Share

Chapter 0002

“Ma’am may naghahanap po sa inyo.” sabi ng kasambahay nila Annie. Kakaupo niya lang sa sofa ng mga oras na iyon at kagigising niya lang din. Hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa napakaraming iniisip niya.

“Sino daw?” nakapikit pa ang mga mata niyang tanong rito. Tanghali na ng mga oras na iyon at wala na si Lucas. Ang mga anak niya naman ay pumasok na rin sa school dahil limang taon na ang mga ito.

“Via daw po ang pangalan at kaibigan ninyo.” sagot nito na ikinamulat niya ng kanyang mga mata at dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupunan at lumabas para tingnan kung si Via nga talaga iyon.

~~~~

“Ang tagal mong nawala…” sabi ni Annie kay Via nang nasa sala na sila. Si Via nga talaga ang nasa harap niya. Halos ilang taon niya rin itong hindi nakita.

Nang mga oras na iyon ay tinitingnan nito ang photo album kung saan nakalagay ang mga larawan nila ni Lucas nang ikasal sila. “Napaka-engrande ng kasal mo Annie at masaya ako na ikinasal ka na sa wakas sa taong mahal mo. ang pinaka-pinanghihinayangan ko lang ay ang hindi ko ito nasaksihan mismo sa sarili kong mga mata.” malungkot na sabi nito sa kaniya.

“Pasensiya ka na Via, si Lucas ang nagplano ng lahat tungkol sa kasal na yan at nang mga panahong iyon ay hindi na kita ma-contact pa. Naalala mo ba ang pinag-usapan natin noon? Na kung sino ang mauunang ikasal ay magiging bridesmaid?” sabi niya at hindi niya mapigilang mapaluha. Sobrang na-guilty siya.

Nag-angat naman ng ulo si Via at nakita niya ang pagdausdos ng luha mula sa mga mata ni Annie. Agad niyang iniunat ang kanyang kamay at marahang pinunasan ang lukha sa mukha ni Annie at ngumiti ng bahagya. “Ano ka ba, okay lang iyon.” sabi niya rito.

“Pasensya ka na talaga.” muling sabi ni Annie.

Ngumiti si Olivia at sinubukan niyang aliwin ito. “Okay lang talaga ano ka ba. Ang importante ay kasal ka na sa taong mahal mo, kaya huwag ka ng malungkot.” sabi niya rito.

Mabuti na lang at kumalma din si Annie at pagkatapos ay tumayo. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa pangalawang palapag ng bahay nila. Ilang sandali pa ay nilingon siya nito. “Bakit ang lamig ng kamay mo, may sakit ka ba? Isa pa ang nipis ng damit mo, medyo maginaw ngayon. Dapat ay magsuot ka ng makapal para hindi ka lamigin.” sabi nito sa kaniya.

Napangiti naman ng bahagya si Olivia. “Siguro ay dahil na rin sa trabaho ko noon para mapanitili ang katawan ko kaya nasanay na din ako.” sagot niya rito ngunit pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay bigla na lamang hinubad ni Annie ang suot niyang jacket at isinuot sa kaniya. “Salamat, Annie.” sabi niya rito.

Dinala siya ni Annie sa balkonahe dahil mas magandang tumambay doon at nag-usap pa sila tungkol sa ilang mga bagay hanggang sa wakas ay nagawa nang itanong ni Annie ang gusto niyang itanong rito. “Via, aalis ka pa rin ba ngayon at muling magtatago?” tanong niya rito dahil halos ilang taon din itong hindi nagpakita sa kanila.

Nagpadala siya kanina doon ng meryenda. Bago ito sumagot ay dinampot nito ang baso ng juice at uminom pagkatapos ay umiling. “Hindi na.” sagot nito sa kaniya.

“Sigurado ka ba?” muling tanong ni Annie rito.

Tumango naman si Olivia pagkatapos ay ibinaba niya ang baso at sumagot. “Oo, napag-isipan ko na iyon. Isa pa ay may mga bagay na kailangan ko talang harapin dahil hindi ko naman maiiwasan ang mga iyon. Walang mangyayari sa akin kung patuloy lang akong magmumukmok sa isang tabi.” sagot niya rito.

Mabilis din naman na napatango si Annie sa kaniya. Napabuntung-hininga ito. “Alam mo ba na nitong mga nakalipas na taon ay hinahanap ka ni Tristan?” tanong niya rito.

Ngumiti naman siya ng bahagya. “Alam ko.” sagot niya. “Sa katunayan nga ay ilang beses na niya akong muntik na matagpuan pero mabuti na lang at nakaalis ako kaagad bago pa man niya ako matagpuan.” dagdag pa niya at pagkatapos ay napabuntung-hininga. “Pero Annie, sapat na ang ilang taon na iyon. Ayaw ko nang magtago pa kaya pinag-isipan ko itong mabuti, babalik na ako.”

Natigilan naman si Annie nang marinig niya ito. Alam niya na sa loob ng ilang taon ay nagkalabuan ang mga ito na naging resulta ng pagiging miserable ng buhay ni Olivia. Agad niyang niyakap ito. “Via, kung hindi ka pa talaga handa at kung ayaw mo siyang makita o ni makasalamuha ay pwede tayong magtayo ng flower shop. Ako ang magtatayo tapos ikaw ang mag-mamanage para hindi ka na mahirapan pa.” sabi niya rito.

Niyakap din naman siya nito. “Salamat, Annie.” sabi nito at lumayo sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya. “Bago pa man ako nagpakita sayo ay nakapag-isip na ako. Kung saan ako nalugmok ay doon din ako tatayo. Ang pagiging artista ang pangarap ko at gusto ko paring bumalik sa industriya.” sagot nito sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita ngunit ang kanyang mukha ay punong-puno ng pag-aalala.

“Via, talaga bang nakapagdesisyon ka na?” tanong niya muli rito. Bago ito nawala na parang bula ay halos masira ang reputasyon niya dahil kay Tristan. Isa pa, nabalitaan niya na ipina-block siya ng pamilya ni Tristan sa mga kumpanya kaya alam niya na hindi ganun kadali ang bumalik sa industriya ng ganun-ganun lang.

“Sigurado na ako Annie.” sabi niya at ngumiti. “Annie hindi ako magsisinungaling sayo, paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na baka hindi talaga ako para doon pero nitong nakaraan ay may isang direktor ang lumapit sa akin at sinabi niya na kung gusto ko daw bang bumalik ulit sa pag-aartista.” sabi niya rito.

“Dahil doon ay nag-umpisa na naman makaramdam ang patay kong puso sa kagustuhan niyang makabalik kaya tinanggap ko at umuoo ako.” muli siyang ngumiti. “Ito ang pinangarap ko na at ayaw kong isuko ang pangarap kong iyon dahil lang sa kaniya.” sabi niya sa matatag na tinig.

“Via…” ibinuka ni Annie ang kanyang bibig. “Pero si Tristan, baka mahanap ka niya.” nag-aalalang sabi niya rito.

Napasimangot naman si Olivia nang marinig niya ulit ang pangalan nito. “Ayoko pa siyang harapin sa ngayon Annie. Sa totoo lang ay hindi pa ako nagpunta sa kahit saan dahil sa takot ko na baka nga makita ako ng mga tauhan niya. Pwede mo ba akong tulungan na makahanap ng lugar kung saan ako pansamantalang pwedeng magtago?” tanong niya rito.

Mabilis naman na nag-isip si Annie kung saan niya pwedeng papuntahin si Via, ngunit ang mga lugar na naisip niya ay alam niyang madali lang din nitong mahahanap hanggang sa bigla niyang naisip si Kendra. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan niya ito. Nang marinig naman ni Kendra ang sinabi niya ay mabilis naman itong sumang-ayon sa kaniya. “Sige Annie, papuntahin mo siya rito. Alam mo naman kung saan ang bahay ko hindi ba?” tanong nito.

“Oo alam ko. Salamat, Kendra.” sabi niya rito.

“Ano ka ba, wala yun. Ang kaibigan mo ay kaibigan ko na rin. Huwag kang mag-alala kapag narito siya ay hindi ko siya pababayaan.” sabi nito at pagkatapos lang nun ay ipinahatid niya sa kanilang driver si Olivia sa bahay ni Kendra. Tungkol naman sa pagdating ni Via doon sa bahay nila ay talagang binilinan niya ang kanilang kasambahay na huwag sabihin sa kahit sino na nagpunta ito doon maging pati na rin kay Lucas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status