Layuan mo ako!” nagpumiglas siya.

Nang marinig naman ni TRistan ang sinabi niya ay agad na nagtagis ang mga bagang nito. “Anong sabi mo? Bakit ha? Mas magaling ba yung iba kaysa sa akin?” tanong nito at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay bigla niyang naramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang leeg at bumaba hanggang sa balikat niya. Sa sumunod na sandali ay bigla na lamang nitong pinunit ang damit niya.

Sa ilang minutong panlalaban niya ay parang naubos ang lakas niya. Wala siyang laban rito. Ilang sandali pa ay isang mainit na luha ang dumulas mula sa kanyang mga mata. Ibinaba niya ang kanyang kamay at hindi na nanlaban pa. Hinayaan niya ito, lumipas ang ilang minuto hanggang sa tuluyan niya nang naibuka ang kanyang bibig. “Tristan, hindi ka ba nasusuka sa ginagawa mo?” tanong niya sa mahina at nanginginig na tinig.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Zcheyn
tagal ng karugtong.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status