Share

CHAPTER 4

ZENNARA

Palabas na kami ng banyo pero bigla na lang bumitiw sa kamay ko si Zian at tumakbo. Hinayaan ko na lang siya dahil baka gusto na niyang puntahan ang kapatid niya. Pero nang tumingin ako sa direksyon kung saan ko iniwan si Zevi ay kumunot ang noo ko.

Ngayon ay alam ko na kung bakit tumatakbo ng mabilis si Zian kaya naman ay mabilis rin akong lumapit sa kanila dahil nakita ko ang babae na sinipa ang anak ko. Nang akmang itutulak rin niya si Zian ay pinigilan ko siya.

“Sino ang nagbigay sa ‘yo ng karapatan na saktan ang anak ko?” nanlilisik ang mga mata na tanong ko sa kanya.

“So, ikaw pala ang mommy ng batang ito?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

“Ako nga at wala kang karapatan na saktan ang anak ko.” sabi ko sa kanya at sinampal ko siya.

“Sana sinabihan mo rin ang anak mo na manahimik sa tabi para hindi siya nakaka-perwisyo sa iba. Nakikita mo ba itong damit ko? Sa tingin mo, kaya mong bayaran ang damit ko?!” galit na sigaw niya sa kain habang hawak ang pisngi niya.

Lumapit ako sa anak ko at tinanong ko siya kung ano ba ang nangyari.

“Baby, what exactly happened?” tanong ko kay Zevi.

“Mommy, binangga po niya ako. Tapos po nagalit po siya at pinagbintangan na po niya ako na kasalanan ko. Mommy, nakatayo lang po ako sa kung saan mo ako iniwan. Hindi po ako umalis dito,” sagot sa akin ng anak ko.

“Hindi ka ba nahihiya na sinasaktan mo ang batang walang laban sa ‘yo. At anong sabi mo perwisyo ang anak ko? Kasalanan mo rin dahil tanga ka.” galit na sabi ko sa babae.

“Kilala mo ba kung sino ako?” tanong pa niya sa akin.

“Hindi at wala akong balak na malaman kung sino ka. Sa tingin mo ba talaga ay masisindak mo ako dahil lang sa kung sino ka. Ikaw ang dapat na magsorry sa anak ko. Sinaktan mo siya at puwede kitang idemanda ng child ab*se sa ginawa mo.”  

“Sa tingin mo ay kaya mo akong takutin ng ganyan. Your son ruined my dress kaya sa tingin mo sino ang mas papanigan sa atin. Mabilis lang i-deny ang lahat ng mga sinabi mo. Sa tingin mo may tutulong sa anak mo? Sa inyo? Walang magsasalita dahil wala naman silang pakialam sa inyo.”

“Zen!” napalingon ako dahil narinig ko ang boses ng kaibigan ko.

“Che, ikaw na muna ang bahala sa mga bata. Susunod ako sa inyo,” sabi ko kay Chena.

“What happened?” tanong niya sa akin.

“Ikukukwento ko mamaya,” sagot ko sa kanya.

“Tara na, kids.” sabi niya sa mga anak ko.

“Mommy, I’m sorry po.” sabi ni Zevi.

“You don’t have to be sorry dahil wala kang kasalanan. Naniniwala si mommy sa ‘yo.” sabi ko sa anak ko.

“Thank you, mommy. Hihintayin ka namin,” sabi sa akin ng anak ko.

“Behave lang kayo sa tita niyo. Susunod rin ako agad,” sabi ko sa kanila.

“Opo, mommy.” nakangiti na sabi ni Zian.

Hinayaan ko na isama ng kaibigan ko ang anak ko. Dahil ayaw ko na makita nila akong nakikipag-away sa walang hiyang babaeng ito. Nang mawala na sila sa paningin ko ay binalingan ko ulit ang babae. Sa tindig niya ay hindi mapagkakaila na galing siya sa isang mayamang pamilya. 

Higit sa lahat ay kaagad na malalaman ang kasamaan ng ugali niya. Hindi masasabi na mabait siya dahil pumatol siya sa bata kahit pa siya naman talaga ang may kasalanan. Hindi niya kayang tanggapin sa sarili niya na tatanga-tanga siya habang naglalakad.

“What’s your plan now?” tanong niya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

“Diba, para sa mga mayaman ay barya lang naman ang pera ng mga mahirap kaya bakit galit na galit ka ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Yes, barya nga lang. Pero hindi ko hahayaan na palampasin na lang itong ginawa ng bwisit mong anak.”

“Bwisit na anak? At sino ka para sabihan ng ganyan ang anak ko?” nagyuyupos sa galit na tanong ko sa kanya.

“Ako? Ako lang naman si Olivia Cruz,” sagot niya sa akin.

“Wala akong pakialam kung sino ka. Siguro naman may CCTV dito?  Puwede nating tingnan para malaman natin kung talaga bang may kasalanan ang anak ko sa ‘yo.” hamon ko sa kanya.

“At sino ka sa tingin mo? Sa tingin mo sinungaling ako?” galit na tanong niya sa akin.

“Wala kang dapat ikatakot, Miss Cruz? Kung talagang wala kang kasalanan ay papayag ka na silipin natin ang CCTV footage. At sa tanong mo sa akin kung sinungaling ba ang tingin ko sa ‘yo ang sagot ko ay oo. Dahil anak ko lang naman ang sinaktan mo at isa pa pinalaki ko ng maayos ang mga anak ko. Kaya kilala ko sila. Hindi nila kayang magsinungaling. Sa tingin ko ay wala ka pang anak kaya hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko.” sabi ko sa kanya.

“How dare you?” galit na tanong niya sa akin.

“Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Isa sa mga hindi mo alam dahil mukhang wala ka pa namang anak.” sabi ko sa kanya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hindi ko na paghandaan ang ginawa niya. Nagulat na lang ako dahil sinampal niya ako. Sinampal ko rin siya dahil hindi ako makakapayag na saktan niya ako. Nag-sampalan kaming dalawa.

“How dare you?! Walang hiya ka!” sigaw niya sa akin at sinugod niya ako.

“Wala kang karapatan na saktan ako o ang anak ko.” sabi ko sa kanya at hinila ko ang buhok niya.

Nagsabunutan kaming dalawa hanggang sa may biglang umawat sa amin. Pero hindi naman ito pinapansin dahil patuloy pa rin kaming dalawa. Wala akong balak na magpatalo sa kanya.

“Enough!”

“I said, enough!” sigaw ng isang lalaki at tinulak niya ako dahilan para matumba ako.

Nasaktan ako sa pagtulak sa akin ng lalaki. Ilang segundo ko ring ininda ang sakit pero hindi ko ito pinahalata sa kanila. Kaya naman  tumingin na ako sa kanila at hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko ngayon. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
SI Timothy Yun?
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ay depita nanggigigil ang lola mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status