Maraming salamat po sa inyong lahat.. Alam ko po na hindi ako active mag-update kaya humihingi po ako ng sorry. Pero sana po kung wlang kwenta na para sa inyo ang story ay puwede naman po ninyo iwan at wag na pong basahin para po hindi masayang ang oras niyo. hindi naman po ako magaling na writer but I'm doing my best para sa mga naniniwala sa akin at sa mga kayang maghintay. feel free to leave po kung pangit para sa inyo ang story.. at sa mga matyaga po na naghihintay. maraming maraming salamat po sa inyo. Ingat po kayo palagi and God bless you po!
THIRD PERSON POV“Kambal, galit ka pa rin ba kay mommy?” tanong ni Zian kay Zevi.“Hindi naman ako galit kay mommy. Nagtatampo lang ako,” sagot ni Zevi sa kanyang kapatid.“Pero sigurado ka ba na daddy natin ang nakita mo?”“I'm a hundred percent sure na daddy natin siya. Ang mga mata niya ay katulad sa mga mata natin. Malakas ang kutob ko na siya ang daddy natin.” sambit ni Zevi.“Pero paano natin siya mahahanap? Alam mo ba ang pangalan niya?” tanong ni Zian.“Hindi ko alam pero naniniwala ako na magkikita pa kami ulit. At kapag nakita ko ulit siya ay papatunayan ko kay mommy na siya ang daddy natin. Sa ngayon ay kailangan kong maghintay kung kailangan ko ulit siya makikita.”“Sana makita ko rin siya para naman malaman ko rin kung totoo ba ang sinasabi mo. Gusto ko rin kasi na makilala ang daddy natin.” Sambit naman ni Zian.“Kailangan natin siyang mahanap para mabuo ang pamilya natin. Mas gusto ko pa rin ang daddy natin kaysa kay Tito Jetro. He’s nice pero iba pa rin ang daddy natin.
ZENNARA“Congratulations to us, guys!” masaya na sabi ko sa ka-team ko dahil natapos na namin ang new product at successful ang ginawa naming project.Naging magaan ang lahat ng trabaho dahil nagtutulungan kaming lahat. “Miss Zen, totoo ba na ito ang una at huling project mo dito? Aalis ka na ba talaga?” tanong sa akin ng isang ka-work ko.“Hindi ko pa alam,” sagot ko sa kanya.“Diba naging mabait na sa ‘yo si Sir. Hindi na kaya siya masungit at kung ano man po ang chismis na ipinapakalat nila sa ‘yo lang kami naniniwala. Alam namin na hindi totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa ‘yo.” “Thank you, guys. Pero hayaan niyo sila. Kung doon sila masaya ay hayaan mo. huwag na kayong makipag-away ulit,” sabi ko sa kanila dahil noong nakaraan ay muntik na silang makipag-sabunutan sa mga alipores ni Olivia.“Pero kasi ang sasama ng mga ugali. Mabait ka at kilala ka namin. Hindi nila alam kung gaano tayo naghirap para lang matapos natin ang project na ito.”“Hayaan niyo na lang sila ang mahala
ZENNARA“Hindi ko pa alam kung matutuloy ba ang pag-alis ko,” saad ko kay Jetro.“Alam ko na may dahilan ka kaya ka nagdadalawang isip. Pero kung ano man ‘yan ay sana mabuti ang dulot sa ‘yo,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Thank you, Jet.” Habang nasa daan kami ay nagkukwentuhan kaming dalawa. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Hindi na siya pumasok dahil may gagawin pa raw siya. Pagpasok ko ay tahimik ang buong bahay. Ang sabi ng kasambahay ay nasa taas raw ang mga anak ko. Pagpasok ko sa room nila ay mahimbing silang natutulog.Niligpit ko ang mga gamit nila dahil mukhang nagdrawing na naman si Zevi. Pagkatapos kong iligpit ay lumabas na rin ako para magluto ng hapunan. Umalis raw si mama kaya kami lang ang nandito. Bukas ay launching na at may party na magaganap. Habang nagluto ako ay nakita ko ang sarili ko sa salamin na nandito sa kusina. Kailangan ko na yatang pumunta sa salon bukas ng umaga.Medyo na-stress kasi ako nitong mga nakaraan kaya hindi na ako nakapag-ayos ng
