Nang buksan ni Kendra ang pinto at nakita niya ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan ay labis siyang nagulat. Dali-dali niya itong pinapasok sa loob ng kanyang bahay.
Kinagabihan ay nagluto si Kendra ng hapunan at sabay silang kumain ni Olivia. Pagkatapos nilang kumain ay nanuod silang dalawa ng Tv sa sala. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Kendra at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Greg pala kaya agad niyang sinagot ito. “Nasa bahay ka ba?” tanong nito sa kaniya. “Oo nandito ako.” mabilis naman na sagot niya rito. “Sige pupunta ako diyan.” sabi nito at agad na nitong pinatay ang tawag kahit na gusto pa sana niyang magsalita. Napabuntung-hininga na lamang siya. Pagkalipas nga lang ng sampung minuto ay may narinig siyang katok mula sa pinto. Agad siyang tumayo at nagtungo sa pinto upang buksan ito. Pagbukas niya ng pinto ay may inabot ito sa kaniya. “Ipahid mo yan sa noo mo dahil baka magkaroon ng peklat.” sabi nito, pumunta pala ito doon para hatiran siya ng gamot. Hindi kasi sinasadyang mauntog siya kahapon. Nang mga oras naman na iyon ay hindi niya maiwasang kiligin ngunit syempre ay hindi niya ito pinakita. Dahil sa bukas nga ang pinto at malawak ang pagkakabukas nito ay biglang napatingin sa loob si Greg kung saan ay nakita niya sa loob si Olivia. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Kendra at hinila siya palabas ng bahay nito at nagtanong sa mahinang boses. “Magkakilala kayo ni Olivia?” tanong niya rito. “Hindi naman. Pinakiusapan lang ako ni Annie na patuluyin na muna siya rito.” sabi niya. Muling sinulyapan ni Greg si Olivia na prenteng nakaupo sa may sofa. Ang dami niyang gustong sabihin ngunit sa huli ay ang importante lang ang kanyang sinabi kay Kendra. “Huwag na huwag mo siyang palabasin. May mga taong naghahanap sa kaniya at ang pamilyang iyon ay makapangyarihan.” bilin niya rito. Sa pagkakaalam niya kasi, si Tristan Fuentes ay ginamit pa ang kapulisan upang ipahanap ito sa buong lungsod. Hindi niya lubos akalain na pupunta doon ito sa bahay ni Kendra upang doon magtago. NANG GABING IYON, kaaalas-dose pa lamang ng hating gabi nang bigla na lamang may kumatok sa pinto ng bahay ni Kendra. Dahil sa lakas nito ay nagising siya. Wala sana siyang planong buksan iyon ngunit mas mukha yatang wala itong planong tumigil sa pagkatok kaya agad siyang bumangon mula sa kanyang kinatatayuan. Nang buksan niya ang pinto ay nakita niya ang isang grupo ng mga kalalakihan na nakatayo sa may pintuan at hindi niya maiwasang manginig dahil sa takot. May isang lalaki sa harap at nagmistulang pinuno ng mga ito. “Si-sino ka?” tanong niya kaagad. “Nandito ako para hanapin si Olivia.” sagot ni Tristan at ang kanyang tono ay napakalamig. Nang marinig naman ni Kendra ang sinabi nito at agad niyang hinawakan ang seradura ng pinto at hinanda ang sarili niya upang isara na ito. “Pasensya na pero mukhang nagkamali ka ng bahay na pinuntahan. Hindi ko siya kilala.” sabi ni Kendra at itinulak ang pintok ngunit mabilis naman na hinarang iyon ni Tristan. Walang binatbat ang lakas ni Kendra rito kahit na ginamitan niya na ito ng dalawa niyang kamay. Ilang sandali pa ay malakas na itinulak nito ang pinto kung saan ay halos napaupo siya. Pumasok ito sa loob. Ang kanyang bahay ay may dalawang silid at isang sala. Ang unang pinto ay ang kanyang siid at ang isa ay sarado kung saan ay naroon si Olivia ng mga oras na iyon. Dumiretso si Tristan sa nakasarang pinto at tumigil sa tapat nito. Niluwagan niya ang kanyang kurbata dahil hindi naman siya nagmamadali. Samantala, pinilit tumayo ni Kendra dahil nangako siya kay Annie na aalagaan niya si Olivia kaya hindi siya papayag na wala siyang gawin. “Hoy mister, lilinawin ko lang. Bahay ko ito at pwede kitang idemanda ng trespassing sa ginagawa mo ngayon.” sabi niya rito. Samantala, para namang walang naririnig si Tristan dahil nakatitig lang siya sa pintong nakasara sa kanyang harapan. Mabilis na pumasok si Kendra sa kanyang silid at kinuha niya ang kanyang cellphone upang tumawag ng tulong ngunit bago pa man niya mapindot ang tawag ay mabilis nang naagaw ng mga tauhan ng lalaki ang kanyang cellphone. “Miss, ayaw naming masaktan ka. Kaya kung pwede ay makipagkooperasyon ka na lang.” sabi ng isa sa mga lalaki. “Isa pa, kahit na makatawag ka man ay wala din iyong silbi.