thank you po sa inyong lahat and God bless you all!
ZENNARADalawang araw ko ng hindi nakita si Timothy. Simula noong na-approved ang product design namin ay hindi ko na siya nakita na pumasok sa office. Pero ano nga ba ang pakialam ko. Kahit pa isang taon siyang hindi pumasok ay wala naman akong pakialam sa kanya. Mas pabor pa nga sa akin kapag hindi ko siya nakikita.Ngayon ang araw ng party kaya busy ang lahat. Maaga rin akong nag-out sa trabaho dahil ayaw ko naman na ma-late sa party. Hindi na ako kumuha ng make-up artist dahil kaya ko namang ayusan ang sarili ko.Marami na rin akong party na napuntahan at ang lahat ng iyon ay dahil kay Mrs. Miller. Biglang bumukas ang pinto ng silid ko.“Mommy, Tito Jetro is here na po.” nakangiti na sabi sa akin ng anak ko na si Zian.“Okay po,” malambing na sabi ko.“Wow! You look very classy, mommy. Ang ganda-ganda niyo po,” sabi niya sa akin.“Binobola mo lang yata ako eh,” natatawa na sabi ko sa kanya.“No, mommy. Ang ganda-ganda mo po talaga. I’m sure na ikaw ang pinakamaganda doon.”“Sinasab
ZENNARA“Nasa loob lang siya kung nais niyo ay kausapin niyo siya. Huwag kang umasa na tutulungan kita. Empleyado lang niya ako kaya wala rin naman akong kapangyarihan na tulungan ka. At kahit meron pa HINDI ko gagawin.” nakangiti na sabi ko sa kanta.Nakita ko ang galit sa mga mata niya ng sabihin ko ‘yon.“Alam mo ba kung bakit ayaw ko?” nakangiti na tanong ko sa kanya.“Bakit?” “Dahil mas gusto ko na paghirapan niyo kung ano man ang nais niyo. Hindi na ako ang Zen na puppet niyo na susunod na lang sa lahat ng nais niyo. Siguro nga masyado kong pinanghawakan ang salitang utang na loob kaya ko sinunod ang lahat ng nais niyo noon. Pero simula nang itapon niyo ako ay wala na ang Zen na ginawa niyong laruan.” may diin na bulong ko sa tainga niya.“Wala ka nga talagang utang na loob!” galit na sambit niya.“Bayad na ako sa inyo at kung gugustuhin ko ay puwede ko kayong ipakulong dahil sa ginawa niyo sa akin noon. Doon ko napatunayan na wala nga talaga kayong pagmamahal sa akin. Dahil kin
THIRD PERSON POV Hindi inaasahan ni Zen ang gagawin sa kanya ni Timothy. Hindi rin niya inaasahan na ganito pala ito kasama dahil tinulak siya nang lalaki kaya naman nahulog siya sa pool. Hindi marunong lumangoy si Zen kaya naman nahihirapan na siyang huminga. Si Timothy naman ay nakatingin lang sa babae na nalulunod na ngayon. Iniisip niya na baka nagpapanggap lang itong hindi marunong lumangoy. “H–H—elp,” nahihirapan na sambit ni Zen. “T–T-u-long,” sambit nito ngunit hindi ito pinapansin ni Timothy hanggang sa tuluyan ng lumubog si Zennara sa ilalim ng pool. Aalis na sana ang lalaki ngunit napalingon siya ulit sa kanyang ex-wife at napansin niya na ilang minuto na ay hindi pa rin ito umaahon. Wala siyang choice kundi tumalon sa pool. Lumangoy siya papunta sa babae at nakita niya ito na nakalubog na lang. Mabilis niya itong inahon sa tubig. “Hey, wake up.” sabi niya sa babae. Hindi na ito humihinga kaya naman pinump na niya ang bandang dibdib nito. Pero hindi pa rin kaya wala
ZENNARA“Okay lang naman ako, hindi mo ako kailangan na bantayan dito. Hindi ko nga alam kung bakit mo pa ako dinala dito eh okay lang naman ako,” sabi ko kay Jetro.“Just rest,” sabi niya sa akin at hinalikan ang noo ko.“Ikaw rin, magpahinga ka na.”“Dito lang ako sa tabi mo. hihintayin ko ang test results mo.”“Jet, okay lang naman ako.”“No, you’re not okay. Paano na lang kung may tubig na sa baga mo? Alam mo ba ang possible na mangyayari sa ‘yo? You scared me, akala ko mawawala ka na sa akin.” sabi niya sa akin.Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko.“Hindi naman ako mawawala sa ‘yo.” sabi ko sa kanya.“Simula ngayon ay umiwas ka na sa tubig.”“Umiwas? Baka naman mamatay ako kapag umiwas ako,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Iba naman kasi ang ibig kong sabihin. Umiwas ka na sa pool o sa dagat. Hindi sa tubig inumin,” sabi niya at nakikita ko pa rin na nag-aalala siya sa akin.“Sorry po, alam ko naman na nag-aalala ka. Hindi na po mauulit, kahit ako ay takot din. Natakot ako hindi p
ZENARRA“Hi, Ma’am. I’m Jetro, Zenarra’s boyfriend.” pakilala ni Jetro sa kanila.“Really? Ang gwapo mo naman, iho.” natutuwa na sabi ng adopted mom ko.“Salamat po,” cool lang na sambit ni Jetro at ngumiti rin ito.“Masaya ako, anak. Masaya ako dahil may nag-aalaga at nagpapasaya na sa ‘yo.” sabi pa ng adopted mom ko at hinawakan ang kamay ko.“Mabait po at mabuting tao ang boyfriend ko, mom.” sagot ko sa kanya.“Mabuti naman kung ganun. Jetro, iho sana ay mahalin mo ang anak namin. Nangulila kami sa pagkawala niya at ngayon na nakabalik na siya ay babawi kami sa kanya. Salamat sa inyo ni Mrs. Miller.” “Aalagaan ko po si Zen, aalagaan ko po ang mga anak namin.” sabi ni Jetro.Nahihiya ako sa kanya dahil kailangan pa niyang ma-involve dito kahit na wala naman siyang kinalaman. Nabigla kami ng bigla na lang summara ang pinto. Lumabas na pala si Timothy at naiwan ang asawa niya.“May kailangan lang siyang gawin kaya nagmamadali siya,” nakangiti na sabi ni Olivia.“Hindi pa ba ako lalaba
ZENARRA“Mommy, okay na po ba ang pakiramdam mo? Okay ka lang po ba?” nag-aalala na tanong sa akin ni Zevi.“Okay lang po ako. Nakatulog ba kayo ng maayos kagabi?” nakangiti na tanong ko sa kanya.“Opo,” sagot niya sa akin.“Eat kayo ng marami dahil aalis tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanila.“Po? Aalis po tayo? Okay ka na po ba?” tanong sa akin ni Zian.“Opo, kaya tayo aalis kasi okay na si mommy.” nakangiti na sabi ko.“Okay lang naman po kung hindi ngayon. Ang mahalaga po ay ang pahinga niyo.”“Ang bait naman ng mga anak ko. Pero gusto ko rin na lumabas tayo. Diba nangako ako sa inyo na lalabas tayo.”“Okay po, mommy.” Masaya ako na may anak akong ganito na kahit bata pa sila ay talagang masasabi na mapagmahal at maunawain sila sa akin. Nang matapos na kaming kumain ay kaagad ko silang inasikaso. Ang sabi ni Jetro ay sasama siya sa amin. Pumayag naman ako.Nasa biyahe na kami ngayon at masayang nagkukwentuhan ang mga anak ko. Kakwentuhan nila si Jetro.“Hindi mo sila kailangan na
ZENARRATahimik ang anak ko habang nasa biyahe kami. Hindi ako pinapansin ni Zevi. Alam ko na napansin ito ni Jetro pero mas pinili niya na manahimik kaysa magsalita. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay ay tahimik lang silang dalawa ni Zian.“Salamat sa paghatid mo sa amin,” nakangiti na sabi ko kay Jetro.“Masaya ako na kasama ko kayo. Mas mabuti na kausapin mo na lang siya. Mukhang may tampo siya,” sabi sa akin ni Jetro.“Alam ko na galit siya at hindi siya nagtatampo. Kilala ko ang anak ko, thank you.” nakangiti na sabi ko.“Alis na ako,” sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.Nang makaalis na siya ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay pero nagulat ako sa bumungad sa akin.“Anak,” nakangiti na salubong sa akin ng adopted mom ko.“Wala na ba kayong kahihiyan?” pabulong na tanong ko sa kanya pero galit na ako.“Alam ko na nagmamadali ka kanina kaya kami na lang ang dumalaw sa mga apo ko. May mga dala kaming laruan para sa kanila at talagang nagustuhan nila.” nakangiti n
ZENARRA“Anak, sasabihin ko sa daddy mo. Kailangan na rin niya ng katuwang sa company natin.” sabi niya sa akin habang nakangiti.“Thank you, mom. Sabihan mo na lang po ako para makapag-resign ako sa company ni Timothy.” saad ko sa kanya.Ngumiti lang siya sa akin at hindi siya nagsalita. Ako naman ay tumulong na lang sa kanila hanggang sa natapos na kaming magluto. Hinayaan sila ni mama na sumabay sa amin sa hapunan.“Mrs. Miller, nasaan pala ang anak mo?” tanong ng adopted mom ko.“Nasa States siya. Mas gusto niya doon kaysa dito sa Pilipinas,” sagot ni mama.“Sana ay makilala rin namin siya sigurado ako na kasing ganda at kasing bait mo rin siya.” sabi pa nito.“Ang totoo ay uuwi na siya dito. Sa ngayon ay kasama niya ang daddy niya sa States. Don’t worry, invited kayo kapag dumating na siya,” sabi pa ni mama.“Close ba sila ni Zenarra?”“Medyo po, mom.” sagot ko sa kanya.“Magkaiba kasi sila ng interes kaya hindi sila masyadong magkasundo. Si Timothy nga sana ang gusto ko para sa a
ZENNARANakatulog pala ako at hindi ko man lang namalayan. Kaagad akong tumingin sa labas at nakita ko na madilim na. Gabi na ngayon. Malungkot akong nakatingin sa labas dahil hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ang bagay na ito.Ang mas nakakalungkot pa ay may ginawa si Jetro na sobra kinasusuklaman ko. Gumawa pa siya ng babae na alam kong gagamitin niya para magpanggap na ako. Sobrang galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na lokohin niya ako.Nag-aalala ako para sa mga anak ko. Para kay mama at higit sa lahat kay Tim. Alam ko na naging matigas ako sa kanya. Pero dahil ‘yun sa mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit pa galit ako sa kanya. Hindi madali para sa akin na tanggapin na ang taong minahal ko ang naging dahilan rin ng paghihirap ko.Aaminin ko na matigas ang puso ko sa kanya pero kapag nakikita ko siya ay gusto ko siyang yakapin. Masyado lang mataas ang pride ko. Isa sa reason kaya mas pinili ko na sa condo building rin na ‘yon kami titira para magkita sila
TIMOTHYMaaga akong pumasok sa trabaho ko. Kahit pa hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung paano ko ba makukuha ang loob ni Zen. As much as possible ay gusto kong kunin ang loob niya sa paraan na alam ko. Na hindi ako magiging mapilit at harsh sa kanya. Gusto ko na kunin ang loob niya sa mabuting usapan. Gawin ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako.Habang nagtatrabaho ako ay hindi maalis-alis sa isip ko ang mag-ina ko. Gusto ko ng umuwi pero may mga trabaho ako na kailangan kong tapusin. Kaya kahit pa gusto ay mas pinili ko na magstay dito sa company. Hanggang sa sumapit na ang uwian at nagulat ako dahil nakatanggap ako ng text message mula kay Zen.Zen: Hi, okay lang ba kung sasabay kami sa ‘yo sa dinner?Zen: Kung okay lang?Me: Of course.Mabilis akong nagreply sa kanya. Walang dahilan para tumanggi ako. Walang paglagyan ang saya sa puso ko ngayon. Kung kanina ay problemado ako kung paano ko sila makakasama ay ngayon naman nabuhay ang lahat ng pag-asa ko.Kaya n
ZENNARA “Kung sino ka man na dumukot sa akin ay palabasin mo ako dito! Hayop ka! Palabasin mo ako!” sigaw ko dahil galit na galit na ako. “Magpakita ka sa akin! Ilabas mo ako dito!” patuloy akong sumisigaw kahit hindi ko alam kung naririnig ba nila ako. Masakit na rin ang lalamunan ko pero wala akong pakialam. Hanggang sa bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tao. Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko. “Ikaw?” hindi makapaniwala na bulalas ko habang nakatingin sa kanya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata ko. “May inaasahan ka pa ba na iba?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit? Anong ibig sabihin nito?” “Bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘to?” tanong ko ulit sa taong nasa harapan ko. “Bakit naman hindi? May karapatan naman siguro ako na gawin ang lahat ng gusto ko,” sagot pa niya sa akin. “Nasaan ang mga anak ko?” galit na tanong ko sa kanya. “Pinatay ko na sila,” sagot niya sa akin kaya umahon ang galit sa puso ko. Hindi ko inaasahan na it
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k
TIMOTHYHindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula sa kaibigan ko. Pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado na para bang wala lang sa akin ang narinig ko.“Thanks, bro.” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa mag-ina ko. Hindi pa sila nagsisimula dahil sa tingin ko ay hinihintay nila ako. O tamang sabihin na hinihintay ako ng anak ko.“Kain na po tayo, daddy.” nakangiti na sabi sa akin ni Zian habang tahimik naman ang dalawa. “Kain na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilagyan ko sila ng pagkain sa plato.“Kaya kong kumuha ng pagkain ko,” malamig na sabi ni Zen nang akmang lalagyan ko ang plato niya ng pagkain.Hindi na lang ako nagpupumilit at nilagyan ko na lang ang plato ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang siya. Mas inasikaso ko na lang ang mga anak namin. Napangiti naman ako dahil magana silang kumain na dalawa. Maliban sa mommy nila.“Daddy, ang sarap mo na po magluto ngayon. Ilang buwan lang po
TIMOTHY“Mr. Richmon, you are—”“Ano po ba ang nangyayari?” putol ko sa sasabihin ng pulis.“May nagreport po sa amin na sapilitan mo daw na isinama ang batang ito.” sagot niya sa akin.“What? Hindi ko siya pinilit,” sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.“Pero may natanggap po kaming report kaya sumama na lang po kayo sa amin. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, Sir.” sabi niya sa akin.“What’s happening, dad?” tanong sa akin ng anak ko.“Kailangan ko lang sumama sa kanila, boss.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“No, he’s my dad kaya wala po siyang kasalanan.”“Daddy mo siya?” nagulat na tanong ng pulis sa anak ko.“Opo, daddy ko po siya.” magalang na sagot ng anak ko sa mga pulis na nasa harapan namin. “Daddy niya pala eh,” narinig ko na sabi ng isa.“Mr. Richmon, sorry po. Sige po, aalis na po kami.” paalam nila sa akin.“It’s okay,” sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Zevi papasok sa loob ng building.Naguguluhan man ako pero saka ko na lang iisipin ang tungkol sa
TIMOTHY“Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo?” tanong niya sa akin. “B–Babe–”“Hindi kita minahal. Hindi ko kayang magmahal ng isang r*pist.” malamig na sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. At parang mas tumindi pa ito. Inaasahan ko na ito ang isasagot niya sa akin pero ang sakit lang na marinig ulit sa kanya ang salitang ito. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya naging tahimik ako dahil nais kong mag-isip. Mag-isip ng mabuti bago ako magsalita dahil alam ko na wala rin naman siyang pakialam sa mga sasabihin ko. Hindi pa rin siya makikinig sa paliwanag ko sa kanya dahil pagdating sa akin ay sarado na ang tainga at bato na ang puso niya.“Sana ay hayaan mo naman ako na magpaliwanag. Pero hindi na talaga ay sorry. Sorry sa nagawa ko sa ‘yo at oo, r*pist ako, pero hindi ko naman sinasadya ang bagay na ‘yon. I’m sorry kung sinira ko ang buhay mo. Puwede mo akong isumpa, puwede mo akong kamuhian pero sana ay hayaan mo ak
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m