Maraming salamat po sa inyong lahat.. Sana po ay samahan niyo po ako hanggang dulo hehehe... Good morning and God bless you!
ZENARRA“Anak, sasabihin ko sa daddy mo. Kailangan na rin niya ng katuwang sa company natin.” sabi niya sa akin habang nakangiti.“Thank you, mom. Sabihan mo na lang po ako para makapag-resign ako sa company ni Timothy.” saad ko sa kanya.Ngumiti lang siya sa akin at hindi siya nagsalita. Ako naman ay tumulong na lang sa kanila hanggang sa natapos na kaming magluto. Hinayaan sila ni mama na sumabay sa amin sa hapunan.“Mrs. Miller, nasaan pala ang anak mo?” tanong ng adopted mom ko.“Nasa States siya. Mas gusto niya doon kaysa dito sa Pilipinas,” sagot ni mama.“Sana ay makilala rin namin siya sigurado ako na kasing ganda at kasing bait mo rin siya.” sabi pa nito.“Ang totoo ay uuwi na siya dito. Sa ngayon ay kasama niya ang daddy niya sa States. Don’t worry, invited kayo kapag dumating na siya,” sabi pa ni mama.“Close ba sila ni Zenarra?”“Medyo po, mom.” sagot ko sa kanya.“Magkaiba kasi sila ng interes kaya hindi sila masyadong magkasundo. Si Timothy nga sana ang gusto ko para sa a
ZENARRAHindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil kanina pa ako nakatingin sa bulaklak. Hindi ko alam kung sino ba ang nagbigay sa akin nito. At bakit naman may magbibigay sa akin? Tumayo ako at nilabas ko sa office ko ang bulaklak. Pinili kong bumaba para doon na ito itapon. Mabilis ko itong tinapon sa basurahan sa mismong labas ng building. Wala akong balak na itabi ang bulaklak na ito kahit pa sobrang ganda niya.Pabalik na sana ako sa office ko ng makakasabay ko si Timothy. Sasakay na sana ako sa elevator pero nagulat ako dahil hinila niya ako papunta sa private elevator niya.“What are you doing?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Let’s talk,” sagot niya sa akin habang seryoso ang mukha. Siya lang ngayon at hindi niya kasama ang secretary niya.“Bitiwan mo nga ako. Baka may makakita sa atin.” sabi niya.“May makakakita talaga kapag hindi ka sumama sa akin agad.” sabi niya.Kaya naman nanahimik na ako. Nang sumara ang pinto ng elevator ay humarap na siya sa akin. Tulad pa rin ng dat
ZENNARA “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit mo ni-lock ang pinto?” tanong ko kay Timothy. “Here’s the contract basahin mo para malaman mo ang gusto ko. Nakalagay na dito ang lahat ng dapat mong malaman. Kumpleto at malinaw ang lahat ng detalye,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko. “Hindi pa ako pumapayag,” saad ko sa kanya. “Kaya ko pinapabasa sa ‘yo para kung sakali man na magustuhan mo ang offer ko ay pumayag ka. Madali lang naman ang gusto ko. Anak lang,” sagot niya sa akin at umupo na sa harap ko na upuan. “Kahit pa basahin ko ito ay wala akong balak na tanggapin ang alok mo. May asawa ka kaya siya dapat ang magbuntis at hindi ako. Kaya kung ako sa ‘yo ay tigilan mo na ang kahibangan mo na ito.” sabi ko sa kanya at tumayo na ako dahil balak ko ng umalis. “Pag-isipan mo ang offer ko pati na ang bayad.” “Hindi ko na kailangan pang pag-isipan pa. May anak na ako at sa tingin mo ba madali lang manganak? Kung mag-offer ka sa akin ay parang iihi lang ako may lalabas na, na ba
ZENNARA“Ano ba?!” “Bitiwan mo nga ako! Saan mo ba ako dadalhin?!” sigaw ko kay Timonthy dahil bigla na lang niya akong binuhat na parang sako ng bigas. Nakarating na kami sa lugar na hindi ko naman alam.“Mag-uusap tayo,” sabi niya sa akin habang buhat niya pa rin ako na para bang ang gaan ko lang.Kahit nga sinusuntok ko na ang likod niya ay wala pa rin siyang pakialam hanggang sa pumasok kami sa isang madilim na silid. Dahil doon ay bigla na lang bumilis ang t*bok ng puso ko. Nanginginig na ang kamay ko sa takot.“T–Tim, please turn on the light.” saad ko sa kanya.“No, maghintay ka!” pagmamatigas niya.“P–Please, ayaw ko dito. Please,” umiiyak na ako ngayon dahil natatakot na talaga ako.“Tim, turn on the light.” pakiusap ko ulit sa kanya.Ibinaba niya ako pero natumba lang ako dahil walang lakas ang mga tuhod ko. Hindi ko na kayang tumayo sa kinauupuan ko.Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak na lang. Naninikip ang dibdib mo na para bang hindi ko kayang huminga. Na para ba