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya. Galit na galit naman na napatingin na lang si Kendra sa mga ito. Halos manginig ang kanyang katawan. “Sa tingin niyo matatakot niyo ako? Nagkakamali kayo!” sigaw niya sa mga ito. Hinawakan ni Tristan ang seradura ng pinto at doon niya nalaman na nakasara ang pinto. Doon niya lang ibinaling ang kanyang tingin sa babae na nakatayo kanina sa may pinto. “Ibigay mo sa akin ang susi.” malamig na sabi niya rito. Malamig lang naman siyang tinapunan ni Kendra ng tingin at hindi niya ito pinansin na para bang wala siyang narinig. Ilang sandali pa ay narinig niya ang nakakatakot na tawa ng lalaki na nasa pinto. “Matapang ka…” sabi nito. “Ngunit walang magagawa ang katapangan mong yan.” dagdag nitong sabi at pagkatapos ay muling humarap sa pinto. Kung kanina ang tinig nito ay napakalamig, nang magsalita ito ay bigla na lamang iyong naging mahinahon at napakalambing. “Olivia, alam kong nandiyan ka sa loob. Lumabas ka na ngayon kung ayaw mong may mangyari pa ritong hindi maganda.” sabi nito. Walang sumagot sa sinabi niya. Samantala, katatapos lang maligo ni Olivia ng mga oras na iyon at nakaupo siya sa kama sa sandaling iyon. Nakasuot siya ng isang manipis na pantulog na sleeveless at medyo open sa likod. Napabuntung-hininga siya, alam niya na hindi ito titigil hanggang hindi siya lumalabas doon. “Olivia hindi mo ba naririnig ang sinabi ko? Gusto mo pa ba talaga na gumamit ako dahas para lang mapalabas ka diyan?” muling tanong nito. Narinig niya ang pagsigaw ni Kendra mula sa labas ng pinto. “Huwag kang lumabas! Huwag!” sigaw nito. “Ano ba! Bitawan niyo ako!” Napakuyom ang kanyang mga kamay. Pati ang tumulong lang sa kaniya ay idadamay pa ng mga ito, dahil doon ay isang desisyon ang nabuo sa isip niya. Tumayo siya. “Olivia—”Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay binuksan niya ang pinto. Nakatayo siya doon ngunit parang wala siyang pakialam at parang sobrang namamanhid ang buong katawan. Napatitig naman si Tristan kay Olivia nang buksan nito ang pinto. Nakasuot ito ng pantulog na napakanipis at halos makita na ang katawan nito sa likod ng manipis na damit. Nilingon niya ang kanyang mga tauhan sa kanyang likuran. “Anong tinitingin-tingin niyo? Lumabas na kayo!” sigaw niya sa mga ito. Samantala, si Olivia ay nakatitig kay Tristan ng malamig, ang kanyang mga mata ay napakalamig na para bang nakatingin siya sa isang estranghero. Sa sumunod na sandali ay nag-iwas siya ng kanyang mga mata dahil halos ayaw niya itong makita. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang pagbalot ng amerikana nito sa kaniya. Biglang nagtagis ang mga bagang ni TRistan. “Sino ang nagpahintulot sayo na magsuot ka ng ganyang klaseng damit?” galit na galit na tanong niya rito. Nagtaas naman ng ulo si Olivia at malamig na tiningnan siya
Naramdaman niya na inabot nito ang kanyang paa. Nagmulat siya ng kanyang mga mata. “Tristan, huwag mo akong hawakan ano ba!” angil niya rito. “Huwag kang mag-alala Olivia. Hindi kita kakainin.” sagot nito sa kaniya at sa sumunod na sandali ay itinaas nito ang kanyang paa ay pagkatapos ay ibinalot nito ang mga kamay nito rito. Dahil doon ay nakaramdam siya ng init mula doon. Dahil sa ginawa nito ay hindi niya maipagkakaila na medyo gumaan nga ang pakiramdam niya at hindi na rin siya gaanong nilamig at muling pumikit kaya lang ay bigla siyang muling napamulat nang maalala niya na kamay nga pala ni Tristan iyon. Natigilan siya, nagugustuhan niya ba ang mga kamay nito sa paa niya? Halos hindi siya makapaniwala sa kanyang sarili dahil rito. Hindi nagtagal ay nakabawi din naman siya. Malinaw sa kanyang isip na na dapat ay hindi na siya naaapektuhan pa sa ginagawa ng lalaking ito. “Bitawan mo ako!” sigaw niya rito. Samantala, sa halip naman na bitawan siya nito ay mas lalo lang nitong hin
Ilang sandali pa nga ay binitawan siya ni Tristan at napabuntung-hininga. “Kung ganun, bakit hindi ka lumaban?” tanong nito sa kaniya.Nang marinig naman niya ang tanong nito ay dahan-dahan niya itong binalingan. Halos tumaas ang sulok ng kanyang labi ng mga oras na iyon. “Sa tingin mo ba ay may silbi pa kapag nanlaban ako?” balik niyang tanong rito. “Hindi ba at iyon naman ang gusto mo? Ang maging masunurin ako sa lahat ng gusto mo.” dagdag pa niyang sabi rito.“Olivia…” tawag nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang baba at bahagyang pinisil. Ang hininga nito ay tumatama na sa kanyang mukha ng mga oras na iyon. “Oo nga, gusto ko ngang maging masunurin ka pero hindi sa punto na para ka na lang isang estatwa na hindi man lang gumagalaw. Sa tingin mo ba ay magiging masaya ako sa ganun?” tanong nito sa kaniya.Tumaas ang sulok ng kanyang labi ng tuluyan at sinalubong ang mga mata nito na. “Huwag kang umasa na, dahil kahit na anong gawin mo hinding-hindi mo ako mapapasu
BIGLANG NAMULA ANG mga mata ni Missy dahil sa sinabi nito. Napuno ng sama ng loob ang kanyang dibdib. “Tristan nakalimutan mo na ba kung sino ako? Hindi ako ibang babae lang dahil asawa mo ako!” puno ng hinanakit na sambit niya rito.“Sa papel lang naman tayo kasal hindi ba?” malamig na tanong ni Tristan sa kaniya. Napakagat sa kanyang labi si Missy nang marinig niya ang sinabi nito ngunit sa kabila nun ay tiniis niya ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib at hindi niya hinayaang malaglag ang luha sa kanyang mga mata.Malamig ang mga matang ni Tristan na nakatingin sa kaniya ng mga oras na iyon katulad ng dati. “Huwag mo akong susundan. Kung gusto mong kumain sa restaurant na iyon ay kumain ka pero pumunta ka mag-isa mo at kung ayaw mo naman ay mas mabuting i-cancel mo na lang iyon.” sabi nito. Sa kabila ng pagpipigil niya sa kanyang emosyon ay nahulog pa rin ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata sa isang iglap at nasundan pa.“Tristan…” sabi niya at inabot ang kamay nito.
PAGDATING NI TRISTAN sa bahay ay sarado pa rin ang pinto ng silid ni Olivia. Mabilis siyang lumapit rito. “Olivia…” tawag niya at kumatok sa pinto. Napakalambot ng tawag niya rito ng mga oras na iyon. At kung ikukumpara sa pakikitungo niya kay Missy ay napakalayo ng pakikitungo niya kay Olivia. “Tanghali na, bumangon ka na.” muli niyang sabi ngunit tahimik pa rin sa loob ng silid at nananatiling walang sagot.Ilang beses pa siyang kumatok at tinawag ito ngunit tuluyan na nga siyang naubusan ng pasensya. Sa pag-aakala niyang ginagawa nito iyon dahil nagrerebelde ito sa kaniya ay bigla siyang nagalit. “Olivia…” muli siyang kumatok ngunit ang kanyang tinig ng mga oras na iyon ay puno na ng inis at medyo pasigaw na rin ang kanyang pagsasalita. “Lumabas ka na diyan ngayon din, huwag mo akong hamunin dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo.” puno ng banta na sabi niya ngunit walang sumagot.“Lumabas ka na. Hindi uubra sa akin ang pagtitiis mo sa gutom mo!” sigaw niya ulit ngunit
HALOS DALAWANG ORAS PA ang lumipas ay nanatili pa ring walang malay si Olivia. Tulog na tulog pa rin ito habang nakahiga at mahigpit na nakapikit ang mahahaba nitong pilikmata. Ang mukha nito ay napakaputla. Sa mga oras na iyon ay nanatili si Tristan sa tabi nito at hindi umalis.Tumunog muli ang cellphone ni Tristan ng mga oras na iyon. Sa katunayan ay ilang beses na iyong tumunog at ngayon niya lang iyon sinagot. Si Kent ang tumatawag sa kaniya, ang kanyang assistant upang magtanong patungkol sa kanyang mga schedule sa hapon na iyon. “Gusto kong ipagpaliban mo ang lahat ng mga meetings ko ngayong hapon hanggang bukas. Ang mga naiwan kong trabaho sa opisina ay ipadala mo na lang sa aking email at dito ko na lang gagawin. Ipinadala ko rito ang laptop ko.” simpleng sagot niya sa tanong nito.“Sige po sir.” magalang na sagot naman nito sa kaniya.NANATILING tulog si Olivia at halos padilim na nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Kulay puting kisame ang sumalubong sa kanyang mga mata
PINAUPO SIYA NI TRISTAN sa kama at pagkatapos ay kumuha ito ng malamig na tubig at isang tuwalya pagkatapos ay ipinunas nito sa kamay niya na napaso. Halos kalahating oras nitong pinunasan ang kamay niya at nang makita nitong medyo nawawala na ang pamumula ng kamay niya at binuksan nito ang ointment na ipinakuha nito sa tauhan nito at pagkatapos ay ipinahid ito sa kamay nya.“Mas maganda na ba ang pakiramdam mo ngayon?” tanong nito sa kaniya sa masuyong paraan. Dahil naman sa pagkakatanong nito sa kaniya ay mabilis niyang binawi ang kanyang kamay mula rito. Hindi siya sumagot. Sa sumunod na sandali ay napabuntung-hininga ito at tumalikod sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumalik ito na may hawak na isang baso at inilapag sa mesa. “Maligamgam na lang yan ngayon, saktong-sakto kapag ininom mo.” sabi nito sa kaniya.Sa oras naman na iyon ay biglang may kumatok. Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang assistant ni Tristan na si Kent. “sir…” tawag nito kay Tristan.“Ano?” malamig naman na tanon
Sa labas naman ng pinto ay matiyagang naghihintay si Kent. ilang sandali pa nga ay lumabas na rin sa wakas mula sa loob si Tristan kaya dali-dali niya itong nilapitan. “Sir…” sabi niya kaagad rito.Hindi siya nito nilingon ngunit mabilis itong nagsalita. “Dalhin mo ang kontrata kay Mr. Hidalgo at sabihin mo na pumapayag na ako.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya ito ay sandali siyang natigilan at hindi makapaniwalang tumingin rito. “Sir, pumapayag ka ba talaga?” gulat pa ring tanong niya rito. Kung hindi nga mismo sa bibig nito galing iyon ay baka hindi siya maniniwala.“Oo.” mabilis na tumango ito sa kaniya. Idagdag pa na labis niyang ikana-sorpresa ang pagiging kalmado nito.“Pero sir, hindi ba kapag nangyari iyon ay halos sampung milyon din ang mawawala sayo at sa kumpanya?” sabi niya dahil sinusubukan niya itong hikayatin. Baka kasi sakaling magbago ang isip nito.Ngunit wala man lang itong isinagot sa kaniya. Alam niyang narinig naman nito ang sinabi niya ngunit parang wala
TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi
KAHAHATID LAMANG NI KENT si Missy ngunit pagbalik niya sa loob ng bahay ay bigla siyang nagulat nang makita niya ang isang babaeng naghihintay sa may sala. “Miss Olivia?” hindi makapaniwalang tanong niya at pagkatapos ay lumapit dito. “Paano kayo nakauwi?” gulat na gulat pa rin na tanong niya rito.“Nasaan na siya? Hindi pa rin ba siya lumalabas ng silid niya?” tanong naman kaagad ni Olivia kay Kent. marahan naman itong tumango kaya napabuntung-hininga na lang siya.“Nasa silid niya po siya Miss Olivia. Ihahatid ko po kayo hanggang sa pinto.” sabi nito at nauna nang naglakad patungo sa hagdan. Agad naman siyang sumunod dito at pagtapat nila sa pinto ay humarap ito sa kaniya. “Katulad nga po ng sabi ko sa inyo ay halos buong araw na siyang nakakulong diyan sa loob.” mahinang sabi nito sa kaniya.Hindi naman na binanggit pa ni Kent ang tungkol sa pagdating doon ni Missy at ang pagpupumilit nito na pumasok. “Sige, ako ng bahala sa kaniya pero gusto ko na maghanda ka ng pagkain.” sabi nit
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka
BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di
SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni
NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto
ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila