ZENNARA “Zennara, magsalita ka. Sino ang may gawa niyan?” seryoso na tanong sa akin ni Mrs. Miller. “Ma’am, allergy lang po.” Pagsisinungaling ko sa kanya dahil wala akong balak na ilaglag ang bwisit na lalaki sa tabi ko. “Allergy? Mukha bang allergy ‘yan. Sabihin mo sa akin, sino ang may gawa niyan sa ‘yo?” “Ma’am, relax lang po. Allergy lang po talaga ito at kinamot ko lang kaya po namula.” “Siguraduhin mo lang,” sabi niya sa akin at umupo na siya. “Opo, allergy lang po ito.” Medyo nilambingan ko na ang boses ko para naman hindi na siya mainis sa akin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Timothy bago kami umupo. Lumapit ang waiter at nag-order kami ng food. “Ang konti naman yata ng pagkain mo? Ayaw mo ba sa food?” Tanong sa akin ni Mrs. Miller. “Gusto ko po at masarap po ang pagkain kaya lang po busog pa ako. Kakatapos lang po kasi ng break time ko ay hulaan niyo po kung sino ang kasama ko?” “Sino?” “Si Jetro po. Nakauwi na siya,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Really?
ZENNARAHindi na ako kumatok pa at diretsong pasok na lang ako sa loob ng office ni Timothy."Hindi ka ba marunong kumatok?" halatang naiinis na tanong niya sa akin."Anong kailangan mo? Bakit mo ako pinatawag?""Sino ang ama ng mga anak mo? Ang kabit mo ba?" tiim bagang na tanong niya sa akin."Bakit mo gustong malaman?" tanong ko sa kanya."Nagkatuluyan ba kayo ng kabit mo? Ang lalaki ba kanina ang naging lalaki mo noon?" tanong na naman niya sa akin."Bakit ka naman nagagalit? Diba tapos na tayong dalawa. Kaya bakit ko pa kailangan na sabihin sa 'yo?""Yeah, you're right.""Kung wala ka ng sasabihin ay lalabas na ako dahil marami pa akong tatapusin na trabaho." sabi ko sa kanya at akmang tatalikod na ako pero bigla na lang siyang nagsalita."Bakit hindi mo sinabi kay Mrs. Miller na ako ang may gawa niyang sa leeg mo?" tanong niya sa akin."Gusto mo ba talagang malaman kung paano siya magalit? Kaya niyang durugin ang company mo sa isang pitik lang mga daliri niya. Ang personal issue
ZENNARAKanina pa ako nakatitig sa kisame at hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko alam kung bakit ako hindi makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang naging tanong sa akin kanina ni Timothy kung masaya ba daw ako. Hindi ko maintindihan kung saan nagmula ang tanong niyang ‘yon lalo na wala namang kami noon. Bakit niya tinatanong kung masaya ako kung ang totoo ay siya naman ang masaya? Bakit ko ba iniisip ang tungkol sa bagay na ‘yon? Pumikit na ako dahil pinipilit ko ang sarili ko na matulog na. Gusto ko ng matulog dahil may trabaho pa rin ako bukas. Marami akong kailangan na gawin. Isa pa sa problema ko ay ang nagtangka sa buhay ko.“Sino kaya ang nag-utos sa taong ‘yon na saktan ako o patayin ako?” tanong ko sa sarili ko.******Kinabukasan ay maaga pa akong gumising pero laking gulat ko paglabas ko sa gate ay nakaupo si Timothy sa hood ng kanyang sasakyan.“What are you doing here?” tanong ko sa kanya.“Isasabay na kita,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.“Why?
ZENNARADalawang araw ko ng hindi nakita si Timothy. Simula noong na-approved ang product design namin ay hindi ko na siya nakita na pumasok sa office. Pero ano nga ba ang pakialam ko. Kahit pa isang taon siyang hindi pumasok ay wala naman akong pakialam sa kanya. Mas pabor pa nga sa akin kapag hindi ko siya nakikita.Ngayon ang araw ng party kaya busy ang lahat. Maaga rin akong nag-out sa trabaho dahil ayaw ko naman na ma-late sa party. Hindi na ako kumuha ng make-up artist dahil kaya ko namang ayusan ang sarili ko.Marami na rin akong party na napuntahan at ang lahat ng iyon ay dahil kay Mrs. Miller. Biglang bumukas ang pinto ng silid ko.“Mommy, Tito Jetro is here na po.” nakangiti na sabi sa akin ng anak ko na si Zian.“Okay po,” malambing na sabi ko.“Wow! You look very classy, mommy. Ang ganda-ganda niyo po,” sabi niya sa akin.“Binobola mo lang yata ako eh,” natatawa na sabi ko sa kanya.“No, mommy. Ang ganda-ganda mo po talaga. I’m sure na ikaw ang pinakamaganda doon.”“Sinasab
ZENNARA“Nasa loob lang siya kung nais niyo ay kausapin niyo siya. Huwag kang umasa na tutulungan kita. Empleyado lang niya ako kaya wala rin naman akong kapangyarihan na tulungan ka. At kahit meron pa HINDI ko gagawin.” nakangiti na sabi ko sa kanta.Nakita ko ang galit sa mga mata niya ng sabihin ko ‘yon.“Alam mo ba kung bakit ayaw ko?” nakangiti na tanong ko sa kanya.“Bakit?” “Dahil mas gusto ko na paghirapan niyo kung ano man ang nais niyo. Hindi na ako ang Zen na puppet niyo na susunod na lang sa lahat ng nais niyo. Siguro nga masyado kong pinanghawakan ang salitang utang na loob kaya ko sinunod ang lahat ng nais niyo noon. Pero simula nang itapon niyo ako ay wala na ang Zen na ginawa niyong laruan.” may diin na bulong ko sa tainga niya.“Wala ka nga talagang utang na loob!” galit na sambit niya.“Bayad na ako sa inyo at kung gugustuhin ko ay puwede ko kayong ipakulong dahil sa ginawa niyo sa akin noon. Doon ko napatunayan na wala nga talaga kayong pagmamahal sa akin. Dahil kin
THIRD PERSON POV Hindi inaasahan ni Zen ang gagawin sa kanya ni Timothy. Hindi rin niya inaasahan na ganito pala ito kasama dahil tinulak siya nang lalaki kaya naman nahulog siya sa pool. Hindi marunong lumangoy si Zen kaya naman nahihirapan na siyang huminga. Si Timothy naman ay nakatingin lang sa babae na nalulunod na ngayon. Iniisip niya na baka nagpapanggap lang itong hindi marunong lumangoy. “H–H—elp,” nahihirapan na sambit ni Zen. “T–T-u-long,” sambit nito ngunit hindi ito pinapansin ni Timothy hanggang sa tuluyan ng lumubog si Zennara sa ilalim ng pool. Aalis na sana ang lalaki ngunit napalingon siya ulit sa kanyang ex-wife at napansin niya na ilang minuto na ay hindi pa rin ito umaahon. Wala siyang choice kundi tumalon sa pool. Lumangoy siya papunta sa babae at nakita niya ito na nakalubog na lang. Mabilis niya itong inahon sa tubig. “Hey, wake up.” sabi niya sa babae. Hindi na ito humihinga kaya naman pinump na niya ang bandang dibdib nito. Pero hindi pa rin kaya wala
ZENNARA“Okay lang naman ako, hindi mo ako kailangan na bantayan dito. Hindi ko nga alam kung bakit mo pa ako dinala dito eh okay lang naman ako,” sabi ko kay Jetro.“Just rest,” sabi niya sa akin at hinalikan ang noo ko.“Ikaw rin, magpahinga ka na.”“Dito lang ako sa tabi mo. hihintayin ko ang test results mo.”“Jet, okay lang naman ako.”“No, you’re not okay. Paano na lang kung may tubig na sa baga mo? Alam mo ba ang possible na mangyayari sa ‘yo? You scared me, akala ko mawawala ka na sa akin.” sabi niya sa akin.Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko.“Hindi naman ako mawawala sa ‘yo.” sabi ko sa kanya.“Simula ngayon ay umiwas ka na sa tubig.”“Umiwas? Baka naman mamatay ako kapag umiwas ako,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Iba naman kasi ang ibig kong sabihin. Umiwas ka na sa pool o sa dagat. Hindi sa tubig inumin,” sabi niya at nakikita ko pa rin na nag-aalala siya sa akin.“Sorry po, alam ko naman na nag-aalala ka. Hindi na po mauulit, kahit ako ay takot din. Natakot ako hindi p
ZENARRA“Hi, Ma’am. I’m Jetro, Zenarra’s boyfriend.” pakilala ni Jetro sa kanila.“Really? Ang gwapo mo naman, iho.” natutuwa na sabi ng adopted mom ko.“Salamat po,” cool lang na sambit ni Jetro at ngumiti rin ito.“Masaya ako, anak. Masaya ako dahil may nag-aalaga at nagpapasaya na sa ‘yo.” sabi pa ng adopted mom ko at hinawakan ang kamay ko.“Mabait po at mabuting tao ang boyfriend ko, mom.” sagot ko sa kanya.“Mabuti naman kung ganun. Jetro, iho sana ay mahalin mo ang anak namin. Nangulila kami sa pagkawala niya at ngayon na nakabalik na siya ay babawi kami sa kanya. Salamat sa inyo ni Mrs. Miller.” “Aalagaan ko po si Zen, aalagaan ko po ang mga anak namin.” sabi ni Jetro.Nahihiya ako sa kanya dahil kailangan pa niyang ma-involve dito kahit na wala naman siyang kinalaman. Nabigla kami ng bigla na lang summara ang pinto. Lumabas na pala si Timothy at naiwan ang asawa niya.“May kailangan lang siyang gawin kaya nagmamadali siya,” nakangiti na sabi ni Olivia.“Hindi pa ba ako lalaba