ZENNARA Hindi ko inaasahan ang gagawin niya sa akin. Nagulat ako dahil bigla na lang niyang hinalikan ang labi ko. Mabilis ko naman siyang itinulak. Walang pasabi akong lumabas sa kotse niya at nagmamadaling pumasok sa loob ng gate namin.Ni hindi ako lumingon sa kanya. Ayaw ko siyang bigyan ng dahilan para isipin na affected ako sa ginawa niya. Bumungad sa akin ang nag-aalala na mukha ni mama. Halatang hinihintay niya ako.“What happened?” tanong niya sa akin na halatang nag-aalala.“Nag-usap kami at nalaman na po niya ang tungkol sa nangyari sa akin.” Parang naiiyak na sabi ko.“Okay lang ‘yan. Ang mahalaga sa ngayon ay nalaman na niya. Mas mabuti na rin ‘yon para hindi ka niya guluhin pa. I’m sorry, Zen. Ako yata ang nagpapahirap sa ‘yo. Kung sakali man na hindi mo na kayang magtrabaho sa company niya ay magresign ka na. Babayaran ko ang lahat.” sabi niya sa akin.“Tatapusin ko ang trabaho ko, mama. Ayaw kong maging unprofessional dahil lang sa mga personal issues ko. Kaya ko po i
ZENNARA“May kailangan ka po ba, Sir?” tanong ko kay Timothy.“May lunch meeting ako mamaya kaya sumama ka.” sagot niya sa akin.“Bakit po ako?”“Request ng client,” sagot niya at lumabas na siya.Iniisip ko tuloy kung sinong client ang sinasabi niya. Pero dahil sa kailangan kong sundin ang utos niya ay wala akong choice kundi ang sumama na lang sa kanya. Dahil sa late ako ngayon kaya malapit na talaga ang lunch time.“Anong oras ba tayo aalis?” tanong ko sa kanya.“Eleven,” sagot niya at lumabas na siya sa office ko.Ilang minuto lang siyang lumabas pero pumasok naman ang asawa niya.“Ano ba talaga ang mayroon kayo ng asawa ko? Nagiging mabait lang ako sa ‘yo dahil sa ampon ka ng pamilya namin pero hindi ko gusto ang mga chismis tungkol sa inyo ng asawa ko.” galit na tanong niya sa akin.“Bakit hindi ang asawa mo ang tanungin mo? Sa tingin mo ba may pakialam ako sa mga chismis? Wala akong ginagawang masama, maliban na lang kung pati ikaw ay nagdududa rin sa akin. Bakit hindi mo na la
ZENNARA “That’s fine. Lunch meeting naman ang pupuntahan natin at hindi party.” Masungit na sabi niya at binayaran na ang damit na pinili ko.Nauna rin siyang lumabas sa store. Sumunod na lang ako sa kanya. Dala ko pa rin ang marumi kong damit dahil sayang naman kung itatapon ko na lang.“Bakit dala-dala mo pa ‘yan?” Tanong niya sa akin.“Bakit itatapon ko na lang ba? Marumi lang naman ito at pwede ko pang labhan.” Sagot ko sa kanya.“Tsk!” Asik niya sa akin.“Ano bang problema mo? Hindi naman ikaw ang maglalaba.” Naiinis na ako sa kanya.“Amoy kape ang loob ng kotse ko.” Reklamo niya kaya natameme ako.“Tiisin mo, kagagawan naman ng asawa mo eh.” Sabi ko sa kanya na para bang balewala lang sa akin na mangamoy kape ang kotse niya.Hindi siya nag-salita at nagmaneho na lang siya. Tahimik kaming dalawa hanggang sa nakarating kami sa restaurant kung saan ang lunch meeting. Pagpasok namin ay hinatid kami ng staff sa VIP room. Nang pumasok kami ay bumungad sa akin ang taong kilala ko.“Mr
THIRD PERSON POV“Kambal, galit ka pa rin ba kay mommy?” tanong ni Zian kay Zevi.“Hindi naman ako galit kay mommy. Nagtatampo lang ako,” sagot ni Zevi sa kanyang kapatid.“Pero sigurado ka ba na daddy natin ang nakita mo?”“I'm a hundred percent sure na daddy natin siya. Ang mga mata niya ay katulad sa mga mata natin. Malakas ang kutob ko na siya ang daddy natin.” sambit ni Zevi.“Pero paano natin siya mahahanap? Alam mo ba ang pangalan niya?” tanong ni Zian.“Hindi ko alam pero naniniwala ako na magkikita pa kami ulit. At kapag nakita ko ulit siya ay papatunayan ko kay mommy na siya ang daddy natin. Sa ngayon ay kailangan kong maghintay kung kailangan ko ulit siya makikita.”“Sana makita ko rin siya para naman malaman ko rin kung totoo ba ang sinasabi mo. Gusto ko rin kasi na makilala ang daddy natin.” Sambit naman ni Zian.“Kailangan natin siyang mahanap para mabuo ang pamilya natin. Mas gusto ko pa rin ang daddy natin kaysa kay Tito Jetro. He’s nice pero iba pa rin ang daddy natin.