ZENNARA“Sir,” tawag ko sa kanya.Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nilabas ko sa pouch ko ang resignation letter ko.“Magreresign na po ako,” sabi ko sa kanya.Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kinuha niya ang resignation letter ko at binasa niya ito. Muli siyang tumingin sa akin.“I won’t accept it, hindi ako papayag.” seryoso niyang pinunit ang resignation letter ko.“I’m sorry pero aalis pa rin ako,” sabi ko sa kanya at mabilis akong tumayo para umalis na.Habang naglalakad ako ay nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin.“What are you doing?” tanong ko kay Timothy.“Let’s talk,” sabi niya sa akin.“Wala naman tayong dapat pag-usapan,” saad ko sa kanya.“Meron, hindi ako payag. Hindi ako pumapayag na umalis ka. My company needs you,” sabi niya sa akin kaya bigla akong tumawa.“Really? As I remembered ay ayaw mo nga sa akin diba. You don’t like my work. Tapos ngayon gusto mong mag-stay ako? I’m sorry pero buo na ang loob k–”“Magkano ang kailangan mo para l
ZENNARA“Lumayo ka nga sa akin,” sabi ko at tinulak ko siya palayo sa akin.“Bakit ka namumula? Siguro gwapo ako noh?” mukhang inaasar niya ako.“Feeling,” masungit na sabi ko sa kanya.“Ayaw mo pang aminin na gwapo talaga ako.” sabi pa niya.“Alam mo magdrive ka na lang d’yan. Babaan mo naman ang upuan mo kasi ang taas masyado eh.” sabi ko sa kanya habang nakangiti ako.“Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka,” sabi niya sa akin kaya biglang nawala ang ngiti ko.Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang t*bok ng puso ko na para bang kinakabahan ako. May kung ano rin sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Mas pinili ko na tumahimik na lang. Wala akong balak na magsalita dahil hindi na ako komportable. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe kami. “Ang tahimik mo?” tanong niya sa akin.“Gusto ko lang,” sagot ko sa kanya at inayos ko ang coat niya na suot ko.“Aalis ka ba talaga? Hindi na ba kita mapipigilan? Gusto ko pa kasi sanang magkaroon ng maraming projec
THIRD PERSON POVHindi makatulog ang batang si Zevi. Nakatingin lang siya sa kanyang kakambal na ngayon ay mahimbing na natutulog. Naiinis siya, ayaw niya sa ibang lalaki para sa mommy niya. Isang tao lang ang gusto niya at iyon ang daddy niya. Wala siyang balak na tanggapin ang ibang lalaki. Ayaw niya ng ibang daddy. His tito Jetro is kind and caring pero iba pa rin kapag ang tunay niyang daddy ang mag-aalaga sa kanya. Mas gusto niya ‘yun/ mas gusto nila ni Zian ng ganun. Mabilis niyang kinuha ang drawing na nasa ilalim ng kanyang unan. Pinagmasdan niya ng mabuti ang drawing niya. Sigurado siya na ito ang mukha ng kanyang ama. Malakas ang pakiramdam niya na ito ang daddy nila. Pareho ang kulay ng mga mata nila. Ginawa niya ang lahat para maging maganda ang drawing niya. Para makuha niya ang mukha ng lalaki na nakita noong nasa mall sila. Ilang araw at linggo na ang lumipas pero malinaw pa rin sa alaala niya ang mukha nito.Kahit pa sabihin ng kanyang mommy na patay na ang daddy nila
