Share

Chapter 0004

Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay binuksan niya ang pinto. Nakatayo siya doon ngunit parang wala siyang pakialam at parang sobrang namamanhid ang buong katawan.

Napatitig naman si Tristan kay Olivia nang buksan nito ang pinto. Nakasuot ito ng pantulog na napakanipis at halos makita na ang katawan nito sa likod ng manipis na damit. Nilingon niya ang kanyang mga tauhan sa kanyang likuran. “Anong tinitingin-tingin niyo? Lumabas na kayo!” sigaw niya sa mga ito.

Samantala, si Olivia ay nakatitig kay Tristan ng malamig, ang kanyang mga mata ay napakalamig na para bang nakatingin siya sa isang estranghero. Sa sumunod na sandali ay nag-iwas siya ng kanyang mga mata dahil halos ayaw niya itong makita. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang pagbalot ng amerikana nito sa kaniya.

Biglang nagtagis ang mga bagang ni TRistan. “Sino ang nagpahintulot sayo na magsuot ka ng ganyang klaseng damit?” galit na galit na tanong niya rito.

Nagtaas naman ng ulo si Olivia at malamig na tiningnan siya. Pagkatapos ay unti-unting napangiti, ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiting iyon. “Nakakatawa ka naman Mr. Fuentes, kwinekwestiyon mo ang suot ko?” tanong niya na halos gusto niyang matawa. “Isa pa, bakit ka nagagalit na makita ng iba ang katawan ko e hindi ba at ikaw nga ang nagpakalat ng larawang iyon sa internet, nakalimutan mo na ba?” tanong niya rito na puno ng panunuya.

Samantala, dahil naman sa pagbanggit ni Olivia ng nakaraan ay mas nagdilim pa ang mga mata ni Trista kung saan ay mas naging malamig pa. “Tumahimik ka.” malamig na saway niya rito.

“Bakit sana ako tatahimik? Nagsasabi lang ako ng totoo, bakit ha? Hindi mo pa ba maamin hanggang ngayon?” muli niyang tanong rito.

Bigla namang napatitig sa kaniya si Tristan at ang mga mata nito ay halos maglabas ng apoy at pagkatapos ay hinawakan nito ang baba niya. “Olivia, simula ngayon ay hindi na kita pinapayagan pang banggitin muli ang bagay na iyon.” sabi nito sa kaniya sa malamig na tinig at nagbabanta.

“Bakit sana hindi ko babanggitin ha? Babanggitin ko ito hanggang gusto ko.” matigas naman na sagot niya rito.

“Olivia, paulit-ulit ba?” inis na tanong ni Tristan sa kaniya. Pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay agad na niyang inakay palabas si Olivia.

Nang lumabas sila ay sumalubong kay Olivia ang napakalamig na hangin kung saan ay tumagos ito hanggang sa kanyang mga buto. Niyakap siya ni Tristan, bagamat niyakap na siya nito at nakabalot na rin sa kaniya ang amerikana nito ay nanatili namang nakalantad ang kanyang mga paa hanggang sa kanyang hita kung saan ay tinatamaan pa rin ito ng malamig na hangin at ang lamig na yun ay halos magpanginig sa kalamnan niya. Napakagat-labi na lamang siya at hindi nagsalita.

“Nilalamig ka ba?” rinig niyang tanong ulit sa kaniya ni Tristan at pagkatapos ay niyakap siya nito ng mas mahigpit pa.

Hindi lang pinansin ni Olivia ang pagtatanong ni Tristan sa kaniya. Habang nakatayo sila doon at naghihintay ng sasakyan ay hindi niya maiwasang manginig dahil sa lamig. Halos manginig na rin ang kanyang mga labi ng mga oras na iyon, mabuti na lamang at dumating na rin sa wakas ang kotse pagkalipas ng ilang minuto.

Nang tumigil ang sasakyan sa harapan nila at nakita ng driver na malamig ang mukha ni TRistan na nakatingin sa kaniya ay dali-daling humingi ng paumanhin ang driver. “Pasensya na po kayo sir medyo natagalan po ako. Mukhang nilamig na kayo pareho ni Miss Olivia.” sabi nito at dali-daling bumaba ng kotse upang pagbuksan sila ng pinto.

“Hindi na ito dapat pang maulit.” galit na sagot ni Tristan rito at paulit-ulit na tumango ang driver habang nakayuko sa labis na takot.

“Opo sir. Hinding-hindi na po.” sagot naman nito.

Nauna na siyang sumakay sa loob ng kotse at ni hindi na niya hinintay pa na alalayan siya nito. Pagkapasok niya sa loob, kahit na papano ay nabawasan naman ang ginaw na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Umupo siya sa pinadulo ng kotse ngunit kahit na ganun ay ginawa niya ay nang smakay si TRistan sa loob ay lumapit pa rin ito sa kaniya at ibinalot nito sa kaniya ang isang kamay nito mula sa kanyang likod.

Nakadagdag naman ng init ang kamay nito na bahagya pa nitong hinigpitan. “Maginaw pa ba?” tanong nito at tumingin sa kaniya.

Hindi naman siya nag-abala na sagutin ang tanong nito. Para lang siyang walang narinig. Isa pa ay magkahalong pagod at antok ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, idagdag pa na ayaw niya talaga itong kausapin sa totoo lang. Wala siyang ganang makipag-usap rito dahil ang tanging gusto lang niya ay ang matulog. Ilang sandali pa ay sumandal siya sa may inuupuan niya at dahan-dahang pumikit.

Bagamat medyo uminit na ang temperatura sa loob ng kotse ay nanatili pa ring napakalamig ng kanyang mga paa. Ang kanyang mga mapuputing mga paa ay biglang naging mamula-mula. Para mabawasan ang lamig nito ay pinagpatong niya ang kanyang mga paa ngunit hindi niya inaasahan na makikita pala siya nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status