ZENNARA5 YEARS LATERKakalapag lang ng eroplano namin ngayon. Sa loob ng limang taon ay ngayon na lang ulit ako babalik dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive pero masasabi ko na malaki na ang nagbago sa akin sa loob ng limang taon. At ang mga pagbabagong iyon ay ginawa ko para sa sarili ko. To be the best version of myself.“Mommy, nasa Philippines na po ba tayo?” tanong sa akin ng limang taong gulang kong anak na si Zian.“Yes, baby. Nasa Pilipinas na tayo,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Excited na po ako, mommy.” kitang-kita sa mga mata niya na excited na siya.“Behave lang kayo okay. Umuwi tayo dito dahil may trabaho si mommy. At kapag nagustuhan niyo dito ay puwede na tayong mag-stay for good.”“Really, mommy? Dito na rin po ba kami mag-aaral?” tanong pa ulit sa akin ni Zian.“Opo,” sagot ko sa kanya.“Mommy, napansin mo po ba na sa ‘yo nakatingin ang ibang mga tao dito?” tanong sa akin ni Zevi habang nakakunot ang noo. Kaya naman napangiti ako.“Baby,
Huling Na-update : 2024-08-19 Magbasa pa