ZENNARA “Mommy!” tawag niya ulit sa akin.Mabilis mo namang sinalubong ang anak ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na muna binigyan ng pansin ang taong kasama niya dahil ang mahalaga sa akin ay ang anak ko. Sobrang nag-aalala at natatakot ako habang naghihintay ako dito. Kaya naman mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.“I can’t breathe, mom.” sabi niya sa akin.“Baby, saan ka ba nagpunta? Bakit ka umalis? Nag-aalala si mommy. Please, ‘wag mong gawin ito ulit ha. Promise me, Zevi.” umiiyak na kausap ko sa kanya.“I’m sorry, mommy.” Umiiyak niya akong niyakap ulit.“Promise me, hindi mo na ito gagawin.” sabi ko sa kanya.“Promise po, mommy. Mabuti na lang po at nakita ako ni uncle.” sabi niya sa akin sabay turo kay Timothy.“Thank you, Tim. Thank you kasi ikaw ang nakahanap sa anak ko.” sabi ko sa kanya.“Masaya ako na makatulong,” sagot niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.Ngumiti ako sa kanya dahil nagpapasalamat talaga ako. Kung kanina ay hindi ko na alam kung ano
ZENNARA“Hindi mo man lang ba ako iimbitahin sa loob?” tanong niya sa akin.“Pasok ka sa loob,” sabi ko lang sa kanya para makapagkape siya.Pagpasok naman ay pababa ang mga anak ko sa hagdan. Tumigil sa paglalakad si Zian pero bigla ring tumakbo pababa. At mabilis na lumapit kay Timothy.“Ikaw po ba ang—”“Ang ano boss?” nakangiti na tanong ni Tim sa anak ko.“Ang nakahanap sa kapatid ko?” tanong ni Zian habang nakangiti sa lalaki.“Opo ako nga po,” sagot ni Tim at bigla na lang niyang binuhat ang anak ko.“Thank you po dahil nahanap mo ang kapatid ko.” malambing na sabi ni Zian at hinalikan niya sa pisngi si Timothy.“Ang sweet pala ng mga anak mo.” sabi niya sa akin.“Oo, mabait silang mga bata at talagang malambing sila.”“Mabuti naman,” sabi niya at binuhat rin si Zevi dahil nagpabuhat ito.“Baby, maligo ka kaya muna parang hindi pa kayo nagkikita ng tubig.” sabi niya sa akin kaya bigla akong nahiya at tumingin sa sarili ko.Nagulat rin ako dahil nakapantulog pa rin ako. Sa sobran
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k
TIMOTHYHindi ko alam kong ano ba ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula sa kaibigan ko. Pero mas pinili ko pa rin na maging kalmado na para bang wala lang sa akin ang narinig ko.“Thanks, bro.” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya.Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa mag-ina ko. Hindi pa sila nagsisimula dahil sa tingin ko ay hinihintay nila ako. O tamang sabihin na hinihintay ako ng anak ko.“Kain na po tayo, daddy.” nakangiti na sabi sa akin ni Zian habang tahimik naman ang dalawa. “Kain na tayo,” nakangiti na sabi ko at nilagyan ko sila ng pagkain sa plato.“Kaya kong kumuha ng pagkain ko,” malamig na sabi ni Zen nang akmang lalagyan ko ang plato niya ng pagkain.Hindi na lang ako nagpupumilit at nilagyan ko na lang ang plato ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang siya. Mas inasikaso ko na lang ang mga anak namin. Napangiti naman ako dahil magana silang kumain na dalawa. Maliban sa mommy nila.“Daddy, ang sarap mo na po magluto ngayon. Ilang buwan lang po
TIMOTHY“Mr. Richmon, you are—”“Ano po ba ang nangyayari?” putol ko sa sasabihin ng pulis.“May nagreport po sa amin na sapilitan mo daw na isinama ang batang ito.” sagot niya sa akin.“What? Hindi ko siya pinilit,” sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.“Pero may natanggap po kaming report kaya sumama na lang po kayo sa amin. Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, Sir.” sabi niya sa akin.“What’s happening, dad?” tanong sa akin ng anak ko.“Kailangan ko lang sumama sa kanila, boss.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“No, he’s my dad kaya wala po siyang kasalanan.”“Daddy mo siya?” nagulat na tanong ng pulis sa anak ko.“Opo, daddy ko po siya.” magalang na sagot ng anak ko sa mga pulis na nasa harapan namin. “Daddy niya pala eh,” narinig ko na sabi ng isa.“Mr. Richmon, sorry po. Sige po, aalis na po kami.” paalam nila sa akin.“It’s okay,” sabi ko at naglakad na kaming dalawa ni Zevi papasok sa loob ng building.Naguguluhan man ako pero saka ko na lang iisipin ang tungkol sa
TIMOTHY“Gusto mong malaman ang sagot ko sa tanong mo?” tanong niya sa akin. “B–Babe–”“Hindi kita minahal. Hindi ko kayang magmahal ng isang r*pist.” malamig na sabi niya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit niya sa akin. At parang mas tumindi pa ito. Inaasahan ko na ito ang isasagot niya sa akin pero ang sakit lang na marinig ulit sa kanya ang salitang ito. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya naging tahimik ako dahil nais kong mag-isip. Mag-isip ng mabuti bago ako magsalita dahil alam ko na wala rin naman siyang pakialam sa mga sasabihin ko. Hindi pa rin siya makikinig sa paliwanag ko sa kanya dahil pagdating sa akin ay sarado na ang tainga at bato na ang puso niya.“Sana ay hayaan mo naman ako na magpaliwanag. Pero hindi na talaga ay sorry. Sorry sa nagawa ko sa ‘yo at oo, r*pist ako, pero hindi ko naman sinasadya ang bagay na ‘yon. I’m sorry kung sinira ko ang buhay mo. Puwede mo akong isumpa, puwede mo akong kamuhian pero sana ay hayaan mo ak
TIMOTHYKanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. Nararamdaman ko kasi ang tingin sa akin ni Zen. Nag-aalala ako, natatakot rin na baka magalit siya sa akin. Pero galit naman na talaga siya sa akin kaya bakit pa ako mag-aalala. Pero iba yata ngayon dahil kinakabahan talaga ako. Naka-ilang beses na rin akong uminom ng tubig.“Sir, okay ka lang po ba?” tanong sa akin ng secretary ko.“I’m good,” sagot ko sa kanya.Nagpatuloy ang meeting namin. Laking pasasalamat ko rin na natapos namin ito ng maayos. Tumayo ako at pumunta ako kay Zen. “Can we talk?” tanong ko sa kanya.“I’m busy,” sagot niya sa akin.“Hihintayin ko na matapos ka.” sagot ko sa kanya.“Matagal pa ako at kahit pa maghintay ka ay wala akong pakialam. Bumalik ka na lang sa kasama mo. Hinihintay ka niya,” sabi niya sa akin.Lumingon naman ako sa secretary ko. Lumapit ako sa kanya para pabalikin na siya sa company.“You can go back to the office now,” sabi
TIMOTHY“Ouch!” napadaing ako dahil naramdaman kong nahulog ako sa kama.“What the–”Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa na-realize ko na sinipa niya ako kaya ako nahulog.“Bakit ka tumabi sa akin?” galit na tanong niya sa akin.“Binuhat lang kita. Baka kasi sumakit ang likod mo doo–”“Ano naman kung sumakit ang likod ko? Bwisit ka! Ilabas mo ang mga anak ko! Ipapapulis talaga kita kapag hindi mo sila nilabas ngayon!” sigaw niya sa akin.“Ang ingay mo, babe.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumangon kahit pa ang sakit ng balakang ko.“Kung ayaw mo na maingay ako ay ilabas mo na ang mga anak k–”“Anak natin,” pagtatama ko pero inirapan lang niya ako.Lihim naman akong napangiti dahil kahit ganito siya ay mas okay kaysa maging tahimik lang siya at hindi ako kausapin. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo. Mabilis lang naman ako. After kong maligo ay lumabas rin ako agad pero wala na siya. Mabilis akong lumabas sa room na ito dahil kinakabahan ako. Nakahinga naman ako ng m
TIMOTHYHindi naman talaga ako lasing. Nagkunwari lang ako dahil gusto ko na makasama ang mga anak ko. Kung matalino na ang tingin ko sa sarili ko ay mas matalino pala ang anak ko sa akin. Kahit pa gusto ko silang kausapin kanina ay hindi ko ginawa. Ang kaibigan ko na lang ang pinakausap ko sa mga anak ko. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ako magreact nang buhusan niya ako ng tubig. Sh*t! Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Mas nakakatakot siya kaysa sa iniisip ko. Hindi ko talaga inasahan na bubuhusan niya ako para lang gisingin ako.But it’s worth it dahil kasama ko ngayon ang mga anak ko.“Daddy, hintayin na lang natin si mommy na pumunta dito,” nakangisi na sabi ng anak ko sa akin.Halatang may balak rin talaga siya. Mana nga talaga sa akin ang anak kong itong.“Baka lalo siyang magalit sa akin.” “Magalit man siya ay hayaan niyo na po. Galit naman na talaga siya sa ‘yo kaya kailangan mo na talagang gumawa ng way para ‘di na siya magalit pa sa ‘yo ng sobra.” natatawa
THIRD PERSON POV “I hate you!” galit na sigaw ni Zevi sa kanyang ina. “Zevi, ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi na kayo puwedeng makipag-usap sa lalaking ‘yon?” galit na sambit ni Zen. “Bakit po? Bakit ka ganyan? Daddy namin siya at karapatan po namin na makasama siya.” lakas loob na sabi ni Zevi. “Hindi niyo siya daddy.” “Siya po ang daddy namin. Malinaw na malinaw na siya at may DNA test kami para patunayan namin ‘yon sa ‘yo. Alam ko na galit ka sa kanya dahil nalaman mo na ang totoo na siya ang daddy namin. Pero pinakinggan mo man lang ba ang reason niya? Kung bakit niya ‘yun ginawa sa ‘yo? You’re heartless, mom.” umiiyak na sabi nito. “Siya ang heartless at hindi ako. Pinaglaruan niya ako at alam kung ano ang mas masakit? Na pinagkaisahan niyo akong tatlo, na mas pinili niyo siya kaysa sa akin. At ngayon, siya pa rin ang pinipili niyo. Ako ang mommy niyo, kaya bakit?” galit na tanong ni Zen sa kanyang anak. “Hindi naman po namin siya pinipili.” biglang sabat ni
TIMOTHY“Mommy, nagugutom po kami. Gusto po naming kumain.” biglang sabi ni Zevi sa mommy niya.“Kumain na tayo diba?” naiinis na tanong ni Zen.“Opo, pero nagugutom po kami. Mukha pa naman pong masarap ang dala ni daddy.” sabi naman ni Zian.“No, sa loob na kayo kumain. May pagkain nam–”“Malinis naman ito. Kaya safe naman para sa kanil–”“Malinis? Hindi ko pinapakain ang mga anak ko ng galing sa isang—”“I understand,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na mas lalo pa siyang magalit sa akin at higit sa lahat ay ayaw kong marinig ng mga anak ko ang galit niya sa akin.“Ayaw namin ng ibang pagkain. Gusto namin ang pagkain na dala ni daddy.” pagmamatigas ni Zevi at pinipilit na mas gusto niya ang dala ko.“Boss, sige na pumasok na kayo. Huwag maging pasaway sa mommy niyo.” kausap ko sa kanya.“Nilayo mo na nga kami kay daddy tapos ngayon pinagbabawalan mo na naman kami,” galit na sabi ng anak ko at mabilis na pumasok sa loob.“Bye, daddy.” paalam sa akin ni Zian at sumunod na sa kapatid niy