ZENNARA“Kung sino ka man na dumukot sa akin ay palabasin mo ako dito! Hayop ka! Palabasin mo ako!” sigaw ko dahil galit na galit na ako. “Magpakita ka sa akin! Ilabas mo ako dito!” patuloy akong sumisigaw kahit hindi ko alam kung naririnig ba nila ako. Masakit na rin ang lalamunan ko pero wala akong pakialam. Hanggang sa bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tao. Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko.“Ikaw?” hindi makapaniwala na bulalas ko habang nakatingin sa kanya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata ko.“May inaasahan ka pa ba na iba?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Bakit? Anong ibig sabihin nito?”“Bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘to?” tanong ko ulit sa taong nasa harapan ko.“Bakit naman hindi? May karapatan naman siguro ako na gawin ang lahat ng gusto ko,” sagot pa niya sa akin.“Nasaan ang mga anak ko?” galit na tanong ko sa kanya.“Pinatay ko na sila,” sagot niya sa akin kaya umahon ang galit sa puso ko. Hindi ko inaasahan na ito ang isa
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k
TIMOTHYHindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula sa kaibigan ko. Pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado na para bang wala lang sa akin ang narinig ko.“Thanks, bro.” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa mag-ina ko. Hindi pa sila nagsisimula dahil sa tingin ko ay hinihintay nila ako. O tamang sabihin na hinihintay ako ng anak ko.“Kain na po tayo, daddy.” nakangiti na sabi sa akin ni Zian habang tahimik naman ang dalawa. “Kain na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilagyan ko sila ng pagkain sa plato.“Kaya kong kumuha ng pagkain ko,” malamig na sabi ni Zen nang akmang lalagyan ko ang plato niya ng pagkain.Hindi na lang ako nagpupumilit at nilagyan ko na lang ang plato ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang siya. Mas inasikaso ko na lang ang mga anak namin. Napangiti naman ako dahil magana silang kumain na dalawa. Maliban sa mommy nila.“Daddy, ang sarap mo na po magluto ngayon. Ilang buwan lang po
TIMOTHY“Mr. Richmon, you are—”“Ano po ba ang nangyayari?” putol ko sa sasabihin ng pulis.“May nagreport po sa amin na sapilitan mo daw na isinama ang batang ito.” sagot niya sa akin.“What? Hindi ko siya pinilit,” sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.“Pero may natanggap po kaming report kaya sumama na lang po kayo sa amin. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, Sir.” sabi niya sa akin.“What’s happening, dad?” tanong sa akin ng anak ko.“Kailangan ko lang sumama sa kanila, boss.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“No, he’s my dad kaya wala po siyang kasalanan.”“Daddy mo siya?” nagulat na tanong ng pulis sa anak ko.“Opo, daddy ko po siya.” magalang na sagot ng anak ko sa mga pulis na nasa harapan namin. “Daddy niya pala eh,” narinig ko na sabi ng isa.“Mr. Richmon, sorry po. Sige po, aalis na po kami.” paalam nila sa akin.“It’s okay,” sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Zevi papasok sa loob ng building.Naguguluhan man ako pero saka ko na lang iisipin ang tungkol sa
TIMOTHY“Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo?” tanong niya sa akin. “B–Babe–”“Hindi kita minahal. Hindi ko kayang magmahal ng isang r*pist.” malamig na sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. At parang mas tumindi pa ito. Inaasahan ko na ito ang isasagot niya sa akin pero ang sakit lang na marinig ulit sa kanya ang salitang ito. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya naging tahimik ako dahil nais kong mag-isip. Mag-isip ng mabuti bago ako magsalita dahil alam ko na wala rin naman siyang pakialam sa mga sasabihin ko. Hindi pa rin siya makikinig sa paliwanag ko sa kanya dahil pagdating sa akin ay sarado na ang tainga at bato na ang puso niya.“Sana ay hayaan mo naman ako na magpaliwanag. Pero hindi na talaga ay sorry. Sorry sa nagawa ko sa ‘yo at oo, r*pist ako, pero hindi ko naman sinasadya ang bagay na ‘yon. I’m sorry kung sinira ko ang buhay mo. Puwede mo akong isumpa, puwede mo akong kamuhian pero sana ay hayaan mo ak
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni