THANK YOU PO SA INYONG LAHAT!
ZENNARA (CONTINUATION OF FLASHBACK) “Zen, ang gwapo mga anak mo.” “Please po, ‘wag mo silang ilapit sa akin.” sabi ko sa kanya. “Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Anak mo sila at hindi nila kasalanan ang kasalanan ng ama nila. Kaya please lang ‘wag mo silang idamay sa galit mo,” sabi niya sa akin. Sa una ay binalewala ko ang mga sanggol na nasa harapan ko pero ng umiyak sila ay bigla na lang akong umiyak. Gusto ko silang pabayaan pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang marinig na umiiyak sila. Humagulgol ako at ilang ulit kong sinampal ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil naging masama ako sa mga anak ko. “Sorry mga anak ko,” umiiyak na sabi ko sa kanila ng ibigay na sila sa akin. Tumigil na sila sa pag-iyak pero hindi ako. Ngayon ako natauhan sa mga ginawa ko sa anak ko. Naging masama akong ina sa kanila. Alam ko sa sarili ko na wala silang kasalanan pero dinamay ko sila sa galit ko. “Papalakihin ko kayo kahit pa mahirapan ako. Simula ngayon ay mamahalin ko kayong
ZENNARA“Hindi mo ako puwedeng pa-alisin sa company na ito,” sabi ko sa kanya.“At sino ka naman para magsabi niyan? Ako ang asawa ng may-ari ng company na ito. Ako ang magdedecide kung sino ba ang dapat na manatili at kung sino ba ang dapat na umalis,” galit ang mga mata na sabi niya sa akin.“Really? Pero may kontrata ako dito at nakasaad rin sa kontrata na kailangan niyo akong bayaran ng 10 million kapag umalis ako dito o kapag pinaalis niyo ako ay puwede akong mag-demand ng double the price,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Kalokohan!” sigaw niya sa akin.“Kailangan ko pa bang ipakita sa ‘yo ang kontrata?” nakangisin na tanong ko sa kanya.“Hindi ka puwede dito, hindi!” sigaw niya sa akin.“Bakit naman hindi? Maayos akong magtrabaho at isa pa ikaw ang may mali dito. Kahit saan tayo dalhin na dalawa ay ipagtatanggol ko siya. Wala kang karapatan na manakit dahil sa gusto mo lang,” sabi ko sa kanya.“Pakialamera ka! Humanda ka kapag nalaman ito ng asawa ko. Siya mismo ang magpapaalis
ZENNARAPagkatapos kong magbihis ay nagtrabaho na ulit ako. Lumabas ako dahil may kailangan akong kunin sa isa kong ka-trabaho. Hindi ko binigyang pansin ang tingin sa akin ng ibang mga nagtatrabaho dito. Wala akong pakialam sa kanila at hindi rin ako nagsisisi na ipinagtanggol ko ang babae kanina.“Let’s talk,” sabi sa akin ni Ryan.“About what?” Tanong ko sa kanya.Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa loob ng office. Nang makapasok kami ay agad kong binawi ang kamay ko.“Why are you here?” Tanong niya sa akin.“Bakit? Bawal ba ako dito?” Tanong ko rin sa kanya.“Alam mo ang sagot d’yan. Sa tingin mo ba matutuwa si Sir Timothy kapag nalaman niya na nandito ka? Kaya please lang magresign ka na.”“Matagal na kaming tapos kaya wala ng dahilan para mag-aalala ka. Ginagawa ko lang ang trabaho ko at labas ang personal kung buhay sa trabaho ko. Wala akong balak na magresign dahil may kontrata ako,” saad ko sa kanya.“Huwag kang magpapakita sa kanya kung ayaw mong masira ang
ZENNARA“Good morning, Miss Reyes.” malamig na bati sa akin ni Timothy habang nakaupo siya sa upuan ko.“Good morning, Sir.” magalang na bati ko sa kanya.“So, you’re the new employee from abroad? Ikaw pala ang pinadala dito ni Mrs. Miller?” tanong niya sa akin habang diretso na nakatingin sa akin.“Yes, Sir.” sagot ko at yumuko ako dahil ayaw kong salubungin ang malamig niyang mga mata. “I think maling tao ang pinadala nila sa akin.”“Paano mo nasabi ‘yan, Sir? Hindi mo pa naman nakita kung paano ako magtrabaho. Balak mo na ba akong tanggalin sa trabaho ko?” tanong ko sa kanya sabay angat ng ulo ko.“Hindi ako magbabayad ng ilang milyon para sa breach of contract. Will see kung paano ka ba talaga magtrabaho, Miss Reyes.” mahina ang boses niya pero alam ko na may ibang ibig sabihin siya.Tumayo siya at inayos niya ang necktie niya. Akamang lalabas na sana siya sa pinto pero bigla na lang siyang nagsalita.“Pagsisihan mo na dito ka pa sa company ko pumasok. Next time hindi na kita haha
ZENNARAHindi ko inaasahan na sa pagdating namin sa bahay ay may kotse na ako. Ang bilis talaga ni Mrs. Miller. “Hindi niyo po ito kailangang gawin,” sabi ko sa kanya dahil may kasama pang driver ang binigay niya.“Ayaw ko na mapagod ka sa trabaho mo. Ewan ko ba sa ‘yo, may pera ka naman pero bakit ayaw mong bumili ng sasakyan.” “Bibili naman po ako pero sa weekend pa,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Ang tagal pa nun.”“Thank you po,” malambing na sabi ko dahil alam ko naman na magtatampo siya agad kung hindi ko ito tatanggapin o kung umangal pa ako.“Mamita!” sigaw ng mga anak nang makita nila si Mrs. Miller.“Kumusta ang mga gwapong apo ko.”“We’re good po. How about you, mamita? Napagod ka po ba sa flight mo? Bakit naman hindi ka nagsabi na uuwi ka? Sana sinundo ka namin ni mommy.” madaldal na sabi ni Zian.“Na-miss ko talaga ang pagiging madaldal mo.”“Me too, mamita. I miss you so much. Marami po akong kwento sa ‘yo. Alam niyo po ba noong dumating kami dito ay may witch na nana
ZENNARA Nahuhuli ko minsan si Timothy na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan ko lang siya. Nagpatuloy ako sa pagpresent sa harap nila. “I don’t like your presentation,” sabi niya sa akin. “Really? Why, Sir? Ano po ba ang gusto niyo? Sino po ba talaga ang target market niyo? Kasi sa 50 samples na binigay ko sa ‘yo ay wala ka man lang kahit isang nagustuhan? Puwede mo naman sigurong sabihin kung ano talaga ang gusto mo para naman alam namin.” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Are you questioning me, Miss Reyes?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. “Yes, Sir. Gusto ko kasi malaman kung alin ba ang hindi mo nagustuhan. So we can do some adjustments,” sabi ko sa kanya. “Lahat ng gawa mo ay pangit,” sagot niya sa akin like ang harsh ng pagkakasabi niya. “Okay, iba pala ang taste mo.” balewala na sabi ko sa kanya. “Next time ay ayusin niyo na ang presentation niyo para hindi masayang ang oras ko. You’re wasting my time with your trash presentation.” sa
ZENNARANaiinis akong bumalik sa office ko. Umupo ako sa upuan ko at napahawak ako sa leeg ko na ngayon ay masakit. Hindi ko inaasahan na kaya niyang manakit ng babae. Kinuha ko ang pocket mirror ko at tiningnan ko ang leeg ko.Namumula ito ngayon. Huminga na lang ako ng malalim bago ko inayos ang damit ko para medyo takpan ito. Wala rin kasi akong dalang scarf na puwede ko sana i-takip sa mga marka na ito. Nagsimula na lang akong magtrabaho. Habang nagtatrabaho ako ay pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Nang tumingin ako sa labas ay nakita ko na dumaan si Timothy. Nakita ko rin na dumating pala ang asawa niya. Nakikita ko na mahal niya ito at hindi na ako magtataka kung bakit kaya niya akong saktan para lang sa babaeng ito. May kung anong lungkot akong naramdaman para sa dati kong sarili. Umasa ako noon na mabuting tao ang pinakasalan ko kahit pa hindi kami nagkikita o magkasama dahil hindi naman siya nagkulang pagdating sa mga pangangailangan ko. Ngayon ko naisip na hindi pa
ZENNARA “Zennara, magsalita ka. Sino ang may gawa niyan?” seryoso na tanong sa akin ni Mrs. Miller. “Ma’am, allergy lang po.” Pagsisinungaling ko sa kanya dahil wala akong balak na ilaglag ang bwisit na lalaki sa tabi ko. “Allergy? Mukha bang allergy ‘yan. Sabihin mo sa akin, sino ang may gawa niyan sa ‘yo?” “Ma’am, relax lang po. Allergy lang po talaga ito at kinamot ko lang kaya po namula.” “Siguraduhin mo lang,” sabi niya sa akin at umupo na siya. “Opo, allergy lang po ito.” Medyo nilambingan ko na ang boses ko para naman hindi na siya mainis sa akin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Timothy bago kami umupo. Lumapit ang waiter at nag-order kami ng food. “Ang konti naman yata ng pagkain mo? Ayaw mo ba sa food?” Tanong sa akin ni Mrs. Miller. “Gusto ko po at masarap po ang pagkain kaya lang po busog pa ako. Kakatapos lang po kasi ng break time ko ay hulaan niyo po kung sino ang kasama ko?” “Sino?” “Si Jetro po. Nakauwi na siya,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Really?
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni
TIMOTHY“Mommy, nagugutom po kami. Gusto po naming kumain.” biglang sabi ni Zevi sa mommy niya.“Kumain na tayo diba?” naiinis na tanong ni Zen.“Opo, pero nagugutom po kami. Mukha pa naman pong masarap ang dala ni daddy.” sabi naman ni Zian.“No, sa loob na kayo kumain. May pagkain nam–”“Malinis naman ito. Kaya safe naman para sa kanil–”“Malinis? Hindi ko pinapakain ang mga anak ko ng galing sa isang—”“I understand,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo pa siyang magalit sa akin at higit sa lahat ay ayaw kong marinig ng mga anak ko ang galit niya sa akin.“Ayaw namin ng ibang pagkain. Gusto namin ang pagkain na dala ni daddy.” pagmamatigas ni Zevi at pinipilit na mas gusto niya ang dala ko.“Boss, sige na pumasok na kayo. Huwag maging pasaway sa mommy niyo.” kausap ko sa kanya.“Nilayo mo na nga kami kay daddy tapos ngayon pinagbabawalan mo na naman kami,” galit na sabi ng anak ko at mabilis na pumasok sa loob.“Bye, daddy.” paalam sa akin ni Zian at sumunod na sa kapatid niy
TIMOTHYNapa-buntong hininga na lamang ako. Gustuhin ko man na pumasok sa loob ay nawalan na ako ng lakas ng loob lalo na ramdam ko talaga ang galit sa akin ni Zen. Tumalikod na lang ako at naglakad papunta sa kotse ko. Siguro ay kailangan ko na munang makuntento sa kung ano lang muna ang meron sa ngayon.Nakasama ko na kanina ang mga anak ko kahit pa maikling oras lang. Sumakay ako sa kotse ko at sa condo ko na ako umuwi. Habang nasa daan ay napamura ako dahil hindi ko man lang naalala na kunan ng litrato ang mga ako. Sobrang sinulit ko kasi ang oras kaya nawala na sa isip ko na magpicture kami.“Okay lang, may susunod pa naman.” kausap ko sa sarili ko.Nang makarating na ako sa condo ko ay hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko alam pero kahit na ang pakiramdam ko ay pagod ako pero hindi ako makatulog. Bumangon ako para kumuha ng alak pero wala na pala akong alak sa fridge. Kaya nagpasya ako na lumabas na lang para bumili. Maganda rin ito na maglakad-lakad ako.Paglabas ko sa building
TIMOTHYNang makita ko ang text message ay mabilis akong tumayo. Wala akong pakialam sa party na ito dahil ang inaasahan ko talaga ay makita ang mag-ina ko. Lumabas ako sa venue para tawagan ang number na nagtext sa akin.“Hello, Zevi?”“Hello po, daddy.” narinig ko ang boses niya kaya bigla na lang pumatak ang luha ko. Sobrang miss na miss ko na talaga ang mga anak ko.“Yes, boss. I’m here, nasaan ka? Puwede ba tayong magkita? Si Zian kasama mo ba? Ang mommy mo kasama mo rin ba?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Where are you po, daddy?”“Nandito ako sa labas. Lumabas muna ako kasi gusto ko na makausap ka ng maayos.”“Wala ka po dito sa loob?” tanong niya sa akin.“Wala po, dito ako sa labas. Gusto mo bang puntahan kita d’yan?” tanong ko sa kanya.“Ako na lang po ang pupunta. Kasama ko po si Zian,” sagot niya sa akin.“Okay, I’ll wait here.” sabi ko sa kanya.Nawala na ang tawag. Ako naman itong lakad ng lakad dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero mas lamang ang ex
THREE MONTHS LATERTIMOTHY “Sir, here's the monthly sales report.” Sabi sa akin ni Ryan at nilapag niya sa harap ko ang mga reports.“Thank you,” malamig na turan ko sa kanya.“Kapag po may kailangan ka ay tawagin mo na lang po ako.” “Ryan, alam ko. Matagal ka na sa akin. Matagal na kitang kasama, pinagkakatiwalaan kita.”“Lagi lang akong nasa tabi mo, Sir.” Sabi niya sa akin. “Huwag na, mas gusto ko na gawin mo na ang lahat ng nais mo. Magbagong buhay ka na,” sabi ko naman sa kanya.“Bakit naman ako magbabagong buhay, Sir?”“Alam ko na ang lahat, alam ko na ang totoo. Bakit? Bakit mo ginagawa ang bagay na ‘yun? Sinira mo ang buhay ko.” Kalmado ko na tanong sa kanya kahit pa ang totoo ay gusto kong basagin ang mukha niya.“Hindi ko alam ang sinasabi niyo.”“Hindi mo alam? Sabihin mo nga sa akin, sino ba ang nag-utos sa ‘yo? All this time ay niloloko mo lang ako. Hindi ka basta secretary lang para sa akin. Kasi naging kaibigan kita pero hindi ko alam na ikaw pa pala ang sasaksak sa a
THIRD PERSON POVMalungkot na nakatingin si Mrs. Miller kay Zen. Pero alam niya na nasasaktan ito ngayon. Alam niya na hindi madali ang pinagdadaanan nito ngayon. Nalulungkot lang siya dahil ang buong akala niya ay magiging masaya na ito, na magkakaroon ito ng masayang pamilya.Pero may mga sitwasyon talaga na hindi kontrolado. Nalulungkot siya para sa mga bata. Alam niya na mas nasasaktan ang mga ito. Tatlong araw na ang nakalipas. “Mga apo, kumain na kayo.” saad niya sa mga bata.“Wala po kaming gana, grandma.”“Alam ko na malungkot kayo. Pero kailangan niyong kumain. Para kapag nagkita kayo ng daddy niyo ay hindi siya malungkot. Diba gusto niyo siyang makasama?” tanong niya sa mga bata.“Opo, gusto po namin. Gusto namin ng isang happy family. Alam po namin na galit si mommy. Pero gusto po namin na makasama ang daddy namin.” umiiyak na sambit ni Zevi.“Alam ko, pero bigyan natin ng time ang mommy niyo. Malay niyo kapag nakapag-isip na siya ay bumalik na kayo ulit sa Pilipinas. Makak